LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY

LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY

last updateHuling Na-update : 2024-05-06
By:   Em Dee C.  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
73Mga Kabanata
1.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

OWEN GARCIA is the twin brother of RUSSELL ROSSELL (heir of the billionaire Theodore Rossell), kidnapped by NURSE GEMMA GARCIA. SHELLEY SILVER is a woman who dreams to be a novelist but received rejections one after another. Till she met and became friends with Russell Rossell who pretended to be an ordinary employee from the company of Theodore Rossel. He has a knack for writing and suggested that be the ghostwriter of Shelley and she readily agreed. Russel Rossell was hospitalized due to a car accident. That was the time Owen entered the life of Shelley, and pretended to be Russel Rossell. Like Russel Rossell, Owen also has a knack for writing novels, thus, Shelley wasn't able to know the difference between the twins. Gemma Garcia learned about Russell accident, and planned to use "her son" to get inside the Rossell Clan. Since he loved "his mother" Owen agreed to Gemma's plan. But they say, blood is thicker than water, hence, Owen felt pity for his twin brother when he met Joanne (acting as Russel Rossell, boyfriend of Joanne) and found out that Joanne is in relation with Brendon, the stepson of Theodore, who also masterminded the car accident of Russel. Thus, Russell Owen wrote a novel that divulged the crime of Brendon and requested Shelley to send copies to Theodore Rossell. Shocked, as he reads the book, Theodore ordered an investigation of his son's accident. And Brendon was sent to prison. The lives of Russel, Owen, Gemma, Shelley, and Theodore get tangled up till Theodore finds out that Owen is the twin brother of his son (by DNA). Now Shelley's Dilemma is who does she really love? Is it Russel Rosell who she loved the very first time she saw him or Owen, the mistaken identity of Russell Rossell?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

KIDNAPPED

PANGALAWANG tadyak ng masamang kapalaran iyon sa buhay ni Theodore Rossell. “Namatay po ang kakambal ng inyong anak habang nasa ICU,” pagbabalita sa kanya ng nurse na si Gemma Garcia, “nasa morgue na po ang katawan ng sanggol.” Ang unang tadyak ng malupit na kapalaran ay ang pagkamatay ng kanyang asawa sa panganganak. “Ano’ng klaseng ospital ba ‘to,” reklamo niya, “ipinagmamalaki n’yong narito ang pinakamagagaling na doktor at pinakamahuhusay na equipment, pero bakit hindi n’yo nagawang iligtas ang buhay ng asawa ko’t anak?” “Ospital lang po ito, Sir Theodore, at hindi paraiso,” sagot ng nars, “hindi po diyos ang mga doktor na nagtatrabaho dito. At wala kaming magagawa kung nais nang bawiin ng Lumikha ang buhay na ipinagkaloob Niya.” Tinalikuran na siya at iniwan ng nurse. Nagpuputok sa galit ang kanyang damdamin. Gusto niyang magwala. Magsisigaw at sisihin ang lahat ng mga nasa ospital na iyon sa “pagkawala” ng dalawang mahalagang tao sa buhay niya. Subalit pigil siya ng breedi...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
73 Kabanata
KIDNAPPED
PANGALAWANG tadyak ng masamang kapalaran iyon sa buhay ni Theodore Rossell. “Namatay po ang kakambal ng inyong anak habang nasa ICU,” pagbabalita sa kanya ng nurse na si Gemma Garcia, “nasa morgue na po ang katawan ng sanggol.” Ang unang tadyak ng malupit na kapalaran ay ang pagkamatay ng kanyang asawa sa panganganak. “Ano’ng klaseng ospital ba ‘to,” reklamo niya, “ipinagmamalaki n’yong narito ang pinakamagagaling na doktor at pinakamahuhusay na equipment, pero bakit hindi n’yo nagawang iligtas ang buhay ng asawa ko’t anak?” “Ospital lang po ito, Sir Theodore, at hindi paraiso,” sagot ng nars, “hindi po diyos ang mga doktor na nagtatrabaho dito. At wala kaming magagawa kung nais nang bawiin ng Lumikha ang buhay na ipinagkaloob Niya.” Tinalikuran na siya at iniwan ng nurse. Nagpuputok sa galit ang kanyang damdamin. Gusto niyang magwala. Magsisigaw at sisihin ang lahat ng mga nasa ospital na iyon sa “pagkawala” ng dalawang mahalagang tao sa buhay niya. Subalit pigil siya ng breedi
last updateHuling Na-update : 2023-08-22
Magbasa pa
THE DOPPELGANGER
HINDI umiimik na pinagmamasdan ni Joanne ang bawat galaw ni Russell habang nagbubuhos ito ng wine sa baso ng alak. Pilit siyang naghahanap ng kaibahan ng mukhat at katawan nito sa lalaking nakita niya sa Shopping Mall at napagkamalang si Russel.“Parehong-pareho sila ng lalaking ‘yon,” nasa isip niya, “pati height at built ng katawan nila ay parang iisa. Parang dalawang tao na inihulma sa iisang molde!”Puzzle sa kanya ang lalaking napagkamalan niyang kanyang boyfriend at naging dahilan ng eskandalong naganap na siya ang nagsimula.“Hayup na babae’yon,” nasambit niya nang malakas, dahil sa biglang galit na kanyang naramdaman nang maalala ang babaing sumipa sa kanyang likod,“hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang sakit ng tadyak niya sa likod ko. Pati ang kirot ng binti kong napilipit dahil sa pagkakabagsak ko nang ma-off balance ako.” “Hay, Babe, hindi ka pa ba nakaka-move on hanggang ngayon,” tanong ni Russel, “hindi na nga naghain ng reklamo ‘yong sinabunutan mo. Hindi na rin tina
last updateHuling Na-update : 2023-08-22
Magbasa pa
SOLENNE STEVENS
“SOLENNE STEVENS!”Kunot ang noong pinagmasdan ni Solenne nang mula ulo hanggang paa ang babaing bumati sa kanya.Maganda ang babae na kung pagmamasdan ay tila nasa early 40s ang idad. Mataas ito nang isang dangkal sa kanya. At dumagdag na kagandahan nito ang makikislap, masayang mga mata na nakangiti sa kanya.“Sino ka,” Tanong niya nang may kahalong pangmamaliit, “kilala ba kita?”“Sabi ko na nga ba’t hindi mo ako makikilala, e,” sagot ng babae, “I’m Francine! Francine de Castro. Mag-buddies tayo noong college tayo.”“Francine…” Mahinang pagsambit ni Solenne sa pangalan ng kaharap, habang nag-iisip.Funk kung tawagin niya ang Francine naka-buddy niya noong college days niya. Funk, dahil pangkaraniwan lang ang mukha nito. Iyong hitsurang makikita sa tabi-tabi, sa mga palengke at mga tindera sa bangketa.“Ikaw ‘yong babaing walang ka-class-class! Mahilig makibarkada sa magaganda at may pera.” Sambit niya nang nang-uuyam.Sa kanyang sarili ay hindi niya tinanggap na buddy ang babaing ‘
last updateHuling Na-update : 2023-08-22
Magbasa pa
THE SCAMMER
