Sa mata ng lahat siya ay tinitingala na parang bitwin sa kalangitan. Si Leo Storm, Isang perpekto at napaka gwapong CEO ng eL Company. Sa likod ng brusko at matcho nitong pangangatawan nakatago ang sekretong kanyang iniingatan. Si Ellie, palaban at masipag na babae. Handang makipagsapalaran matulungan lang ang kanyang pamilya. Sa di inaasahang pagkakataon, pagtatagpuin sila ng kapalaran. Paano nila haharapin ang laro ni kopido? Kaya nga bang dayain ng kapalaran ang iyong kasarian? Kaya nga bang pigilan ang iyong nararamdaman kung pag-ibig na ang iyong kalaban? Ito ang kwentong susubukin ang iyong pagkatao. Kwentong magpapaikot sa iyong mundo
View MoreLeo's POVSobrang saya ko talaga nang pumayag na ang mama ni Ellie, gagawin ko lahat para maging masaya kami, plano ko na talagang mag settle down, gusto kong maranasan ang magkaroon ng pamilya. Dati di ko inakala na mangyayari sakin to, iniisip ko, kung hindi ko ba nakilala si Ellie mararanasan kong maging masaya gaya nito? Pagkatapos naming maghapunan ay deretso na kaming nagtungo sa kwarto niya. Uuwi na sana ako pero di ako pinayagan ng mama ni Ellie- sa totoo lang, ayoko din naman umuwi kaya hindi na ako nag protesta pa. Nang makapasok kami sa kwarto niya ay agad na umakyat ang libog sa buong katawan ko. Lalo na nang maalala ko ang ginawa namin sa loob ng hospital.Mabilis akong lumapit sa direksyon niya at hinalik-halikan ko siya sa leeg, napapa-iktad siya dahil sa kiliti. Biglang pumasok sa isip ko ang isang pilyong ideya "samahan mo akong maligo" saad ko habang nakayakap sa kanya. Natigilan siya dahil sa sinabi ko, "tumigil ka nga! Baka mamaya mahuli tayo" ngumisi ako "Paano ta
Ellie's POVNagising ako dahil pakiramdam ko'y parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko. Mabilis akong napabangon at agad na nagtungo sa banyo. Agad akong napaluhod at sumuka ng sumuka. Pagkatapos ko ay nagtungo ako sa kama para kunin ang cellphone ko, nang makita ko ang date ay agad akong nagtaka- lagpas na sa regular cycle ko, dapat ngayon ay dinatnan na ako. Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin, baka delay lang ako- nangyayari naman kasi yun sakin minsan. Hinanap ko ang number ni Leo at tinawagan ito. Dalawang ring palang ay sinagot na niya "Good morning love" rinig kong sabi niya "Asan ka na? Punta ka na ba dito?" narinig kong tumawa siya "Hindi pa, later na. Siguro mamayang alas tres". Napasimangot ako dahil sa sinabi niya "Bakit naman ang tagal?" Tampo kong tanong "I told you already, may aasikasuhin ako dito sa office. After this punta ako dyan sa inyo" I sigh- mukhang wala akong choice kundi ang maghintay. Natapos na kaming mag usap kaya lumabas na ako at nagtungo kina mama.
Leo's POVHindi ko alam kung anong sasabihin ko, pakiramdam koy umurong ang aking dila sa sobrang kaba na aking nararamdaman. "N-nandito ba si Ellie?" utal na tanong ko. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang may nagsalita "Sino ba yan at nagpunta pa sa ganitong oras?" napalunok ako ng laway nang makita kong mama pala nila yung nagsalita. "M-magandang g-gabi po" sobra talaga ang kaba ko kaya hindi ko magawang magsalita ng maayos "Anong ginagawa mo sa bahay ko!?" galit na saad ni tita. "Pasensya na po sa abala, hindi naman po ako nagpunta dito para manggulo, gusto ko lang po talagang makausap si Ellie" paliwanag ko.Hindi agad siya nag salita kaya mas lalo akong kinabahan, "Wag ka ng lumapit sa anak ko" seryoso ang mukha niya nang sabihin niya ito "P-pero.." hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang magsalita na naman siya ulit "Maawa ka naman sa anak ko! Sobra na ang sakit na dinulot mo sa kanya kaya tigilan mo na siya!" nag iwas ako ng tingin nang marinig ko ang sinabi niya. Naii
Agad na nagsilaglagan ang mga luha ni Ellie nang magtaas ng boses si Leo, hindi naman niya intensyon na galitin ang binata, nag-aalala lang siya para dito kaya ang gusto niya ay deretso na itong makauwi sa bahay nito. Tuluyan na siyang napahikbi nang makita niyang lumabas ang binata sa silid, napaiktad pa siya dahil sa lakas ng pagkakasirado ng pintuan. Lumapit sa kanya si Travis at Kion na ngayon ay nag-aalala sa kalagayan niya "Pasensya ka na sa inasta ni Leo, masyado lang talaga siyang seloso" paghingi ng depensa ni Travis "Sumusobra na siya! anong gusto niya? siya palagi ang iniintindi!?" galit na turan ni Kion "H-hayaan niyo na" pinunasan ni Ellie ang mga luha niya, nakaramdam siya ng panghihina kaya napakapit siya kay Kion "Ayos ka lng El?" alalang tanong nito sa kanya "Okay lang ako, uwi na tayo" saad ng dalaga.Nagpaalam na sila kay Travis at ganun din ang binata. Habang nasa byahe sila ay panay ang pag-iyak ni Ellie "Tahan na, wag mo ng iyakan ang taong yun" pag papatahan sa
