Share

THE USERS

Author: Em Dee C.
last update Huling Na-update: 2023-10-15 15:43:15
HINDI MAIWASAN NI Joanne ang mag-alala sa sariling kaligtasan. Pakiramdam niya’y bumaligtad na ang kanyang mundo. Naging kalaban na niya ang kanyang mga dating kakampi. Ang mga binayaran niya para burahin sa kanyang landas ang mga taong sagabal sa kanyang mga binabalak at mga taong kinatatakutan niya’y siya ngayong gumagawa ng masama sa kanya.

“Hayup kasing Domingo Sabado ‘yon,” naiinis na nasabi, “ipinapasa-pasa kay Sandy Samedi ang trabahong ipinagagawa ko sa kanya!”

Isinisisi niya sa ginawang pambubugbog ni Sandy kay Brendon ang lahat ng gulong nangyayari sa buhay niya.

“Sobrang palpak,” patuloy sa pagdaldal nang walang kausap si Joanne, “hindi na nga pinatay si Brendon ibinulgar pang ako ang nag-hire sa kanya para patayin ang tangang Brendon na ‘yun at inutusan pa ‘yung tao na patayin ang sariling ina nito,” malalim na napabuntunghininga ang babae, “at ako pa ang binugbog at kinuhanan ng impormasyon sa kung nasaan si Solenne.”

Nag-iisip ng paraan kung paano malulusutan ang gulo
Em Dee C.

Hello, everyone! Have a happy Day. Enjoy. Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   THEODORE MEETS OWEN

    NAPASIBANGOT ANG MUKHA ni Solenne. Hindi niya naibigan ang biglang pagbubukas ng pinto ng kung sinong hindi man lang kumatok sa pintuan. Galit siyang tumayo upang singhalin ang mapangahas na taong walang pasintabing pumasok sa conference room. Sumara ang pintuan. Nagkatitigan sila ng lalaking sasabihan sana niya ng “bastos at walang pinag-aralan”. “Theodore.” Pabulong niyang pagsambit sa pangalan ng dumating. “Ano’ng mahalagang mga pangyayari ang pinagmimitingan n’yo?” tanong nito na ang tingin ay palipat-lipat kay Solenne at Owen, “at bakit kayo nagmimiting nang hindi ko alam?” “I’m sorry,” habang papalapit kay Theodore ay hinging paumanhin ni Solenne, “hindi kasi kita mahagilap. Lagi kang busy. Lagi kang wala, kaya nagdesisyon na akong pamahalaan ang security force ng mansion,” paliwanag niya. Bahagya niyang inilapat ang kanyang mga labi sa pisngi ng asawa bilang pagbati dito. “At ano naman ang alam mo sa pamamahala ng security force?” Tanong ni Theodore na pinunasan ng panyo

    Huling Na-update : 2023-10-16
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   ROUND 2 BEGINS

    PINAGMAMASDANG MABUTI NI Gemma ang kanyang sarili sa malaking salamin ng kanyang dressing room. Ibig niya’y maging isang perpektong ka-date. Nais niyang maipagmalaki siya ng lalaking nag-imbita sa kanyang mag-dinner sa isa ng exclusive restaurant.Iyon ang unang pakikipag-date niya makaraan ang maraming taon ng pagpapalaki niya kay Owen at pagpaplano kung paano mabibitag ang patriarch ng mga Rossell .Simpleng make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha. Pinili niya ang light colored lipstick at blush on na bumagay sa kanyang fair colored skin. Dinampot ang bote ng mamahaling pabango na kanyang binili maraming buwan na ang nakakaraan.Ang korteng stiletto shoes na bote ng pabango ang unang napansin niya noong unang makita niya ito. Kakaiba. Naisip na magandang isama iyon sa koleksyon niya ng iba’t ibang mamahaling pabango na binili niya sa iba’t ibang bansa.Katulad ng bote ng pabangong kanyang hawak, nais niya'y maging kakaiba rin sa mata ng makaka-date niya. Maging kapansin-pan

    Huling Na-update : 2023-10-17
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   I HATE MY MOTHER

    GALIT NA GALIT SI Solenne. “Hindi mo siya dapat binaril,” sigaw niya kay Roman, “kontrolado na ni Owen ang sitwasyon. Bakit kailangang barilin mo pa siya?” Nasa bingit ng kamatayan si Domingo Sabado alias Sandy Samedi, dahil sa tama ng baril sa lugar na malapit sa puso. “Ano ba ang ipinag-aalala mo kung sakali at mamatay siya?” tanong ni Roman, “hindi ba mas mainam nga ‘yon at wala ng manggugulo pa sa sa ‘yo?” “Paano mo naman natiyak na wala na ngang manggugulo kung mamatay ang baliw na ‘yon,” ganting tanong ni Solenne, “hindi ba kaya mas tama kung mabubuhay siya at mapipiga mo ang mga impormasyon sa kung sino ang nag-utos sa kanyang sumugod dito at kung bakit?” “Kung may mastermind man sa pagsugod ng Sandy Sameding ‘yon dito ay malamang sa hindi na iyon ay ang resource person ni Owen,” pagdidiin ni Roman kay Owen, “isipin mo, ibinigay niya ang detalye ng pagsugod dito ng taong ‘yon pero hindi niya nasabi kung ano ang dahilan at kung sino ang mastermind.” “Sino ba si Sandy Samedi

    Huling Na-update : 2023-10-18
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   SIR THEODORE ROSSELL: AMA

    “NAWAWALA SI BRENDON, may alam ka ba tungkol doon?”Hindi matagalan ni Joanne ang matalim na pagkakatitig sa kanya ng umuusig.Marami na siyang kinatatakutan, ngunit hindi niya inasahan na masasama sa listahan ng mga kinatatakutan niya ang ama ni Russell.Ang makapangyarihag si Sir Theodore Rossell.“W-wala po!”“Ano ang kinalaman mo sa pagkidnap at pambubugbog ni Sandy Samedi sa kanya?”Natataranta na siya. Nanginginig.Guilty siya, ngunit hindi niya maaaring aminin 'yon!Tumayo siya mula sa kinauupuan at tinalikuran ang nagtatanong, upang itago ang panginginig ng laman ng kanyang mukha at pamumutla nito. Ayaw niyang mabasa nito sa mukha niya ang guilt na kanyang nararamdaman. “Hindi ko sinabing tumayo ka, Joanne,” saad ng kinatatakutan niya, “at huwag na huwag mo akong tinatalikuran kapag nakikipag-usap ako sa ‘yo. Huwag mo akong binabastos!”Kumikibot ang mga muscle sa kanyang bibig at paligid ng kanyang mga mata dahil sa matinding takot na nadarama.Takot na noon lang niya nadam

    Huling Na-update : 2023-10-19
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   HOSTAGE

    WARING LUMULUNDAG SA tuwa ang puso ni Shelley nang mula sa dinudungawang bintana ay matanaw ang inaakalang si Russell na naglalakad, papunta sa bahay niya. Parang batang musmos, nagtutumulin itong tumakbo pababa ng bahay. Huminto ito sa likod ng pinto. Pinigil ang excitement na nararamdaman. Hindi niya gustong ipahalata sa dumarating ang sobrang saya na kanyang nararamdaman. “Baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya,” ang bulong, “kahit nga totoo hindi ko pa rin ipapahalata sa kanyang head over heels in love talaga ako sa kanya. Hindi ko aaminin. Isipin pa niyang cheap ako!” Hinintay ang pagkatok ni Owen. Ngunit nainip na siya sa kahihintay ng pagkatok ng kinasasabikang makita ay wala pa rin siyang katok na naririnig. Naghintay pa ng ilang sandali. Umasa na may nasalubong lang ito na kumausap kaya na-delay. Wala pa rin ang katok na hinihintay. Nag-alala. “Baka may biglang kumidnap na sa kanya. Baka may sumalbahe. Baka…” Maraming baka at kung ano-ano pang mga pag-aalala

    Huling Na-update : 2023-10-22
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   A SPARK OF HOPE FOR GEMMA

    HINDI INAASAHAN NI Theodore Rossell ang tawag na mula kay Owen Garcia. “Bakit?” Tanong niya agad nang may pag-aalala. Hindi niya maunawaan ang dahilan kung bakit nakadarama siya ng kakaibang kaba sa tuwing tinatawagan siya ng bodyguard ng kanyang asawa. At pinagtatakhan din niya sa maraming pagkakataon kung bakit labis siyang nag-aalala sa kaligtasan nito. “On leave ka ngayon, ‘di ba,” muli ay tanong niya sa kausap sa phone, “may problema ka ba?” Ramdam niya ang kaba na nararamdaman ni Owen. Naririnig niya ang hingal nito sa phone. “Narito po kasi si Roman Romano, Sir Theodore,” sinabi ng kanyang kausap sa telepono ang lugar na kinaroroonan ni Roman, “may hostage po siyang babae. May hawak po siyang baril na nakatutok sa ulo ng babae, Sir, at nagbabala na babarilin niya ang hostage niya kapag may lumapit sa kanila.” Walang inaksayang sandali si Theodore matapos magpaalam sa kausap. Agad niyang tinawagan ang lahat ng puwedeng makatulong upang magawan ng paraan na mapakawalan ni

    Huling Na-update : 2023-10-23
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   MAGKARELASYON

    NATATARANTA AT MASYADONG nako-conscious, hindi malaman ni Gemma kung ano ang ikikilos sa harap ng lalaking kay tagal na niyang pinapangarap na makasama sa buhay. Ang kanyang iniilusyon sa maraming gabing nagdaan sa kanyang buhay. Ang kanyang obsesyon. Pakiramdam niya’y naging teen-ager siyang muli. Isang high school student na bumibilis ang pintig ng puso sa harapan ng crush nito. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam sa pagbilis ng daloy ng dugo niya na nagiging dahilan upang ang kanyang mga pisngi ay mamula. Malikot ang kanyang mga matang hindi niya malaman kung saan siya titingin. Nalulula siya sa pakiramdam na nararanasan. Embarassed sa pagkakatingin sa kanya ng kaharap na tila ba tumatagos sa kanyang kaluluwa. Ngumiti siya upang patayin ang embarrassment na nararamdaman. Umaasang ngingitian din siya ng kinahuhumalingan at magkakapalagayang loob na sila. Nabigo siya. “You look familiar.” Saad ni Theodore na hubad sa ano mang damdamin ang expression. Nabuhayan ng loob si Gemma. I

    Huling Na-update : 2023-10-24
  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   GEMMA MEETS SOLENNE

    “MANIWALA PO KAYO sa ‘kin, Sir Theodore, nagkaroon lang kami ng mainit na pagtatalo ni Gemma noong araw na ‘yon,” pagpapaliwanag ni Roman sa amo, “LQ lang po ‘yon na lumala hanggang sa magkainitan kami. At napilitan akong tutukan siya ng baril para sumama siya sa akin.” Hindi iniaalis ni Theodore Rossell ang kanyang tingin na may pagdududa sa nagsasalita. “May asawa’t anak ka, hindi ba?” ang kanyang tanong, “bakit kailangang mambabae ka pa? Hindi ka ba maligaya sa piling ng iyong pamilya?” pagpapalawak niya sa ibig malaman. Hindi makasagot ang lalake. Maligaya siya sa piling ng pinakasalan at sa dalawa nilang anak. Ngunit paano niya sasabihin sa kanyang amo na ginagamit lamang niya si Gemma para sa mga personal niyang pakinabang. “Inakit ako ni Gemma, Sir Theodore,” pagsisinungaling niya, at pagpapababa na rin sa pagkaabae at pagkatao ng kanilang pinag-uusapan,“tinukso. Wika nga po ng kasabihan, manok na ang lumalapit sa palay, so, natural lamang po na tukain iyon ng manok.” “Bak

    Huling Na-update : 2023-10-26

Pinakabagong kabanata

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAGBABAGONG BUHAY

    EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   SINO ANG ITUTULAK? SINO ANG KAKABIGIN?

    NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani­-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAALAM, BRENDON

    SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   HULI KA, BALBON!

    NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   ANG TOTOONG RUSSELL

    TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   TRUTH, HALF TRUTHS AND LIES

    SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   A CHANGE OF HEART

    ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PANIC ATTACK

    MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   HUWAG MO 'KONG BALIWIN

    PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag

DMCA.com Protection Status