BOG!
Namilipit sa sakit na naramdaman si Rustan Ramirez. Hawak ang leeg niyang naghahabol ng paghinga, sanhi ng suntok sa lalamunan na tinanggap mula sa nakaaway.
Na sinundan pa ng isang malakas na bira sa dibdib niya!
BRAGG!
Bumaluktot ang kanyang tuhod at paluhod na bumagsak sa harapan ng taong puno ng kalupitan ang kalooban.
Walang malay na sumubsob sa paanan ng malupit na kaaway.
Walang nakakilos sa mga taong naroon. Walang nakakibo. Lahat ay naghihintay nang mga susunod pang mangyayari.
“Hindi lang ganyan ang aabutin ng kahit sinong magtatangkang kumalaban sa akin! Dahil ako ang nag-iisang hari ng seldang ito. Ako si…”
“DOMINGO SABADO!”
Napatingin ang lahat sa pumutol sa sinasabi ng hari ng selda.
“Kilala kita,” saad ng lalake, “ikaw ang pinakamalupit at may pinakamalaking chain of gangs sa siyudad na ito, isang drug lord at… ano pa nga ba? Nakalimutan ko na ‘yung, iba,e.”
Kumunot ang noo ni Domingo habang tinitingnan ang lalaking papalapit sa kanya.
“Fans kita?” Tanong niyang nang-aasar, nang ganap silang magkalapit na dalawa.
“No,” sagot ng lalake, pero napag-utusan ako ng boss ko na sabihan kang nalalapit na ang pagtatapos ng pagiging hari mo dito.”
“Gago ka, a…” Umakma si Domingo na bibirahin ang kaharap.
“May CCTV na naka-monitor sa ‘yo, Domingo,” biglang pagwa-warning ng bibirahin niya, “may bala ng baril na magpapasabog sa bungo mo kapag sumayad sa mukha ko ang kamao mo.”
Natigilan ang hari ng selda. Nanatiling nakatigil sa ere ang kamao nito. Nagpalinga-linga sa itaas at ibaba ng kanyang kinaroroonan. Hanggang sa mahagilap ng kanyang tingin ang pulang ilaw ng wari ay sa CCTV.
Walang siyang nagawa kung hindi ang ibaba ang kamao niya.
“Sino’ng boss mo?” Mahinang tanong niya.
“Solenne Stevens ang pangalan niya. At gusto niyang malaman mo ‘yon.”
“Buhay pa pala ang hayup na babaing ‘yon!”
“Bakit nga ba hindi mo napuruhan si boss,” nambubuwisit na tanong ng kanyang kaharap, “dahil ba matanda ka na at nanginig ang iyong kamay sa pagkalabit ng gatilyo? O, laos ka na lang talaga?”
Muling kumuyom ang kamao ni Domingo. Na agad napansin ng sa kanya’y nang-iinsulto.
“May CCTV na naka-monitor sa ‘yo, Domeng,” pagpapaalala nito, “and FYI lang, nasa payroll ng boss ko ang warden ng jail na kinakukulungan mo at milyones ang donation ni boss sa kampanya at pagkapanalo ng mayor sa siyudad na ito.”
“Sino ka ba? Ano ba ang pangalan mo?” tanong ni Domingo na naku-curious.
“Yon ang hindi ko puwedeng sabihin sa ‘yo,” mayabang na sagot ng tinanong, “dahil mga importanteng tao lang ang binibigyan ko ng karapatang malaman ang pangalan ko!”
Hirap ang kalooban na pinigil ni Domingo ang magwala sa galit na nararamdaman. Pinigil ang paghahangad na durugin ng kanyang kamao ang mayabang na pagmumukha ng kaharap na nangmamaliit sa kanya.
“So, paano,” isang mahinang sampal ang ibinigay ng lalake kay Domingo bago nagpaalam, “magpapaalam na ako. By the way, huwag mo nga palang tangkain na tumakas ulit. Dahil may mga matang nagbabantay sa ‘yo. And shoot to kill ang order ni boss kapag tumakas ka.”
“Sabihin mo kay Solenne, walang kinatatakutan si Domingo Sabado,” pagbabanta ni Domingo, “magpakasaya siya hangga’t nakakulong ako rito. Dahil gugutayin ko ang buong katawan n’ya oras na magkita kami!”
Malutong, umiinsulto ang halakhak ng kausap niya.
