Hindi makatulog si Yelena. Pabiling-biling siya sa higaan. Nang ilang minuto na at hindi pa rin siya antukin ay dahan-dahan na siyang bumangon at tumanaw sa labas ng bintana. Madilim na ang kalangitan. Tanging makukulay na bombilya lamang ang tumatanglaw sa buong solar ng mga Nagma.Pinagmasdan niya ang kalangitan. Hindi katulad ng nagdaang araw na ang ina at tiya ang bumabagabag sa kanya, ngayon ay iba. Sa estranghero nang pangalan lamang ang tanging alam niya. Niyuko niya ang paa na may nakasuot na sandalyas, at napangiti. Sa kanya galing ang mga damit, sandals at painting set na natanggap ko. Ni hindi pa siya nagpasalamat rito. Teka, paano nito nalaman ang sukat ng underwear ko? Nakakahiya. Nasapo niya ang dalawang nag-iinit na pisngi.Hindi siya bumaba upang kumain ng tanghalian dahil sa lalaki. Ayaw niyang makita ito. Nagkulong lamang siya sa kaniyang kuwarto.Oras ng hapunan nang dumating si Kiel. Nang nalaman nitong hindi bumaba si Yelena upang mananghalian ay kinatok nito sa
Ipinikit ng mariin ni Yelena ang mga mata at isinubsob ang mukha sa kama. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili siya sa ganoong ayos. Minuto na ang nakalipas, but she could still feel the effect of that unforgettable moment na naranasan niya sa mga kamay ni Angelo. It was an intense pleasure she felt for the first time in her life.Hindi niya alam kung maiiyak siya, magagalit o mahihiya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. A stranger seduced her. At hinayaan lamang niya.Hindi niya alam kung bakit hindi niya nagawang pigilin ang ginawa nito sa kanya. At mas lalong hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi nitong dahilan kung bakit pinigilan nito ang sariling hagkan siya. Sa estado ng utak niya kanina, sigurado siyang hindi lang halik ang makukuha nito sa kaniya. Wala siyang gagawin para tutulan ito sa gustong gawin sa kaniya.Dahil God, nababaliw na siya.Slowly, she removed the blanket out of her body. Itinapak niya ang paa sa malamig na sahig. Hindi niya makita ang
Mula sa pagpipinta sa isang bahagi ng hardin ay natuon ang paningin ni Yelena sa papalapit na si Angelo. Hindi niya naiwasang titigan ito.He looked handsome as ever in his white shirt and khaki pants. Like a Pagan God, he walked confidently with a warm smile on his face.Naroon siya sa hardin dahil napagdesisyunan niyang doon na tapusin ang kaniyang obra. At dahil nasa open na lugar ay inaasahan niya na ang paglapit ng lalaki."Puwede ba akong tumabi?" paalam nito sa kaniya nang makalapit.Marahan siyang tumango at nagpatuloy sa pagpipinta. Sira na ang konsentrasyon niya pero hindi siya nagpahalata.Umupo si Angelo sa kaniyang tabi. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. "Napatawad mo na ba ako?" he whispered hoarsely, malapit sa kaniyang tainga.Her body tensed. She could feel his breath skimmed in her skin.Ipinilig niya ang ulo at bumuntong-hininga. Pilit binabalewala ang epekto nito sa pagkatao niya."May kasalanan din ako," sagot niya rito sa pabu
Lulan ng Mercedez sports ay nakatanaw sa labas ng bintana si Yelena. Tahimik niyang tinitingnan ang mga nadadaanan na mga kabahayan, kakahuyan at karagatan sa hindi kalayuan.Palabas na sila ng Quezon. Unang beses na lilisanin niya ang lugar na kinagisnan.Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon— nalulungkot siya dahil ang mga hindi pamilyar na establisyemiyento sa labas ng bintana na natatanaw niya ay nangangahulugan na palayo na siya ng palayo sa lugar at buhay na nakasanayan niya; kinakabahan siya, natatakot at nangangamba dahil iyon ang unang beses na malalayo siya sa pamilya. Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya sa araw na iyon at sa mga susunod pa, sa piling ng estrangherong tao sa estrangherong lugar; subalit sa tagong sulok ng dibdib ay para siyang nakahinga ng maluwag. Parang nawala ang mabigat na kamay na dati'y sumasakal sa kaniya. Hindi niya na ngayon kailangang pigilin ang sarili na gawin ang mga gusto niya. Hindi niya na kailangang magpaalam mun
Nagising si Yelena na magaan ang pakiramdam. Ilang minuto siyang nakatitig sa kisame habang nakangiti kahit wala namang nakikitang interesante doon.Hindi niya alam kung ano'ng oras na silang natulog ni Angelo ng nagdaang gabi. They stayed on the seashore talking nonsense, laughing endlessly, enjoying the breathtaking sceneries in the dark sky.Masigla siyang tumayo, nag-ayos ng higaan at naligo. Nagbibihis na siya sa loob ng banyo nang mayroon siyang mapansin— nakasampay ang mga damit na pinagbihisan niya ng nagdaang araw!Pumasok ba si Angelo sa kuwarto niya? Ito ba ang naglaba ng mga damit niya?Mabilis siyang bumaba ng komedor. Naabutan niya ang lalaki na abala sa pagluluto."Good morning!" masayang pagbati niya rito, pinagsalikop sa likod ang dalawang kamay. "May itatanong ako.""Good morning din," ganting pagbati nito. Matapos siyang lingunin saglit ay muli na nitong hinarap ang ginagawa. "Ano'ng itatanong mo?"Kahit nakatalikod ito sa kaniya ay gusto niyang mamula ng maalala an
The sky was clear and the setting of the sun was so perfect— it goes down gradually as if falling, like fire engulfing the other side of the earth while the surface of the sea was like a liquid silver glimmering with the reflection of sun's light.Noon para kay Angelo ay walang tatalo sa ganda ng tanawin ng papalubog na araw. Ngunit ngayon...Umalis siya sa pagkakapanungaw sa bintana and turned his head slowly in the sleeping figure of Yelena. Matiim na pinagmamasdan niya ito. Maaga itong nakatulog. Marahil ay napagod sa kalulunoy sa dagat.Pinanhik niya ito sa kuwarto upang tawaging maghapunan, ngunit naabutan niya itong nahihimbing. Natapos niya ng labahan at isampay ang mga damit nitong nasa banyo, tulad ng gabi-gabi niyang ginagawa ngunit hindi pa rin ito nagigising.Hinawi niya ang buhok nitong nakaharang sa mukha.Maging sa pagtulog ay napakaamo ng mukha nito.Para itong prutas sa gitna ng hardin ng Eden na nakatatakam ngunit ipinagbabawal tikman.Matapos ang ilang buntong-hini
Nagising si Yelena na masakit ang ulo. Ilang minuto siyang nakapikit bago nagdesisyong bumangon. Ngunit muli siyang napabalik sa kama."A-aray..." Napapikit siyang muli at napahawak sa noo. Pakiramdam niya'y minamartilyo ang ulo niya.Sa isip niya, gano'n pala ang pakiramdam ng may hang over. "Ayoko ng uminom," naluluha niyang bulong sa sarili.Napadilat at napabangon siyang bigla nang may kumudlit sa isip niya na isang eksena- siya at si Angelo! At nasundan pa ng ilan pang eksena.Angelo...I'm sorry...Hindi ko na kaya ang sarili ko...She gasped loudly and covered her mouth with her palms.Mahabagin, ano 'yon? Bakit may gano'n siyang alaala? Gusto niyang sampalin ang sarili. Gawa-gawa lang ba 'yon ng isip niya? Totoong nangyari? O isang panaginip?Hindi niya alam. Mas gusto niyang isipin na nahihibang na siya para magkaroon ng ganoong alaala.Sapu-sapo ang noo na tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili.Wala namang masakit sa kahit anong parte ng katawan niya. Iyon pa rin ang dami
