Hello Dear Readers of "Loving The CEO's Mistaken Identity" I would appreciate it very much if you could send me some comments or feedback... and some gems too. Thanks a bunch, Em Dee C.
NAG-IISIP. Matagal na pinagmamasdan ni Owen ang sarili sa salamin ng men’s room. Hindi niya mahagilap sa kanyang isip kung paano pa siya nakilala ni Roman sa bagong image niyang balbas sarado, may bigote at naiibang istilo ng buhok. “Alam ko ang iyong iniisip.” Hindi niya naiwasan ang pagsimangot ng kanyang mukha nang makita sa salamin ang lalaking nagsalita. Mayabang itong nakangisi habang pumapasok sa men’s room na ang tingin ay kanyang nakapako. Si Roman Romano. Hindi siya umimik. Ayaw niyang makipag-usap sa hambog na boyfriend ng mama niya. “Iniisip mo kung bakit, bukod sa nagpalaki ka na ng katawan, may bigote at balbas sarado ka pa ay nakilala pa rin kita,” pahayag nito habang nagbubukas ng siper ng pantalon, “iyon ay dahil dumadaan sa kamay ko ang lahat ng resume ng bawat isang naga-apply bilang security personnel sa mga Rossel.” Natapos ito sa panunubig. Sabay sa pagsisiper ng pantalon ay humakbang ito patungo sa harap ng salamin. Tinabihan si Owen. “Nang makita ko ang
HINDI MAIWASAN NI Joanne ang mag-alala sa sariling kaligtasan. Pakiramdam niya’y bumaligtad na ang kanyang mundo. Naging kalaban na niya ang kanyang mga dating kakampi. Ang mga binayaran niya para burahin sa kanyang landas ang mga taong sagabal sa kanyang mga binabalak at mga taong kinatatakutan niya’y siya ngayong gumagawa ng masama sa kanya. “Hayup kasing Domingo Sabado ‘yon,” naiinis na nasabi, “ipinapasa-pasa kay Sandy Samedi ang trabahong ipinagagawa ko sa kanya!” Isinisisi niya sa ginawang pambubugbog ni Sandy kay Brendon ang lahat ng gulong nangyayari sa buhay niya. “Sobrang palpak,” patuloy sa pagdaldal nang walang kausap si Joanne, “hindi na nga pinatay si Brendon ibinulgar pang ako ang nag-hire sa kanya para patayin ang tangang Brendon na ‘yun at inutusan pa ‘yung tao na patayin ang sariling ina nito,” malalim na napabuntunghininga ang babae, “at ako pa ang binugbog at kinuhanan ng impormasyon sa kung nasaan si Solenne.” Nag-iisip ng paraan kung paano malulusutan ang gulo
NAPASIBANGOT ANG MUKHA ni Solenne. Hindi niya naibigan ang biglang pagbubukas ng pinto ng kung sinong hindi man lang kumatok sa pintuan. Galit siyang tumayo upang singhalin ang mapangahas na taong walang pasintabing pumasok sa conference room. Sumara ang pintuan. Nagkatitigan sila ng lalaking sasabihan sana niya ng “bastos at walang pinag-aralan”. “Theodore.” Pabulong niyang pagsambit sa pangalan ng dumating. “Ano’ng mahalagang mga pangyayari ang pinagmimitingan n’yo?” tanong nito na ang tingin ay palipat-lipat kay Solenne at Owen, “at bakit kayo nagmimiting nang hindi ko alam?” “I’m sorry,” habang papalapit kay Theodore ay hinging paumanhin ni Solenne, “hindi kasi kita mahagilap. Lagi kang busy. Lagi kang wala, kaya nagdesisyon na akong pamahalaan ang security force ng mansion,” paliwanag niya. Bahagya niyang inilapat ang kanyang mga labi sa pisngi ng asawa bilang pagbati dito. “At ano naman ang alam mo sa pamamahala ng security force?” Tanong ni Theodore na pinunasan ng panyo
PINAGMAMASDANG MABUTI NI Gemma ang kanyang sarili sa malaking salamin ng kanyang dressing room. Ibig niya’y maging isang perpektong ka-date. Nais niyang maipagmalaki siya ng lalaking nag-imbita sa kanyang mag-dinner sa isa ng exclusive restaurant.Iyon ang unang pakikipag-date niya makaraan ang maraming taon ng pagpapalaki niya kay Owen at pagpaplano kung paano mabibitag ang patriarch ng mga Rossell .Simpleng make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha. Pinili niya ang light colored lipstick at blush on na bumagay sa kanyang fair colored skin. Dinampot ang bote ng mamahaling pabango na kanyang binili maraming buwan na ang nakakaraan.Ang korteng stiletto shoes na bote ng pabango ang unang napansin niya noong unang makita niya ito. Kakaiba. Naisip na magandang isama iyon sa koleksyon niya ng iba’t ibang mamahaling pabango na binili niya sa iba’t ibang bansa.Katulad ng bote ng pabangong kanyang hawak, nais niya'y maging kakaiba rin sa mata ng makaka-date niya. Maging kapansin-pan
