Gaya ng inaasahan, inulan ng sermon ng tiyahin at tiyuhin niya si Yelena.
Kahit masasakit ang mga naririnig ay hindi siya umiimik. Sobra ang guilt na nararamdaman niya. Ang alam lang ng mga ito na kasalanan niya ay ang pagsisinungaling niya tungkol sa party ni Theya. Hindi alam ng mga ito na pumunta siyang bar, uminom, at nakipag-usap sa isang estranghero.Wait, hindi lang pala siya nakipag-usap. Ayaw na niyang banggitin. Lalo lang siyang magi-guilty sa harap ng tiya at tiyo niya."Papauwiin ko rito si Erlinda. Para alam niya kung gaano katigas ang ulo mo." Ang Erlindang tinukoy nito ay ang kaniyang mama.She bit her lower lip. Naidamay niya ang ina."Opo," nakayuko niyang sagot. Sa lahat ng litanya ng mga ito, 'opo' lang lahat ang itinugon niya. Wala siyang karapatang sumagot sa dami ng kasalanan niya sa mga ito.---Sa sumunod na mga araw ay lalong humigpit ang tiyahin at tiyuhin ni Yelena.Hindi siya pinapalabas ng mga ito ng bahay, at hindi na pinapa-contact sa kaniyang mga kaibigan. Ayos lang naman dahil para sa kaniya, deserved niya 'yon.Isang linggo pagkaraan ay umuwi ang kanyang ina matapos pilitin ng kanyang tiya na magfile ng emergency leave para sa kanya.Masaya siya na makita itong muli, ngunit nalulungkot siya na hindi maganda ang dahilan ng pag-uwi nito— iyon ay upang ayusin umano ang nanlalabo niyang isip, ayon sa tiyo Jimmy niya.Sa pagdating ng ina ay nabawasan ang lungkot ni Yelena. Parang bata ang mama niya na masayahin, makuwento at palabiro kaya walang dull moment kapag kasama niya ito. Para lang silang magkapatid. Hindi lang sa turingan kundi maging sa itsura dahil maganda ang kaniyang mama at mahilig sumabay sa mga uso.Isang araw ay umuwi ito galing palengke na mayroong dalang balita."Anak! Nakita ko ang kaibigan mong si Ezekiel Nagma! Kaibigan mo 'yon, 'di ba?"Mula sa pagbabanlaw ng damit ay tumayo siya at lumapit rito. "Si Kiel? Opo.""Pamilya niya pala ang may-ari ng malaking mall dito sa San Ignacio?""Opo, Mama." Matagal niya ng alam 'yon. Mayayaman talaga ang mga kaibigan niya. Iilan lang silang kinapos sa buhay. Well, ang kaniyang pamilya ay hindi naman naghihikahos— maganda ang trabaho at sahod ng kaniyang mama sa Qatar, malaki ang minamandong bukirin ng kaniyang tiyuhin at ang kaniyang tiya Ediza ay may puwesto sa palengke na sa isang malayong kamag-anak pinapabantay. Maayos ang kanilang pamumuhay ngunit sapat lang upang mabuhay sila ng maayos sa araw-araw. Unlike her friends who were born with silver spoon on their mouths, katulad nina Eureka, Kyira, Yniez, Kiel, Nimfa, Reika, at Anatheya na negosyante ang mga magulang. Ang kuya Tyler niya naman ay lumaking mahirap, pero nang maswerteng nakapag-asawa ang biyudang ina nito ng isang milyonaryo, biglang nagbago ang buhay ng mga ito.Lumapit siya sa ref at kinuha ang towel na nakasabit sa handle at nagpunas ng basang kamay roon. "Ano po napag-usapan niyo?""Magbubukas daw siya ng gallery, Nagma Galleria ang pangalan at naghahanap siya ng mga artist. Sa araw ng pagbubukas raw ay darating ang mga negosyante at kaibigang pamilya ng mga Nagma na mahilig sa mga painting. Pinapatanong niya kung gusto mo ibenta ang mga gawa mo. Hindi ka daw niya makontak."She gave a sad smile. "Sinadya ko pong iwasan sila para kina tiya.""Pabayaan mo ang tiya mo. Masungit 'yon dahil kulang sa lambing. Wala kasing jowa."She burst out laughing sa biro ng ina. Makulit talaga ito."Sa lunes na daw ang opening. Be ready."Saglit siyang nag-isip. Gustuhin man niyang tanggihan ang oportunidad na 'yon, mas nananaig ang kaniyang kagustuhang abutin ang kaniyang pangarap.With a tight smile, tumango siya sa ina. "Opo.""Nakita na marahil ni Ezekiel ang mga gawa mo kaya kinukulit niya akong sabihan ka.""Opo. Nabentahan ko na siya noon." Landscape 'yon noon na ipinapinta nito sa malaking canvass na nakadisplay ngayon sa bahay ng mga ito sa San Ignacio."Pagkakataon mo na ito, anak."Napangiti siya sa suporta ng kanyang mama.