Ellie's POVNagising ako dahil pakiramdam ko'y parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko. Mabilis akong napabangon at agad na nagtungo sa banyo. Agad akong napaluhod at sumuka ng sumuka. Pagkatapos ko ay nagtungo ako sa kama para kunin ang cellphone ko, nang makita ko ang date ay agad akong nagtaka- lagpas na sa regular cycle ko, dapat ngayon ay dinatnan na ako. Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin, baka delay lang ako- nangyayari naman kasi yun sakin minsan. Hinanap ko ang number ni Leo at tinawagan ito. Dalawang ring palang ay sinagot na niya "Good morning love" rinig kong sabi niya "Asan ka na? Punta ka na ba dito?" narinig kong tumawa siya "Hindi pa, later na. Siguro mamayang alas tres". Napasimangot ako dahil sa sinabi niya "Bakit naman ang tagal?" Tampo kong tanong "I told you already, may aasikasuhin ako dito sa office. After this punta ako dyan sa inyo" I sigh- mukhang wala akong choice kundi ang maghintay. Natapos na kaming mag usap kaya lumabas na ako at nagtungo kina mama.
Leo's POVSobrang saya ko talaga nang pumayag na ang mama ni Ellie, gagawin ko lahat para maging masaya kami, plano ko na talagang mag settle down, gusto kong maranasan ang magkaroon ng pamilya. Dati di ko inakala na mangyayari sakin to, iniisip ko, kung hindi ko ba nakilala si Ellie mararanasan kong maging masaya gaya nito? Pagkatapos naming maghapunan ay deretso na kaming nagtungo sa kwarto niya. Uuwi na sana ako pero di ako pinayagan ng mama ni Ellie- sa totoo lang, ayoko din naman umuwi kaya hindi na ako nag protesta pa. Nang makapasok kami sa kwarto niya ay agad na umakyat ang libog sa buong katawan ko. Lalo na nang maalala ko ang ginawa namin sa loob ng hospital.Mabilis akong lumapit sa direksyon niya at hinalik-halikan ko siya sa leeg, napapa-iktad siya dahil sa kiliti. Biglang pumasok sa isip ko ang isang pilyong ideya "samahan mo akong maligo" saad ko habang nakayakap sa kanya. Natigilan siya dahil sa sinabi ko, "tumigil ka nga! Baka mamaya mahuli tayo" ngumisi ako "Paano ta
Maagang nagising si Ellie dahil ito ang unang araw niya sa trabaho bilang isang cashier sa isang kilalang coffee shop sa kanilang lugar. Graduate student siya sa Crimson University sa kursong Entrepreneurship ngunit dahil fresh graduate ay walang tumatanggap sa kanya na kompanya sa kadahilanang wala pa siyang experience sa naturang larangan. Kahit nanghihinayang ay napag desisyonan niyang humanap nalang ng ibang trabaho na makakatulong sa kanya upang makapag ipon. Napalingon si Ellie nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang coffee shop. Abot tenga ang kanyang ngiti ng makita ang papasok na customer. "Good morning Sir! May I take your order?" Tanong niya pagkalapit ng lalaki sa counter area. "Caffé Americano" saad nito na hindi man lamang sinusulyapan ang kaherang nasa harapan. Nakaramdam ng pagkairita si Ellie sa naturang customer dahil maypagka suplado ito. "Caffé Americano, for Mr.." napatigil si Ellie sa pagsasalita ng maalala niya na hindi nga pala niya natanong ang lalaki kan
Leo's POV Napaka aga masamang balita agad ang bubungad sa akin? My Gosh! Di to kaya ng beauty ko! Oo, bakla ako, noon paman ay bakla na talaga ako, kahit pa nga noong nasa sinapupunan palang ako ng nanay ko ramdam ko ng babae talaga ang diwa ko. Pinagsisisihan ko nga eh kung bakit ako na trap sa gwapo at maskuladong katawan na to. "Babe! We talk about this right? Sabi mo pa nga sabay tayong aalis." Maarte at may himig pagtatampo na saad ko sa aking nobyo. "I know baby, di ko naman alam na mangyayari to eh! And besides, muntik na tayong mahuli diba? Nag-iingat lang din ako ". He answered. Yeah! This is one of my problems, I can't express my feelings in public, 'cause I know they won't understand and they will judge me. I have a boyfriend, his name is Niel Craign. We've been in a relationship for 5 years now, we met in a club when we were in Paris. Just like others, we decided to get to know each other, hooked up, and then eventually, fall in love with each other. We live together for
Ellie's POV Hindi talaga ako maka move on sa mga nangyari kanina. Akalain mo yun? Nakita ko sa personal si Leo! Napaka gwapo niya pala talaga, kung ako sa kanya talagang hindi ko ipopost public ang mukha ko dahil panigurado dudumugin at pagkakaguluhan ng media at ng mga tao. "You're in deep thought, is there something wrong?" Napalingon ako sa nagsalita, nakalimutan kong magkasabay pala kami ni Kion ngayon. Hay's isa pa tong gwapo! Napapaligiran yata ako ng mga gwapo ngayong araw, hindi ko na kere! "Okay lang naman ako, iniisip ko lang yung about kanina". May halong lungkot sa mukha ko, syempre na bad shot ako dun kay Leo eh. "Sus! wag mo na nga isipin yun, diba nga okay naman daw ang lahat sabi ni boss". Napangiti ako sa sinabi niya, nagpapasalamat talaga ako at sobrang bait ng amo namin. Halos kasing edad lang namin si Sir Travis pero ang dami na niyang achievements, dagdag pa na best friend pala sila ni Leo. "Di talaga mawala sa isip ko eh! Ano kaya ibig sabihin ni Leo? Sa tingin
Masayang nagising si Ellie sa araw na ito, pakiramdam niya ay ganado siyang gawin ang ano mang bagay. Pagkababa niya ay sinalubong siya ng kanyang ina at inalok na sabayan silang kumain ng agahan. Mabilis na tumanggi si Ellie dahil sa trabaho nalang daw siya kakain, meron kasi silang libreng pagkain doon at pwede silang kumain o uminon ng kahit ano hanggat gusto nila. Isa ito sa mga policy ng kanilang amo na si Travis- doon palang ay nagpapasalamat na siya. Nagpaalam na si Ellie sa kanyang ina at dalawang kapatid, pagkalabas ng bahay ay agad na bumungad sa kanya si Kion. "Morning El, musta na ang noo mo?" Bungad na tanong nito, ngumiti si Ellie at sinabing ayos lang ito. Maagang nakarating ang dalawa sapagkat walang masyadong traffic sa daan. Pagkapasok nila sa coffee shop ay agad nilang binati ang iba pang empleyado, maging ang may ari na si Travis, nagpalit lang sila ng uniform at agad ng nagtungo sa kanilang mga station. Habang nag-aabang si Ellie ng mga customer ay panay ang pag
Leo's POVPagkarating ko sa condo unit ni Niel ay agad niya akong niyakap, sa sobrang higpit ay halos hindi na makahinga ang lola niyo! Kaloka! I am really happy to see him. It's been 2 weeks simula ng magpunta siya sa America for some business matters. I was over the moon when I saw the arrangements on the table- it was a romantic dinner for us. I pinched his checks and told him how sweet he was to do that thing. "Do you like it babe? " He asked. "I love it baby! " I answered back. Nagtungo na kami sa table at nagsimula ng kumain, we talked about his experience in America, mga business meeting and even his whereabouts. I am really happy kasi open siya sa sa akin sa lahat ng bagay. I also told him about everything that happened to me. Pagkatapos naming mag dinner ay nagtungo naman kami sa sala, we decided to watch some romantic movies. Everything felt so good, every time I was with him, I felt like I was enough and I was appreciated. Ganito pala ka sarap sa pakiramdam yung tipong tan
Leo's POV Pagka alis ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa coffee shop ni Travis, doon ko paniguradong makikita si Ellie, I may sound so desperate but I need to do this. Pagkapasok ko ay agad kong tinungo ang counter area dahil doon naka assign si Ellie, nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin siya ang kaso hindi ko siya makita. "Excuse me, I was looking for Ellie, is she around? " Napatingin ako sa lalaki at naalala ko na siya yung laging kasama ni Ellie- boyfriend niya kaya to? "'bat nyo po hinahanap si Ellie Sir? May kasalanan ba siya sa inyo?" Napailing ako sa sinabi niya "Naku, wala naman I just want to talk to her, importante kasi eh kaya gusto ko siyang makausap ng personal" tumango-tango naman ang lalaki na tila naiintindihan niya ang sitwasyon. "Pasensya na Sir, hindi kasi nakapasok si Ellie ngayon, may sakit siya kaya pinauwi nalang siya ni Sir Travis" mukhang mamalasin pa ako nito! Imbis na mawalan ng pag-asa pinili ko nalang na magtungo sa opisina ni Travis. Pagkapa