GALIT NA GALIT SI Solenne. “Hindi mo siya dapat binaril,” sigaw niya kay Roman, “kontrolado na ni Owen ang sitwasyon. Bakit kailangang barilin mo pa siya?” Nasa bingit ng kamatayan si Domingo Sabado alias Sandy Samedi, dahil sa tama ng baril sa lugar na malapit sa puso. “Ano ba ang ipinag-aalala mo kung sakali at mamatay siya?” tanong ni Roman, “hindi ba mas mainam nga ‘yon at wala ng manggugulo pa sa sa ‘yo?” “Paano mo naman natiyak na wala na ngang manggugulo kung mamatay ang baliw na ‘yon,” ganting tanong ni Solenne, “hindi ba kaya mas tama kung mabubuhay siya at mapipiga mo ang mga impormasyon sa kung sino ang nag-utos sa kanyang sumugod dito at kung bakit?” “Kung may mastermind man sa pagsugod ng Sandy Sameding ‘yon dito ay malamang sa hindi na iyon ay ang resource person ni Owen,” pagdidiin ni Roman kay Owen, “isipin mo, ibinigay niya ang detalye ng pagsugod dito ng taong ‘yon pero hindi niya nasabi kung ano ang dahilan at kung sino ang mastermind.” “Sino ba si Sandy Samedi
“NAWAWALA SI BRENDON, may alam ka ba tungkol doon?”Hindi matagalan ni Joanne ang matalim na pagkakatitig sa kanya ng umuusig.Marami na siyang kinatatakutan, ngunit hindi niya inasahan na masasama sa listahan ng mga kinatatakutan niya ang ama ni Russell.Ang makapangyarihag si Sir Theodore Rossell.“W-wala po!”“Ano ang kinalaman mo sa pagkidnap at pambubugbog ni Sandy Samedi sa kanya?”Natataranta na siya. Nanginginig.Guilty siya, ngunit hindi niya maaaring aminin 'yon!Tumayo siya mula sa kinauupuan at tinalikuran ang nagtatanong, upang itago ang panginginig ng laman ng kanyang mukha at pamumutla nito. Ayaw niyang mabasa nito sa mukha niya ang guilt na kanyang nararamdaman. “Hindi ko sinabing tumayo ka, Joanne,” saad ng kinatatakutan niya, “at huwag na huwag mo akong tinatalikuran kapag nakikipag-usap ako sa ‘yo. Huwag mo akong binabastos!”Kumikibot ang mga muscle sa kanyang bibig at paligid ng kanyang mga mata dahil sa matinding takot na nadarama.Takot na noon lang niya nadam
WARING LUMULUNDAG SA tuwa ang puso ni Shelley nang mula sa dinudungawang bintana ay matanaw ang inaakalang si Russell na naglalakad, papunta sa bahay niya. Parang batang musmos, nagtutumulin itong tumakbo pababa ng bahay. Huminto ito sa likod ng pinto. Pinigil ang excitement na nararamdaman. Hindi niya gustong ipahalata sa dumarating ang sobrang saya na kanyang nararamdaman. “Baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya,” ang bulong, “kahit nga totoo hindi ko pa rin ipapahalata sa kanyang head over heels in love talaga ako sa kanya. Hindi ko aaminin. Isipin pa niyang cheap ako!” Hinintay ang pagkatok ni Owen. Ngunit nainip na siya sa kahihintay ng pagkatok ng kinasasabikang makita ay wala pa rin siyang katok na naririnig. Naghintay pa ng ilang sandali. Umasa na may nasalubong lang ito na kumausap kaya na-delay. Wala pa rin ang katok na hinihintay. Nag-alala. “Baka may biglang kumidnap na sa kanya. Baka may sumalbahe. Baka…” Maraming baka at kung ano-ano pang mga pag-aalala
HINDI INAASAHAN NI Theodore Rossell ang tawag na mula kay Owen Garcia. “Bakit?” Tanong niya agad nang may pag-aalala. Hindi niya maunawaan ang dahilan kung bakit nakadarama siya ng kakaibang kaba sa tuwing tinatawagan siya ng bodyguard ng kanyang asawa. At pinagtatakhan din niya sa maraming pagkakataon kung bakit labis siyang nag-aalala sa kaligtasan nito. “On leave ka ngayon, ‘di ba,” muli ay tanong niya sa kausap sa phone, “may problema ka ba?” Ramdam niya ang kaba na nararamdaman ni Owen. Naririnig niya ang hingal nito sa phone. “Narito po kasi si Roman Romano, Sir Theodore,” sinabi ng kanyang kausap sa telepono ang lugar na kinaroroonan ni Roman, “may hostage po siyang babae. May hawak po siyang baril na nakatutok sa ulo ng babae, Sir, at nagbabala na babarilin niya ang hostage niya kapag may lumapit sa kanila.” Walang inaksayang sandali si Theodore matapos magpaalam sa kausap. Agad niyang tinawagan ang lahat ng puwedeng makatulong upang magawan ng paraan na mapakawalan ni