Thanks to all readers of "Loving The CEO's Mistaken Identity." I love you all beautiful people! Keep safe always. Em Dee C.
PUMULANDIT ANG DUGO mula sa bibig ni Brendon nang bumagsak sa kanyang mukha ang kamao ng misteryosong lalaking nag-abduct sa kanya mula sa kotse ni Joanne. Pinilit niyang kumawala sa silyang kinauupuan, ngunit ni hindi niya maigalaw ang kanyang braso sa higpit nang pagkakadikit ng patung-patong na mga industrial tape na ipinanggapos sa kanya sa silya. Wala ano mang expression siyang mabasa sa mukha ng lalaking kanyang kaharap. Naaasiwa siya sa poker faced na pagkakatingin nito sa kanya “Ano’ng atraso ko sa ‘yo, Boss?” Tanong niyang pilit pinakakalma ang naguguluhang isip. “Walang personalan ‘to. Trabaho lang,” maikling sagot ng tinanong, “takpan ang mata nito,” biglang utos sa isang tauhan na naroon. Nagdilim ang kanyang paligid, “ano’ng gagawin n’yo sa akin?” hintakot niyang tanong. Nagpapasag siya. Pinilit na hindi matakpan ang kanyang mga mata. “Tumigil ka sa kalilikot!” Singhal ng nagtatali ng blindfold niya na sinabayan ng malakas na pagbatok sa kanya. ilang saglit lang
“HINDI MO KAILANGANG gumamit ng mga highfalutin words para masabing isa kang magaling na writer. Maraming manunulat na simple lang kung gumawa ng mga novels, pero malalim ang meaning at tinutumbok ng istorya.” Nakapangalumbabang pinagmamasdan ni Shelley si Owen na habang nagsasalita ay palakad-lakad sa kanyang harapan. Tila ba ito isang professor na nagli-lecture sa harap ng mga istudyante sa isang silid aralan. "Buti na lang at hindi nabura sa kanyang alaala ang kanyang talento sa pagsusulat." Ang nasa isip niya na ang akala ay si Russell ang nasa harapan niya. Hindi maiwasang bumilis ang tibok ng kanyang puso, na nagiging dahilan upang hindi makapasok nang ganap sa kanyang utak ang mga ipinaliliwanag ng lalaking nagtuturo sa kanya kung paano maging isang effective na manunulat. Nag-iingay ang kanyang puso. Nagwawala sa nararamdamang pag-ibig. “Katulad ng pag-ibig,” tumigil sa harapan niya ang nagli-lecture. Naniin sa mesang kinapapatungan ng kanyang siko, bago nagpatuloy sa p
BANG! Humigpit pa ang pagkakahawak ng maskaradong lalake sa buhok i Solenne. Marahan. Unti-unting lumalapit ang naka-civillian clothes na security officer sa kanyang binaril. Alerto at handang muling paputukin ang hawak nitong armas habang malikot ang matalas na mga matang palipat-lipat ang tingin sa nakamaskarang lalake at sa sabu-sabunot nitong babae. Malakas na bumalagbag ang katawan ng binaril, hatak ang buhok ni Solenne na kasamang bumagsak sa damuhan ng malawak hardin sa harapan ng mansiyon ng mga Rossell. “EEEEE…” Kasabay sa kanyang pagtili ay pilit na kinakalas ng babae ang kanyang buhok sa pagkakasabunot ng nakabulagta, duguan, maskaradong lalake. Maingat, mabilis na lumapit ang security officer sa nakabulagta. Dinama ang tibok sa leeg nito. “Patay na.” Ang mahinang sinabi. .*** **** LABIS NA PINANGHIHIYANGAN ni Gemma Garcia ang kumupas niyang kabataan. Hindi niya matanggap na nabale-wala lang ang lahat ng kanyang mga pagsisikap, paghihirap, pakana, plano at mga pang
BOG! BOG! BOG!Kasabay ng mga pagkalabog sa pintuan ay kumakabog din ang puso ni Shelley sa matinding nerbiyos. Dinampot niya ang cellphone na nakatulugan niya sa kanyang tabi. Pinindot iyon upang alamin ang oras.2:00 A.M.Lalo pang kinabahan ang babae, “Diyos ko, oras ngayon ng mga mandurugas,” ang agad pumasok sa isip niya, “baka magnanakaw ‘yung kumakalabog na ‘yon sa pinto, ah! Baka reypis, baka…” kung ano-ano mang mga masasamang uri ng tao ang pumasok sa kanyang isipan.Kinatakutan ang sariling kaligtasang pinindot niya ang numero ng telepono ng pinakamalapit na police station sa emergency numbers na nakalista sa kanyang phone.Mabilis ang naging tugon ng kanyang tinawagan.“Ano po ang emergency, Ma’m?” Tanong agad sa kanya ng boses babae na sumagot sa phone, matapos niyang mag-hello.“May tao sa harapan ng bahay ko. Kinakalabog niya ang pintuan ng bahay…natatakot ako. Papasukin niya ang bahay ko!”“Nag-iisa lang po ba kayo, Ma’m?”Hindi nagawang sagutin ni Shelley ang tanong na