WARNING: Matured Content| R18+Pinahid ni Yelena ang luha sa mga mata. Dahan-dahang tumayo at sa pasuray-suray na paraan ay tinungo niya ang sariling kuwarto.Pabagsak niyang nilatag ang sarili sa higaan. Ipinailalim niya sa kumot ang hubad na katawan. Nang maramdamang tutulo na naman ang mga luha ay isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan.Napahiya siya— kay Angelo dahil umasa siya na ang magandang pakikitungo ng lalaki sa kaniya ay sinyales na gusto siya nito. Sadyang mabait lang pala talaga ito; at sa sarili niya. Mataas ang tingin niya sa sarili, ano at bigla siyang nagpakababa? Gano'n na ba talaga siya kadesperada?Inangat niya ang mukha upang huminga ng malalim. What now? Maiilang na siyang humarap kay Angelo, pati rin ito. Baka hindi na siya nito pansinin.Her heart ache at the thought.Muli siyang napahikbi. Pilit niyang inutusan ang kaniyang sarili na huwag ng umiyak at masaktan."Lena..."Napakislot siya nang bumukas ang kaniyang pintuan. Sa kaniyang nanlalabong mata a
SA loob ng drawing room, itinuloy ng mag-anak ang aminan ng mga lihim."Mula pagkabata ay tatlo kaming magkakasama nina Orlando at Sebastian. Daig pa ang magkakapatid," salaysay ng nakatingin sa labas ng bintana na si Emileen. "Mas matanda sila sa akin at iba ang kalagayan sa lipunan, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming samahan, dahil ang mga ama namin ay matatalik din na magkakaibigan noong araw— ang aking tatay Julian, ang tatay ni Orlando na si tiyo Alberto, at ang biyudong tatay ni Sebastian na si tiyo Artemio. Noong namatay ang tiyo Alberto, ang nanay ni Orlando na si tiya Juana ay pinakasalan ni tiyo Artemio. Kahit pa magkaibigan ay hindi tinanggap ni Sebastian ang mag-inang Orlando at Juana. Sa huli namin nalaman na matagal na palang may inggit si Sebastian kay Orlando na lalong tumindi nang pamanahan ng mas malaki ang mag-ina noong pumanaw si tiyo Artemio at noong. . . noong sinagot ko ang pag-ibig ni Orlando. Hindi ko alam na gusto niya ako. Hanggang sa kidnap-in niya
Patingkayad na naglakad si Yelena papasok ng banyo. Lihim niyang minumura ang sarili."Harot! Maharot ka, self. Marupok ka!"Matapos maligo ay nagmamadali siyang umalis. Pumunta siya sa ibiniling lugar ni Aeissa.Sa daan ay t-in-ext niya ang ama na may pupuntahan siyang kaibigan.Pinagbuksan siya ni Aeissa ng pinto na gulo-gulo pa ang buhok habang kinukusot ang mata. Kagigising lang "Mamayang gabi pa ang usapan natin. Excited much?""Yes. Bar na bar na ako." She raised her hand and shake her body. Imitating the party goer's dance. Napangiwi sa kaniya ang kaibigan. "Are you okay?"Natigilan siya. Dahan-dahang ibinaba ang kamay. "Uhm, yes.""Pasok ka."---Dinukot ni Yelena sa bulsa ang cell phone nang maramdamang nag-vibrate iyon.Tumatawag si Angelo!Mabilis niya iyong c-in-ancel, ngunit tumunog uli kaya tinuluyan niya nang pinatay ang aparatu.Hindi niya napansin ang panay na sulyap sa kaniya ni Aeissa. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya matapos ilapag sa harapan niya ang i
Sa pagbabalik ni Yelena sa pamilya Borromeo ay masaya siyang sinalubong ng madrasta."Na-miss kita, hija." Emy kissed her cheek in a well-composed manner. "Araw-araw kong pinalilinis ang kuwarto mo dahil alam ko one of these days, babalik ka. Do you still remember our plan before?""Anong plan po?""Na pupunta tayo sa Palawan? Sasama raw ang Daddy mo. Ipapasyal ka namin."Naging tabingi ang ngiti niya. "S-sige po.""Pagpahingahin mo muna si Yelena, Emileen. Paniguradong pagod siya, darling," singit na tinig ng kaniyang ama."Sige. Mamaya na kita kukulitin. Angelo, buhatin mo ang mga gamit ng kapatid mo."What she heard from her stepmother went her rigid. Nagmamadali siyang nagpaalam sa mag-asawa at nauna ng umakyat upang pumasok sa kuwarto.Nang marinig ang pagsunod ni Angelo at pagbukas ng pinto ay walang lingon-likod siyang nagsalita. "Ilapag mo na lang diyan ang mga bagahe ko. Puwede ka ng umalis."Dumapa siya sa higaan. Ilang minuto siya sa ganoong puwesto, ngunit pag-angat niya
Mabituin ang langit. Malamig ang simoy ng hangin sa veranda na kinaroroonan ni Yelena. Ngunit hindi iyon nakatulong upang gumaan ang pakiramdam niya.Magkasunod niyang nakausap ang Mama Erlinda at Mama Ediza niya. Wala pa ring alam ang mga ito.Gustuhin man niyang ikuwento sa mga ito ang dinaranas niya pero mas pinili niyang sarilinin na lamang. Mag-isa siyang umiiyak sa ibabaw ng kama — for Angelo using her for physical needs, for her broken heart, for missing her mothers terribly, for incident that almost happened earlier, and. . . for losing the baby she hadn't taken care of.Sa nangyaring insidente ay nakunan siya. Nalaman ni Angelo ang lihim niya. Hindi mahirap hulaan na ito ang ama ngunit walang namagitan na usapan sa kanila pagkagaling ng ospital.Sising-sisi niya ang sarili niya. Ang inaasahan niyang anghel na makakasama, nawala sa isang iglap lamang. Naisip niya, pinaparusahan siya ng Maykapal. Kaya siguro siya laging nasasaktan dahil mali ang ginagawa niya. Kaya siguro kin
Gusto ng magpahinga ni Yelena. Epektibo ang maghapong pagpapagod at pang-aaliw niya sa sarili. Idagdag pang ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan. Kaya matapos maglinis ng katawan ay diretso na siyang natulog.Ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang paglubog ng gilid ng kama niya. Ilang beses niyang pinikit-dinilat ang mga mata. Sa tulong ng tanglaw ng lampshade sa tabi ng kama niya ay nakita niya ang nakaupo sa tabi niyang si Angelo.Napabalikwas siya ng bangon. Itinukod niya ang magkabilang siko sa kama."Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa naiiritang tinig."Kaibigan ko pa ang napili mo para akitin?""Ano?" nalilitong balik-tanong niya.Tumingin siya sa labas ng bintana. Ano'ng oras na ba at narito ito sa silid niya? Bakit suot pa rin nito ang damit nito ng umalis ng umaga? At bakit magulo ang buhok nito? Nakainom ba ito?Umiling ang binata. "Don't mind what I said," anito. Pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Magulo ang mahabang buhok nito na ang ilang hibla
Yelena was so tired in her everyday experiences in the office. It wasn't bad as she expected, per se. All of their employees were kind to her, na lubos niyang pinagpapasalamat. Ang trabaho ay kayang-kaya niya. Ang problema lang talaga ay si Angelo mismo. Tinatambakan siya nito ng trabaho at pakiramdam niya ay sinasadya nito 'yon.Like now, she was eating her dinner while in her hands were the sales report last month. Angelo asked her to analyze it. It wasn't the worst report she'd seen, but she was really tired at that moment. At kailangan niya talagang isabay ang pagbabasa no'n sa pagkain dahil uwing-uwi na siya. Gusto niya ng ihilata ang pagal na katawan sa malambot na kama.Tumingala siya at minasahe ang magkabilang balikat.Tumunog ang cellphone niya. Ang mama Ediza niya ang nakalagay sa caller ID.Mabilis niyang sinagot 'yon. "Hello po?""Yelena, kumusta?" mahinahong tanong sa kabilang linya.Tired and sad, gusto niya sanang itugon ngunit ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Sa