---Matapos ilibot ang tingin sa kuwarto niyang punong-puno ng paintings, nagdesisyon si Yelena na hanapin ang kanyang tiya. Natagpuan niya itong nagtutupi sa kuwarto nito."Tiya..." Dahan-dahan siyang lumapit rito."Bakit?"She went still.'Bakit' palang ang tinatanong nito, kinabahan na siya agad.She cleared her throat. "M-May ipapaalam po sana ako." Nakayukong naglalaro sa isa't isa ang mga daliri niya sa magkabilang kamay sa nerbiyos. "Kanina ay nakita po ni mama si Kiel sa bayan. 'Yong kaibigan ko po na—""Kilala ko siya. Siya ang kaibigan mong nakasuot ng salamin, hindi ngumingiti at matapobre palibhasa'y pinanganak na may gintong kutsara sa bibig."She winced. Gusto niya sanang sabihing masungit lang ang kaibigan at hindi matapobre pero hindi na lamang siya umimik. "Siya nga po," napipilitan niyang sang-ayon. Pagkuwa'y ikinuwento niya rito ang ibinalita sa kanya ng ina.Tiya Ediza looked at her calmly after, as if she already expected what she told her, then spoke words that were rimed with ice. "Hindi ka aalis.""Ihahatid ko lang ang paintings, tiya. Hanggang reception lang po ako ng gallery. Ibibilin ko na lang ho ang kikitain kung sakali kay Kiel.""Hindi ka sabi aalis. Hindi ka puwedeng pumunta doon.""Uuwi po ako pagkabilin kay Kiel, tiya. Minuto ko lang po siyang—""Hindi nga puwede sabi eh!"Yelena sucked in her breath in her aunt's outburst. Ediza looked like as if she want to strike her. Savage anger was written all over her face.Yelena's eyes stung. Dahan-dahan siyang naglakad paatras rito, yumuko bilang paalam then walked away with a heavy heart.Nakita niya ang inang nakamasid sa kaniya sa 'di kalayuan. Alam niyang narinig nito ang lahat. Ibinuka nito sa kanya ang dalawang braso, tanda na pinapalapit siya para sa isang yakap.With tears swelling in her eyes, she strode toward her mother. Pumaloob sa mga bisig nito.Hinagod nito ang kanyang mahabang buhok. "Pasensiya na, anak. Inilagay kita sa buhay na ganito.""Huwag na kayong umalis, mama. Dito ka na lang po," parang batang ungot niya rito. "Ayoko na kina tiya."Ang alam niya ay dalawang linggo lang itatagal ng ina sa bansa."Hindi mo pa kayang intindihin sa ngayon, anak. Gustuhin ko man ay hindi pwede."She raised her face. "Maiintindihan ko po. Matanda na ako, 'Ma.""Magtiwala ka lang muna sa akin, 'nak ha?" She held her both cheeks and stared at her lovingly. Napilitan siyang tumango. "Sa lunes, 'wag kang maingay. Pupunta ka sa Nagma Galleria. Sasamahan kita. Tatakas tayo."Nawala ang lungkot niya. Hindi niya malaman kung ngingiti o iiling siya sa ina.---MondayOpening of Gallery"Mama," tawag niya sa atensiyon ng ina. Okay lang na hindi sila magbulungan dahil wala ang kaniyang tiya, pati ang uncle niya at asawa nito. Nakagawa ng paraan ang mama niya upang makaalis ang mga ito ng bahay. Kinuntsaba nito ang kaibigan ni tiya ilang kanto mula sa kanilang bahay at pinaimbitahan ang mga ito para sa isang salo-salo na si mama rin naman ang gumastos. Hindi umano sayang ang pera basta para sa pangarap niya.Tumigil sa pagsipat ng sarili sa salamin ang ina at lumingon sa kaniya. Napangiwi ito ng makita siya."Ayos lang po ba ang suot ko, 'Ma?" she asked."Ayos, anak. Para kang pupunta ng kombento," birong komento nito at pareho silang natawa. "Pinilian kita kagabi ng dress, anak. Uso 'yon ngayon. 