“Wala kang kinatatakutan,” tanong nito na nangpo-provoke ng galit, “e, bakit ayan at kulay abo ‘yang mukha mo sa takot?”
Hindi na napigil ni Domingo ang sarili sa muling paghalakhak ng nang-iinsultong kausap.
Walang babalang umigkas ang kanyang kamao, na agad namang nailagan ng kanyang pinagtangkaang suntukin.
Hindi tumitigil sa paghalakhak na humakbang paatras ang nagpakilalang tauhan ni Solenne. Nakangising sumenyas ito ng dirty finger bago tumalikod at nagmamadaling lumabas ng selda.
*** ****
BLUFF!
Iyon ang naging conclusion ni Domingo habang paulit-ulit niyang binabalik sa kanyang isip ang mga pangyayaring naganap sa kanila ng lalaking nagpakilalang tauhan ni Solenne.
BLUFF
Dahil walang bala ng baril ang bumaon sa kanyang ulo na katulad ng ipinanakot sa kanya ng mayabang na tauhan ng babaing naging karelasyon niya maraming taon na ang nakakaraan. Ang nagsuplong sa kanya upang siya ay makulong. At nang makatakas na siya’y ang babaing iyon din ang dahilan ng muli niyang pagkakapiit sa bilangguan.
“Hayup na babae ‘yan!”
Bumangon mula sa pagkakahiga na ibinalik ni Domingo sa isip ang CCTV camera na ipinanakot sa kanya. Ini-recall sa kanyang memory ang hitsura ng CCTV na hindi naman niya gaanong napagmasdan.
FAKE!
“Pati ‘yung CCTV camera na sinasabi niya’y hindi totoo. Ginago lang n’ya ako! Pinagmukhang tanga sa harapan ng mga ka-selda ko.”
Pumupuyo na naman ang galit sa kanyang damdamin. Parang ipu-ipo na nag-iipon ng lakas at handang magwasak.
“Dumadami ang atraso mo sa ‘kin, Solenne,” pakikipag-usap niya sa babae na nasa kanyang imahinasyon, “mamalasin ka ng todo-todo sa akin kapag nagkita tayo!”
Kailangan niyang makagawa ulit ng paraan upang makatakas.
Umalis siya sa kanyang higaan at naupo sa higaan ng isang kasangga niyang natutulog. Ginising iyon.
“Bakit, Boss?” Tanong nito na agad bumangon.
“Tatakas tayo!”
*** ****
PLAK
Natigilan si Owen. Napatitig sa cover ng magasin na ibinagsak ng kiniklala niyang ina sa mesa na nasa harapan niya..
"My doppelganger!" ang mahina niyang nasambit.
Na-excite na dinampot niya ang magasin.
Sa pakiwari niya'y para siyang nananalamin sa pagkakatitig sa naka-close up na mukha ni Russel Rossell na siyang pabalat ng babasahin.
"Kialala mo siya?" Tanong ng inaakala niyang totoo niyang ina.
"Sino siya?" ganting tanong niya.
May kasiyahang nakalarawan sa mukha ni Gemma Garcia nang umupo ito sa sofa, katabi ng anak-anakan.
“Siya ang nag-iisang anak ng multi-billionaire na si Theodore Rossell.” pagpapakilala niya sa larawan ng lalaking pinagmamasdan ni Owen, “kamukhang-kamukha mo siya, ‘di ba,” tanong niya, “pero hindi kayo magkaano-ano,” pagsisimula na niya pagsisinungaling.
“Russell…” naalala niya si Joanne Javier, “baka siya ‘yung boyfriend nung babaing nakipag-away sa mall noon,” saad niya, “’yong ikinuwento ko sa ‘yong tinawag akong Russell.”
Nabuhay ang interest ni Gemma.
“Nakipag-away sa mall? Pinagkamalan kang boyfriend niya?”
‘Yes, Ma. 'Yung sinabi ko sa 'yong doppelganger ko."
“Doppelganger is the look alike of a living person! At totoo namang magkamukhang magkamukha kayo ng Russel na ‘to!”
Nagsimulang bumuo agad ng mga pakana ang utak ni Gemma Garcia.
“Si Joanne Javier ang girlfriend niya,” pagbibigay alam ni Gemma sa anak, “isang beauty queen na nagmula sa South,” dagdag impormasyon pa, “at alam mo bang si Russell ang CEO ngayon ng ilang kumpanya ni Theodore Rossell? At siya rin ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng mga Rossell!”
