Dear readers, Enjoy! Em Dee C.
HINDI MAKATULOG. Biling baligtad si Owen sa higaan. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi mawala sa kanyang isip ang anyo ni Russell. “Kumusta na kaya siya,” tanong sa sarili, “magaling na kaya siya,”tanong na muli habang sa kanyang isip ay malinaw niyang nakikita ang imahe ni Russell habang naka-stretcher at itinatakbo papunta sa ambulansiya. Nakaramdam siya ng galit. “Matiyak ko lang na sinadya ang pagkasira ng sasakyan ng doppelganger ko at malaman ko lang kung sino ang gumawa no’n…” Bumangon siya sa mula sa higaan. Nag-iisip na nanungaw. Tinanaw ang dilim sa mga eskinitang kanyang natatanaw. Pakiramdam niya’y nasa ganoon kasikip at kadilim na eskinita ang taong nasa kanyang isipan. “Hindi sana siya nagkaroon ng malaking pinsala sa katawan at isip,” mahinang nahiling niya, kasabay sa pagtingala sa mga bituin na kumikislap sa langit, “may the universe have mercy on you, Russell.” “Hey, Bro, bakit hindi ka pa natutulog?” Nilingon niya ang nagsalita. “Hmn...bagay sa 'yo ang bal
NAGUSTUHAN NI SOLENNE ang tikas ng lalaking balbas sarado na nakatayo sa kanyang harapan. Buo ang kumpiyansa nito sa sarili. Tiyak ang bawat galaw. “Owen Garcia po.” Pagpapakilala nito sa kanya na sinabayan ng bahagyang pagyukod. Hindi iniabot ng babae ang kamay niya nang ibigay ng kanyang kausap ang palad nito na para sa isang pakikipag-handshake. Hindi niya gustong tinitingala ang sino mang kausap niya. Kaya't kanyang isinenyas dito ang silyang nakatapat sa kinauupuan niya na uupuan ng lalake.. Ngumiti ng pasasalamat si Owen. Buong kapakumbabaang umupo sa silyang isinenyas sa kanya. “Paano mo nalaman ang Email address ko,” pormal na tanong ni Solenne, “at sino ang nagsabi sa iyong nangangailangan ako ng personal driver?” Si Joanne ang tinanong ni Owen ng mga personal na bagay tungkol sa pangalawang asawa ni Theodore Rossell noong yayain siya ng babae sa condominium nito. Ang plano ni Joanne noon ay lasingin siya ngunit naging mas mautak siya, kaya ito ang nalasing niya sa hali
NASA MALALIM NA PAGTULOG si Russell. “Bakit laging nagwawala ang anak ko, Doctor, “tanong ng nag-aalalang ama, “is his brain got affected by the car accident that happened to him.” “We have examined your son’s brain thoroughly, Sir Theodore, and we didn’t find anything that would cause trouble in his mental health,” paliwanag ng manggagamot, “but the traumatic experience he went through may cause changes in his body that can affect neurotransmitters in the brain increasing the risk of schizophrenia.” “Hindi baliw ang anak ko, Doktor. Sabihin mong hindi nababaliw ang anak ko!” “There is a possibility that what he’s experiencing now is only temporary,” muling paliwanag ng doktor, “and he will get to his normal self once he has overcome his trauma.” “How?” "We've already sedated him for him to rest his mind and we're hoping that he will be better when he wakes up." Matiim na pinakinggan ni Theodore Russell ang lahat ng mga sinabi ng manggagamot. Lahat ng paraan na ginagawa nito upa
NAG-IISIP. Matagal na pinagmamasdan ni Owen ang sarili sa salamin ng men’s room. Hindi niya mahagilap sa kanyang isip kung paano pa siya nakilala ni Roman sa bagong image niyang balbas sarado, may bigote at naiibang istilo ng buhok. “Alam ko ang iyong iniisip.” Hindi niya naiwasan ang pagsimangot ng kanyang mukha nang makita sa salamin ang lalaking nagsalita. Mayabang itong nakangisi habang pumapasok sa men’s room na ang tingin ay kanyang nakapako. Si Roman Romano. Hindi siya umimik. Ayaw niyang makipag-usap sa hambog na boyfriend ng mama niya. “Iniisip mo kung bakit, bukod sa nagpalaki ka na ng katawan, may bigote at balbas sarado ka pa ay nakilala pa rin kita,” pahayag nito habang nagbubukas ng siper ng pantalon, “iyon ay dahil dumadaan sa kamay ko ang lahat ng resume ng bawat isang naga-apply bilang security personnel sa mga Rossel.” Natapos ito sa panunubig. Sabay sa pagsisiper ng pantalon ay humakbang ito patungo sa harap ng salamin. Tinabihan si Owen. “Nang makita ko ang
