Leo's POV
Napaka aga masamang balita agad ang bubungad sa akin? My Gosh! Di to kaya ng beauty ko! Oo, bakla ako, noon paman ay bakla na talaga ako, kahit pa nga noong nasa sinapupunan palang ako ng nanay ko ramdam ko ng babae talaga ang diwa ko. Pinagsisisihan ko nga eh kung bakit ako na trap sa gwapo at maskuladong katawan na to. "Babe! We talk about this right? Sabi mo pa nga sabay tayong aalis." Maarte at may himig pagtatampo na saad ko sa aking nobyo. "I know baby, di ko naman alam na mangyayari to eh! And besides, muntik na tayong mahuli diba? Nag-iingat lang din ako ". He answered. Yeah! This is one of my problems, I can't express my feelings in public, 'cause I know they won't understand and they will judge me. I have a boyfriend, his name is Niel Craign. We've been in a relationship for 5 years now, we met in a club when we were in Paris. Just like others, we decided to get to know each other, hooked up, and then eventually, fall in love with each other. We live together for 1 year while we're in Paris.After that, bumalik ako sa Pilipinas para ipagpatuloy ang buhay, which is to manage the legacy that my Father left. I have no choice but to agree, ako lang kasi ang nag iisang lalaki sa pamilya. I have 2 older sisters but they don't have the interest in managing the company and since ako lang naman ang may potential, sa akin naiwan ang responsibilidad. I thank the Universe for giving me the opportunity, dahil nahasa ko ang aking kakayahan sa larangan ng business. I was awarded as the youngest CEO and the youngest billionaire in history. Marami na rin akong na achieve and dahil dun mas lalo pa akong nakilala ng buong mundo. No one knows about my secret except for the two people I trust- my boyfriend and my best friend Travis Johnson. We were best buds since we were in our mother's womb. When he found out the truth, he never judged me and understood my situation. Sinuportahan pa nga niya ako nung nalaman niya ang tungkol sa amin ni Niel. Pinangako ko sa aking sarili na walang makakaalam nang totoo, even my family, hindi nila pwedeng malaman, specially my dad- he would kill me if ever he finds out the truth.
"Babe! Are you still there? " Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Niel. "Yeah, I'm here" tipid kong sagot. "I am really sorry, baby, I hope you understand." Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya, kahit alam ko namang di niya makikita. Matapos ng pag-uusap namin sa telepono ay napagdesisyonan kong pumunta sa coffee shop na pag mamay-ari ni Travis. Pagkalapit ko sa counter area, nagulat ako sa babaeng nagsalita. Sino ba namang di magugulat!? Ang taas ng energy niya at ang lakas ng pagbati niya sakin! Kala naman ng babaeng 'to na nasa kabilang bundok ako! Kaloka! Napatitig ako saglit sa kanya, Taray naman itong si ate mo ghurl may ibubuga! Pwedeng panlaban sa Miss Universe! Makinis, maputi, sexy, tama lang ang height, maganda, may matangos na ilong, kissable lips na parang ang sarap laplapin- f*ck! What am I even thinking!? Ayokong pumatol sa babaeng 'to no! Over my dead gorgeous body! Nagmadali na akong umalis sa counter area baka kung saan pa mapunta ang iniisip ko. Napagdesisyonan kong maupo sa pinaka dulong lamesa, para na rin makaiwas sa mga tao at para walang makarinig sa pag-uusap namin ni Niel. I really love this freedom, yung tipong kilala ka lang nila sa pangalan pero hindi sa mukha. Buti nalang talaga hindi ko pinost public ang mukha ko, para naman makalabas parin ako at makapunta sa mga lugar na gusto ko ng di ako dinudumog ng tao, specially media.Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap kay Niel nang pamansin kong may papalapit sa dereksyon ko, agad akong nagpaalam sa kanya at enend ang call. I saw her beautiful face again, she was smiling while walking. Kung straight palang sana ako ngayon, liligawan ko 'tong babaeng 'to, kaso hindi talaga eh, As in yuck! We're on the same page ghurl! My heart skipped a beat when the glass was knocked over by accident. Nataranta ako at ganun din siya, kumalat sa mesa ang kape at nabasa ang ilan sa mga documentong kailangan ko sa business meeting mamaya. Sa sobrang gulat, di ko napigilan ang sarili ko at nasigawan ko siya ng bongga. Wala akong pakialam kahit pa magtinginan ang ibang customer sa amin. Naawa naman ako ng very light kay ate ghurl ng makita ko ang reaksyon niya, halatang nasaktan siya. Gusto kong mag sorry kasi alam ko namang hindi sinasadya pero nung makita ko kung paano sila nag usap ni Travis mas pinili ko nalang magtaray.Ang landi rin nitong best friend ko, halatang may gusto kay ate ghurl! After nilang mag-usap ay nagpaalam na si ate ghurl na babalik sa kanyang trabaho. Pinagmamasdan ko lang ang papalayo niyang imahe ng may magsalita "Huy! Anong nangyari sayo? Sinampal ka na ba ng katotohanan at na realize mong lalaki ka talaga? " Pang-aasar na sabi niya "shut up! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Seriously? Yuck! Ewww! Never! Hindi ako papatol sa ka uri ko no! " Mataray kong saad. Imbis na magsalita ay tumawa lang siya ng malakas at nagkibitbalikat. "What's her name? I was just curious ". Totoo naman talaga, na intrega ako sa pangalan ni ate ghurl. "Her name is Ellie, Ellie Rios ". May halong pang-aasar niyang sabi. I just rolled my eyes and excuse myself dahil may business meeting pa akong kailangang e attend. I was about to pass the counter area when I saw Ellie, malayo ang tingin nito at tila may malalim na iniisip. Napangiti ako nang may pumasok na kademonyohan sa utak ko. Lumapit ako sa kanya at may sinabi. I saw her froze, halatang nagulat siya sa presensya ko. Mas inilapit ko pa sa kanya ang mukha ko sabay bulong sa tenga niya "Hindi tayo talo girl! "
Ellie's POV Hindi talaga ako maka move on sa mga nangyari kanina. Akalain mo yun? Nakita ko sa personal si Leo! Napaka gwapo niya pala talaga, kung ako sa kanya talagang hindi ko ipopost public ang mukha ko dahil panigurado dudumugin at pagkakaguluhan ng media at ng mga tao. "You're in deep thought, is there something wrong?" Napalingon ako sa nagsalita, nakalimutan kong magkasabay pala kami ni Kion ngayon. Hay's isa pa tong gwapo! Napapaligiran yata ako ng mga gwapo ngayong araw, hindi ko na kere! "Okay lang naman ako, iniisip ko lang yung about kanina". May halong lungkot sa mukha ko, syempre na bad shot ako dun kay Leo eh. "Sus! wag mo na nga isipin yun, diba nga okay naman daw ang lahat sabi ni boss". Napangiti ako sa sinabi niya, nagpapasalamat talaga ako at sobrang bait ng amo namin. Halos kasing edad lang namin si Sir Travis pero ang dami na niyang achievements, dagdag pa na best friend pala sila ni Leo. "Di talaga mawala sa isip ko eh! Ano kaya ibig sabihin ni Leo? Sa tingin
Masayang nagising si Ellie sa araw na ito, pakiramdam niya ay ganado siyang gawin ang ano mang bagay. Pagkababa niya ay sinalubong siya ng kanyang ina at inalok na sabayan silang kumain ng agahan. Mabilis na tumanggi si Ellie dahil sa trabaho nalang daw siya kakain, meron kasi silang libreng pagkain doon at pwede silang kumain o uminon ng kahit ano hanggat gusto nila. Isa ito sa mga policy ng kanilang amo na si Travis- doon palang ay nagpapasalamat na siya. Nagpaalam na si Ellie sa kanyang ina at dalawang kapatid, pagkalabas ng bahay ay agad na bumungad sa kanya si Kion. "Morning El, musta na ang noo mo?" Bungad na tanong nito, ngumiti si Ellie at sinabing ayos lang ito. Maagang nakarating ang dalawa sapagkat walang masyadong traffic sa daan. Pagkapasok nila sa coffee shop ay agad nilang binati ang iba pang empleyado, maging ang may ari na si Travis, nagpalit lang sila ng uniform at agad ng nagtungo sa kanilang mga station. Habang nag-aabang si Ellie ng mga customer ay panay ang pag
Leo's POVPagkarating ko sa condo unit ni Niel ay agad niya akong niyakap, sa sobrang higpit ay halos hindi na makahinga ang lola niyo! Kaloka! I am really happy to see him. It's been 2 weeks simula ng magpunta siya sa America for some business matters. I was over the moon when I saw the arrangements on the table- it was a romantic dinner for us. I pinched his checks and told him how sweet he was to do that thing. "Do you like it babe? " He asked. "I love it baby! " I answered back. Nagtungo na kami sa table at nagsimula ng kumain, we talked about his experience in America, mga business meeting and even his whereabouts. I am really happy kasi open siya sa sa akin sa lahat ng bagay. I also told him about everything that happened to me. Pagkatapos naming mag dinner ay nagtungo naman kami sa sala, we decided to watch some romantic movies. Everything felt so good, every time I was with him, I felt like I was enough and I was appreciated. Ganito pala ka sarap sa pakiramdam yung tipong tan
Leo's POV Pagka alis ko sa bahay ay agad akong nagtungo sa coffee shop ni Travis, doon ko paniguradong makikita si Ellie, I may sound so desperate but I need to do this. Pagkapasok ko ay agad kong tinungo ang counter area dahil doon naka assign si Ellie, nagpalinga linga ako sa paligid para hanapin siya ang kaso hindi ko siya makita. "Excuse me, I was looking for Ellie, is she around? " Napatingin ako sa lalaki at naalala ko na siya yung laging kasama ni Ellie- boyfriend niya kaya to? "'bat nyo po hinahanap si Ellie Sir? May kasalanan ba siya sa inyo?" Napailing ako sa sinabi niya "Naku, wala naman I just want to talk to her, importante kasi eh kaya gusto ko siyang makausap ng personal" tumango-tango naman ang lalaki na tila naiintindihan niya ang sitwasyon. "Pasensya na Sir, hindi kasi nakapasok si Ellie ngayon, may sakit siya kaya pinauwi nalang siya ni Sir Travis" mukhang mamalasin pa ako nito! Imbis na mawalan ng pag-asa pinili ko nalang na magtungo sa opisina ni Travis. Pagkapa
Leo's POVNakahiga parin ako sa kama, kakatapos ko lang kasi e message si Ellie tungkol sa napag-usapan namin kagabi. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung papano ko sasabihin sa kanya o kung papano ko siya pakikiusapan, naisip ko tuloy na magmakawa na lang sa kanya. Natawa ako sa naisip ko, itong dyosa? magmamakaawa? NO WAY! as in NO talaga. I felt the vibration coming from my pocket, don ko kasi nilagay ang phone, I saw a notification that someone sent me pictures through email, after reading the message, agad akong nagtungo sa desk at inopen ang laptop. Napahawak ako sa aking baba habang sinusuri ang mga pictures, halatang professional ang kumuha sa mga litratong ito.Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang aking Secretary, I thank her for collecting those photos, agad kong sinave ang mga ito sa aking phone, habang nagdodownload pa ay napagpasyahan ko na maligo nalang muna para makapaghanda na rin ako para mamaya. Pagkalabas ko galing sa shower ay
Nagulat si Ellie sa kanyang narinig, tila isang echo na nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ni Leo. Nakatitig lang siya sa mukha ng binata, sinusuri ang ekspresyon ng mukha nito kung ito ba ay nag bibiro lamang. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkagulat sa mga binitawang salita, mababakas din sa kanya ang matinding kaba. "Ulitin mo nga sinabi mo!?" gulat at hindi makapaniwalang saad ni Ellie. Hindi makatingin ng deretso sa kanya ang binata kaya naman siya na ang sumagot para dito. "Ginagawa mo 'kong tanga no?" walang pagdadalawang isip na tanong niya. Napailing ng mabilis si Leo. "Of course not! I need your help, will you help me?" dahil sa sinabi ng binata ay agad na kumalma ang puso niya, alam niya sa sarili na imposible itong magka gusto sa tulad niya. "Ano ba kasi yun? pwede bang ipaliwanag mo ng maayos?" naguguluhan na kasi siya sa mga ikinikilos ng binata. Huminga ng malalim si Leo bago mag salita, ipinaliwanag nito sa kanya ang sitwasyon pati na rin ang tungkol sa
Leo's POV Napangiti ako habang nanonuod ng balita sa tv, nandito ako ngayon sa opisina, hindi ko maiwasang maging masaya dahil unti-unti ng nagsisimula ang plano ko. Tenext ko rin si Ellie na makipagkita sa akin mamaya sa coffee shop ni Travis, gusto ko kasing mag-iwan ng mga clue sa media at syempre para na rin sa mga nakapaligid samin. Mas marami, the more ang chismis. The door suddenly opened and to my surprise, my eyes went wide- it's Niel! what the heck is he doing here!? Mabilis pa sa alas kwatro niya akong niyakap, napaiktad ako sa sobrang gulat. Agad akong kumalas sa yapos niya, kahit pa gusto ko, hindi pwede no! Baka mahuli ang Disney Princess niyo! "Anong ginagawa mo dito?" I asked. He pouted just to act cute in front of me and he did it right! I almost drop my jaw because of what he did. He started touching me in a flirty way. I can't help but to fall for it but, I need to put my guard up. Mahirap na baka mahuli pa kami. "Stop that babe! We're inside my company, we might g
Leo's POVKararating ko lang sa coffee shop ni Travis, una kong pinuntahan ang opisina niya kaso wala siya doon, saan kaya siya nagpunta? Hinanap ko siya sa buong coffee shop kaso hindi ko talaga siya makita. Wala naman siyang sinabi na may pupuntahan siyang importante eh! kaysa magpaka Hagardo Versoza ako sa paghahanap sa kanya mas pinili ko na lang maupo sa bakanteng table. Napatingin ako sa suot kong wrist watch 1:30 pm na pala, napatingin ako sa kabuoan nitong coffee shop, medyo marami-rami rin ang mga tao ngayon kahit pa araw ng linggo. Panay ang pagsulyap ko sa tuwing bumubukas ang pinto, umaasang si Ellie na ang darating. Bakit kaya wala pa siya? kadalasan naman on time siya or di kaya mas nauuna pa siya, hindi kaya magkasama parin sila ngayon ni Travis? Wala akong magagawa sa mga oras na 'to kundi ang hintayin si Ellie, ako ang may kailangan sa kanya kaya naman kailangan kong magtiis ganda muna.Nakakaramdam na ako ng pagkainip, 2 pm na, isang oras na rin siyang late. Imbis na