"No, man. You can't stay in my unit. Wala ng lugar para sa 'yo. Manatili ka na diyan sa inyo.""You know that I just can't," Angelo said between his teeth. Kausap niya sa telepono ang kaibigan niyang si Terrence. Kaibigan niya ito mula kolehiyo."Doon ka na lang sa rest house mo sa Palawan. And, may bahay rin ang pamilya mo doon. Wala namang nakatira.""Too far. Marami akong aasikasuhin sa ZARBTech.""Akala ko ba ayaw mong iwan ang bahay niyo at ang tita Emileen?""You know the reason," he hissed.He needs to find a place as soon as possible. Or else, Yelena will going to be his nightmare. Titira ito sa bahay nila sa loob ng isang buwan.Hindi siya duwag. Ayaw lang niyang mamroblema ang magulang dahil sa nakaraan nila.He heard a laughter on the other line. "Ang sarap kaya magkaroon ng hot little sister.""Stop teasing!"---"Wala akong anak na babae. I'm so happy that you're here, hija."Hindi makapaniwala si Yelena. Everything felt surreal. Mabait sa kaniya ang kaniyang ama, ang mga
Flashbacks continue. . . Sa araw ding iyon ay kinausap ni Ediza si Orlando. Nagkita sila sa restaurant na dati'y pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya na mapagpabukas pa dahil natatakot siyang isa sa mga darating na araw ay mawala ang kapatid niya."May ipapakiusap ako sa iyo, Orlando," panimula niya. Pinapanatiling seryoso at malamig ang titig at tinig kahit ang totoo sa kaloob-looban niya ay gusto niya ng bumuwal. Pinigilan niya ang pagsungaw ng luha bago muling nagsalita. Isinalaysay niya rito ang kalagayan ni Erlinda, at sa huli ay isinaad, "kailangan ng kapatid ko ng sanggol para gustuhin nitong mabuhay pa."Hindi makapaniwala si Orlando sa narinig. "At. . . ang anak natin ang gusto mong—?""Ganoon na nga.""Ano'ng klase kang ina para ipamigay ang sarili mong anak, Ediza?!""Kailangan kong tulungan ang kapatid ko.""Na ang kapalit ay pagkasira ng pamilya natin?"Hindi siya nakaimik. Ipinahihiwatig ng tinig ni Orlando na mawawala ito sa kanya. At hindi nga siya nagkamali, dahil ang
Lumuwas ng Maynila ang mag-inang Ediza at Yelena. Ayaw ng nakatatandang babae na makipagkita ang ama ng anak sa San Ignacio dahil umano sa mga mapanuring mata at mapanghusgang salita na maaaring ipukol sa kanila.Pagdating sa napagkasunduang lugar ay natanaw agad ni Ediza ang pakay. Nakaupong tuwid na tuwid ang likod habang kampanteng humihigop ng kape. Postura at pananamit lamang nito ay mahihinuha agad na mayaman itong lalaki.Si Yelena ay nanlalaki ang mga mata. Ang tinatahak nila ay ang direksyon ng isang lalaking pamilyar sa kaniya. 'Yong lalaki sa exhibit! "Mama, siya ang tatay ko?"Bago pa makasagot ang ina ay humarap na ang tinutukoy niya. Ngumiti ito at tumayo pagkakita sa kanila. "Good morning!" bati nito.The man was tall, about on his early fifties. Wala pa itong puting buhok. Mapungay ang mga mata at matangos ang ilong. Kagalang-galang ang itsura nito sa suot na polo barong at itim na slacks. Ang paningin nito ay nakatuon sa kaniya.Umingos ang kaniyang ina. Mukhang walan