Share

CHAPTER ONE

"I want to leave."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig mula sa bibig ni Nathalie na hindi siya kumbinsido sa plano ko. Ang akala niya ay gumagawa lang ako ng paraan upang makatakas kay Travis.

Alam niya kung gaano kong kinamumuhian ang lalaking iyon. Naroon siya when Travis humiliated me sa harap ng maraming tao, yet heto siya ngayon at panay ang pangangaral sa akin. She wants me na makasal kay Travis kahit na ayaw ko!

Ni hindi ko nga alam kung anong pinakain sa kanya ni Travis at para bang botong boto siya sa lalaking iyon! Travis is a fucking bastard. He's a manipulative slash arrogant man! Kung sinabi nga lang ni Nathalie nung una pa lang na si Travis ang magiging boss ko sa company na iyon, then sana hindi ko na tinanggap ang offer niya.

I wonder kung kasabwat nga ba ni Travis ang mga kaibigan ko. Ni hindi ko nga alam kung papaniwalaan ko pa si Nathalie lalo na sa kung anong ginawa niya sa akin kanina!

"No, you're not," she said while pointing at me. "Magi-stay ka rito whether you like it or not, Empress."

"Kaibigan ba talaga kita?" I asked.

Nang dahil sa sinabi ko, mabilis na nagbago ang reaksyong nakita ko sa mukha niya. Based on her look, tila ba mabilis na na-washed out lahat ng reaksyong nakita ko sa kanya kanina. 

"Yes, of course!" she said before niya hinawakan ang mga kamay ko. "Empress, wala naman akong ibang gusto kung hindi yang ikasasaya mo..."

"Tingin mo ba sasaya ako kapag nagpakasal kaming dalawa, Nathalie?"

Mabilis niyang itinikom ang bibig nang marinig ang sinabi ko. Bakas sa mukha niya ang gulat na mabilis ding napalitan nang makita niyang tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Devastated na ako sa nangyari sa aming dalawa. Please lang, Nathalie, wag ka nang dumagdag pa."

"I-I'm sorry, Empress. Natatakot lang ako," sagot niya na ikinailing ko. "Natatakot lang ako. Ang akala ko, mahal mo siya. Mahal ka niya, Empress. Hindi niya lang masabi sa 'yo. Sa katunayan nga— alam kong may plano siya, Empress. Just hold on, okay?"

"Hindi na ako naniniwala sa mga ganyan, Nathalie," sagot ko na ikinabuntong hininga niya. "Gusto kong umalis. Kung hindi mo ako tutulungan, pwede bang itikom mo na lang ang bibig mo?"

"So... hindi ko na magagawa pang baguhin ang desisyon mo, Empress?"

Umiling ako sa sinabi niya bago ako nagdesisyong magpatuloy sa pag-aayos ng gamit. Agad akong natigilan nang maramdaman ko siyang umupo sa gilid ko upang tulungan ako sa pagbabalot ng mga gamit ko sa bagahe.

"I'm sorry. Ang akala ko magbabago pa ang isip mo once na may mangyari sa inyong dalawa. Ang buong akala ko iyon na lang ang bagay na maitutulong ko sa 'yo. Gusto ko lang namang makatulong, Empress."

"But... you ruined everything, Nathalie," sagot ko na ikinayuko niya sa kahihiyan. "Pwede bang... mag-request sa 'yo?"

"Kahit ano!" she said before she raised her head upang lumingon sa akin. "Please, Empress, tell me. Babawi ako sa 'yo, I promise you!"

"Gusto kong umalis ng Pilipinas," sagot ko na bahagya niyang ikinatigil. "This time, wala na akong planong bumalik pa rito. Once na umalis ako, hinding hindi niyo na ako makikita pa."

"P-Paano si Travis kung ganoon?" tanong niya pagkatapos ng ilang segundong pananahimik. "Magagalit siya sa oras na malaman niyang pinatakas kita. Baka... magalit siya sa akin kapag nalaman niyang hindi kita pinigilan sa plano mo."

"Kilala ko siya, Nathalie," sagot ko na ikinahinga niya nang malalim. "Hinding hindi siya magagalit sa 'yo."

"Wala ka rito nung nagalit siya sa amin, Empress," sagot niya. "Wala ka rito nung mga panahong halos baliktarin niya ang buong mundo, mahanap ka lang."

Baliktarin ang buong mundo? Bakit naman niya ako hinahanap nung time na iyon? Hindi ba't siya rin ang dahilan kung bakit umalis ako? He was the one who pushed me away. Siya ang nagtulak sa aking lumayo sa kanya kaya naman ano ang sinasabi niya ngayong halos baliktarin ni Travis ang buong mundo para lang mahanap ako?

Tama. Kilala ko si Nathalie. Sinasabi niya lang ang mga bagay na ito para lang mabago pa ang nasa isip ko.

"Hindi ka naniniwala sa akin, 'no?" tanong niya na hindi ko man lang tinanguan. Humalukipkip siya bago muling ngumuso. "Never niya kaming tinigilan ni Lucas noon. Ang akala niya, tinatago ka lang namin sa kanya. Ang buong akala niya, alam namin kung nasaan ka. Palagi niya kaming ginugulo, nagtatanong kung nasaan ka. Wala kaming maibigay na sagot sa kanya, kaya ang ending... palagi silang nag-aaway ni Lucas." Sandali pa siyang huminga nang malalim bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Palagi rin namin siyang sinisisi ni Lucas that time. Na hindi ka aalis kung hindi dahil sa ginawa niyang pag-humiliate sa 'yo sa harap ng marami. Saksi ako sa kung paano niyang sinisi ang sarili niya, Empress."

Muling nag-angat ng tingin sa akin si Nathalie bago muling ngumiti nang malungkot.

"Kung hindi ka niya mahal, Empress, hindi ka niya hahanapin tulad ng ginawa niya noon," she added. "Sa tingin mo ba tatanggapin ka niya sa company niya kung ayaw ka na niyang makita pa?"

"Ang sabi niya sa akin, trabaho raw ang dahilan kung bakit niya ako tinanggap," sagot ko na ikinangisi niya.

"At naniwala ka naman?" 

Wala akong nagawa kung hindi ang ngumuso sa kanya na tinawanan niya lang. Nagpatuloy lang siya sa pagpapaliwanag on his behalf. Wala naman akong nagawa kung hindi ang palabasin sa kabilang tenga lahat ng sugarcoated words niya about him.

Hindi ko maiwasang ma-confuse kung bakit tila ba nag-iba ang perspective niya kay Travis. Parang dati lang ay palagi niya lang itong sinisiraan sa akin. Travis is her first love. Si Travis rin ang first heart break niya nang binasted siya ni Travis before kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit tila ba nagbago ang pananaw niya rito.

Anong nangyari sa Nathalie na walang ibang ginawa kung hindi ang lihim na isumpa ang lalaking nanakit sa kanya?

"Binayaran ka ba niya?" 

Kunot noo siyang lumingon sa akin nang dahil sa tanong ko. Wala naman akong nagawa kung hindi ang salubungin ang mga mata niya habang nakataas ang mga kilay.

"Anong binayaran ang sinasabi mo, Empress?" 

"Kung binayaran ka ba ni Travis para ipagkanulo ako sa kanya?"

Because of my question, hindi na niya napigilan ang sariling matawa. Wala akong nagawa kung hindi ang mag-angat ng kilay habang mariing pinagmamasdan ang pagtawa niya sa harapan ko.

"Why would I do that?" she said before she chuckled. "We're best friends, Empress! Bakit kita ipagkakanulo sa lalaking iyon? If sinabi mo sa aking ayaw mo sa kanya at kinamumuhian mo siya, then fine! Hindi naman kita pipilitin sa isang bagay na ayaw mo."

"Anong tawag mo sa ginawa mo kanina kung ganoon?"

"Ang akala ko ba ayaw mo nang marinig pa ang tungkol sa bagay na iyon?" taas kilay niyang tanong na inirapan ko. "Ang buong akala ko gusto mo pa siya. Wala ka namang inaamin sa akin na hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa kanya kaya wala talaga akong alam, Empress. Trust me, wala akong alam."

Si Nathalie ang naghatid sa akin sa airport. Wala pang kaalam-alam si Lucho na babalik na ako sa Spain ngayong araw. Maging ang parents ko ay walang alam at alam kong magugulat sila once na malaman nilang umalis ako nang hindi man lang nagpapaalam sa brother ko.

Alam kong biglaan. Biglaan din naman ang nangyari sa pagitan naming dalawa, so ano pa bang nakakagulat sa bagay na iyon?

"Sure ka na ba talaga sa plano mo?" muling tanong ni Nathalie nang kami nagsimulang maglakad patungo sa loob. "May panahon pa para magbago ang isip mo, Empress. You know... Magugulat din si Lucas kapag nalaman niyang umalis ka na naman nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Alam mo naman na... special ka sa kanya."

"Maiintindihan naman ako ni Lucas, Nathalie," sagot ko bago ngumiti sa kanya. "Hindi naman siya tulad mong dim-witted."

"What?"

"Nagbibiro lang ako," sagot ko bago umirap sa kanya. "Pwede mo na akong iwanan. Alam kong sobra-sobra na ang abalang ibinigay ko sa 'yo ngayong araw."

"Buti alam mo," sagot niya bago umismid sa akin na tinawanan ko. Binigay niya sa akin ang isang piraso ng papel na galing sa pocket ng jacket niya. "Please lang. Kung importante para sa 'yo ang friendship na mayroon tayo, tawagan mo ako kapag nakarating ka na. Maghihintay ako sa tawag mo, Kitty."

"Stop calling me that," I hissed, which made her burst into laughter.

We hug each other because we decided to part our ways. Pinanood ko si Nathalie na maglakad palayo habang ako naman ay nanatili lang sa bench na naroon while waiting sa oras ng flight ko.

Alam kong tatawagan ako ni Travis sa numero ko kaya naman bago pa man sumikat ang araw, pinatay ko na ang phone at nang sa ganoon ay hindi niya na ako matawagan pa.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nanatili lang ang titig ko sa di kalayuan while naghihintay ng tawag mula sa crew. Habang abala ang mga mata ko sa ibang bagay, hindi ko na namalayang may lalaking umupo sa tabi ko. Hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin dahil abala na ang isip ko ngayon sa ibang bagay, like...

Ano kaya ang mararamdaman ni Travis once na malaman niyang wala na ako ng Pilipinas sa oras na magising siya mula sa pagkakatulog? Magagalit ba siya sa magiging desisyon ko? Hahanapin niya nga ba ako katulad ng sinabi ni Nathalie kanina?

Alam kong malabong hanapin niya ako. Nakuha niya na rin naman ang bagay na matagal ko nang pinaka-iingatan. Wala na siyang hahabulin sa akin ngayon. Iyon naman talaga ang habol niya sa akin, di ba? Bakit nga ba umaasa pa ako sa kanya na hahabulin niya ako? May mapapala ba siya sa akin?

Ngayong mawawala na ako sa landas niya, may chance na siya na muling ituloy ang relasyon nilang dalawa ng naging ex-girlfriend niya. I'm pretty sure na hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ang babaeng iyon kaya naman binibigyan ko na siya ng chance ngayon to chase her.

Iyon lang naman ang hinihintay niya, di ba? Well  then, this is it!

"Chase that girl, Travis. Alam kong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon," I whispered to myself bago ako umismid sa iritasyon. 

Nang dumating na ang oras ng flight ko, mabilis kong hinatak ang maletang dala ko before ako pumasok sa loob. Just like the usual routine, kabi-kabilang inspection ang nangyari before ako pinayagang pumasok sa loob.

Katulad ng sinabi ko, gulat ang rumehistro sa mga mukha ng mga magulang ko nang makita nila akong kumatok sa pintuan. As usual, mabilis nila akong niyakap. Naging busy ang araw ko sa pagpapaliwanag sa kanila hanggang sa tuluyan na nga nila akong nilubayan upang makapagpahinga.

"Alam na ba ng fiance mo na nandito ka sa Barcelona?" my mom asked.

Marahan kong ibinaba ang mga kubyertos na hawak ko. Napansin ng parents ko ang pananahimik ko kaya naman may ideya na sila kung bakit nga ba ako naririto ngayon.

"Gusto mo bang kausapin namin siya, anak?" tanong ni Daddy na mabilis kong inilingan. "It looks like may hindi kayo pagkakaunawaan. Nag-away ba kayong dalawa?"

"Travis is such a busy man, Dad," sagot ni Lienzo bago lumingon sa akin and kumindat. "Hindi naman hahayaan ni Travis na mag-travel pabalik si Faye dito nang mag-isa."

"Kuya was right," sagot ko bago ngumuso. "Gusto ko lang magpalipas ng oras. Don't worry dahil nag-usap naman kaming dalawa regarding dito."

Patuloy lang sila sa pangunguwestiyon sa akin hanggang sa nagdesisyon akong umakyat sa kwarto ko upang magpahinga. 

Sa sumunod na araw, dahil na rin sa boredom, wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas and makipagkita sa friend ko rito sa Barcelona. Nagulat si Pablo nang ibinalita ko sa kanyang naririto ako ngayon sa Barcelona upang magbakasyon, kaya naman nang inaya ko siyang magkape sa coffee shop, hindi na siya nagdalawang isip pa na tanggapin ang alok ko.

"Ang buong akala ko hindi ka na babalik ng Barcelona," aniya na nginitian ko. He leaned against his seat at mapaglarong ngumiti sa akin. "So, anong latest, Empress Faye? Kasal na ba kayong dalawa ng boyfriend mo?"

"He is not my boyfriend."

"Pero fiance mo siya, Empress Faye."

"Parents lang namin ang gustong maikasal kami sa isa't isa. Never kaming pumayag sa agreement na iyon," sagot ko na lang bago humigop sa tasa ng kape. 

I decided to divert our discussion sa ibang bagay. Hindi naman sa ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa nalalapit naming kasal. As long as kaya kong paikutin ang discussion namin sa ibang bagay, gagawin ko. Pakiramdam ko kasi ay nawawala ako sa sarili ko everytime na maaalala ko si Travis at ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa.

"Natutuwa akong makita ka ulit, Empress," he said bago ngumiti nang pagkatamis-tamis sa akin. "Habang tumatagal ang panahon, mas lalo ka lang gumaganda."

"Dati ba akong pangit para sa 'yo?"

Sandali pa muna siyang napaisip bago tumango na ikinatawa naming pareho.

Ang ngiting nakaukit sa labi ko ay unti-unting naglaho nang makita ko ang pamilyar na bulto ng taong nakatayo di kalayuan sa streets kung nasaan kaming dalawa ni Pablo. Pablo noticed my reaction, kaya naman hindi na ako nagulat pa nang lumingon siya sa direksyon kung saan ako nakatitig.

"Hindi ba... boyfriend mo 'yon?" he asked while pointing sa direction ni Travis.

Hindi ako lumingon kay Pablo this time.

"Alam ba ng boyfriend mo na gay ako?" tanong niya na marahan kong inilingan. "Hindi naman siguro warfreak 'yang fiance mo?"

"He is," sagot ko habang nakatitig sa lalaking nakatitig na sa amin ngayon. "Muntik niya nang mapatay ang best friend ko before nang dahil sa selos."

Pablo chuckled beacuse of what I said. "Kailangan ko na bang magdasal ngayon?"

Nang magsimulang maglakad si Travis patungo sa direksyon namin, doon na nagdesisyon si Pablo na magpaalam. Hinayaan ko siyang maglakad palayo. Nanatili naman ang mga mata ko kay Travis na ngayon ay naglalakad na patungo sa akin. May dilim sa mga mata niya nang magsalubong ang mata naming dalawa. Bakas ang devastation and galit sa mga ito at hindi na rin ako nagtaka kung bakit ganito na lang siya kung makatitig sa akin ngayon.

"What are you doing here, Empress?" tanong niya nang makalapit siya sa akin.

Kahit na naghuhurumentado na ang puso ko sa presensya niya sa harapan ko, sinikap ko pa ring magmukhang kalmado sa harapan niya.

Kaya mo yan, Empress. Wag mong ipakita sa kanyang natatakot ka. Alam kong pagtatawanan ka niya sa oras na makita niyang natatakot ka sa kanya, lalo na sa ginawa mong pagtakas sa kanya.

"Nag-coffee date kaming dalawa ng best friend ko. May problema ka ba doon, Travis?"

Sarkastiko siyang ngumisi nang dahil sa sinabi ko. Based on his look, it seems like he's mocking me sa reason ko.

"Paano mo nagagawa yan?"

Mukha pa siyang namamangha ngayon sa harapan ko. Wala akong nagawa kung hindi ang mag-angat ng kilay sa tanong niya.

"Ang ano na naman?"

"Yan," he said while pointing sa kinatatayuan ko. "Iniwanan mo ako, Empress. Pagkatapos mong ibigay ang sarili mo sa akin, aalis ka na lang na para bang wala lang sa 'yo ang ginawa mo."

"Wait," natatawa kong tanong bago humalukipkip sa harapan niya. "Ano naman sa 'yo ngayon kung umalis ako? Ano naman ngayon kung ibinigay ko ang virginity ko sa 'yo? Don't tell me nahulog ka na sa akin nang dahil sa ginawa ko?" 

Hindi siya nagsalita kaya naman ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang magmukhang nagulat sa nalaman ko.

"Tama ba ang hinala ko, Travis?" tanong ko. "Nahulog ka na sa ginawa ko? Nang dahil lang doon, nahulog ka sa akin?"

"Shut up, Empress," he said. Halos manlaki ang mga mata ko nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. "Bumalik na tayo sa Pilipinas."

"Are you nuts?"

Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya na ikinatigil niya sa paglalakad. Kunot noo siyang bumaling ng tingin sa akin na para bang kuryoso siya kung bakit ganito ngayon ang inaakto ko sa harapan niya.

"Sinong nagsabi sa 'yong sasama ako sa 'yo?" tanong ko bago pumirmi sa kinatatayuan. "Hindi na ako uuwi ng Pilipinas, at mas lalong hindi ako sasama sa 'yo."

"Hinahanap ka ng parents ko sa akin—"

"So?" tanong ko na hindi niya na ikinagulat pa. "Nandito sa Barcelona ang family ko. Nandito ang mga kaibigan ko at mas lalong... nandito ang buhay ko," pagsisinungaling ko pa.

Aminin ko man o sa hindi, nasa Pilipinas ang buhay na pinapangarap ko. Sa Barcelona ako lumaki, pero ang puso ko... nasa Pilipinas.

Nasa Pilipinas siya, Empress. Sa Pilipinas kayo nagkakilala ni Travis. Sa Pilipinas ka nagbago. 

Nasa Pilipinas ang mga kaibigan mo, Empress.

Nasa Pilipinas ang buhay mo.

"Hindi na ako babalik sa lugar na iyon, lalo na kung kasama kita," mahina kong bulong bago tumalikod sa kanya.

Hindi pa man ako nakakalayo ay mabilis niya na akong pinasan sa balikat. Nanlalaki ang mga mata kong sumigaw sa gulat. Ni wala na akong pakialam sa mga taong nakakakita sa pag-aaway naming dalawa sa gilid ng daan.

"Put me down, Travis, o mag-eeskandalo ako!" reklamo ko kasabay nang paulit-ulit na paghampas sa likod niya. "Ano ba, Travis!"

"Iuuwi kita sa ayaw at sa gusto mo, Empress."

"Ayoko ngang umuwi. Nababaliw ka na ba?" reklamo ko na hindi niya na sinagot.

Agad na namula ang pisngi ko nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa pwet ko upang ipirmi ako sa isang tabi. 

"Tanggalin mo 'yang kamay mo sa pwet ko!"

"Tumigil ka sa paggalaw mo kung ayaw mong pumasok 'to sa loob ng skirt mo," reklamo ni Travis na namumulang ikinatikom ng bibig ko. "Iuuwi kita sa Pilipinas. You will marry me whether you like it or not."

Is he forcing me?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status