Kinuha ni Gemma ang magasin at hinanap mula sa mga pahina niyon ang larawan ng babaing nababalitang girlfriend ni Russel.
“Heto, ito ang larawan ni Joanne Javier na girlfriend ni Russel Rossell,” saad niyang ipinakikita ang larawan ni Joanne sa kumikilala sa kanya bilang ina, “siya ba ang nakita mo sa mall,” tanong naman.
“Yeah, ito nga!”
Nangingiting tinitigan ng ina-inahan ang anak-anakan.
“Hey, hindi ko gusto ang mga ganyan mong tingin, Mama,” wika ng anak, “kinakabahan ako sa mga tingin mong ganyan.”
“May ipapagawa ako sa ‘yo, anak.”
Malakas ang tibok ng pusong hinintay ni Owen ang iba pang sasabihin ni Gemma.
“Gusto kong magpanggap ka bilang si Russel.”
“What? Magpapanggap akong ako si Russell Rossel? Why?” Tanong ng nagtatakang anak-anakan.
“Para makaganti ako kay Theodore Rossell.”
“Makaganti? Bakit ano’ng ginawa niyang masama sa iyo, Ma?”
Nagimulang magbuhul-buhol ng kasinungalingan si Gemma. Inihayag sa anak-anakan ang isang kuwento ng kasinungaling matagal na panahon na niyang nabuo sa kanyang isipan.
“Pinagmalupitan ka niya?” Hindik na naitanong ni Owen kay Gemma, “
“Yes, pero tiniis ko ang lahat ng iyon dahil sa kagustuhan kong makapgtapos ng pag-aaral,” umiiyak na sagot niya, “at hindi ko rin nagawang isuplong sa may kapangyarihan ang pagtatangka niyang mapagsamantalahan ako, dahil alam kong kaya niyang bayaran ang hustiya.”
Ang pag-iyak ay naging hagulgol na halos dumurog sa puso ng anak na labis na nagmamahal sa kinamulatang ina.
Niyakap niya ito. H******n sa noo, “hindi ko alam na ganoon pala ang sinapit mo noong araw,” wika ni Owen, “huwag kang mag-alala, Ma. Ipaghihiganti kita.”
Ilang sandaling nag-isip ang binate, bago muling nagsalita.
“Kaya siguro ipinahintulot ng universe na maging magkamukha kami ng Russel na ‘yon,” ang mahinang sabi, “ay upang magkaroon ako ng pagkakataon na maipaghiganti ko ang kaapihan mo sa mga Rossell na ‘yon.”
Malalim siyang bumuntunghininga. H******n ang ulo ng inaakala niyang nag-iisa niyang ina.
“Isinusumpa ko, Mama, makakamtan ng Theodore Rossell na ‘yon ang pinakamalupit na parusang maibibigay sa kanya ng sino man! Isinusumpa ko, Mama…”
Punung-puno ng kaligayahan ang kalooban ni Gemma.
Sumabog sa buong bahay ang malakas na boses ni Owen Garcia.
“Paghahandaan ko ang pagkikita natin, Theodore Rossel., isinusumpa ko, mararanasan mo ang lupit ng aking paghihiganti!”
Anak laban sa ama ang gustong mangyari ni Gemma.
