Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Pakiramdam ko kasi ay palagi na lang akong pinagkakaisahan ng mga taong nasa paligid ko. Ganito na nga sa workplace ko, pati ba naman ang pamilya ko pagkakaisahan ako? Seems like lahat sila, alam lahat ng ito. Ako lang naman itong walang kaalam alam.Oo, sinabi na rin naman sa akin nila Celeste at Georgina nung una pa lang. Ako lang naman itong nagbingi bingihan at nagbulag bulagan dahil ang akala ko, niloloko lang nila ako."What the fuck, Faye?" singhal ni Kuya Lucho ngunit naroon ang ngisi sa labi niya.Isa pa siya! Siguro alam niya na nung una pa lang lahat ng ito, 'no? Kaya pala ganoon na lang kapalagay ang loob niya sa tuwing magrereklamo ako sa kanya ng tungkol sa boss ko! Alam niya from the start pa lang na si Travis na ang tinutukoy ko at alam kong nung una pa lang, alam niya nang si Travis ang ikakasal sa akin! Kaya pala ganoon na lang siya kalakas kung tumawa sa tuwing magrereklamo ako ng tungkol sa kanya!"What happened to you,
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapanguso sa sarili habang iniisip lahat ng napag usapan namin ni Travis kanina. Hindi niya na raw ako itataboy...Pwede ba iyon?"Nagawa niya nga akong itaboy dati, ngayon pa kaya?" tanong ko sa sarili.Alas dose na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Bukas papasok na ako tulad din ng napag usapan namin nitong nakaraang linggo. Dalawang linggo lang ang usapan namin. Baka kung lumiban pa ako sa trabaho ko bukas, baka kung ano pang isipin ng mga katrabaho ko.Oo, magkakilala kaming dalawa ni Travis pero ayaw ko namang isipin ng mga kasama ko sa trabaho na ginagamit ko lang iyong dahilan para makatakas sa mga nabinbin kong trabaho. Nagtatrabaho ako nang maayos. Ayaw kong isipin nilang ginagamit ko ang relasyon namin ni Travis para lang magpaka senyorita ako sa trabaho."Relasyon," natatawa kong angil sa sarili bago umismid.Hindi na ako nagtaka nang sandaling magising ako mula sa pagkakatulog kanina nang makita ko sa salam
"Empress," bulong ko sa sarili bago nangiti.Minsan natatawa na lang ako sa tuwing maaalala ko kung bakit nga ba ako pinangalanang Empress ng mga magulang ko. Do I look like a ruler? Ni hindi ko nga magawang i-rule nang maayos ang buhay ko, so hindi ko alam kung bakit ganito ang ipinangalan sa akin ng parents ko.Mayroon ako ng mga bagay na inaasam ng lahat. Mayaman ako. Ibinibigay sa akin ng mga magulang ko lahat ng gusto ko, at nagagawa kong i-manipulate ang lahat kung gugustuhin ko.Isang bagay lang ang hindi ko magawang makuha at mamanipula."Travis," I whispered before ako lumingon sa lalaking nasa tabi ko.Hindi ko na napigilan ang sarili kong mangiti dahil... hindi ko alam. May part sa katawan ko ang nagsasabing "Success" at mayroon din namang nagsasabing "Ang tanga mo, Empress". Bakit nga ba ako makakaramdam ng dismaya kung ginusto ko rin naman ang nangyari sa pagitan naming dalawa? Yes, natatakot ako, but hindi ko rin naman mapigilan ang sarili kong makaramdam ng tuwa because
"I want to leave."Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig mula sa bibig ni Nathalie na hindi siya kumbinsido sa plano ko. Ang akala niya ay gumagawa lang ako ng paraan upang makatakas kay Travis.Alam niya kung gaano kong kinamumuhian ang lalaking iyon. Naroon siya when Travis humiliated me sa harap ng maraming tao, yet heto siya ngayon at panay ang pangangaral sa akin. She wants me na makasal kay Travis kahit na ayaw ko!Ni hindi ko nga alam kung anong pinakain sa kanya ni Travis at para bang botong boto siya sa lalaking iyon! Travis is a fucking bastard. He's a manipulative slash arrogant man! Kung sinabi nga lang ni Nathalie nung una pa lang na si Travis ang magiging boss ko sa company na iyon, then sana hindi ko na tinanggap ang offer niya.I wonder kung kasabwat nga ba ni Travis ang mga kaibigan ko. Ni hindi ko nga alam kung papaniwalaan ko pa si Nathalie lalo na sa kung anong ginawa niya sa akin kanina!"No, you're not," she said while pointing at me. "Magi-stay k
Ngayon, alam ko na kung anong nararamdaman ni Travis nung mga panahong ako pa ang naghahabol sa kanya noon. Ganito pala yung pakiramdam, ano? Nakakabwisit.Kunot noo kong pinagmasdan ang kapeng inabot sa akin ni Travis. Sa halip na tanggapin ito, wala akong ibang ginawa kung hindi ang kunot noong sumimangot habang patuloy sa paghalukipkip sa kinauupuan ko."Para sa 'yo, 'to, Empress.""Hindi ako nagkakape," sagot ko na lang bago umismid sa kanya.Kitang kita ko ang pagngisi niya sa harapan ko, kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang umismid sa kanya at manahimik na lang sa kinauupuan ko.Tulad ng inaasahan ko simula nang magkrus ang landas naming dalawa sa Barcelona, sapilitan niya akong dinala sa airport upang iuwi sa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano niya nagawang damputin lahat ng gamit ko—maging ang passport ko—sa bahay. May kinalaman ba ang parents ko sa pagpunta ni Travis dito?May kinalaman ba ang mga kapatid ko? Si Kuya Lienzo ba? Imposibleng si Kuya Lienzo dahil
Ang buong akala ko, kapag nasa tuktok ka na, wala ng kung sino pa ang makakahila sa 'yo paibaba. Ang akala ko, kapag nasa tugatog ka na ng karangyaan, wala ng kung sino pa ang makakapag pabagsak sa 'yo.Akala ko lang pala ang lahat ng iyon."Ano?" singhal ko dahilan upang marinig ko ang pagpalahaw sa kakatawa ni Kuya Lucho. "Sinong nagdesisyon niyan? Ayoko, Mommy. Ayoko!" patuloy ko pa sa pagtanggi.Walang nagawa si Mommy sa screen ng laptop ko kung hindi ang dismayadong umiling nang makita niya ang reaksyon ko. Hindi niya ako masisisi—hindi nila ako masisisi!Nagdedesisyon na lang sila nang biglaan ng hindi man lang ako tinatanong kung pumapayag ba ako? Kahit sino naman ay magugulat sa ibinalita nila sa akin, hindi ba?Ang sabi ni Kuya Lucho ay dito lang kami magbabakasyon. Pumayag ako dahil sa kagustuhan nila. Ang buong akala ko bakaayon lang. Wala naman silang sinabi sa akin na dito na pala ako mag-aaral ngayong taon! Hindi naman porket pumayag ako nung una, papayag na rin ako sa k
Naaasiwa ako sa kanya. Naaasiwa ako kay Travis. Hindi ko alam kung bakit tila ba parati na lang akong kinakabahan sa tuwing kasama ko siya. Hindi naman sa sinasabi kong may gagawin siyang masama sa akin. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Hindi ko lang alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot sa tuwing nasa iisang lugar lang siya kasama ko.Alam mo ba yung kinakabahan ka sa maaari niyang isipin sa 'yo? Ganoon ang nararamdaman ko.Natatakot ako na baka sumama ang tingin niya sa akin. Natatakot ako sa maaari niyang isipin sa akin. "Namumutla ka, Empress?" natatawang puna ni Lucas bago umupo sa tapat ng mesang kinauupuan ko. "May problema ka ba? Mukha kang nakakita ng multo, ah?""Wala naman," sagot ko na lang bago ngumuso sa kanya.Pinagmasdan ko siyang kumuha ng pickled radish sa food tray ko. Huhuni-huni pa siya nang sinubo niya iyon sa harapan ko na mas lalo lamang ikinakunot ng noo ko."Bakit ba hindi ka na lang ulit manghingi ng pickled radish sa server?" asik ko na tinawanan
Tila ba mas lalo lamang nagpantig ang tenga niya nang dahil sa sinabi ko. Marahan siyang lumapit sa direksyon ko nang may galit sa mga mata niya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang taimtim na lang na manalangin habang paulit-ulit na nagdadasal na sana ay hindi niya ako suntukin sa oras na maubos ang pasensya niya sa akin.Mariin niyang hinawakan ang braso ko na nagbigay ng kuryente sa buo kong katawan. Mas lalo lamang nanlaki ang mga mata ko nang biglaan niya akong sinandal sa locker na nasa likuran ko. Kahit na nanginginig sa takot ay nakuha ko pa rin siyang titigan nang maayos kahit na medyo nawawala na rin ako sa sarili ko. "Kaya mo 'yan, Faye. Ginusto mo 'yan, 'di ba?" bulong ko sa isip kasabay ng pagkagat sa dila. "Tiisin mo. Ginusto mo ang atensyon niya, 'di ba? Eto na 'yon."Natatakot ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano nga bang mayroon kay Travis na ikinakatakot ko. Normal lang naman siyang tao tulad ko. Normal lang din naman siyang kumilos tulad ko. May buhay siyang tul