'Yon ang isuot mo.""Ayoko po. Okay na po ako dito." She meekly looked herself at the mirror. Nakasuot siya ng puting bestida, closed-neck at long-sleeved 'yon na ang dulo ay bias-cut ruffles."Sige na nga. Ikaw na ang bahala. Maganda ka pa rin naman." She smiled at her fondly. Iyon ang isa sa gusto niya sa kaniyang ina. Hinahayaan siya nitong magdesisyon para sa sarili niya, at kapag nakapili siya, kahit hindi pabor rito ay sinusuportahan siya nito. Bagay na hindi niya mararanasan sa kaniyang tiya na ang gusto nito ang laging nasusunod ultimo sa gupit ng buhok niya. "Let's go, 'nak.""Opo."Nasa tarangkahan na sila ng kanilang bahay nang may maalala siya. "Ang cellphone ko po, 'Ma. Nalimutan ko sa damitan ko.""Bakit mo naman kinalimutan, anak? Halika, balikan natin.""Hindi na po." Hindi naman niya 'yon binubuksan kaya nakatago sa lagayan niya ng damit. Pinaputol ni Ediza ang koneksyon sa mga kaibigan na sinunod niya ng buong puso para mabawasan ang galit nito."Sigurado ka?""Opo. Dala ko ang wallet ko. Ito lang naman po ang mahalaga.""Oh. Okay."---Maaga palang ay may nagpick-up na ng mga paintings ni Yelena kaya pagdating sa gallery ay naka-display na roon ang mga gawa niya.Natutuwa siya tuwing may tumitingin sa mga obra niya. Kalikasan ang hilig niyang ipinta.Naglakad-lakad siya sa hilera ng mga gawa niya habang ang mama niya ay nakipaghuntahan sa mga guwapong walang kapareha.Napailing na lang siya. Tumigil sa harap ng sunset painting na ginawa niya. Sa ibaba noon ay nakasulat ang pangalan niya. Yelena. Bawat paintings ay iyon lamang ang nilalagay niya.Naglakad na siyang muli nang tumabi sa kaniya si Kiel. "May bumili ng cherry blossom painting mo."Tinapik niya ito sa balikat bilang pagbati. "Salamat. Salamat sa opportunity na ito.""It's my pleasure to work with you." Sandali itong napalingon sa entrance nang may makitang pamilyar na tao. "Thanks for coming, Lena. Sorry, I have to leave you here.""It's okay. Hindi rin naman kami magtatagal ni mama."---Gaya ng kaniyang plano, wala pang isang oras ay niyakag na niyang umuwi ang ina.Pag-uwi ay nagpaiwan siya upang siyang magsara ng gate nila. Naunang naglakad papasok ng bahay ang kaniyang mama.Si Erlinda na noo'y pagod at masakit ang paa sa suot na heels ay biglang natigilan nang makitang nakatayo sa gitna ng sala ang kaniyang ate Ediza.Napaatras siya. Sumisingasing itong lumapit at sinampal siya. Pakiramdam niya'y bumakat ang palad nito sa pisngi niya."Kaya tumigas ang bungo ni Yelena nitong huli dahil kunsintidor ka! Hayaan mong ako ang magdisiplina sa batang 'yan!""Ate, ako ang nanay niya. At hindi na tama ang ginagawa mo sa kanya.""Huwag kang nangingialam dahil puro palpak ang desisyon mo sa buhay!""Walang mali sa pinuntahan ni Lena.""Mayroong mali! Lahat mali! Kaya 'wag kang nangingialam!"Gusto niya itong yugyugin nang mga sandaling 'yon. "Hindi na kita naiintindihan, ate Ediza! Ano ba ang kinakaganito mo?""Pinauwi kita dito dahil ayokong mapariwara ang anak mo! Gusto kong tulungan mo ako na ayusin ang isip niya! Hindi ganito.""Paano'ng ganito?""Sinisira mo ang buhay ng anak mo!"Nagpanting ang tainga ni Erlinda sa narinig at sinampal rin ito.Si Yelena ay nagmamadaling pumasok ng bahay sa sigawang naririnig. Nandilim ang paningin niya sa naabutang tagpo. Sinasabunutan ng tiya Ediza niya ang kaniyang mama!Nagmamadaling pumasok ng bahay si Yelena sa sigawang naririnig. Nandilim ang paningin niya sa naabutang tagpo. Sinasabunutan ng tiya Ediza niya ang kaniyang mama!"Mamaaa!" Her nose flared with anger. Lumapit siya at umiiyak na tinulak ang kaniyang tiya.Nakaupo ang mama niya sa sahig habang hila-hila ito sa buhok ng tiyahin.Nang maghiwalay ay pumagitna siya sa mga ito at hinarap ang tiyahin. "Sumusobra ka na! Lahat ginawa ko para maging masaya ka. Para maipagmalaki mo ako. Para maging mabait ka sa akin. Nitong huli lang kita sinuway, tiya. Bakit ka ba ganiyan? Sobra ka naman na para saktan pa ang mama ko."Tumayo si Erlinda at hinawakan siya sa braso para pigilin pero hindi siya nagpaawat. Muli niyang hinarap ang tiyahin. "Wala kang karapatan na saktan ang mama ko! Pati ang panghihimasok mo sa buhay ko, wala kang karapatan!" Dinuro niya ito katulad ng lagi nitong ginagawa sa kanya. "Sino ka ba, ha? Sino ka ba? Isa ka lang matandang dalaga na nag-alaga ng hindi mo anak pero lagi mong
"Salamat sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay niyo." Hindi alam ni Yelena kung ilang beses na siyang nagpasalamat.The man stopped in his midtrack. Naudlot ang pagpasok nito sa malaking pintuan ng mansiyon ng mga ito at nilingon siya. "One thank you is enough."Ang sungit talaga ni Kiel, bulong niya sa sarili.Dito siya humingi ng tulong. Binalikan niya ito sa Nagma Galleria dahil alam niyang hindi pa tapos ang selebrasyon ng opening nito. Pag-uwi ay kasama na siya nito.Hindi niya eksaktong sinabi ang problema rito. Pahapyaw lang niyang kinuwento ang nalamang pagkatao niya. Naawa ito sa kanya at tinulungan siya.Napalabi siya sa kaibigan. "Basta, thank you."Kiel groaned inwardly. "Nandito na sina mommy at daddy ngayon. Ako na ang kakausap sa kanila sa pag-stay mo rito. Kilala ka naman nila." May bahay sa San Ignacio ang mga Nagma kaya kilala ng mga ito ang pamilya niya. Ngunit itong mansion nila ay narito sa San Ildefonso, dalawang bayan ang pagitan mula San Ignacio."Thank you, Ki
Hindi alam ni Yelena kung ano'ng oras at kung paano siya nakatulog. Nang bumangon siya ay mataas na ang sikat ng araw. Kung wala pang kumatok sa pintuan niya ay hindi siya magigising.She heard an approaching steps so she stood up and opened the door, disoriented and barefooted.She frowned when she found no one outside, pero sa ibaba ay may kulay pink na stripe na paper bag.Tiningnan niya ang katapat na kuwarto. Bahagyang bukas ang pintuan no'n. Mukhang doon ang kuwarto ni Kiel.Nakanguso niyang dinampot ang paper bag at binuksan. Bagong toothbrush, tatlong pares ng damit, decent sun dresses, underwears, flat sandals with ankle strap at... gamit pangpinta!Nawala ang antok ng dalaga. Inilabas niya ang mga gamit na nakaagaw ng pansin niya. Acrylic paint set, a thirty by forty centimeter blank canvas board at sampung round paint brushes in different shape of tip.Ang ganda!Ang ginagamit niya usually sa pagpipinta ay mga mumurahing gamit lamang. Kapag mayroon siyang budget, doon laman
Hindi makatulog si Yelena. Pabiling-biling siya sa higaan. Nang ilang minuto na at hindi pa rin siya antukin ay dahan-dahan na siyang bumangon at tumanaw sa labas ng bintana. Madilim na ang kalangitan. Tanging makukulay na bombilya lamang ang tumatanglaw sa buong solar ng mga Nagma.Pinagmasdan niya ang kalangitan. Hindi katulad ng nagdaang araw na ang ina at tiya ang bumabagabag sa kanya, ngayon ay iba. Sa estranghero nang pangalan lamang ang tanging alam niya. Niyuko niya ang paa na may nakasuot na sandalyas, at napangiti. Sa kanya galing ang mga damit, sandals at painting set na natanggap ko. Ni hindi pa siya nagpasalamat rito. Teka, paano nito nalaman ang sukat ng underwear ko? Nakakahiya. Nasapo niya ang dalawang nag-iinit na pisngi.Hindi siya bumaba upang kumain ng tanghalian dahil sa lalaki. Ayaw niyang makita ito. Nagkulong lamang siya sa kaniyang kuwarto.Oras ng hapunan nang dumating si Kiel. Nang nalaman nitong hindi bumaba si Yelena upang mananghalian ay kinatok nito sa
Ipinikit ng mariin ni Yelena ang mga mata at isinubsob ang mukha sa kama. Sa loob ng ilang sandali ay nanatili siya sa ganoong ayos. Minuto na ang nakalipas, but she could still feel the effect of that unforgettable moment na naranasan niya sa mga kamay ni Angelo. It was an intense pleasure she felt for the first time in her life.Hindi niya alam kung maiiyak siya, magagalit o mahihiya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. A stranger seduced her. At hinayaan lamang niya.Hindi niya alam kung bakit hindi niya nagawang pigilin ang ginawa nito sa kanya. At mas lalong hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi nitong dahilan kung bakit pinigilan nito ang sariling hagkan siya. Sa estado ng utak niya kanina, sigurado siyang hindi lang halik ang makukuha nito sa kaniya. Wala siyang gagawin para tutulan ito sa gustong gawin sa kaniya.Dahil God, nababaliw na siya.Slowly, she removed the blanket out of her body. Itinapak niya ang paa sa malamig na sahig. Hindi niya makita ang
Mula sa pagpipinta sa isang bahagi ng hardin ay natuon ang paningin ni Yelena sa papalapit na si Angelo. Hindi niya naiwasang titigan ito.He looked handsome as ever in his white shirt and khaki pants. Like a Pagan God, he walked confidently with a warm smile on his face.Naroon siya sa hardin dahil napagdesisyunan niyang doon na tapusin ang kaniyang obra. At dahil nasa open na lugar ay inaasahan niya na ang paglapit ng lalaki."Puwede ba akong tumabi?" paalam nito sa kaniya nang makalapit.Marahan siyang tumango at nagpatuloy sa pagpipinta. Sira na ang konsentrasyon niya pero hindi siya nagpahalata.Umupo si Angelo sa kaniyang tabi. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. "Napatawad mo na ba ako?" he whispered hoarsely, malapit sa kaniyang tainga.Her body tensed. She could feel his breath skimmed in her skin.Ipinilig niya ang ulo at bumuntong-hininga. Pilit binabalewala ang epekto nito sa pagkatao niya."May kasalanan din ako," sagot niya rito sa pabu
Lulan ng Mercedez sports ay nakatanaw sa labas ng bintana si Yelena. Tahimik niyang tinitingnan ang mga nadadaanan na mga kabahayan, kakahuyan at karagatan sa hindi kalayuan.Palabas na sila ng Quezon. Unang beses na lilisanin niya ang lugar na kinagisnan.Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon— nalulungkot siya dahil ang mga hindi pamilyar na establisyemiyento sa labas ng bintana na natatanaw niya ay nangangahulugan na palayo na siya ng palayo sa lugar at buhay na nakasanayan niya; kinakabahan siya, natatakot at nangangamba dahil iyon ang unang beses na malalayo siya sa pamilya. Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya sa araw na iyon at sa mga susunod pa, sa piling ng estrangherong tao sa estrangherong lugar; subalit sa tagong sulok ng dibdib ay para siyang nakahinga ng maluwag. Parang nawala ang mabigat na kamay na dati'y sumasakal sa kaniya. Hindi niya na ngayon kailangang pigilin ang sarili na gawin ang mga gusto niya. Hindi niya na kailangang magpaalam mun