WE’RE SORRY BUT YOUR SCRIPT….”Nanlalabo ang mga matang hindi na itinuloy ni Shelley ang pagbabasa sa Email letter na kanyang natanggap.“Rejected na naman!”Hindi na niya naiwasan ang mapaiyak. Bumabaon sa kanyang damdamin ang sakit nararamdaman dahil sa halos hindi na niya mabilang na rejection ng kanyang mga script, mula nang magsimula siyang sumulat ng mga istorya at nobela.Nangingipuspos na sumubsob sa kanyang laptop si Shelley.“Ilang rejections pa ba ang kailangan kong tanggapin bago ako maging isang writer?” Umiiyak na tanong sa sarili.Matagal na sandali rin siyang naglunoy sa kalungkutan, bago pinakalma ang sarili. Isinara ang laptop.“Hindi ko siguro kapalaran ang maging manunulat,” pakikipag-usap sa sarili, “mag-iisip na lang ako ng ibang career na puwede kong pasukin.”Nangalumbaba. Nag-isip ng iba’t-ibang trabaho na puwede niyang karerin.“Hindi ako puwedeng maging sales manager, kasi mahina ako sa sales talk,” simula ng pakikipagdiskusyon sa sarili, “mag-vlog na lang k
last updateHuling Na-update : 2023-08-22
Magbasa pa
DOMINGO SABADO: HARI NG SELDA 13
BOG!Namilipit sa sakit na naramdaman si Rustan Ramirez. Hawak ang leeg niyang naghahabol ng paghinga, sanhi ng suntok sa lalamunan na tinanggap mula sa nakaaway.Na sinundan pa ng isang malakas na bira sa dibdib niya!BRAGG!Bumaluktot ang kanyang tuhod at paluhod na bumagsak sa harapan ng taong puno ng kalupitan ang kalooban.Walang malay na sumubsob sa paanan ng malupit na kaaway.Walang nakakilos sa mga taong naroon. Walang nakakibo. Lahat ay naghihintay nang mga susunod pang mangyayari.“Hindi lang ganyan ang aabutin ng kahit sinong magtatangkang kumalaban sa akin! Dahil ako ang nag-iisang hari ng seldang ito. Ako si…”“DOMINGO SABADO!”Napatingin ang lahat sa pumutol sa sinasabi ng hari ng selda.“Kilala kita,” saad ng lalake, “ikaw ang pinakamalupit at may pinakamalaking chain of gangs sa siyudad na ito, isang drug lord at… ano pa nga ba? Nakalimutan ko na ‘yung, iba,e.”Kumunot ang noo ni Domingo habang tinitingnan ang lalaking papalapit sa kanya.“Fans kita?” Tanong niyang na
last updateHuling Na-update : 2023-08-24
Magbasa pa
AKO SI RUSSELL ROSSELL
“AYUN! “ Napalingon si Brendon sa pinanggalingan ng malakas na tinig. “Yong gagong ‘yon ang gumago sa akin sa loob ng selda.” Itinuturo siya ng lalake. Maputi na ang buhok ng lalake. Humigit kumulang sa animnapung taon na ang idad. Kumilos ito upang sugurin siya. Nasa mga mata ang labis na galit na sa wari ay handa siyang patayin sa gulpi. Nangiti si Brendon. Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng matandang lalake na pasugod sa kanya ang lakas ng kanyang kabataan. Mayabang niyang iniliyad ang kanyang dibdib. Inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang at hinintay na makalapit sa kanya ang matandang napopoot. Nang bigla niyang maalala ang eksenang naganap sa selda 13, kung saan nakakulong ang lalaking iniutos ng kanyang ina na kanyang takutin, at bantaan na huwag ng tangkain pang tumakas sa kulungan dahil siguradong kamatayan lang ang sasapitin nito. “Si Domingo Sabado!” Nasabi niya na biglang nahintakutan. Agad siyang kumaripas ng takbo. “HOY!” Narinig niyang sigaw nit
last updateHuling Na-update : 2023-09-06
Magbasa pa
SINO ANG TATAY KO?
PAK! Malakas na lumagapak ang palad ni Solenne sa pisngi ni Brendon. Pakiramdam niya ay umugong ang kanyang tainga at wari ay nakakita siya ng biglang sinag ng liwanag na hindi niya malaman ang pinagmulan, sa tindi ng sampal na kanyang tinanggap. “Ma, Bakit?” Tanong niyang nagtataka. “Nagtanong ka pa,” ganting tanong ni Solenne sa anak, “di ba’t ang sabi mo sa akin ay nanginig na sa takot ni Domeng? Na kailanman ay hinding-hindi niya tatangkain man lang na tumakas sa bilibid.” Naumid ang dila ng sinampal. “O, ayan,” isinalpak ni Solenne ang pahayagan kay Brendon, “balita na sa buong Pinas na nakatakas na naman ang hayup na matandang ‘yon!” Inihagis ni Brendon ang pahayagan. Inis na ibinagsak ang sarili, paupo sa silyang naroon sa receiving area ng bahay. “Sa kilos at arte mo ay parang alam mo nang nakatakas na nga ang Domingo Sabadong ‘yon,” saad ng ina, “ibig sabiin ginawa mo akong tanga na paniwalang-paniwala na nakakulong ang impaktong 'yon sa selda, pero yon pala ay nasa p
last updateHuling Na-update : 2023-09-07
Magbasa pa
GOODBYE, RUSSELL
Natatarantang hindi malaman ni Owen ang gagawin. Hindi siya makakapayag na mabisto ni Russell ang pagiging doppelganger nilang dalawa. Nagmamadaling sapilitan niyang inaalis ang ang kamay na nakakapit sa kanyang braso, na ayaw bumitaw sa kanya. “Bakit? Saan ka na naman pupunta?” Tanong ni Shelley sa nagmamadaling makalayo. “Men’s room,” sagot ni Owen, “nakasama yata sa akin ‘yung kinain ko,” paga-alibi na niya, “k-kumukulo ang tiyan ko. Parang… parang…” “Okay, sige na,” wika ng naiinis na babae, sabay sa pagbitiw sa brasong kinakapitan, “baka nga dito ka pa nga magkalat, nakakahiya!” dagdag na sabi. Napailing ito habang tinatanaw ang halos magkandarapa sa pagtakbong si Owen na inaakala niyang si Russel. Na binangga ang totoong Russel na kanyang makakasalubong upang hindi agad ito makalapit kay Shelley. “Hey!” Sigaw ni Russel sabay lingon kay Owen, na hindi humarap sa kanya. Hindi siya pinansin ni Owen na walang lingon likod na nagpatuloy sa pagtakbo. “Bastos ‘to, ah,” inis si
last updateHuling Na-update : 2023-09-11
Magbasa pa
THE BETRAYALS
MAHIGPIT ANG mga guwardiyang nagbabantay sa silid na kinaroroonan ng naaksidenteng si Russell Rossell, na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa nagkakamalay.Dalawang sescurity guard ang nasa saradong pinto ng kuwarto, at may mga naka-sibilyang security officers pa ang nasa mga tagong lugar.“Iba talaga ang rich and powerful,” ang nasa isip ni Owen, “super higpit ang bantay ng mga guwardiya! Takot na takot. Insecure na insecure at walang katiwa-tiwala sa kapwa nila,” nagpalakad-lakad siya. Hinanapan ng weak part ang security ng pasyenteng binabantayan ng mga ito, “sabagay may katwiran naman silang ma-insecure,” pag-iisip pa rin niya habang palakad-lakad sa di kalayuan sa mga guwardiyang nasa labas ng silid ni Russell, “e, heto nga ako at nagbabalak na ma-abduct ang anak ng multi billionaire na si Theodore Rossell, upang mapasa-akin ang kanilang kayamanan, kakambal ng paghihiganti ko para sa aking mama.”Nang lapitan siya ng isang alertong security guard na naka- civilian clothes
last updateHuling Na-update : 2023-09-12
Magbasa pa
JOANNE JAVIER, THE FIANCEE
“PINABULAANAN ng pamilya ni Russel Rossell ang tungkol sa mga naunang balita na kasama nito ang pocketbook writer na si Shelley Silver nang ito ay maaksidente sa pagmamaneho. Ayon sa mga Rossell…” DING…DONG… Mabilis na iniwan ni Shelley ang panonood ng balita sa telebisyon. Nagmamadaling binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Russell ang dumating. Walang sabi-sabing pumasok sa loob ng bahay niya ang bisita, na agad ding itinulak na pasara ang pinto. Matagal na napatitig sa kanyang brasong may cement cast at sa ulo niyang hindi pa natatanggalan ng benda ang pangahas na dumating. “Bakit kasama mo ang boyfriend ko noong maaksidente siya?” Usig agad sa kanya nito. Mamahalin ang naamoy niyang pabango ng babaing nanggigigil, na ang isang kamay ay nakapamaywang habang ang isa naman ay halos dutdutin na ang kanyang mukha ng hintuturo nito. Puno ng pagkapoot ang mukha nitong maayos na napintahan ng make up. Mahahaba ang pekeng pilikmatang sinisilipan ng nandidilat na mga matang nakakatitig
last updateHuling Na-update : 2023-09-15
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status