ANG KALIGTASAN NG kanyang anak ang pinakamalaga sa isang ina. Kahit sariling buhay ay itataya para sa anak na labis na minamahal. Si Domingo Sabado ang unang pumasok sa utak ni Solenne na puwedeng makapagligtas sa kanyang anak na ramdam niyang nasa panganib. “Sigurado kong hahanapin niya at ililigtas niya si Brendon kapag ipinagtapat ko sa kanya ang katotohanang anak niya ang anak kong iyon.” Ngunit nasaan si Domingo Sabado? Biglang pumasok sa kanyang alaala ang lalaking nagpalayas sa kanya sa bahay ni Joanne Javier. “Siya kaya ang hired killer na binayaran ni Joanne para patayin si Brendon,” pagdududa niya, “n-nasaan na kaya ang anak ko? Buhay pa kaya siya?” “Bakit ako’ng pinagbibintangan n’yong nagpakidnap kay Brendon,“ natatandaan niyang sigaw ni Joanne noong inuusig niya ito, “hindi ba’t nasa loob ako ng kotse ng tinadtad iyon ng bala? Gugustuhin ko bang paulanan ng bala ang kotse ko, ha,” tanong sa kanya ng lover ng kanyang anak, “paano kung sa akin tumama ang mga balang ‘yo
“HUWAG KANG MANGARAP na pakakasalan kita, Roman,” mariing pahayag ni Gemma Garcia sa lalaking nagpanggap na kanyang boyfriend sa harap ni Owen, “hindi ang katulad mo lang ang pangarap kong maging asawa!” panlalait pa niya. Pumuno sa buong bahay ang malakas na halakhak ng lalake, na halos bumingi kay Gemma. Matagal ang halakhak na iyon. Umiinsulto. Nang-iinis. Nagkakandaluha ang mga mata ni Roman ng tumigil sa pagtawa. “Alam mo, ang galing mong magpatawa,”sarkastikong saad nito habang pinupunasan ng panyo ang mga matang nagluha, “paano mo akong magiging asawa, e, matagal na akong may asawa? Matagal na akong ikinasal!” Namula ang mukha ng babae sa magkahalong galit at pagkapahiya. “At hindi ko kailanman hihiwalayan ang asawa ko lalo pa’t kung ikaw lang ang ipapalit ko sa kanya,” pagpapatuloy ng head ng security force na nagbabantay sa mansiyon ng mga Rossel “kaya’t ang pagiging mistress lang ang magiging papel mo sa buhay ko. Kabet!” Hindi nakahuma ang babae sa mga panlalait, pang-
HINDI PINANIWALAAN NI Shelley ang lahat ng kanyang paliwanag. Nanatili itong tahimik kahit nang matapos siya sa mga paliwanag niya. At pagkatapos ay nagdudumali itong umakyat sa second floor ng bahay. Nagkulong sa loob ng silid tulugan. Malalim siyang napabuntunghininga. Dinukot mula sa bulsa ng suot niyang pantalon ang susi ng bahay ni Shelley na kinuha niya sa sabitan nito ng mga susi. “Umalis ka na, Russell,” ang huling sinabi sa kanya ng babaing natutuhan na niyang mahalin, “paki-lock ang pinto sa paglabas mo.” Kalmado ang tinig ng babae, ngunit dama niya ang sakit ng damdamin na ayaw nitong ipahalata sa kanya. “Paano ko ba ipagtatapat sa iyo ang katotohanan nang hindi ka magagalit…masusuklam sa akin, Shelley?” Tanong niya na sa susing hawak nakatingin. Naalala ang kinamulatang ina. “Kumusta na kaya si mama,” tanong sa wala habang ibinubulsa ang susi, “nagsasama na siguro sila ng boyfriend niya.” Umaahon na naman ang magkahalong sakit at pait ng damdaming kanyang naramdaman
WARI AY GUSTO nang tumalon ng kanyang puso palabas ng kanyang katawan sa sobrang takot na nararamdaman.Takot na kailangan niyang harapin. Head on. Face to face. Kilalang-kilala niya ang taong kanyang haharapin. Alam niyang walang hangganan ang kalupitan niyon. Maraming ulit na niyang natikman ang bigat ng kamao ng taong ‘yon. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit pumutok ang kanyang mga labi sa malakas na sampal na ibinabalandra niyon sa kanyang mukha. Kalupitang hindi niya masikmura pero kinailangan niyang tiisin. “May kinakalantare ka na namang kung sinong lalake, ano,” naalala niyang sigaw ng lalaking iyon nang may narinig na tsismis tungkol sa kanya, “bakit kulang pa ba ako sa ‘yo, ha? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa kong pagpapaligaya sa ‘yo?” Natakot siyang sumagot noon, dahil tiyak niyang masasaktan siya kapag hindi nito nagustuhan ang sagot na magmumula sa kanya. “Sumagot kaaa!” Kasabay ng nanggagalaiting pagsigaw ay ang paglagapak ng palad nito sa kanyang mukha. Napas
EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit
NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan
SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”
NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil
TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa
SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na
ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya
MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!
PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag