“SOLENNE STEVENS!”
Kunot ang noong pinagmasdan ni Solenne nang mula ulo hanggang paa ang babaing bumati sa kanya.
Maganda ang babae na kung pagmamasdan ay tila nasa early 40s ang idad. Mataas ito nang isang dangkal sa kanya. At dumagdag na kagandahan nito ang makikislap, masayang mga mata na nakangiti sa kanya.
“Sino ka,” Tanong niya nang may kahalong pangmamaliit, “kilala ba kita?”
“Sabi ko na nga ba’t hindi mo ako makikilala, e,” sagot ng babae, “I’m Francine! Francine de Castro. Mag-buddies tayo noong college tayo.”
“Francine…” Mahinang pagsambit ni Solenne sa pangalan ng kaharap, habang nag-iisip.
Funk kung tawagin niya ang Francine naka-buddy niya noong college days niya. Funk, dahil pangkaraniwan lang ang mukha nito. Iyong hitsurang makikita sa tabi-tabi, sa mga palengke at mga tindera sa bangketa.
“Ikaw ‘yong babaing walang ka-class-class! Mahilig makibarkada sa magaganda at may pera.” Sambit niya nang nang-uuyam.
Sa kanyang sarili ay hindi niya tinanggap na buddy ang babaing ‘yon. Ngunit binayaan niyang sumama sa kanila ng mga barkada niya, para may alalay siya. Yeah, alalay lang niya noon si Francine de Castro. Taga buhat ng kanyang bag, sapatos at iba pang mga gamit.
Kumunot ang kanyang noo.
“Magkasing-idad lang tayo ‘di ba?” Naitanong niya nang .hindi sinadya.
Muling hinagod ng tingin ni Solenne si Francine de Castro. Alangan sa hitsura ng babaing kanyang kaharap ang idad na sinkuwenta’y tres, na siyang idad na niya.
“You look young,” hindi niya napigilang sabihin, “and so beautiful! Nagpa-cosmetic surgery ka ba?”
“No! Nasa genes lang talaga namin ang hindi agad nagmumukhang matanda. At maganda ako talaga kahit noong bata pa ako. Gandang ngayon lang na-develop. Medyo tanga pa kasi akong mag-ayos noong college days natin.”
“Ah, yes! Pinapag-aral ka nga lang pala ng amo mo sa unibersidad na pinapasukan namin, kaya ka nakapag-college. I remember, ni hindi ka nga makabili ng lipstick noon, e.” mahina ang umiinsultong halakhak ni Solene, “ngayon, may pera ka na ba? Afford mo na bang bumili ng mga make-up, kaya nakakapagpaganda ka na?”
Aral na ngiti ang gumuhit sa mukha ng kausap ni Solenne.
“Dahil wala siyang anak at nag-iisa na lang sa buhay, sa akin ipinamana ng naging amo ko ang lahat ng kanyang kayamanan at mga negosyo,” sagot ni Francine na walang alis ang titig sa mga mata ng kausap, “I am now one of the richest businessperson here in NCR., Solenne,” pagmamalaki nito, "aren't you happy for me, Buddy," dag nito na halatang nag-aasar.
Nawalan ng kibo ang napangangang si Solenne. Agad na-express sa kanyang mukha ang inggit na hindi naitago sa matalas na paningin at pakiramdam ng kanyang kaharap.
Kumuha ng tiyempo si Francine upang magantihan ang kaharap sa mga panlalait nito sa kanya.
“Ikaw, kumusta ka na,” tanong niya, ng may sarcasm, “may asawa ka ba? Anak? May apo,” sunud-sunod na tanong nito.
“Isa lang ang anak ko, binata na siya,” pagbibigay alam ni Solenne sa kausap, “and by the way, I am the wife of multi billionaire Theodore Rossel,” pagyayabang pa, "at ang aking anak ang magiging tagapagmana ng kayamanan ni Theodore Rossell,” dagdag na kayabangan pa nito na hinaluan ng kasinungalingan upang ma-impress ang kausap.
“Teka, ang natatandaan ko hindi naman Theodore Rossell ang pangalan ng naging asawa mo, ah. Actually hindi ka nga niya pinakasalan! At naging mistress ka na lang niya nang magpakasal siya sa iba.”