HINDI MAIWASAN NI Joanne ang mag-alala sa sariling kaligtasan. Pakiramdam niya’y bumaligtad na ang kanyang mundo. Naging kalaban na niya ang kanyang mga dating kakampi. Ang mga binayaran niya para burahin sa kanyang landas ang mga taong sagabal sa kanyang mga binabalak at mga taong kinatatakutan niya’y siya ngayong gumagawa ng masama sa kanya. “Hayup kasing Domingo Sabado ‘yon,” naiinis na nasabi, “ipinapasa-pasa kay Sandy Samedi ang trabahong ipinagagawa ko sa kanya!” Isinisisi niya sa ginawang pambubugbog ni Sandy kay Brendon ang lahat ng gulong nangyayari sa buhay niya. “Sobrang palpak,” patuloy sa pagdaldal nang walang kausap si Joanne, “hindi na nga pinatay si Brendon ibinulgar pang ako ang nag-hire sa kanya para patayin ang tangang Brendon na ‘yun at inutusan pa ‘yung tao na patayin ang sariling ina nito,” malalim na napabuntunghininga ang babae, “at ako pa ang binugbog at kinuhanan ng impormasyon sa kung nasaan si Solenne.” Nag-iisip ng paraan kung paano malulusutan ang gulo
NAPASIBANGOT ANG MUKHA ni Solenne. Hindi niya naibigan ang biglang pagbubukas ng pinto ng kung sinong hindi man lang kumatok sa pintuan. Galit siyang tumayo upang singhalin ang mapangahas na taong walang pasintabing pumasok sa conference room. Sumara ang pintuan. Nagkatitigan sila ng lalaking sasabihan sana niya ng “bastos at walang pinag-aralan”. “Theodore.” Pabulong niyang pagsambit sa pangalan ng dumating. “Ano’ng mahalagang mga pangyayari ang pinagmimitingan n’yo?” tanong nito na ang tingin ay palipat-lipat kay Solenne at Owen, “at bakit kayo nagmimiting nang hindi ko alam?” “I’m sorry,” habang papalapit kay Theodore ay hinging paumanhin ni Solenne, “hindi kasi kita mahagilap. Lagi kang busy. Lagi kang wala, kaya nagdesisyon na akong pamahalaan ang security force ng mansion,” paliwanag niya. Bahagya niyang inilapat ang kanyang mga labi sa pisngi ng asawa bilang pagbati dito. “At ano naman ang alam mo sa pamamahala ng security force?” Tanong ni Theodore na pinunasan ng panyo
PINAGMAMASDANG MABUTI NI Gemma ang kanyang sarili sa malaking salamin ng kanyang dressing room. Ibig niya’y maging isang perpektong ka-date. Nais niyang maipagmalaki siya ng lalaking nag-imbita sa kanyang mag-dinner sa isa ng exclusive restaurant.Iyon ang unang pakikipag-date niya makaraan ang maraming taon ng pagpapalaki niya kay Owen at pagpaplano kung paano mabibitag ang patriarch ng mga Rossell .Simpleng make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha. Pinili niya ang light colored lipstick at blush on na bumagay sa kanyang fair colored skin. Dinampot ang bote ng mamahaling pabango na kanyang binili maraming buwan na ang nakakaraan.Ang korteng stiletto shoes na bote ng pabango ang unang napansin niya noong unang makita niya ito. Kakaiba. Naisip na magandang isama iyon sa koleksyon niya ng iba’t ibang mamahaling pabango na binili niya sa iba’t ibang bansa.Katulad ng bote ng pabangong kanyang hawak, nais niya'y maging kakaiba rin sa mata ng makaka-date niya. Maging kapansin-pan
GALIT NA GALIT SI Solenne. “Hindi mo siya dapat binaril,” sigaw niya kay Roman, “kontrolado na ni Owen ang sitwasyon. Bakit kailangang barilin mo pa siya?” Nasa bingit ng kamatayan si Domingo Sabado alias Sandy Samedi, dahil sa tama ng baril sa lugar na malapit sa puso. “Ano ba ang ipinag-aalala mo kung sakali at mamatay siya?” tanong ni Roman, “hindi ba mas mainam nga ‘yon at wala ng manggugulo pa sa sa ‘yo?” “Paano mo naman natiyak na wala na ngang manggugulo kung mamatay ang baliw na ‘yon,” ganting tanong ni Solenne, “hindi ba kaya mas tama kung mabubuhay siya at mapipiga mo ang mga impormasyon sa kung sino ang nag-utos sa kanyang sumugod dito at kung bakit?” “Kung may mastermind man sa pagsugod ng Sandy Sameding ‘yon dito ay malamang sa hindi na iyon ay ang resource person ni Owen,” pagdidiin ni Roman kay Owen, “isipin mo, ibinigay niya ang detalye ng pagsugod dito ng taong ‘yon pero hindi niya nasabi kung ano ang dahilan at kung sino ang mastermind.” “Sino ba si Sandy Samedi