Share

Chapter 4

Masayang nagising si Ellie sa araw na ito, pakiramdam niya ay ganado siyang gawin ang ano mang bagay. Pagkababa niya ay sinalubong siya ng kanyang ina at inalok na sabayan silang kumain ng agahan. Mabilis na tumanggi si Ellie dahil sa trabaho nalang daw siya kakain, meron kasi silang libreng pagkain doon at pwede silang kumain o uminon ng kahit ano hanggat gusto nila. Isa ito sa mga policy ng kanilang amo na si Travis- doon palang ay nagpapasalamat na siya. Nagpaalam na si Ellie sa kanyang ina at dalawang kapatid, pagkalabas ng bahay ay agad na bumungad sa kanya si Kion. "Morning El, musta na ang noo mo?" Bungad na tanong nito, ngumiti si Ellie at sinabing ayos lang ito. Maagang nakarating ang dalawa sapagkat walang masyadong traffic sa daan.

Pagkapasok nila sa coffee shop ay agad nilang binati ang iba pang empleyado, maging ang may ari na si Travis, nagpalit lang sila ng uniform at agad ng nagtungo sa kanilang mga station. Habang nag-aabang si Ellie ng mga customer ay panay ang pag inom niya sa kanyang kape. Macchiato- ito ang paborito niya. Wala pa naman silang customer dahil maaga pa, pwede pa silang makipag chikahan sa isa't-isa. Agad na tinawag ni Ellie si Kion. Balak kasi niyang humiram ng pera rito, kailangan niya talaga kaya wala na siyang ibang pagpipilian, babawi na lamang siya rito kapag nakaluwag na siya. "About dun sa sinabi ko sayo kagabi." Panimula niya. "Balak ko sanang kunin yun ngayon, nagpaalam rin kasi ako kay Sir na maghahalf day ako sa trabaho dahil may aasikasuhin ako." May inabot na sobre sa kanya si Kion. "Yan na yung sinasabi mo, importante ba yang lalakarin mo? Hindi na ba talaga makahintay yan sa day off?" Tanong nito. Tumango lang si Ellie bilang sagot. Naiintindihan naman ni Kion ang sitwasyon kaya naman ay hindi na siya nito kinulit pa.

Sa pag-iisa ni Ellie ay hindi niya maiwasang maalala ang nangyari kagabi sa convenience store. Bigla siyang napangiti, bahagyang namula ang kanyang pisngi nang maalala niya ang parte na kung saan hinawakan ni Leo ang kanyang kamay, ramdam niya sa kanyang palad ang malamig at malambot nitong kamay, nagdadala iyon ng matinding kaba sa kanyang puso. Aminado ang dalaga na noon paman ay may matinding paghanga na siya sa binata. Muling nanumbalik sa kanyang alaala ang mga panahon na nagkasama sila. 17 years ago nagkatagpo na ang kanilang landas, pareho silang naka confine noon sa pribadong hospital, may sakit sila noon- dahil magkasing edad lang sila at magkatabi ng kwarto ay naging matalik silang magkaibigan. Doon niya unang naramdaman ang saya na magkaroon ng isang taong magpapalakas ng loob at magbibigay ng pag-asa sa iyo araw-araw. Hindi niya malilimutan ang araw na una silang nagkita, ang araw na nakilala niya ang isang Leo Storm. Sa pagdaan ng panahon, hindi niya lubos akalain na magiging ganito ka tayog ang mararating ng binata. "Naaalala pa kaya niya ako?" Wala sa sariling tanong ni Ellie.

Ala una na ng hapon nang dumagsa ang mga tao sa coffee shop. May mga studyante, mag jowa, teachers, business man at iba pa. Abala si Ellie at ang kanyang boss sa counter area- madalas siyang tulungan nito kapag marami ang tao, mag-isa lang kasi siya at hands on din ang kanyang boss pagdating sa negosyo nito. Sabay silang napalingon nang biglang bumukas ang pinto ng coffee shop. Muling nilamon ng kaba ang kanyang dibdib nang makita niya si Leo na pumasok may kasama itong babae- maganda, sexy at nakasuot ng corporate attire, sa hula niya ay ang secretary ito ni Leo. Naglakad ito palapit sa kanila samantalang ang babae naman ay nagtungo sa table kung saan naghihintay ang iba pang business personnel. Mukhang may meeting silang magaganap. "Two orders of Espresso, one order of Latte and for me- the usual please." Agad naman na kumilos si Ellie upang maihanda na ang order ng binata. "Please include 4 slices of your best seller cake." Rinig niyang sabi nito. Habang ginagawa ni Ellie ang kape ay aksidente niyang nabitawan ang baso dahilan para mapaso ang kanyang kamay. Rinig na rinig niya ang pagkataranta ni Travis, mabilis siya nitong tinulungan, walang imik na nagpadala lang si Ellie, para siyang namanhid sa sobrang init na kanyang nararamdaman, nandon ang sakit pero hindi niya magawang makapag react dito. Nakita niyang lumapit si Kion at Leo sa dereksyon nila, may mga sinasabi ito ngunit hindi niya maintindihan, tila nabingi siya sa pangyayari. Sobrang sakit ang lumukob sa kanya, feeling niya ay mas lalong tumitindi ang sakit sa pagdaan ng bawat oras. Unti-unting lumalabo ang kanyang paningin, hindi na niya namalayan na nahimatay na pala siya.

Hindi malaman ni Leo ang gagawin, kitang-kita niya ang pagkawala ng malay ni Ellie, sobra siyang nag-aalala para rito. Kahit hindi sigurado ay agad siyang nagpresenta na dadalhin niya si Ellie sa hospital. Nagdadalawang isip man ay pumayag nalang si Travis, alam niyang responsibilidad niya ang empleyado at siya ang dapat na magdala nito sa hospital ngunit hindi niya pwedeng iwan ang shop lalo na't maraming tao ang dumarating. Ipinagbilin na lamang niya si Ellie kay Leo, alam naman niyang mapagkakatiwalaan ang kaibigan at alam niyang hindi niya ito pababayaan. Agad na nagtungo si Leo sa hospital, okay naman daw ang kalagayan ni Ellie, nag panic attack lang siya at dahil na rin sa stress ay nawalan siya ng malay. Tahimik lang na naghihintay sa sulok si Leo, minamasdan niya ang babaeng nakahiga sa hospital bed. Bahagya siyang nagulat nang biglang tumunog ang kanyang phone- si Niel pala ang tumatawag. Tumingin muna siya kay Ellie bago sagutin ang tawag. "Hello? Napatawag ka? " Tanong niya sa kabilang linya. "Baby, where are you? I miss you, I wanna see you." Nakaramdam siya ng tuwa sa sinabi ng kanyang nobyo- ibig palang sabihin ay nakauwi na ito sa Pilipinas.

Dalawang linggo narin kasi ang lumipas simula ng magpunta ito sa America, may business trip kasi ito- yun din ang dahilan kung bakit na cancel ang bakasyon nilang dalawa. "I'm glad you're back babe. I can't wait to see you. Later nalang, okay? Nasa hospital pa kasi ako." Paliwanag niya rito. "What!? What happened to you? Is there something bad happened, babe? " Nag-aalalang tanong nito. "Nope, nothing bad happened to me. May sinamahan lang ako, don't worry, after this I'll see you at your place." Matapos nilang mag-usap ay nagpunta si Leo sa pinakamalapit na convenience store upang bumili ng makakain, alas sais narin kasi ng gabi. Saktong pagbalik niya ay nakita niyang papalabas ang doctor mula sa kwarto ni Ellie.

Sinabihan siya nito na gising na ang pasyente at pwede na raw itong lumabas bukas. Nagpasalamat siya sa doctor at agad nang pumasok. Nakita niyang naka upo si Ellie sa higaan nito. Napatingin ito sa kanya at nagulat ng makita siya nito. "A-ano pong gi-gina-gawa niyo rito Sir? " Pautal-utal na sabi nito. "Ako ang nagdala sayo rito. Your boss and your friend can't do that, so I volunteered." Sagot niya. "Thank you po". Ngumiti siya at akmang ibibigay kay Ellie ang pagkain nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Sabay na iniluwa nito ang nag-aalalang mukha ni Travis at Kion, napairap nalang siya sa hangin dahil kung makaasta ang dalawa para namang naputulan ng daliri ang dalaga. "O.a much!? " Mataray na bulong niya sa sarili. "Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo? " Rinig niyang tanong ng dalawa kay Ellie. "Tsk! Kita namang ayos lang eh." Bulong niya ulit. Tila naimbyerna siya sa dalawang bisita. "Ehem! " Putol niya sa pagkukulitan ng mga ito, tumikhim muna siya bago nagsalita. "I need to go, I have important things to do. Kung walang makakapunta rito bukas for Ellie's discharge, call me and I'll be there." Pagkatapos niyang sabihin yun ay inilapag niya sa mesa ang kanyang biniling pagkain. He looked at Ellie's direction and saw the bandage on her hand. He waved her goodbye at nagpaalam na rin sa dalawa. Pagkalabas niya sa kwarto ay agad niyang tinawagan ang boyfriend. "Hey baby, I'm on my way. Prepare something special for me." He kisses the person on the other line before ending the phone call. Pagkarating sa parking lot ay agad siyang sumakay at pinaharurot ang kanyang Lamborghini Veneno. It was a tiring day for him pero alam niyang mapapawi ang lahat pagkarating niya sa condo ni Niel. Napangiti siya at kinikilig sa naiisip- "I'm coming, my love." Sabi nito sa kanyang sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status