Share

Chapter 6

Leo's POV

Pagka alis ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa coffee shop ni Travis, doon ko paniguradong makikita si Ellie, I may sound so desperate but I need to do this. Pagkapasok ko ay agad kong tinungo ang counter area dahil doon naka assign si Ellie, nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin siya ang kaso hindi ko siya makita. "Excuse me, I was looking for Ellie, is she around? " Napatingin ako sa lalaki at naalala ko na siya yung laging kasama ni Ellie- boyfriend niya kaya to? "'bat nyo po hinahanap si Ellie Sir? May kasalanan ba siya sa inyo?" Napailing ako sa sinabi niya "Naku, wala naman I just want to talk to her, importante kasi eh kaya gusto ko siyang makausap ng personal" tumango-tango naman ang lalaki na tila naiintindihan niya ang sitwasyon. "Pasensya na Sir, hindi kasi nakapasok si Ellie ngayon, may sakit siya kaya pinauwi nalang siya ni Sir Travis" mukhang mamalasin pa ako nito! Imbis na mawalan ng pag-asa pinili ko nalang na magtungo sa opisina ni Travis.

Pagkapasok ko ay agad na bumungad sa harapan ko ang gulat niyang pagmumukha. "What's with that look? Para ka namang nakakita ng multo! It's me, your gergous friend remember!?" Napatawa siya sa sinabi ko. "Bakit ba kasi bigla ka nalang pumapasok? Uso naman yung pagkatok hindi ba!?" Inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nagpaligoy-lingoy pa at agad na sinabi sa kanya ang totoo. Nagulat siya sa mga nalaman niya- hindi ko siya masisisi sa reaksyon niya, maging ako ay gulat na gulat din naman. "Do you really think na papayag si Ellie sa plano mo? Natahimik ako sa sinabi niya, maging ako ay hindi sigurado sa planong to pero, kailangan kong subukan. "Wala akong mapapala kung hindi ko susubukan. This is the only choice I have" Nagpakawala siya ng buntong hininga, ramdam ko sa kanya ang kaba at pag-aalala, his my best friend after all. "Does it mean, isusuko mo rin ang sekretong meron ka? She must know"- kailangan ba talaga? OMG! Hindi pa ako ready! "Sa tingin ko hindi na niya kailangan malaman, all she need to do is to pretend to be my girlfriend, hanggang don lang yun".

Napatingin sakin si Travis, parang hinahalukay ng mga titig niya ang kaibuturan ng pagkatao ko, grabe naman to! "Malalaman niya rin kalaunan, matalino yun, kaya dapat sabihin mo na sa kanya para maintindihan niya" Hindi ko hahayaan na malaman ni Ellie yun, sisiguraduhin ko na matatapos na ang lahat bago pa niya matuklasan ang totoo. Pagkatapos kong makipag usap kay Travis ay dumeretso na ako sa condo ko, mas pinili kong dito nalang muna ako umuwi habang isinasagawa ko ang aking plano, mas mabuti na yun para makakilos ako nang naayun sa gusto ko at para na rin ligtas ako sa mga mata ng papa ko. Bigla kong naalala ang number na ibinigay sakin ni Travis, number yun ni Ellie. Tatawagan ko na ba siya ngayon? Kinakabahan ako, hindi ko alam kong paano ko sisimulan at kung papano ko siya makokombinsi. Kahit may pag aalinlangan na bumabalot sa akin ay nag dial ako ng mga numero, pagka pindot ko sa call ay agad na nag ring ang kabilang linya.

Ellie's POV

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone sa aking tabi, gusto ko na sanang magpahinga ang kaso di ko magawa kasi kung hindi mga kapatid ko, si mama naman ang pupunta dito sa kwarto tapos ngayon itong tumatawag. Inabot ko ang aking cellphone at akmang papatayin ito, balak kong wag nalang sagutin ang tumawag baka si Kion lang 'to. Pagkatingin ko sa screen nagtaka ako kasi unknown number ang naka register. Kahit di sigurado ay sinagot ko ang tawag.

Napasinghap ako sa gulat ng marinig ko ang boses sa kabilang linya. OMG! totoo ba to? Si Leo! Gusto kong tumili, pero syempre hindi ko ginawa. Nag usap lang kami na para bang ang tagal na naming magkakilala, bumalik tuloy sa 'kin ang nakaraan nong mga bata pa kami. Ang lamig ng boses niya na para bang dinadala ka sa ibang mundo, ang paghinga niya, lahat ng yun naririnig ko na para bang musika. Bigla akong bumalik sa katinuan ng marinig ko ang sinabi niya, gusto niyang makipagkita sa akin bukas, may gusto daw siyang sabihin na importante. Magtatapat ba siya ng kanyang pag-ibig? Pinitik ko ang aking ulo para magising sa realidad, napaka elusyonada kasi! Kahit masama ang pakiramdam, pumayag pa rin akong makipag kita sa kanya, sa tono kasi ng pananalita niya, halatang may bumabagabag sa kanya.

Napagkasunduan namin na sa park nalang magkita, mas malapit kasi yun sa bahay namin kaya kung sakaling mas lalong sumama ang pakiramdam ko, makakauwi ako agad. Nagpaalam na siya sa tawag kaya naman pinindot ko na ang end button. Pagkahiga ko sa kama ay di ko mapigilang mapangiti, bakit naman kasi sa dinami-rami ng tao, sa akin pa niya naisipan humingi ng tulong.

Nagising ako sa tunog ng kalabog sa labas ng kwarto, agad akoang bumangon at binuksan ang pinto, pagkabukas ko nakita ko sina Erie at Erine, agad na napakunot ang aking noo at nagpapalit palit ang tingin sa kanilang dalawa. "Anong ginagawa niyo?" Tanong ko. "Sabi kasi ni mama echeck ka daw namin kung humihinga ka pa ba" saad ni Erie. "Sira! hindi naman ganyan yung sinabi ni mama eh! Sabi ni mama, gisingin ka na daw namin ate para makakain na" saad naman ng bunso naming si Erine. Napailing nalang ako sa kanila, kahit kelan talaga napaka ingay ng dalawang 'to.

Sabay-sabay na kaming bumaba upang magtungo sa hapagkainan, nakita namin si mama na kakatapos lang maghanda sa mesa. "Good morning anak, kumusta na pakiramdam mo?" Bungad ni mama sa akin, pinilit kong ngumiti at sinabing ayos na ako kahit hindi naman, wala na naman akong lagnat ang kaso masama parin ang pakiramdam ko, ayoko na kasing mag-alala pa sila kaya titiisin ko na lang. Pagkatapos kong kumain ay tumulong ako ng konti sa pagliligpit ng mga pinagkainan tapos nagpaalam ako kay mama na aakyat na sa kwarto. Pagkapasok ko ay agad kong kinuha ang aking cellphone nakita ko sa screen ang pangalan ni Leo, sinave ko kasi ang number niya kagabi. Binasa ko ang message niya, nagreremind lang pala siya sa pagkikita namin mamaya sa park. Agad akong nag reply sa kanya na dadating ako sa oras na napag-usapan namin, mamaya pa naman yun kaya may time pa akong makapagpahinga. Sana naman maging maayus ang pag-uusap namin mamaya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status