Nagising si Yelena na magaan ang pakiramdam. Ilang minuto siyang nakatitig sa kisame habang nakangiti kahit wala namang nakikitang interesante doon.Hindi niya alam kung ano'ng oras na silang natulog ni Angelo ng nagdaang gabi. They stayed on the seashore talking nonsense, laughing endlessly, enjoying the breathtaking sceneries in the dark sky.Masigla siyang tumayo, nag-ayos ng higaan at naligo. Nagbibihis na siya sa loob ng banyo nang mayroon siyang mapansin— nakasampay ang mga damit na pinagbihisan niya ng nagdaang araw!Pumasok ba si Angelo sa kuwarto niya? Ito ba ang naglaba ng mga damit niya?Mabilis siyang bumaba ng komedor. Naabutan niya ang lalaki na abala sa pagluluto."Good morning!" masayang pagbati niya rito, pinagsalikop sa likod ang dalawang kamay. "May itatanong ako.""Good morning din," ganting pagbati nito. Matapos siyang lingunin saglit ay muli na nitong hinarap ang ginagawa. "Ano'ng itatanong mo?"Kahit nakatalikod ito sa kaniya ay gusto niyang mamula ng maalala an
SA loob ng drawing room, itinuloy ng mag-anak ang aminan ng mga lihim."Mula pagkabata ay tatlo kaming magkakasama nina Orlando at Sebastian. Daig pa ang magkakapatid," salaysay ng nakatingin sa labas ng bintana na si Emileen. "Mas matanda sila sa akin at iba ang kalagayan sa lipunan, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming samahan, dahil ang mga ama namin ay matatalik din na magkakaibigan noong araw— ang aking tatay Julian, ang tatay ni Orlando na si tiyo Alberto, at ang biyudong tatay ni Sebastian na si tiyo Artemio. Noong namatay ang tiyo Alberto, ang nanay ni Orlando na si tiya Juana ay pinakasalan ni tiyo Artemio. Kahit pa magkaibigan ay hindi tinanggap ni Sebastian ang mag-inang Orlando at Juana. Sa huli namin nalaman na matagal na palang may inggit si Sebastian kay Orlando na lalong tumindi nang pamanahan ng mas malaki ang mag-ina noong pumanaw si tiyo Artemio at noong. . . noong sinagot ko ang pag-ibig ni Orlando. Hindi ko alam na gusto niya ako. Hanggang sa kidnap-in niya
Patingkayad na naglakad si Yelena papasok ng banyo. Lihim niyang minumura ang sarili."Harot! Maharot ka, self. Marupok ka!"Matapos maligo ay nagmamadali siyang umalis. Pumunta siya sa ibiniling lugar ni Aeissa.Sa daan ay t-in-ext niya ang ama na may pupuntahan siyang kaibigan.Pinagbuksan siya ni Aeissa ng pinto na gulo-gulo pa ang buhok habang kinukusot ang mata. Kagigising lang "Mamayang gabi pa ang usapan natin. Excited much?""Yes. Bar na bar na ako." She raised her hand and shake her body. Imitating the party goer's dance. Napangiwi sa kaniya ang kaibigan. "Are you okay?"Natigilan siya. Dahan-dahang ibinaba ang kamay. "Uhm, yes.""Pasok ka."---Dinukot ni Yelena sa bulsa ang cell phone nang maramdamang nag-vibrate iyon.Tumatawag si Angelo!Mabilis niya iyong c-in-ancel, ngunit tumunog uli kaya tinuluyan niya nang pinatay ang aparatu.Hindi niya napansin ang panay na sulyap sa kaniya ni Aeissa. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya matapos ilapag sa harapan niya ang i
Sa pagbabalik ni Yelena sa pamilya Borromeo ay masaya siyang sinalubong ng madrasta."Na-miss kita, hija." Emy kissed her cheek in a well-composed manner. "Araw-araw kong pinalilinis ang kuwarto mo dahil alam ko one of these days, babalik ka. Do you still remember our plan before?""Anong plan po?""Na pupunta tayo sa Palawan? Sasama raw ang Daddy mo. Ipapasyal ka namin."Naging tabingi ang ngiti niya. "S-sige po.""Pagpahingahin mo muna si Yelena, Emileen. Paniguradong pagod siya, darling," singit na tinig ng kaniyang ama."Sige. Mamaya na kita kukulitin. Angelo, buhatin mo ang mga gamit ng kapatid mo."What she heard from her stepmother went her rigid. Nagmamadali siyang nagpaalam sa mag-asawa at nauna ng umakyat upang pumasok sa kuwarto.Nang marinig ang pagsunod ni Angelo at pagbukas ng pinto ay walang lingon-likod siyang nagsalita. "Ilapag mo na lang diyan ang mga bagahe ko. Puwede ka ng umalis."Dumapa siya sa higaan. Ilang minuto siya sa ganoong puwesto, ngunit pag-angat niya
Mabituin ang langit. Malamig ang simoy ng hangin sa veranda na kinaroroonan ni Yelena. Ngunit hindi iyon nakatulong upang gumaan ang pakiramdam niya.Magkasunod niyang nakausap ang Mama Erlinda at Mama Ediza niya. Wala pa ring alam ang mga ito.Gustuhin man niyang ikuwento sa mga ito ang dinaranas niya pero mas pinili niyang sarilinin na lamang. Mag-isa siyang umiiyak sa ibabaw ng kama — for Angelo using her for physical needs, for her broken heart, for missing her mothers terribly, for incident that almost happened earlier, and. . . for losing the baby she hadn't taken care of.Sa nangyaring insidente ay nakunan siya. Nalaman ni Angelo ang lihim niya. Hindi mahirap hulaan na ito ang ama ngunit walang namagitan na usapan sa kanila pagkagaling ng ospital.Sising-sisi niya ang sarili niya. Ang inaasahan niyang anghel na makakasama, nawala sa isang iglap lamang. Naisip niya, pinaparusahan siya ng Maykapal. Kaya siguro siya laging nasasaktan dahil mali ang ginagawa niya. Kaya siguro kin
Gusto ng magpahinga ni Yelena. Epektibo ang maghapong pagpapagod at pang-aaliw niya sa sarili. Idagdag pang ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan. Kaya matapos maglinis ng katawan ay diretso na siyang natulog.Ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang paglubog ng gilid ng kama niya. Ilang beses niyang pinikit-dinilat ang mga mata. Sa tulong ng tanglaw ng lampshade sa tabi ng kama niya ay nakita niya ang nakaupo sa tabi niyang si Angelo.Napabalikwas siya ng bangon. Itinukod niya ang magkabilang siko sa kama."Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa naiiritang tinig."Kaibigan ko pa ang napili mo para akitin?""Ano?" nalilitong balik-tanong niya.Tumingin siya sa labas ng bintana. Ano'ng oras na ba at narito ito sa silid niya? Bakit suot pa rin nito ang damit nito ng umalis ng umaga? At bakit magulo ang buhok nito? Nakainom ba ito?Umiling ang binata. "Don't mind what I said," anito. Pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Magulo ang mahabang buhok nito na ang ilang hibla
Yelena was so tired in her everyday experiences in the office. It wasn't bad as she expected, per se. All of their employees were kind to her, na lubos niyang pinagpapasalamat. Ang trabaho ay kayang-kaya niya. Ang problema lang talaga ay si Angelo mismo. Tinatambakan siya nito ng trabaho at pakiramdam niya ay sinasadya nito 'yon.Like now, she was eating her dinner while in her hands were the sales report last month. Angelo asked her to analyze it. It wasn't the worst report she'd seen, but she was really tired at that moment. At kailangan niya talagang isabay ang pagbabasa no'n sa pagkain dahil uwing-uwi na siya. Gusto niya ng ihilata ang pagal na katawan sa malambot na kama.Tumingala siya at minasahe ang magkabilang balikat.Tumunog ang cellphone niya. Ang mama Ediza niya ang nakalagay sa caller ID.Mabilis niyang sinagot 'yon. "Hello po?""Yelena, kumusta?" mahinahong tanong sa kabilang linya.Tired and sad, gusto niya sanang itugon ngunit ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Sa
"No, man. You can't stay in my unit. Wala ng lugar para sa 'yo. Manatili ka na diyan sa inyo.""You know that I just can't," Angelo said between his teeth. Kausap niya sa telepono ang kaibigan niyang si Terrence. Kaibigan niya ito mula kolehiyo."Doon ka na lang sa rest house mo sa Palawan. And, may bahay rin ang pamilya mo doon. Wala namang nakatira.""Too far. Marami akong aasikasuhin sa ZARBTech.""Akala ko ba ayaw mong iwan ang bahay niyo at ang tita Emileen?""You know the reason," he hissed.He needs to find a place as soon as possible. Or else, Yelena will going to be his nightmare. Titira ito sa bahay nila sa loob ng isang buwan.Hindi siya duwag. Ayaw lang niyang mamroblema ang magulang dahil sa nakaraan nila.He heard a laughter on the other line. "Ang sarap kaya magkaroon ng hot little sister.""Stop teasing!"---"Wala akong anak na babae. I'm so happy that you're here, hija."Hindi makapaniwala si Yelena. Everything felt surreal. Mabait sa kaniya ang kaniyang ama, ang mga
Flashbacks continue. . . Sa araw ding iyon ay kinausap ni Ediza si Orlando. Nagkita sila sa restaurant na dati'y pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya na mapagpabukas pa dahil natatakot siyang isa sa mga darating na araw ay mawala ang kapatid niya."May ipapakiusap ako sa iyo, Orlando," panimula niya. Pinapanatiling seryoso at malamig ang titig at tinig kahit ang totoo sa kaloob-looban niya ay gusto niya ng bumuwal. Pinigilan niya ang pagsungaw ng luha bago muling nagsalita. Isinalaysay niya rito ang kalagayan ni Erlinda, at sa huli ay isinaad, "kailangan ng kapatid ko ng sanggol para gustuhin nitong mabuhay pa."Hindi makapaniwala si Orlando sa narinig. "At. . . ang anak natin ang gusto mong—?""Ganoon na nga.""Ano'ng klase kang ina para ipamigay ang sarili mong anak, Ediza?!""Kailangan kong tulungan ang kapatid ko.""Na ang kapalit ay pagkasira ng pamilya natin?"Hindi siya nakaimik. Ipinahihiwatig ng tinig ni Orlando na mawawala ito sa kanya. At hindi nga siya nagkamali, dahil ang
Lumuwas ng Maynila ang mag-inang Ediza at Yelena. Ayaw ng nakatatandang babae na makipagkita ang ama ng anak sa San Ignacio dahil umano sa mga mapanuring mata at mapanghusgang salita na maaaring ipukol sa kanila.Pagdating sa napagkasunduang lugar ay natanaw agad ni Ediza ang pakay. Nakaupong tuwid na tuwid ang likod habang kampanteng humihigop ng kape. Postura at pananamit lamang nito ay mahihinuha agad na mayaman itong lalaki.Si Yelena ay nanlalaki ang mga mata. Ang tinatahak nila ay ang direksyon ng isang lalaking pamilyar sa kaniya. 'Yong lalaki sa exhibit! "Mama, siya ang tatay ko?"Bago pa makasagot ang ina ay humarap na ang tinutukoy niya. Ngumiti ito at tumayo pagkakita sa kanila. "Good morning!" bati nito.The man was tall, about on his early fifties. Wala pa itong puting buhok. Mapungay ang mga mata at matangos ang ilong. Kagalang-galang ang itsura nito sa suot na polo barong at itim na slacks. Ang paningin nito ay nakatuon sa kaniya.Umingos ang kaniyang ina. Mukhang walan