“AYUN! “ Napalingon si Brendon sa pinanggalingan ng malakas na tinig. “Yong gagong ‘yon ang gumago sa akin sa loob ng selda.” Itinuturo siya ng lalake. Maputi na ang buhok ng lalake. Humigit kumulang sa animnapung taon na ang idad. Kumilos ito upang sugurin siya. Nasa mga mata ang labis na galit na sa wari ay handa siyang patayin sa gulpi. Nangiti si Brendon. Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng matandang lalake na pasugod sa kanya ang lakas ng kanyang kabataan. Mayabang niyang iniliyad ang kanyang dibdib. Inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang at hinintay na makalapit sa kanya ang matandang napopoot. Nang bigla niyang maalala ang eksenang naganap sa selda 13, kung saan nakakulong ang lalaking iniutos ng kanyang ina na kanyang takutin, at bantaan na huwag ng tangkain pang tumakas sa kulungan dahil siguradong kamatayan lang ang sasapitin nito. “Si Domingo Sabado!” Nasabi niya na biglang nahintakutan. Agad siyang kumaripas ng takbo. “HOY!” Narinig niyang sigaw nit
PAK! Malakas na lumagapak ang palad ni Solenne sa pisngi ni Brendon. Pakiramdam niya ay umugong ang kanyang tainga at wari ay nakakita siya ng biglang sinag ng liwanag na hindi niya malaman ang pinagmulan, sa tindi ng sampal na kanyang tinanggap. “Ma, Bakit?” Tanong niyang nagtataka. “Nagtanong ka pa,” ganting tanong ni Solenne sa anak, “di ba’t ang sabi mo sa akin ay nanginig na sa takot ni Domeng? Na kailanman ay hinding-hindi niya tatangkain man lang na tumakas sa bilibid.” Naumid ang dila ng sinampal. “O, ayan,” isinalpak ni Solenne ang pahayagan kay Brendon, “balita na sa buong Pinas na nakatakas na naman ang hayup na matandang ‘yon!” Inihagis ni Brendon ang pahayagan. Inis na ibinagsak ang sarili, paupo sa silyang naroon sa receiving area ng bahay. “Sa kilos at arte mo ay parang alam mo nang nakatakas na nga ang Domingo Sabadong ‘yon,” saad ng ina, “ibig sabiin ginawa mo akong tanga na paniwalang-paniwala na nakakulong ang impaktong 'yon sa selda, pero yon pala ay nasa p
Natatarantang hindi malaman ni Owen ang gagawin. Hindi siya makakapayag na mabisto ni Russell ang pagiging doppelganger nilang dalawa. Nagmamadaling sapilitan niyang inaalis ang ang kamay na nakakapit sa kanyang braso, na ayaw bumitaw sa kanya. “Bakit? Saan ka na naman pupunta?” Tanong ni Shelley sa nagmamadaling makalayo. “Men’s room,” sagot ni Owen, “nakasama yata sa akin ‘yung kinain ko,” paga-alibi na niya, “k-kumukulo ang tiyan ko. Parang… parang…” “Okay, sige na,” wika ng naiinis na babae, sabay sa pagbitiw sa brasong kinakapitan, “baka nga dito ka pa nga magkalat, nakakahiya!” dagdag na sabi. Napailing ito habang tinatanaw ang halos magkandarapa sa pagtakbong si Owen na inaakala niyang si Russel. Na binangga ang totoong Russel na kanyang makakasalubong upang hindi agad ito makalapit kay Shelley. “Hey!” Sigaw ni Russel sabay lingon kay Owen, na hindi humarap sa kanya. Hindi siya pinansin ni Owen na walang lingon likod na nagpatuloy sa pagtakbo. “Bastos ‘to, ah,” inis si
MAHIGPIT ANG mga guwardiyang nagbabantay sa silid na kinaroroonan ng naaksidenteng si Russell Rossell, na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa nagkakamalay.Dalawang sescurity guard ang nasa saradong pinto ng kuwarto, at may mga naka-sibilyang security officers pa ang nasa mga tagong lugar.“Iba talaga ang rich and powerful,” ang nasa isip ni Owen, “super higpit ang bantay ng mga guwardiya! Takot na takot. Insecure na insecure at walang katiwa-tiwala sa kapwa nila,” nagpalakad-lakad siya. Hinanapan ng weak part ang security ng pasyenteng binabantayan ng mga ito, “sabagay may katwiran naman silang ma-insecure,” pag-iisip pa rin niya habang palakad-lakad sa di kalayuan sa mga guwardiyang nasa labas ng silid ni Russell, “e, heto nga ako at nagbabalak na ma-abduct ang anak ng multi billionaire na si Theodore Rossell, upang mapasa-akin ang kanilang kayamanan, kakambal ng paghihiganti ko para sa aking mama.”Nang lapitan siya ng isang alertong security guard na naka- civilian clothes
“PINABULAANAN ng pamilya ni Russel Rossell ang tungkol sa mga naunang balita na kasama nito ang pocketbook writer na si Shelley Silver nang ito ay maaksidente sa pagmamaneho. Ayon sa mga Rossell…” DING…DONG… Mabilis na iniwan ni Shelley ang panonood ng balita sa telebisyon. Nagmamadaling binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Russell ang dumating. Walang sabi-sabing pumasok sa loob ng bahay niya ang bisita, na agad ding itinulak na pasara ang pinto. Matagal na napatitig sa kanyang brasong may cement cast at sa ulo niyang hindi pa natatanggalan ng benda ang pangahas na dumating. “Bakit kasama mo ang boyfriend ko noong maaksidente siya?” Usig agad sa kanya nito. Mamahalin ang naamoy niyang pabango ng babaing nanggigigil, na ang isang kamay ay nakapamaywang habang ang isa naman ay halos dutdutin na ang kanyang mukha ng hintuturo nito. Puno ng pagkapoot ang mukha nitong maayos na napintahan ng make up. Mahahaba ang pekeng pilikmatang sinisilipan ng nandidilat na mga matang nakakatitig
IRITADO SI GEMMA. Palakad-lakad siya sa kabahayan. Nag-iisip ng paraan kung paano magkakaroon ng katuparan ang mga plano nila ni Owen. “Naunahan tayo ni Theodore,” saad niya, “nailabas na niya ng bansa si Russell at walang nakakaalam kung saang parte ng mundo naroon ang bansang iyon,” pagpapatuloy pa, “kung bakit naman kasi napakabagal n’yong kumilos. Kung nakidnap n’yo na ba agad ang Russell na ‘yon, di sana’y napakadali mo nang makakapagpanggap bilang siya. Lalo na kung pinatay n’yo na ang anak ni Theodore,” dagdag na paliwanag pa, “ikaw na ang magiging tagapagmana ng lahat ng kayamanan at negosyo ng mga Rossell dahil ikaw na talaga ang magiging si Russell Rossell!” Nag-iisip rin si Owen. “Dalawa ang girlfriend ni Russell,” nasambit niya habang binubuo sa isip ang binabalak na gawin, “’yung isa si Joanne Javier. Mayaman, pero kaliwete. Kinakaliwa niya si Russell. Nakikipagrelasyon siya kay Brendon na anak ni Solenne,” pagpapatuloy niya, “at hindi lang ‘yon. Ka-fling pa rin niya
PAULIT-ULIT na niyang nabasa ang nobelang “My Innocent Lover” na isinulat ni Russel bilang kanyang ghostwriter. Ang unang nobela na nasa kanyang pangalan at agad nag-trending at naging bukambibig ng Maraming mahilig sa pagbabasa ng mga pocketbooks. “Hindi kaya ako ang sinasabi niyang innocent lover,” tanong niya sa sarili, “isang babaing walang kaalam-alam tungkol sa buhay ng lalaking iniibig ngunit ibinigay ang sarili nang walang pagdadalawang isip.” Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa kabahayan. Itinatanggi ng kanyang isip na siya ang babaing ginawang bida ni Russell sa nobelang ginawa nito, dahil hindi man lang siya n*******n ng lalaking ‘yon, maliban noong araw na dinalaw siya nito sa ospital. “Hindi naman kami lover, pero bakit niya ako hinalikan noong nasa ospital ako,” pagtataka niya, “naramdaman kaya niyang hindi lang friendship ang nararamdaman ko para sa kanya at gusto niyang samantalahin ang damdamin kong iyon para maangkin niya ang katawan ko?” Nagpatuloy siya sa paba
“MASAYA KA!” Pagpansin agad ni Gemma pagkakita kay Owen na pumapasok sa pintuan. Kakaiba ang galaw ng kanyang anak-anakan. Wari’y nagliliwanag ang mukha nitong punung-puno ng walang pangalang kasiyahan. Pati ang hakbang nito’y wari’ng napakagaan at tila ba halos hindi sumasayad sa sahig ang paa. Kumikislap na tila bituin ang mga mata nitong hindi maitingin sa kanya nang diretso. Nilapitan siya ng anak-anakan. Kinuha ang isang kamay niya at idinikit ang likod niyon sa noo nito bilang pagbibigay galang. Ang pagmamano ang isa sa mga pagbibigay galang sa kanya ang itinuro ni Gemma sa anak ni Theodore Rossell na pinalaki niya bilang kanyang anak. Pagmamano na nang magbinata ito ay isina-isantabi at pinalitan ng pagbibeso-beso. Hindi na niya matandaan kung kailan huling nagmano sa kanya si Owen. Naging moderno na ang pananaw nito sa buhay at ang pagmamano ay naging pagbibeso-beso na nga. “Magdamag kang hindi umuwi,” saad niya, “masyado mo akong pinag-alala,” pagpapa-guilty pa niya dito
EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit
NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan
SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”
NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil
TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa
SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na
ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya
MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!
PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag