Hello, Darling readers, Hope you're all having a great time. Read on. - Em Dee C.
WARI AY GUSTO nang tumalon ng kanyang puso palabas ng kanyang katawan sa sobrang takot na nararamdaman.Takot na kailangan niyang harapin. Head on. Face to face. Kilalang-kilala niya ang taong kanyang haharapin. Alam niyang walang hangganan ang kalupitan niyon. Maraming ulit na niyang natikman ang bigat ng kamao ng taong ‘yon. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit pumutok ang kanyang mga labi sa malakas na sampal na ibinabalandra niyon sa kanyang mukha. Kalupitang hindi niya masikmura pero kinailangan niyang tiisin. “May kinakalantare ka na namang kung sinong lalake, ano,” naalala niyang sigaw ng lalaking iyon nang may narinig na tsismis tungkol sa kanya, “bakit kulang pa ba ako sa ‘yo, ha? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa kong pagpapaligaya sa ‘yo?” Natakot siyang sumagot noon, dahil tiyak niyang masasaktan siya kapag hindi nito nagustuhan ang sagot na magmumula sa kanya. “Sumagot kaaa!” Kasabay ng nanggagalaiting pagsigaw ay ang paglagapak ng palad nito sa kanyang mukha. Napas
NAGDIRIWANG ANG KALOOBAN ni Solenne. “Ako ang panalo sa labanan nating tatlo,” taas ang mukhang ini-imagine niya si Joanne Javier at Domingo Sabado, “ bumangon siya mula sa kinahihigaang divan. Nasisiyahang humakbang patungo sa bar sa basement ng kanilang mansiyon, “alias Sandy Samedi ka pang Domeng ka, ha,” nakangiting hinugot ang isang bote ng mamahaling alak mula sa wine rack na nakakabit sa dinding, “kasi naman, Domeng, pakikipag-usap niya sa lalaking nasa kanyang imahinasyon, “masyadong give away ang alias na ginamit mo,” ang wika habang nagsasalin ng alak sa kopang hawak, “para namang hindi ko alam na ang Sandy ay pinaikling Sunday na ang ibig sabihin ay araw ng Linggo na sa kastila ay Domingo,“ marahan niyang sinimsim ang alak mula sa kopa. Iminumog iyon sa loob ng bibig. Ipinaikot sa loob ng kanyang pisngi at mga gilagid. Ah, gusto niyang malasahang mabuti ang sarap ng likidong iniinom. Katulad ng sarap na kanyang nararamdaman sa inaakalang pagkapanalo niya sa pakikipaglaban
HINDI MATANGGAL SA kanyang isip ang unang pagkikita nila ni Russell. Iyon ang araw na puno ng sama ng loob at frustrations ang kanyang kalooban. Ang araw na ipinasya niyang kalimutan na ang kanyang pangarap sa buhay na maging manunulat at humanap na ng ibang career na magpapaunlad sa kanyang buhay. Nang itulot ng tadhanang mawalan ng preno ang sasakyan ni Russell at ipasya nito na ibangga sa pader ng kanyang bahay ang kotseng minamaneho upang maiwasan ang makadisgrasya ng ibang tao. Hindi niya malilimutan kung paanong nagtatalon ang kanyang puso na ayaw tumigil sa matuling pagtibok nang magtama ang kanilang mga tingin. Itinanggi ng kanyang isip na umiibig siya sa lalake. Na love at first ang kanyang nadarama. Subalit hindi pinahintulutan ng kanyang puso na manalo ang kanyang isip. Lalo pang nag-iingay at kumakalabog ito sa bawat pagdaan ng araw. Habang nakikilala niya ang Russell na may mabuting kalooban at magandang hangarin para sa kanya at sa kanyang pangarap ay lalong nahuhulog
HINDI MAKATULOG. Biling baligtad si Owen sa higaan. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi mawala sa kanyang isip ang anyo ni Russell. “Kumusta na kaya siya,” tanong sa sarili, “magaling na kaya siya,”tanong na muli habang sa kanyang isip ay malinaw niyang nakikita ang imahe ni Russell habang naka-stretcher at itinatakbo papunta sa ambulansiya. Nakaramdam siya ng galit. “Matiyak ko lang na sinadya ang pagkasira ng sasakyan ng doppelganger ko at malaman ko lang kung sino ang gumawa no’n…” Bumangon siya sa mula sa higaan. Nag-iisip na nanungaw. Tinanaw ang dilim sa mga eskinitang kanyang natatanaw. Pakiramdam niya’y nasa ganoon kasikip at kadilim na eskinita ang taong nasa kanyang isipan. “Hindi sana siya nagkaroon ng malaking pinsala sa katawan at isip,” mahinang nahiling niya, kasabay sa pagtingala sa mga bituin na kumikislap sa langit, “may the universe have mercy on you, Russell.” “Hey, Bro, bakit hindi ka pa natutulog?” Nilingon niya ang nagsalita. “Hmn...bagay sa 'yo ang bal
NAGUSTUHAN NI SOLENNE ang tikas ng lalaking balbas sarado na nakatayo sa kanyang harapan. Buo ang kumpiyansa nito sa sarili. Tiyak ang bawat galaw. “Owen Garcia po.” Pagpapakilala nito sa kanya na sinabayan ng bahagyang pagyukod. Hindi iniabot ng babae ang kamay niya nang ibigay ng kanyang kausap ang palad nito na para sa isang pakikipag-handshake. Hindi niya gustong tinitingala ang sino mang kausap niya. Kaya't kanyang isinenyas dito ang silyang nakatapat sa kinauupuan niya na uupuan ng lalake.. Ngumiti ng pasasalamat si Owen. Buong kapakumbabaang umupo sa silyang isinenyas sa kanya. “Paano mo nalaman ang Email address ko,” pormal na tanong ni Solenne, “at sino ang nagsabi sa iyong nangangailangan ako ng personal driver?” Si Joanne ang tinanong ni Owen ng mga personal na bagay tungkol sa pangalawang asawa ni Theodore Rossell noong yayain siya ng babae sa condominium nito. Ang plano ni Joanne noon ay lasingin siya ngunit naging mas mautak siya, kaya ito ang nalasing niya sa hali
NASA MALALIM NA PAGTULOG si Russell. “Bakit laging nagwawala ang anak ko, Doctor, “tanong ng nag-aalalang ama, “is his brain got affected by the car accident that happened to him.” “We have examined your son’s brain thoroughly, Sir Theodore, and we didn’t find anything that would cause trouble in his mental health,” paliwanag ng manggagamot, “but the traumatic experience he went through may cause changes in his body that can affect neurotransmitters in the brain increasing the risk of schizophrenia.” “Hindi baliw ang anak ko, Doktor. Sabihin mong hindi nababaliw ang anak ko!” “There is a possibility that what he’s experiencing now is only temporary,” muling paliwanag ng doktor, “and he will get to his normal self once he has overcome his trauma.” “How?” "We've already sedated him for him to rest his mind and we're hoping that he will be better when he wakes up." Matiim na pinakinggan ni Theodore Russell ang lahat ng mga sinabi ng manggagamot. Lahat ng paraan na ginagawa nito upa
NAG-IISIP. Matagal na pinagmamasdan ni Owen ang sarili sa salamin ng men’s room. Hindi niya mahagilap sa kanyang isip kung paano pa siya nakilala ni Roman sa bagong image niyang balbas sarado, may bigote at naiibang istilo ng buhok. “Alam ko ang iyong iniisip.” Hindi niya naiwasan ang pagsimangot ng kanyang mukha nang makita sa salamin ang lalaking nagsalita. Mayabang itong nakangisi habang pumapasok sa men’s room na ang tingin ay kanyang nakapako. Si Roman Romano. Hindi siya umimik. Ayaw niyang makipag-usap sa hambog na boyfriend ng mama niya. “Iniisip mo kung bakit, bukod sa nagpalaki ka na ng katawan, may bigote at balbas sarado ka pa ay nakilala pa rin kita,” pahayag nito habang nagbubukas ng siper ng pantalon, “iyon ay dahil dumadaan sa kamay ko ang lahat ng resume ng bawat isang naga-apply bilang security personnel sa mga Rossel.” Natapos ito sa panunubig. Sabay sa pagsisiper ng pantalon ay humakbang ito patungo sa harap ng salamin. Tinabihan si Owen. “Nang makita ko ang
HINDI MAIWASAN NI Joanne ang mag-alala sa sariling kaligtasan. Pakiramdam niya’y bumaligtad na ang kanyang mundo. Naging kalaban na niya ang kanyang mga dating kakampi. Ang mga binayaran niya para burahin sa kanyang landas ang mga taong sagabal sa kanyang mga binabalak at mga taong kinatatakutan niya’y siya ngayong gumagawa ng masama sa kanya. “Hayup kasing Domingo Sabado ‘yon,” naiinis na nasabi, “ipinapasa-pasa kay Sandy Samedi ang trabahong ipinagagawa ko sa kanya!” Isinisisi niya sa ginawang pambubugbog ni Sandy kay Brendon ang lahat ng gulong nangyayari sa buhay niya. “Sobrang palpak,” patuloy sa pagdaldal nang walang kausap si Joanne, “hindi na nga pinatay si Brendon ibinulgar pang ako ang nag-hire sa kanya para patayin ang tangang Brendon na ‘yun at inutusan pa ‘yung tao na patayin ang sariling ina nito,” malalim na napabuntunghininga ang babae, “at ako pa ang binugbog at kinuhanan ng impormasyon sa kung nasaan si Solenne.” Nag-iisip ng paraan kung paano malulusutan ang gulo
EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit
NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan
SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”
NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil
TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa
SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na
ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya
MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!
PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag