Share

Chapter 3

Ellie's POV

Hindi talaga ako maka move on sa mga nangyari kanina. Akalain mo yun? Nakita ko sa personal si Leo! Napaka gwapo niya pala talaga, kung ako sa kanya talagang hindi ko ipopost public ang mukha ko dahil panigurado dudumugin at pagkakaguluhan ng media at ng mga tao. "You're in deep thought, is there something wrong?" Napalingon ako sa nagsalita, nakalimutan kong magkasabay pala kami ni Kion ngayon. Hay's isa pa tong gwapo! Napapaligiran yata ako ng mga gwapo ngayong araw, hindi ko na kere! "Okay lang naman ako, iniisip ko lang yung about kanina". May halong lungkot sa mukha ko, syempre na bad shot ako dun kay Leo eh. "Sus! wag mo na nga isipin yun, diba nga okay naman daw ang lahat sabi ni boss". Napangiti ako sa sinabi niya, nagpapasalamat talaga ako at sobrang bait ng amo namin. Halos kasing edad lang namin si Sir Travis pero ang dami na niyang achievements, dagdag pa na best friend pala sila ni Leo. "Di talaga mawala sa isip ko eh! Ano kaya ibig sabihin ni Leo? Sa tingin mo ba bakla siya? ". Biglang tumawa ng malakas si Kion dahilan para mapatingin ang mga taong nakakasabay namin sa daan. "Seryoso ka ba? Sa porma niyang yun iisipin mong bakla!? Baka gusto ka lang niyang asarin, wag mo na lang bigyan ng malisya. Talaga namang di ka magugustuhan nun ". Napabusangot nalang ako si sinabi ni Kion. Hindi namin namalayan na nasa paradahan na pala kami ng jeep, habang nasa byahe napagdesisyonan ko na makinig nalang muna ng music.

Nagising ako ng may biglang tumapik sa aking pisngi, nagpalinga-linga ako sa paligid at napagtantong nakarating na pala kami. Nakatulog pala ako sa byahe? "Grabe! Tulo laway ka El " tumatawang saad ni Kion. Inirapan ko lang siya at nauna ng bumaba sa jeep. Magkapit-bahay lang kami kaya lagi kaming magkasama pauwi at papasok ng trabaho. Nagpaalam na ako sa kanya at ganun din siya, gusto ko na talagang mahiga sa kama- sobrang nakakapagod ang araw na to! Ipinikit ko ang aking mga mata upang makapagpahinga, di ko namalayan na dinala na pala ako ng antok sa kanyang kaharian. Mahimbing na sana ang aking tulog nang marinig ko ang malakas na katok sa pinto, kahit malabo ang paningin dahil sa sobrang antok ay bumangon na lamang ako upang pagbuksan ang kung sino mang disturbo sa aking pagpapahinga. "A-ano ba yun? " Inaantok kung saad. "Anak, alam kong kakasimula mo palang sa trabaho. Nagbabakasakali lang sana ako sayo kung may naitabi ka pang pera dyan. Exam kasi ng kapatid mong si Erie bukas, kailangan niya ng pambayad. " Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni mama. Isa to sa mga problema ko, kaya ako hindi makapag ipon sa sarili ko dahil may dalawa pa akong kapatid na pinapaaral. Hindi ko naman sinisisi si mama dahil alam ko ang bawat sakripisyo at hirap niya simula nang iwan kami ni papa para sa ibang babae. "Sige po ma, wag kayo'ng mag-alala, gagawan ko po ng paraan ". Mababakas ang lungkot sa mukha niya. "Salamat anak ha, at pasensya ka na ". Ngumiti ako ng matamis "Sus si mama! Wala yun, sino pa po bang tutulong sa inyu kundi ako lang naman diba? Kaya natin to, kakayanin natin ". Pagkasabi ko nun ay niyakap ko lang si mama, nagpaalam na rin siya dahil magluluto pa siya para sa haponan.

Nakaupo lang ako sa kama, malalim ang iniisip. Saan naman kaya ako kukuha nito ng pera? Paano kaya kung magnakaw nalang ako no? Napatawa na lamang ako sa aking iniisip. Kinuha ko ang aking cellphone at nag text kay Kion. Sana naman ay may magandang balitang bubungad sa akin bukas. Ilang oras lang ang lumipas ay tinawag na ako ng aking bunsong kapatid na si Erine, maghahaponan na raw kasi, sumunod lang ako sa kanya at pagkarating ko sa mesa ay nadatnan ko si mama at Erie na naghahanda na. Sabay-sabay naming pinagsaluhan ang niluto ni mama na sinigang na baboy, kahit papano ay nakakain parin naman kami ng masarap. Ganito pala yung pakiramdam na wala ka ng ama, napakahirap pero kailangan mong magsikap para sa pamilya. Kung sana nandito pa si papa, siguro nasa maayos kaming kalagayan. Isa kasing Engineer ang aking ama. May mataas na sweldo na napunta lang sa kabit niya."Ate? Ayos ka lang ba? " Napatingin ako kay Erine, siya ang bunso naming kapatid na nasa first year college na ngayon. "Ayos lang naman ako, bakit? " Takang tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus, ngumuso siya sa hawak kong kobyertos. Napasinghap ako nang makita kong nayupi na pala ito sa sobrang higpit ng pagkakahawak. "Hulaan ko ate, iniisip mo naman yung magaling nating ama kaya ka ganyan." Pinanlisikan ko ng mata si Erie ang pangalawa sa amin, walang preno ang bunganga ng batang 'to! Alam naman niyang nandyan si mama. Kapag kasi ganun, iniiwasan naming ma topic si papa kasi ayaw naming malungkot si mama. Isinawalang bahala nalang namin ang nagyari at nagpatuloy na sa hapunan. Makalipas ang ilang masasayang kwentohan at tawanan ay nagligpit na rin kami at kanya-kanya ng punta sa kwarto. Pagkapasok ko palang sa kwarto ay agad akong nagpunta sa banyo. Ginawa ko lang naman ang ritwal ko tuwing gabi, konteng skin care para magmukha parin tayong tao kahit wala tayong pera. Hihiga na sana ako para matulog ng biglang tumunog ang aking phone. Pagkatingin ko ay nabasa ko ang message mula kay Kion. Nagpapasama ang loko sa isang convenience store. Pumayag nalang ako kasi meron din naman akong kailangan sa kanya. Nagmadali akong mag bihis- isang cargo pants at isang korean style hoodie crop top jacket ang napili kong suotin.

Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko si mama na nanonood ng tv sa sala. Napatingin siya sa akin, halata sa mukha ang pagtataka. Bago paman siya makapagtanong ay inunahan ko na siya. Nagpaalam lang ako na aalis kami saglit ni Kion. Tumango lang siya bilang pag sang-ayun. Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Kion sa kabilang kalsada, nakatayo siya habang naka sandal sa pader, abala sa pagtipa ng kanyang cellphone. Agad akong nagtungo sa kinaroroonan niya at tinapik siya sa balikat, medyo nagulat pa siya sa nangyari dahil hindi niya pala ako napansin. Yan! Masyado kasing busy eh! Buti nga! Mini heart attack ang peg! Naglakad na agad kami papuntang convenience store. Pagkarating namin dun ay agad na namili si Kion ng mga pagkain. Marami pang bakanteng upuan kaya may matatambayan pa kami. Habang abala si Kion sa pagpili, ako naman ay patingin-tingin din sa mga chichiryang naka display sa shelf. Napagawi ang aking atensyon sa ice cream station na nasa loob ng convenience store, medyo nagdadalawang isip pa ako kung bibili ba ako or hindi. Hindi ko na nakita si Kion sa kung saan ko siya nakitang nakatayo kanina. Hahanapin ko na sana siya nang bigla kong mabunggo ang isang customer. Sa sobrang lakas ng impact ay hindi ako agad nakapag react, sobrang sakit ng noo ko. Bigla akong nanlamig, para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko sa boses niya.

Sa di malamang dahilan, kinabahan ako ng sobra. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya, napasinghap ako ng hangin dahil feeling ko ay kakapusin ako ng hininga. Nakatayo sa harapan ko si Leo, hinihimas niya ang kanyang dibdib, dun kasi tumama ang noo ko. Nagulat din siya nang makita niya ako. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko, hindi ko maipaliwanag pero mas lalo akong kinabahan sa ginawa niya, sobrang lapit namin sa isa't-isa, para na akong mahihimatay dahil sa sobrang kaba, pakiramdam ko ay nagpa-panic attack ako. "Are you alright? I am really sorry, I didn't see you." Bakas sa boses at mukha niya ang pag-aalala. "A-a-ayos la-lang naman a-ako." Pautal-utal kong sabi. Sh*t! Bakit ba ako nauutal ng ganito? Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating si Kion. "Okay ka lang El? " Sinapo niya ang aking noo- namumula pala ito. Panay ang pagsasabi ko sa kanya na ayos lang ako pero ang loko ayaw talagang maniwala. Ramdam kong may nakatingin sa akin, napalingon ako sa dereksyon ni Leo at nakita ko siyang walang imik na nakatitig sa amin ni Kion. Bigla akong hinila ng kasama ko para umalis na pero pareho kaming natigil nang may humawak sa kabilang kamay ko. "Your name is Ellie, right? Again, I apologize for what happened." Napangiti ako sa kanya, napaka sincere ng paghingi niya ng pasensya- ibang iba nung nasa coffee shop kami. Nagpaalam na kami ni Kion sa kanya at bago paman kami tuluyang makaalis, may pahabol siyang sinabi. "See you around, Ellie." - ibig bang sabihin, hindi ito ang huli naming pagkikita?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status