Ni minsan, hindi ko man lang naisip na may posibilidad pala talagang mangyari lahat ng bagay na iniisip at pinapangarap ko lang noon. Na may posibilidad pa lang mapasaakin lahat ng bagay na minsan ko nang hiniling noon. Normal lang ba talaga ito o baka naman nangyayari lang ito dahil alam ng langit na gusto ko siya? Na kukuhanin din siya di kalaunan sa kamay ko, tulad ng nangyayari sa ilang nobelang nabasa ko na noon. Yung tipong kung kailan ka na-attach sa isang tao, tsaka naman sila kukuhanin sa kamay mo.Yung kung kailan minahal mo na nang buo yung tao, tsaka naman sila kukuhanin ng langit palayo sa 'yo.Never kong inisip na magugustuhan ako ni Travis or gagawin niya ang bagay na 'to. Malayo ako sa babaeng gusto niya noon pa man, at si Georgina ang resibo roon. Hindi ko lang alam kung bakit...Bakit niya ginagawa lahat ng ito ngayon?Para maghiganti ba?Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dampian ng halik ni Travis ang labi ko. Inabot iyon ng ilang segundo bago ako natauhan at nag
"Ang aga-aga, nakabusangot na naman iyang mukha mo," natatawang puna ni Nathalie.Sa totoo lang ay paulit ulit na bumabagabag sa isip ko lahat ng sinabi ni Celeste at Georgina sa akin nung nakaraang linggo. Tama, nakaraang linggo. Ni hindi ko nga alam na may ilang araw na pa lang nakalipas ang lahat. Tingin ko dahil sa mga narinig ko nitong nagdaang araw, pakiramdam ko, bahagya akong nawala sa ulirat. Para bang hindi rin ako makapaniwala na may ilang araw na pala ang nakakalipas simula nung mangyari ang lahat.Ganito ba talaga kalala ang epekto ni Travis sa akin?"Hoy," panggugulat pa ni Nathalie dahilan upang kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya. "Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ka na naman ba kay Travis, Empress?""Paano mo nalamang—""Kilalang kilala ka na namin, Empress. Wala ka namang ibang bukambibig kundi siya," pasaring nito sabay irap na ikinabuntong hininga ko na lang. "So, may kinalaman ba si Travis kaya busangot na naman iyang mukha mo?""Actually, oo..."B
Babalikan niya ako?Bahagya akong napangisi sa sarili ko nang muling umugong sa tenga ko lahat ng salitang pinakawalan niya nitong nakaraan. Babalikan niya raw ako. Hindi niya ba alam na ikakasal na ako sa ibang lalaki pagbalik ko sa trabaho? Pagkatapos sasabihin niya babalikan niya ako?Ano? Gagawin niyang kabit ang sarili niya?"Kailan ka pa naging gago, Travis?" tanong ko sa sarili bago umismid.Napunta ang titig ko kay Kuya Lucho na ngayon ay walang ibang nagawa kung hindi ang naiiritang tumitig sa sapatos niyang may magkaibang kulay ng medyas. Narito kami ngayon sa airport para sunduin ang parents naming galing pa ng Barcelona para lang umuwi sa kasal ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamadali kaya magkaibang medyas ang suot niya. Mukha tuloy siyang tanga sa ayos niya."Ang sabi ko kasi sa 'yo, ayusin mo na yung medyas ko bago pa man tayo umalis, Faye—""Bakit parang kasalanan ko pa na magkaiba iyang medyas na suot mo?" reklamo kong balik sa kanya. Pinagtitinginan na kami nga
Talaga, Travis! Talaga! Kitang kita sa salamin na nasa gilid ko ang galit na mababakas sa mukha ko. May thirty minutes na ang nakalilipas simula nang mangyari ang lahat pero hanggang ngayon, nanunuot pa rin sa alaala ko lahat ng sinabi ko kay Travis at ang mga salitang huling sinabi niya bago sila umalis. 'I dare you to love him again, Empress' Again? Anong sinasabi niya? "Hindi talaga ako makapaniwalang nag eskandalo ka, Empress," saad ni Kuya Lucho sa gilid ko dahilan upang mas lalo lang mangunot ang noo ko sa iritasyon. "Nawala lang ako ng fifteen minutes, nagkalat ka na?" "Pwede bang huwag na muna nating balikan lahat ng nangyari kanina?" Bahagya siyang natawa na mabilis kong inirapan. "Hindi, eh. Hindi pwede," aniya bago tuluyan nang bumaling sa akin na hindi ko naman kinibo. "Kung hindi ko pa nalaman sa babaeng nakasalubong ko kanina na may nagwala nga raw—" "FYI, hindi ako nagwala, Kuya!" "Iyon ang kumalat, Empress," saad niya na inismiran ko. "Bakit ka nga ba kasi nagw
Ever since dumating si Travis sa buhay ko, pakiramdam ko palagi na akong natatalo. Pakiramdam ko may kumpetisyon sa pagitan naming dalawa. Hinahangaan ko siya dati, pero ngayon... hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.Galit, ako, oo. Sa ginawa niyang pamamahiya sa akin dati, aaminin kong namumutawi pa rin sa akin ang galit kahit na anong gawin kong pigil sa sarili. Kahit sino naman, hindi ba? Ang hindi ko lang maintindihan, bakit hanggang ngayon, may galit at inis pa rin ako sa kanya?Si Travis pa rin ba ang kalaban ko o baka this time... sarili ko na?"Empress Faye?"Wala akong ibang nagawa kung hindi ang napapabuntong hininga sa sariling mag iwas ng tingin sa sariling repleksyon sa salamin. Hindi ko alam kung bakit tila ba nawawala ako sa sarili nitong mga nakalipas na araw. Hanggang ngayon kasi ay namumutawi pa rin sa alaala ko lahat ng sinabi ni Travis magmula sa airport hanggang sa kanina.Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang lahat ng iy
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Pakiramdam ko kasi ay palagi na lang akong pinagkakaisahan ng mga taong nasa paligid ko. Ganito na nga sa workplace ko, pati ba naman ang pamilya ko pagkakaisahan ako? Seems like lahat sila, alam lahat ng ito. Ako lang naman itong walang kaalam alam.Oo, sinabi na rin naman sa akin nila Celeste at Georgina nung una pa lang. Ako lang naman itong nagbingi bingihan at nagbulag bulagan dahil ang akala ko, niloloko lang nila ako."What the fuck, Faye?" singhal ni Kuya Lucho ngunit naroon ang ngisi sa labi niya.Isa pa siya! Siguro alam niya na nung una pa lang lahat ng ito, 'no? Kaya pala ganoon na lang kapalagay ang loob niya sa tuwing magrereklamo ako sa kanya ng tungkol sa boss ko! Alam niya from the start pa lang na si Travis na ang tinutukoy ko at alam kong nung una pa lang, alam niya nang si Travis ang ikakasal sa akin! Kaya pala ganoon na lang siya kalakas kung tumawa sa tuwing magrereklamo ako ng tungkol sa kanya!"What happened to you,
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapanguso sa sarili habang iniisip lahat ng napag usapan namin ni Travis kanina. Hindi niya na raw ako itataboy...Pwede ba iyon?"Nagawa niya nga akong itaboy dati, ngayon pa kaya?" tanong ko sa sarili.Alas dose na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Bukas papasok na ako tulad din ng napag usapan namin nitong nakaraang linggo. Dalawang linggo lang ang usapan namin. Baka kung lumiban pa ako sa trabaho ko bukas, baka kung ano pang isipin ng mga katrabaho ko.Oo, magkakilala kaming dalawa ni Travis pero ayaw ko namang isipin ng mga kasama ko sa trabaho na ginagamit ko lang iyong dahilan para makatakas sa mga nabinbin kong trabaho. Nagtatrabaho ako nang maayos. Ayaw kong isipin nilang ginagamit ko ang relasyon namin ni Travis para lang magpaka senyorita ako sa trabaho."Relasyon," natatawa kong angil sa sarili bago umismid.Hindi na ako nagtaka nang sandaling magising ako mula sa pagkakatulog kanina nang makita ko sa salam
"Empress," bulong ko sa sarili bago nangiti.Minsan natatawa na lang ako sa tuwing maaalala ko kung bakit nga ba ako pinangalanang Empress ng mga magulang ko. Do I look like a ruler? Ni hindi ko nga magawang i-rule nang maayos ang buhay ko, so hindi ko alam kung bakit ganito ang ipinangalan sa akin ng parents ko.Mayroon ako ng mga bagay na inaasam ng lahat. Mayaman ako. Ibinibigay sa akin ng mga magulang ko lahat ng gusto ko, at nagagawa kong i-manipulate ang lahat kung gugustuhin ko.Isang bagay lang ang hindi ko magawang makuha at mamanipula."Travis," I whispered before ako lumingon sa lalaking nasa tabi ko.Hindi ko na napigilan ang sarili kong mangiti dahil... hindi ko alam. May part sa katawan ko ang nagsasabing "Success" at mayroon din namang nagsasabing "Ang tanga mo, Empress". Bakit nga ba ako makakaramdam ng dismaya kung ginusto ko rin naman ang nangyari sa pagitan naming dalawa? Yes, natatakot ako, but hindi ko rin naman mapigilan ang sarili kong makaramdam ng tuwa because