Leo's POVNang makaalis na ang nurse ay tinawag ko si Ellie, lumapit siya sakin kaya mabilis ko siyang niyakap. Hindi ko maiwasang maging masaya lalo na at nandito siya sa tabi ko. "Tabi tayong matulog" paglalambing ko sa kanya, 2:30 am na kasi at nakakaramdam na rin ako ng antok. "May dextrose ka sa kamay baka mamaya masagi ko yan at dumugo ulit" saad niya "Sige na love, sa kabila ka naman hihiga eh kaya di mo masasagi" pamimilit ko sa kanya. Napabuntong hininga siya "Oo na, ang kulit mo!" naiinis niyang sabi, mas lalo tuloy akong napangiti dahil sa inasta niya. Humiga na siya kaya humiga na rin ako, nakatalikod siya sakin kaya niyakap ko siya gamit ang kamay kong naka dextrose, isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang pag-iktad niya kaya mas lalo ko pang binaon ang mukha ko sa kanya."Anong ginagawa mo!?" naaasar niyang saad "Nagpapalambing, bakit? bawal ba?" saad ko habang nakasiksik parin ang mukha sa leeg niya. Hindi na siya nagsalita, kaya sa tingin ko tulog na
Ellie's POVNapahinto ako sa aking ginagawa nang maramdaman kong mas lalo pang nagiging mapusok ang halikan naming dalawa, inilayo ko ang sarili ko sa kanya- kailangan kong magpigil "What's wrong?" he asked- lust is written all over his face "We're in a freaking hospital for Pete sake!" I said, he just gave me a smirk "So? ano naman?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya "Are you serious? paano kung may makakita sa..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na naman niya akong hinalikan sa labi. Kahit gusto ko siyang pigilan ay hindi ko magawa, nadadala ako sa bawat halik niya- para akong nalalasing sa tuwing nalalasahan ko ang matamis niyang labi. Huminto siya at nilipat ang mga halik niya sa leeg ko, nakiliti ako sa ginagawa niya kaya napaiktad ako, mas bumaba pa ang halik niya. Dahan-dahan niyang binababa ang suot kong damit.Nag-alangan ako ng akmang huhubarin na niya ito "T-teka lang" I said "What now?" irita niyang turan, halata sa kanyang bitin na bitin siya. Big
Ellie's POV Bagsak ang katawan na napaupo ako nang marinig ko ang mga sinabi ni Travis- agad na bumaha ang pag-aalala sa sistema ko ng sabihin niyang sinugod sa hospital si Leo "Ellie please, alam kong kinamumuhian mo si Leo sa mga oras na to pero sana kausapin mo siya. Hindi na siya nakikinig samin, kung ipagpapatuloy niya ang kahibangang ginagawa niya, paniguradong malalagay sa panganib ang buhay niya" mahaba nitong pakiusap sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, maging ako ay walang alam kung papano siya pakikiusapan "Please Ellie, he will listen to you" napabuntong hininga ako- gustuhin ko mang kalimutan at iwan na siya ay hindi ko kayang gawin, hindi ko kayang pabayaan ang taong mahal ko. "What's the name of the hospital?" he sigh in relief "Thanks El, I owe you a lot." Nang matanggap ko ang text ni Travis ay agad akong nagpunta sa nasabing hospital. Pagkarating ko ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Leo. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog- gusto
Leo's POVNapatingin ako sa salamin, nagmumukha na akong timang sa itsura ko ngayon. Napaisip tuloy ako, kung mamamatay ba ako magiging maayos ang lahat? Mawawala na ba lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? "Hanggang kailan ka tutunganga dyan?" napalingon ako sa kinaroroonan ng tinig. Nakita kong nakatayo si Travis sa bukana ng pinto "Kelan ka pa naging kabote?" pabiro kong saad sa kanya. Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Nagka-usap na kami ni Ellie" sambit ko "Talaga? kailan?" napatingin ako sa kanya "Kanina, bago ako nagtungo rito "Tapos? anong nangyari?" muli na namang nilukob ang puso ko ng sakit "Hindi maganda, hindi na niya ako mahal e" nagsisimula na namang manubig ang aking mga mata "Naniwala ka naman?" napangisi ako ng mapakla sa sinabi niya "Anong rason para hindi ako maniwala?" Natahimik siya saglit "Ano bang sinabi niya? may mahal na siyang iba?" tumango ako, hindi ko na kasi kayang sagotin ang tanong niya "Si Kion ba?" napatingin ako sa kanya "Paano mo nalaman?" nag-iw
Leo's POVTahimik lang kaming dalawa habang nakupo sa bench, hindi siya nagsasalita- gusto ko na siyang yakapin pero pinigilan ko ang aking sarili dahil alam kong hindi kami pareho nang gusto sa mga oras na ito. "Kumusta ka?" gusto kong malaman kung okay ba siya sa mga nagdaang mga araw "Hindi ko masasabing ayos ako pero kinakaya ko naman" turan niya "Galit ka ba sakin?" alam ko naman ang sagot sa tanong na yun pero gusto ko paring marinig sa kanya mismo "Oo, galit na galit ako sayo" parang dinurog ang puso ko nang marinig ko yun- kahit alam ko na, hindi parin pala ako handa "Hindi ko pipilitin na patawarin mo ko, deserve kong kamuhian mo" napansin kong napahigpit ang hawak niya sa kanyang panyo "Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Napayuko siya tsaka huminga ng malalim. "May sakit ako" saad niya sa akin.Para akong kinapos ng hininga pagka rinig ko sa sinabi niya "M-malala ba?" nauutal kong sabi "Hindi ko pa masabi" lumuhod ako sa harap niya para makita ko ang mukha niya- hindi naman
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments