Share

CHAPTER THREE

Ang buong akala ko, kapag nasa tuktok ka na, wala ng kung sino pa ang makakahila sa 'yo paibaba. Ang akala ko, kapag nasa tugatog ka na ng karangyaan, wala ng kung sino pa ang makakapag pabagsak sa 'yo.

Akala ko lang pala ang lahat ng iyon.

"Ano?" singhal ko dahilan upang marinig ko ang pagpalahaw sa kakatawa ni Kuya Lucho. "Sinong nagdesisyon niyan? Ayoko, Mommy. Ayoko!" patuloy ko pa sa pagtanggi.

Walang nagawa si Mommy sa screen ng laptop ko kung hindi ang dismayadong umiling nang makita niya ang reaksyon ko. Hindi niya ako masisisi—hindi nila ako masisisi!

Nagdedesisyon na lang sila nang biglaan ng hindi man lang ako tinatanong kung pumapayag ba ako? Kahit sino naman ay magugulat sa ibinalita nila sa akin, hindi ba?

Ang sabi ni Kuya Lucho ay dito lang kami magbabakasyon. Pumayag ako dahil sa kagustuhan nila. Ang buong akala ko bakaayon lang. Wala naman silang sinabi sa akin na dito na pala ako mag-aaral ngayong taon! Hindi naman porket pumayag ako nung una, papayag na rin ako sa kagustuhan nila ngayon. Ano sila, sinuswerte?

Buong buhay ko, naging rebelde ako sa mga magulang ko. Hindi naman sa gumagamit ako ng drugs. Ni minsan ay hindi ako nakinig sa lahat ng payo nila, at ako lang ang ganito sa pamilya namin. Yung dalawa kong nakatatandang kapatid, sila yung mga aso ng parents ko. Never akong pumayag sa lahat ng gusto nila kaya naman natitiyak kong may sama sila ng loob sa akin.

Sino nga naman kasi ang susunod sa kanila kung ganito na lang parati ang inuutos nila sa akin?

"Sige na, Faye. Ngayong taon lang naman. Kailangan lang talaga ng kuya mo ng makakasama d'yan. Kung wala nga lang akong trabaho, baka nga ako na ang nandyan para magbantay sa kanya. Ang kaso ay may trabaho ako rito. May trabaho kami rito ng daddy mo, anak," patuloy niya pa sa paliwanag.

Masama ang loob kong lumingon kay Kuya Lucho na ngayon ay nakangising nakasandal sa pintuan ng kwarto ko habang nakahalukipkip. Base sa mukha niya, tila ba tuwang tuwa siya sa desisyon ng mga magulang ko.

Tuwang tuwa talaga siya kapag nakikita niya akong naghihirap, ano? Kuya ko ba talaga yang pugitang yan?

"Pangako, isang taon lang. Kapag nasanay na si Lucho dyan, pababalikin na kita rito sa Barcelona," dagdag pa ni Mommy na nginusuan ko na lang bago marahang tumango sa desisyon nila. "Salamat, anak. Wag kang mag-alala. Kapag nagkaroon kami ng time ng daddy mo, bibisitahin ka namin dyan sa Pilipinas."

Sa halip na sumagot ay nagdesisyon na lang akong tumango sa kanya. Paulit-ulit ang paghingi niya ng paumanhin na di kalaunan ay tinanggap ko rin naman.

Ano nga bang karapatan ko para h-um-indi? Nandito na ako, eh. Nandito na kami.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" singhal ko kay Kuya Lucho nang nagmamadali akong bumaba ng hagdan.

Nakita ko si kuya na nagkakape sa living room. Tulad ng nakasanayan ko na, simula nang manirahan kami rito sa Pilipinas, wala na siyang ibang inaatupag kung hindi ang magbasa ng mga libro at magazines. Kailangan niya kasi lahat ng iyon para sa case study na ginagawa niya ngayon.

"Hindi ko na napansin ang araw. Ngayon ko nga lang nakita," saad niya sabay higop ng kape. Nakita niya akong nag-aayos ng boots na susuotin ko kaya naman mabilis na siyang tumayo sa kinauupuan niya. "Ihahatid na kita, Faye."

"Hindi na kailangan, Kuya. Sasakay na lang ako ng bus."

Natawa siya nang dahil sa isinagot ko sa kanya kaya naman kunot noo ko pa muna siyang tiningala at inismiran.

"Kaya mo ba?" panunuya niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mapaglarong ngumisi sa kanya.

"Of course. Tingin mo sa akin, bata?" tanong ko bago lumapit sa kanya at humalik sa cheeks niya. "Mauna na ako."

"Tumawag ka sa akin!"

Nagmamadali kong tinakbo ang daan patungo sa labas at agad na pumara ng maliit na sasakyang may tatlong gulong. Tricycake ata tawag dito.

"Saan ka, ineng?" tanong ng matandang lalaki nang makasakay ako sa loob. 

"Magkano po hanggang sa labasan?"

"Sa may intersection ba?"

Kahit na walang ideya sa lugar na tinutukoy niya, tumango na lang ako. Pagkatapos ng halos apat na minuto, nagbayad na ako sa kanya at nagmamadali nang nagtungo sa bus stop.

Ang sabi sa waze, kailangan ko raw sumakay ng bus na magbababa sa akin sa Southville.

"So? Anong bus ang sasakyan ko?" tanong ko sa sarili bago ngumuso at tumingala sa bus na paparating. "Ito na siguro yon."

Nang huminto ito sa harap ng bus stop, hinintay ko lang na bumukas ang pintuan nito at agad na sumakay sa bakanteng upuan na nakita ko.

"Saan ka, ineng?" tanong ng konductor. "Kasasakay mo lang ba?"

"Opo. Sa may Southville lang," sagot ko na lang bago nagbayad ng pera sa kanya upang tuluyan niya na akong lubayan.

Matapos lang ang ilang sandali ay may nag-abot ng kendi sa akin. Kunot noo kong nilingon ang lalaking kaedad ko na ngayon ay abala sa pagnguya ng chewing gum.

"Wanna have some?"

"No, thank you," sagot ko na lang bago nagpasalamat sa kanya.

Ilang sandali lang ay muli na naman siyang nagsalita.

"Sa Southville ka bababa, tama?" muli niyang tanong na marahan kong tinanguan. "Doon ka nag-aaral?"

"Transferee ako. Ngayon pa lang ako magpapalista."

Ngumiwi siya sa narinig niya. "Ang sabi nila ay medyo mahigpit raw sa Southville lalo na kung transferee ka. Doon sana ako mag-aaral, but unfortunately, hindi ako nakapasa sa admission test."

Kunot noo akong lumingon sa kanya na tinawanan niya lang.

"Goodluck na lang sa admission test," aniya bago lumingon sa bintana at nag-ayos ng bag na dala niya.

May badge ng ISM sa unipormeng suot niya kaya naman hindi ko naiwasang mapanguso na lang.

"Malapit na akong bumaba," mahina niyang bulong sa sarili bago lumingon sa akin at naglahad ng kamay na tinanggap ko naman. "I'm Marcus Almasan nga pala."

"Empress," pakilala ko sa kanya.

Bahagya pa siyang ngumiti sa akin na nakapagpalitaw sa dimples niya. Nang huminto ang bus, iyon na rin ang naging hudyat para sa kanya na bumaba ng bus at tuluyan na ngang naglakad patungo sa malawak na gate kung nasaan ang unibersidad na pinapasukan niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyan na nga akong binaba sa entrada ng Southville. Tulad ng sinasabi ng lalaking nakausap ko kanina, binigyan pa ako ng admission test ng clerk na nakausap ko. Medyo nag-alangan pa nga ako dahil baka hindi ako makapasok ngayong taon na ito, pero nang sandaling makita ko na ang reaulta ng test, doon na ako nakahinga nang maluwag.

"Welcome sa Southville High," saad ng clerk bago ngumiti sa akin na ikinangiti ko rin.

"Sabi ko na nga ba makakapasa ka roon!"

Wala akong nagawa kung hindi ang pabuntong hiningang umupo sa sofa at pinagmasdan si Kuya Lucho na ngayon ay natutuwang pinagmasdan ang result ng test na tinapos ko kanina. Bakas ang tuwa sa mukha niya na ikinanguso ko na lang.

"Ang buong akala ko talaga, sasadyain mong ibagsak yung admission test nila," aniya dahilan upang kunot noo akong lumingon sa kanya. "Hindi ba nga ayaw mong mag-aral rito? Iyon na nga lang yung natitira mong chance para makabalik sa Barcelona, hindi mo ba gr-in-ab."

"So? Are you saying ba na hindi ako nag-iisip?" reklamo ko sa kanya na tinawanan niya na lang. "Hindi naman ako ganoon sa iniisip mo, Kuya. Kahit na minsan nagrerebelde ako, hindi naman umaabot sa point na gagawa ako ng bagay na pwedeng ika-dissapoint ng mga magulang ko."

"Wow. Bago yan, Empress Faye, ah? Bakit parang nag-iba ang ugali mo nung umuwi ka rito sa Pilipinas?" natatawa niya pang dagdag na ikinangisi ko na lang.

Nang gabi ring iyon ay maaga akong natulog. Kinabukasan kasi ay ang first day ko sa school. Even though wala ako choice, wala rin naman akong magagawa upang baguhin pa ang desisyon ng parents ko.

Kung alam ko lang na may binabalak silang ganito nung una pa lang, e 'di sana ay hindi na ako pumayag sa gusto nilang samahan ko si Lucho sa lugar na iyo.

Isa pa itong bwisit kong kapatid. Aminin niya man o sa hindi, alam kong gumagawa lang talaga ng paraan si Kuya Lucho para lang mailayo ako sa kaibigan ko sa Barcelona. Hindi ko alam kung bakit niya nga ba ginagawa iyon gayong okay naman ang pakikitungo ni Pablo sa kanya.

"Faye!"

Kunot noo kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ko ang magkakasunod na katok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Ginapang ko ang agwat ng kama sa bedside table ko at halos mapabuntong hininga na lang ako nang makita ko sa alarm clock na umaga na.

Ni hindi ko na napansin ang oras!

"Empress Faye!" muli pang tawag ni Kuya Lucho.

"What?"

"You're late na naman. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na ngayon ang pasok mo?" reklamo niya dahilan upang pabagsak kong tinabunan ng unan ang ulo ko habang nananatili pa ring nakadapa sa kama. "Bumangon ka na dyan kung ayaw mong masabon ng teacher mo!"

"Fine!" sagot ko bago bumangon at nag-ayos ng sarili.

"Kahit na anong gawin mo, dito ka pa rin mag-aaral," natatawang sambit ni Kuya.

Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan ang mga punong nadaraanan namin sa biyahe. Nanatili lang ang mga mata ni Kuya sa daan habang ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang magmukmok sa front seat. Naramdaman yata ni kuya ang kawalan ko sa hulog kaya naman hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang paulit-ulit niyang pagtawa.

Kaninang umaga lang ay muntik na naman kaming mag-away nang dahil sa bagal ko sa pagkilos. First day ko ngayon at transferee pa ako. Dapat lang na magpaganda ako ng image sa faculty para naman kahit na papaano ay hindi naman nila ako torture-in sa first day ko.

"Text mo ako kapag magpapasundo ka na," muli niya pang dagdag.

Pabagsak kong sinarado ang pintuan ng kotse niya bago ako naglakad patungo sa loob ng unibersidad. May nakita akong ilan na nakasuot pa rin ng colored shirts. 

Sa sobrang excited ng parents ko, kahit na hindi pa man required sa isang transferee na katulad ko ang complete uniform, binilhan pa rin nila ako.

Masama ang loob kong tinahak ang daan papasok. Halos lahat ng estudyanteng nakakasalubong ko ay napapalingon sa direksyon ko. Ang ilan sa kanila ay animong nagugulat pa dahil... hindi siguro pamilyar ang mukha ko sa kanila.

"Excuse me," saad ko sa isang lalaking humarang sa daanan ko. "You're blocking my way."

"Sorry," natatawa nitong sagot bago lumingon sa akin at naglahad ng kamay na hindi ko kinuha. "Transferee ka, di ba? Ako nga pala si Lucas."

Hindi ko man lang tinanggap ang kamay niya kaya naman namumula ang mukha niyang ibinaba iyon. Pinagtawanan siya ng mga kaibigan niyang lalaki nang dahil sa inasta ko. Mas lalo lamang siyang nahiya nang nagtagal ang tingin ko sa kanya.

Mukha siyang labanos na tinubuan ng buhok, mata, ilong, bibig. Maputi siya at medyo matangkad ng kaunti sa akin. Namumula ang mga pisngi at labi niya, marahil na rin sa ginawa kong pagpapahiya sa kanya kanina. 

"Empress," mahina kong pagpapakilala sa kanya dahilan upang lumingon siya sa akin at matigilan sa pagkakamot ng ulo sa harap ko. "Ngayon, pwede bang umalis ka na dyan?"

Lumingon siya sa harap at natitigilang gumilid upang bigyan ako ng espasyo papasok sa room na naka-assign sa akin. 

Unang araw pa lang ng klase ay naboboring na ako. Isa sa mga bagay na kinaayawan ko sa unang araw ng klase ay ang pagpapakilala sa harap ng mga kaklase ko.

Kahit na labag sa akin ay nagdesisyon na lang akong makisabay. Isang pakilala lang. Talikod. Upo. Halos maghapon yata naming ginawa ang bagay na iyon. 

Hindi ko naman ine-expect na magiging kaklase ko si Lucas sa buong taon na iyon. Sa tuwing naglalakad ako sa hallway, sa tuwing kakain ako sa cafeteria, sa tuwing gagamit ako ng bathroom, palagi lang siyang nakasunod sa akin. Hindi niya na rin gaanong pinapansin ang mga kaibigan niya kaya naman mas lalo lamang akong naiirita sa presensya niya.

"Gusto ko kang namang makipagkaibigan sa 'yo, Empress."

"Then, fine!" sagot ko na ikinatigil niya bago ko nakita ang unti-unti niyang pagngisi sa harapan ko. "Tatantanan mo na ba ako kapag sinabi kong kaibigan na kita?"

"No. Of course not," natatawa niyang sagot na inismiran ko na lang.

Medyo makulit si Lucas. May dalawang linggo niya nang ginugulo ang buhay ko, at sa tingin ko naman ay unti-unti na rin naman akong nasasanay sa presensya niya. Hindi kalaunan ay tuluyan na nga rin kaming nagkalapit sa isa't isa.

In just a span of one month, tuluyan na nga akong nasanay sa presensya ni Lucas.

"Class, class," tawag ng guro sa harapan dahilan upang magsiupuan kami sa kanya-kanya naming upuan. "May ibabalita ako sa inyo."

"Tungkol po saan, Ma'am?"

Ngumiti ang guro sa harapan bago muling nagsalita.

"Nagkaroon kasi ng sudden approval mula sa dean na madadagdagan ulit tayo ng isa pang estudyante sa klaseng ito."

"Late na, ah?"

"Baka naman may backer?"

"Class, quiet," pakiusap ng guro na ikinatahimik ng lahat. "Alam kong nakakabigla ang balitang ito dahil... iba rito sa Southville. Medyo mahigpit ang faculty rito lalo na kung transferee ka. Saksi ka naman, Tyler, right?"

Naglingunan sa akin ang mga kaklase ko kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang ngumuso at tumango na lang.

"By the way. Wala namang naging problema kay Mr. Bonifacio. Naipasa niya naman lahat ng test na ibinigay sa kanya ng faculty kaya naman..."

"I'm sorry. I'm late."

Agad kaming napalingon sa lalaking pumasok. Tulad ko nung una kong pasok sa unibersidad na ito, nakasuot na ito ngayon ng uniporme. Kunot noo niyang nilakad ang daan palapit sa gurong tumawag sa kanya bago humarap sa amin at tumango nang may paggalang.

"I'm Chester Travis Bonifacio. Nice to meet you all," pakilala niya dahilan upang palakpakan pa siya ng lahat.

"Dun ka na lang sa tabi ni Empress maupo, Travis," utos ng teacher na ginawa niya.

Habang papalapit siya ng papalapit sa direksyon ko, mas lalo lang humihigpit ang kapit ko sa ballpen na hawak ko ngayon.

"Ikaw si Empress?" tanong niya na marahan kong tinanguan.

Hindi na siya nagsalita, at sa halip na makipag-usap pa ay nagdesisyon na lang siyang umupo sa bakanteng silya na nasa tabi ko.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko lalo na nang mahuli niya akong titig na titig sa kanya.

"Miss Bonifacio, nakikinig ka ba?" tanong ng guro sa harapan dahilan upang nahihiya pa akong nag-iwas ng tingin kay Travis. "Hayaan mo munang maka-cope up si Travis sa aralin, hija, bago mo siya pormahan."

Agad na nagtawanan ang nga kaklase ko kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang ibaon ang sarili ko sa sariling upuan. Napansin ko naman ang pagbaling ni Travis sa direksyon ko kaya naman mas lalo ko lang naramdaman ang hiyang bumabalot sa akin ngayon.

Ano itong nararamdaman ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status