“Excuse me!” Nasabi ni Sollenne na nainis.
“Yes! Natatandaan ko ‘yon,” pagpapaalala sa kanya ni Francine na hindi pinansin ang pag-excuse niya, “drug lord ang naka-live in mo no’n. Ano na nga ba’ng pangalan niya? Nasa dulo ng dila ko, e. Wait lang iisipin kong mabuti.”
Galit na tinalikuran ni Solenne ang kausap at taas ang noong nilayuan ito, habang ang kanyang damdamin ay nabalutan ng insecurity at matinding pag-aalala.
“Hey, Solenne, naalala ko na,” sigaw ni Francine nang may maalala sa kahapon niya, “Domeng ang pangalan ng dyowa mo no’n! Domingo Sabado!”
“Buwisit! Buwisit kang Francine ka.” Nanggigigil na bulong niya, habang matuling naglalakad patungo sa escalator.
Ayaw na niyang maalala ang mga nagdaang mga araw sa buhay niya. Ang malulungkot, masasakit at umiinsultong mga alaalang nais na niyang ibaon sa limot.
“Maraming nakakaalam ng pangit kong kahapon at naaalala pa nila iyon,” ang nasa isip niya habang minamani-obra ang kanyang sasakyan upang makalabas sa parking area, “paano kung kailan kasama ko si Theodore ay saka may makasalubong kami na katulad ni Francine at magdadaldal nang katulad ng pagdaldal ng gagang 'yon?”
INSECURITY JUMPS IN.
“Ipapa-annul ni Theodore ang kasal namin kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ko.” patuloy niyang pag-iisip habang nagmamaneho, nang hindi matiyak kung saan pupunta, “hindi ako makakapayag na muling bumalik sa dating buhay ko. No…no way!”
Napatigil sa harpan ng malaking clinic ang sasakyang minamaneho ni Solenne. Napatitig siya sa signage na naroon.
KOREAN COSMETIC SURGEON
“Magpapa-cosmetic surgery ako,” naisip niyang bigla, “tama. Ipapabago ko ang mata, ilong at bibig ko para hindi na ako makilala ng mga dating nakakakilala sa akin!”
Naghanap ng mapaparkingan ng kanyang sasakyan si Solenne.
Nang…
BOG!
Nabangga ng kung kaninong kotse ang kanyang sasakyan.
Mabilis na bumaba ng kotse si Solenne. Halos kasabay niya’y bumaba rin ng sasakyang bumangga sa kanya ang nagmamaneho nito.
Nagharap ang dalawa.
Nanlamig ang paa’t kamay na natigilan ang babae.
“Solenne,” Pagsambit ng lalake sa kanyang pangalan,”what a small world!”
Hindi makangiti si Solenne. Takot ang nakalarawan sa kanyang mukha. Takot na matagal na panahon na nang huli niyang maramdaman.
“Kumusta ka na?”pangungumusta ng excited na lalake, “ang gara ng tsikot mo, a. Mukhang nakatisod ka ng mayaman!”
Mabilis na kumilos si Solenne. Nagtangkang muling sumakay sa kotse at takasan ang lalaking mabilis naman na pinigilan siya.
“Saan ka pupunta,” tanong nito, “kay tagal na panahon tayong hindi nagkita, tapos bigla mo na lang akong tatalikuran at iiwan!”
“Bitiwan mo ako, Domeng.”
“Bakit kita bibitiwan,” tanong ng lalake sa kanya, “akala mo ba’y hindi ko alam na ikaw ang nagtsutsu sa akin sa mga parak? Ikaw ang dahilan kaya ako nakulong!”
“Hindi ko kagustuhan ang mga nangyari,” pangangatwiran ng babae, “pinagbantaan ako ni hepe na susunugin ang mukha ko kung hindi ko ituturo ang kinaroroonan mo.”
“Sumama ka sa akin,” saad ng lalake na hinigpitan pa ang pagkakapigil sa braso ng babaing hawak, “kilala mo ako. Hindi ako natatahimik hagga’t hindi ako nakakaganti sa umaatraso sa akin!”
Kilalang kilala nga niya ang kalupitan ng taong gusto siyang gantihan. Ang lalaking kanyang naka-live in at ama ng kanyang anak na si Brendon.
Kilalang-kilala niya si Domingo Sabado!
“Teka muna pala, naalala ko lang bigla,” saad ni Domingo, “hindi ba buntis ka noong makulong ako? At sa pagkakaalam ko'y anak ko ang ipinagbubuntis mo noon.”
Hindi makaimik si Solenne.
“Nasaan ang anak ko?” Biglang tanong ng lalake sa malakas na boses at halos idikit na ang mukha nito sa mukha ng tinatanong.
Nanginginig na sa takot, ngunit nagpilit magpakita ng katapangan si Solenne sa kaharap, “wala kang anak,” sigaw niya, “nagkaroon ako ng miscarriage noong makulong ka!”
Natigilan si Domeng. Nag-isip.
“Niloloko mo ‘ko,” tanong nito, “alam mo kung ano ang ginagawa ko sa mga lumuloko sa akin,” saglit itong tumigil at tinitigan ang kausap nang may pananakot, “o, gusto mong ipaalala ko sa ‘yo, ha, Solenne?”
“H-hindi. Hindi kita niloloko! Totoo’ng sinasabi ko…”
Matagal na nagtitigan ang dalawa. Patatagan.
Biglang hinatak ni Domeng si Solenne at pilit isinasakay sa sasakyan.
Na hindi mapapayagan ni Solenne.
“EEEEEEEE”
Ang malakas na tiling lumabas sa kanyang bibig, ngunit agad ding natahimik nang sikmuraan siya ng lalaking naga-abduct sa kanya.
“Unghh…” Ang naging d***g na lamang niya.
At walang malay siyang bumagsak.
Isang security guard ang nakapansin sa mga nangyayari. Itinutok ang baril nito kay Domingo Sabado at lakas-loob na marahang lumapit.
Agad namang binunot ni Domeng ang baril niyang nakasuksok sa baywang ng kanyang pantalon.
“Pasasabugin ko’ng bungo ng babaing ‘to kapag lumapit ka dito!” Pagbabanta niya.
Hindi nagpapigil ang security guard. Nagpatuloy ito sa paghakbang papalapit kay Domeng.
Patay kung patay ang magiging labanan. At walang halaga sa security guard kung maging collateral damage man sa labanan nila ang babaing nakahandusay at walang malay.
Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.
BANG!
*** ****
WE’RE SORRY BUT YOUR SCRIPT….”Nanlalabo ang mga matang hindi na itinuloy ni Shelley ang pagbabasa sa Email letter na kanyang natanggap.“Rejected na naman!”Hindi na niya naiwasan ang mapaiyak. Bumabaon sa kanyang damdamin ang sakit nararamdaman dahil sa halos hindi na niya mabilang na rejection ng kanyang mga script, mula nang magsimula siyang sumulat ng mga istorya at nobela.Nangingipuspos na sumubsob sa kanyang laptop si Shelley.“Ilang rejections pa ba ang kailangan kong tanggapin bago ako maging isang writer?” Umiiyak na tanong sa sarili.Matagal na sandali rin siyang naglunoy sa kalungkutan, bago pinakalma ang sarili. Isinara ang laptop.“Hindi ko siguro kapalaran ang maging manunulat,” pakikipag-usap sa sarili, “mag-iisip na lang ako ng ibang career na puwede kong pasukin.”Nangalumbaba. Nag-isip ng iba’t-ibang trabaho na puwede niyang karerin.“Hindi ako puwedeng maging sales manager, kasi mahina ako sa sales talk,” simula ng pakikipagdiskusyon sa sarili, “mag-vlog na lang k
BOG!Namilipit sa sakit na naramdaman si Rustan Ramirez. Hawak ang leeg niyang naghahabol ng paghinga, sanhi ng suntok sa lalamunan na tinanggap mula sa nakaaway.Na sinundan pa ng isang malakas na bira sa dibdib niya!BRAGG!Bumaluktot ang kanyang tuhod at paluhod na bumagsak sa harapan ng taong puno ng kalupitan ang kalooban.Walang malay na sumubsob sa paanan ng malupit na kaaway.Walang nakakilos sa mga taong naroon. Walang nakakibo. Lahat ay naghihintay nang mga susunod pang mangyayari.“Hindi lang ganyan ang aabutin ng kahit sinong magtatangkang kumalaban sa akin! Dahil ako ang nag-iisang hari ng seldang ito. Ako si…”“DOMINGO SABADO!”Napatingin ang lahat sa pumutol sa sinasabi ng hari ng selda.“Kilala kita,” saad ng lalake, “ikaw ang pinakamalupit at may pinakamalaking chain of gangs sa siyudad na ito, isang drug lord at… ano pa nga ba? Nakalimutan ko na ‘yung, iba,e.”Kumunot ang noo ni Domingo habang tinitingnan ang lalaking papalapit sa kanya.“Fans kita?” Tanong niyang na
“AYUN! “ Napalingon si Brendon sa pinanggalingan ng malakas na tinig. “Yong gagong ‘yon ang gumago sa akin sa loob ng selda.” Itinuturo siya ng lalake. Maputi na ang buhok ng lalake. Humigit kumulang sa animnapung taon na ang idad. Kumilos ito upang sugurin siya. Nasa mga mata ang labis na galit na sa wari ay handa siyang patayin sa gulpi. Nangiti si Brendon. Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng matandang lalake na pasugod sa kanya ang lakas ng kanyang kabataan. Mayabang niyang iniliyad ang kanyang dibdib. Inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang at hinintay na makalapit sa kanya ang matandang napopoot. Nang bigla niyang maalala ang eksenang naganap sa selda 13, kung saan nakakulong ang lalaking iniutos ng kanyang ina na kanyang takutin, at bantaan na huwag ng tangkain pang tumakas sa kulungan dahil siguradong kamatayan lang ang sasapitin nito. “Si Domingo Sabado!” Nasabi niya na biglang nahintakutan. Agad siyang kumaripas ng takbo. “HOY!” Narinig niyang sigaw nit
PAK! Malakas na lumagapak ang palad ni Solenne sa pisngi ni Brendon. Pakiramdam niya ay umugong ang kanyang tainga at wari ay nakakita siya ng biglang sinag ng liwanag na hindi niya malaman ang pinagmulan, sa tindi ng sampal na kanyang tinanggap. “Ma, Bakit?” Tanong niyang nagtataka. “Nagtanong ka pa,” ganting tanong ni Solenne sa anak, “di ba’t ang sabi mo sa akin ay nanginig na sa takot ni Domeng? Na kailanman ay hinding-hindi niya tatangkain man lang na tumakas sa bilibid.” Naumid ang dila ng sinampal. “O, ayan,” isinalpak ni Solenne ang pahayagan kay Brendon, “balita na sa buong Pinas na nakatakas na naman ang hayup na matandang ‘yon!” Inihagis ni Brendon ang pahayagan. Inis na ibinagsak ang sarili, paupo sa silyang naroon sa receiving area ng bahay. “Sa kilos at arte mo ay parang alam mo nang nakatakas na nga ang Domingo Sabadong ‘yon,” saad ng ina, “ibig sabiin ginawa mo akong tanga na paniwalang-paniwala na nakakulong ang impaktong 'yon sa selda, pero yon pala ay nasa p
Natatarantang hindi malaman ni Owen ang gagawin. Hindi siya makakapayag na mabisto ni Russell ang pagiging doppelganger nilang dalawa. Nagmamadaling sapilitan niyang inaalis ang ang kamay na nakakapit sa kanyang braso, na ayaw bumitaw sa kanya. “Bakit? Saan ka na naman pupunta?” Tanong ni Shelley sa nagmamadaling makalayo. “Men’s room,” sagot ni Owen, “nakasama yata sa akin ‘yung kinain ko,” paga-alibi na niya, “k-kumukulo ang tiyan ko. Parang… parang…” “Okay, sige na,” wika ng naiinis na babae, sabay sa pagbitiw sa brasong kinakapitan, “baka nga dito ka pa nga magkalat, nakakahiya!” dagdag na sabi. Napailing ito habang tinatanaw ang halos magkandarapa sa pagtakbong si Owen na inaakala niyang si Russel. Na binangga ang totoong Russel na kanyang makakasalubong upang hindi agad ito makalapit kay Shelley. “Hey!” Sigaw ni Russel sabay lingon kay Owen, na hindi humarap sa kanya. Hindi siya pinansin ni Owen na walang lingon likod na nagpatuloy sa pagtakbo. “Bastos ‘to, ah,” inis si
MAHIGPIT ANG mga guwardiyang nagbabantay sa silid na kinaroroonan ng naaksidenteng si Russell Rossell, na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa nagkakamalay.Dalawang sescurity guard ang nasa saradong pinto ng kuwarto, at may mga naka-sibilyang security officers pa ang nasa mga tagong lugar.“Iba talaga ang rich and powerful,” ang nasa isip ni Owen, “super higpit ang bantay ng mga guwardiya! Takot na takot. Insecure na insecure at walang katiwa-tiwala sa kapwa nila,” nagpalakad-lakad siya. Hinanapan ng weak part ang security ng pasyenteng binabantayan ng mga ito, “sabagay may katwiran naman silang ma-insecure,” pag-iisip pa rin niya habang palakad-lakad sa di kalayuan sa mga guwardiyang nasa labas ng silid ni Russell, “e, heto nga ako at nagbabalak na ma-abduct ang anak ng multi billionaire na si Theodore Rossell, upang mapasa-akin ang kanilang kayamanan, kakambal ng paghihiganti ko para sa aking mama.”Nang lapitan siya ng isang alertong security guard na naka- civilian clothes
“PINABULAANAN ng pamilya ni Russel Rossell ang tungkol sa mga naunang balita na kasama nito ang pocketbook writer na si Shelley Silver nang ito ay maaksidente sa pagmamaneho. Ayon sa mga Rossell…” DING…DONG… Mabilis na iniwan ni Shelley ang panonood ng balita sa telebisyon. Nagmamadaling binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Russell ang dumating. Walang sabi-sabing pumasok sa loob ng bahay niya ang bisita, na agad ding itinulak na pasara ang pinto. Matagal na napatitig sa kanyang brasong may cement cast at sa ulo niyang hindi pa natatanggalan ng benda ang pangahas na dumating. “Bakit kasama mo ang boyfriend ko noong maaksidente siya?” Usig agad sa kanya nito. Mamahalin ang naamoy niyang pabango ng babaing nanggigigil, na ang isang kamay ay nakapamaywang habang ang isa naman ay halos dutdutin na ang kanyang mukha ng hintuturo nito. Puno ng pagkapoot ang mukha nitong maayos na napintahan ng make up. Mahahaba ang pekeng pilikmatang sinisilipan ng nandidilat na mga matang nakakatitig
IRITADO SI GEMMA. Palakad-lakad siya sa kabahayan. Nag-iisip ng paraan kung paano magkakaroon ng katuparan ang mga plano nila ni Owen. “Naunahan tayo ni Theodore,” saad niya, “nailabas na niya ng bansa si Russell at walang nakakaalam kung saang parte ng mundo naroon ang bansang iyon,” pagpapatuloy pa, “kung bakit naman kasi napakabagal n’yong kumilos. Kung nakidnap n’yo na ba agad ang Russell na ‘yon, di sana’y napakadali mo nang makakapagpanggap bilang siya. Lalo na kung pinatay n’yo na ang anak ni Theodore,” dagdag na paliwanag pa, “ikaw na ang magiging tagapagmana ng lahat ng kayamanan at negosyo ng mga Rossell dahil ikaw na talaga ang magiging si Russell Rossell!” Nag-iisip rin si Owen. “Dalawa ang girlfriend ni Russell,” nasambit niya habang binubuo sa isip ang binabalak na gawin, “’yung isa si Joanne Javier. Mayaman, pero kaliwete. Kinakaliwa niya si Russell. Nakikipagrelasyon siya kay Brendon na anak ni Solenne,” pagpapatuloy niya, “at hindi lang ‘yon. Ka-fling pa rin niya
EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit
NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan
SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”
NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil
TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa
SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na
ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya
MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!
PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag