Ang sabi nila kapag mahal mo raw ang isang tao, ipakita mo. Gumawa ka ng paraan upang makuha mo lahat ng atensyon niya. Sa kaso namin ni Travis, kahit na minsan ay nararamdaman ko na ipinagtatabuyan niya na ako, patuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya. Talagang ginagawa ko ang lahat para lang magustuhan niya ako, tulad ng pagkahumaling ko sa kanya ngayon. Sana lang talaga ay magbunga ng magandang resulta lahat ng ginagawa ko ngayon para sa kanya, dahil kung hindi...
"Ano yan?" tanong ni Lucas nang makita niya akong naghuhulog ng kung ano sa locker ni Travis.
Bahagya pa akong napatalon nang dahil sa presensya niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito. Sinadya ko ngang magpa-late sa klase para hindi ako maabutan ng mga kaklase ko, tapos ay makikita niya ako rito?
"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko.
Mukha namang hindi niya nakita ang sobreng hinulog ko sa locker ni Travis kaya naman kampante ko siyang hinarap ngayon.
"Tinanghali ako ng gising kanina kaya ngayon lang ako nakapasok," sagot niya bago muling lumingon sa locker ni Travis. "Anong ginagawa mo sa locker ni Travis? May ginagawa ka sigurong masama dyan, ano?"
"As if naman magtatanim ako ng bomba sa locker niya," singhal ko bago umismid sa kaibigan.
Halos mapatalon din ako sa gulat nang makita ko si Travis na ngayon ay nakasandal sa pader habang nakahalukipkip na nakatitig sa direksyon namin. Nakatayo ako sa harap ng locker niya kaya naman natitiyak kong nagtataka na siya ngayon kung bakit nakatayo ako rito.
"T-Travis..."
"Anong ginagawa mo sa locker ko?" walang emosyon niyang tanong na hindi ko nasagot. Muli siyang lumingon sa locker niya at doon ko na lang muli nakita ang pagkakakunot ng noo niya. "May... nilagay ka ba dyan—"
"Wala," sagot ko kasabay ng pag-iling bago pekeng natawa. "Ano namang ilalagay ko dyan? Bomba? At isa pa, hindi ako magsasayang ng oras na pumunta rito para lang sa locker mo, ano," dagdag ko pa.
Kunot noo kong kinuha ang kamay ni Lucas at nagmamadali siyang hinila palayo sa lugar na iyon. Sa daan patungo sa klase ay paulit-ulit pa rin akong tinanong ni Lucas sa kung ano nga bang ginagawa ko roon. Sa halip na sagutin siya ay nanahimik na lang ako. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.
Paano kung binuksan ni Travis yung locker niya tapos natagpuan niya roon yung letter na inihulog ko?
Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko nang dahil sa tanong na bumabagabag sa isip ko ngayon. Paano nga kung makita ni Travis yung letter ko? Pagtatawanan niya ba ako?
Imposible namang pagtawanan niya ako dahil halos mapuyat ako kagabi nang dahil lang sa pesteng letter na inihulog ko sa locker niya kanina! Dapat lang talaga na magbago ang pakikitungo niya sa akin sa oras na mabasa niya ang letter ko.
"Iyon ay kung mababasa niya."
"Ano?" singhal ko dahilan upang magkasabay na lumingon sa akin si Jenny at si Lucas.
Tila ba ngayon lang ako bumalik sa reyalidad nang dahil sa labis na kaba. Ni hindi ko na namalayan na narito na pala kami sa cafeteria ngayon.
"Anong problema mo, Empress?" natatawang tanong ni Jenny sabay lingon kay Lucas. "Tulad nga ng sinasabi ko, hindi ako sure kung mababasa niya yung essay ko kaya sigurado akong ipapahuli niya yung sa akin."
Bahagya akong ngumuso nang dahil sa narinig ko. May isang linggo na nang nagsimula si Lucas na i-date si Jenny. Wala akong alam kung saan niya nga ba nakuha 'tong babaeng ito. Okay naman si Jenny, pero nasisigurado kong hindi siya babagay kay Lucas. Hindi naman hamak na mas maganda ako sa kanya. Mukha lang naman siyang pangkaraniwang estudyante.
Pangit ang taste niya sa pananamit. Kapag tinanong mo kung anong brand ng damit ang gusto niya, wala siyang ibang sinasagot kung hindi ang thrift shop, like... seryoso ka ba?
Brand ng damit tapos thrift shop?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang inaya na mag-coffee si Travis tuwing umaga. Nagtataka na nga si Kuya Lucho kung bakit daw ang aga kong gumising tuwing umaga. Hindi ko naman siya sinasagot. Aminin niya man o sa hindi, alam kong natutuwa siya na nakikita niyang masaya ako sa Southville High. Kahit naman itanggi ko, alam kong nakikita niya pa rin ang ngiti sa labi ko sa tuwing pumapasok ako.
Tama ba ito?
Siguro nga nababaliw na ako kay Travis. Kahit na ilang beses niyang i-reject ang offer ko sa kanya, at kahit na ilang beses niya akong balewalain sa harap ng maraming tao, tila ba mas lalo lamang lumala ang nararamdaman ko sa kanya.
Nababaliw na nga ba ako sa kanya?
"I'm good. Thank you," sagot niya na ikinalaho ng ngiti ko.
Marahan akong tumalikod sa gawi niya habang bitbit ang cup ng kapeng sinadya ko pang order-in kanina. Ang buong akala ko, wala lang siyang time na bumili ng kape kasama ko, kaya nagdesisyon akong um-order na lang para sa kanya. Hindi ko naman ine-expect na ako talaga ang problema kaya niya palaging tinatanggihan ang request ko.
Nakanguso kong tinahak ang daan patungo sa garden. Halos lumamig na rin ang hot coffee na dala ko. Nang dahil sa ginawa niyang pagtanggi, tila ba mas lalo lang nasira ang araw ko.
Ano bang mayroon sa akin na ayaw mo, Travis?
Agad akong napatingala nang bigla na lamang may kumuha ng kape sa kamay ko. Kunot noo ko itong nilingon at halos mapahinga ako nang malalim nang makita ko ang nakangiting si Lucas. Mukhang handa na namang sirain ang araw ko.
"Anong ginagawa mo rito? Ang aga mo namang pumasok?" natatawa niyang tanong na inirapan ko. "Hot coffee ang nakalagay dito sa label ng order mo, ah? Bakit ang lamig na nito?"
"Hindi kasi para sa 'yo yan," singhal ko na ikinatawa niya.
Hinayaan ko lang siyang buksan at higupin ang kapeng binili ko. Hindi naman ako mahilig sa kape kaya okay lang. Sino ba namang natutuwa sa kape?
"Ang aga mong pumasok ngayon, Empress. Anong ginagawa mo rito?"
Bahagya pa akong napanguso sa tanong niya bago umiling.
"Siguro may kikitain ka ngayon, ano?"
"Eh, ano naman sa 'yo, Lucas?" singhal ko pa na tinawanan niya na lang. "Ikaw? Ano nga bang ginagawa mo rito ng ganitong oras?"
Umupo siya sa upuang katabi ko bago ko naramdaman ang paghinga niya nang malalim. Nang lumingon ako sa kanya, seryoso ang titig niya sa field. Kunot noo naming pinagmasdan ang field na nasa malayo. Wala pang gaanong estudyante ngayon dahil alas otso ang simula ng klase namin. Anong oras pa lang naman. Pasado alas syete lang ata.
"Magkikita sana kami ngayon ni Jenny sa coffee shop. Ang kaso wala pa siya," sagot niya na lihim kong inirapan. Bahagya pa siyang natawa nang makita niya ang reaksyon ko. "Nakita kitang nakaupo rito kaya pinuntahan kita. Kung gusto mo, pwede ko namang i-cancel ang usapan namin ni Jenny..."
"At bakit mo naman gagawin iyon?"
"Para may makasama ka rito."
Natawa akong nang dahil sa sinabi niya. "Come on, Lucas. Hindi mo naman kailangang gawin ang bagay na 'yon. Kinaya ko nga nung first day, ngayon pa kayang kuntento na ako sa buhay ko rito? At isa pa makonsensya ka naman kay Jenny. Siya yung inaya mo, tapos nandito ka?"
"It's just that wala pa siya rito kaya nandito ako."
"Sinungaling," singhal ko na tinawanan niya na lang. Agad akong tumayo sa pwesto ko dahilan upang mapatingala pa siya sa akin. "Mauna na ako sa room. Kitain mo na 'yang Jenny mo."
Hinayaan niya lang akong maglakad patungo sa room tulad ng gusto kong mangyari. Tulad ng inaasahan ko, naroroon pa rin si Travis. Abala na naman sa librong binabasa niya.
Ano bang mapapala niya sa librong iyan?
"Bookworm," singhal ko sa sarili bago umirap at nagtungo sa upuan ko.
Pabagsak kong inilagay ang bag ko sa tabi niya. Kunot noo siyang nag-angat ng tingin sa akin pero sa halip na salubungin ang tingin niya, nagdesisyon na lang akong umupo at yumuko sa desk ko.
Hindi ko alam kung anong oras na akong nagising. Naramdaman ko na lang na may kumalabit sa akin para gisingin ako. Tulad ng inaasahan ko, naroon na ang mga kaklase namin. Halos lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa. Wala pa ang guro namin kaya naman muli akong yumuko sa desk ko.
Agad akong napalingon sa cheesecake na nasa desk ko. Nang dahil sa kuryoso kung kanino nga ba ito galing, kunot noo kong nilibot ng tingin ang kabuuan ng classroom. Wala namang nakatingin sa akin kaya naman natitiyak kong hindi sa kanila galing ang cupcake na ito.
"Kanino galing ito?" baling ko kay Travis na ikinalingon niya sa akin. "Natutulog ako kanina, hindi ba? Kanino galing ito? Sinong naglagay nito sa desk ko?"
"Hindi ko alam," tipid niyang sagot bago lumingon sa libro niya.
Nang dahil sa iritasyon, wala akong nagawa kung hindi ang umirap sa kanya bago lumingon sa upuan ni Lucas. Wala rin naman si Lucas sa upuan niya kaya naman natitiyak kong hindi sa kanya galing ang cupcake na ito.
Kanino galing ito kung ganoon?
Lumipas ang oras ay hindi ko man lang kinain ang cupcake na iyon. Kahit na medyo kumakalam ang sikmura ko dahil sa hindi ko pag-aagahan kanina, ni hindi ko man lang kinain ang bagay na iyon. Hindi naman sa maarte pero... paano kung may lason iyon? Wala ito sa lalagyan kaya naman nasisigurado kong napasukan na ng alikabok ang ibabaw nito.
"Kumusta ang baby ko?" tanong ni Lucas dahilan upang mag-angat ako ng tingin sa kanya. "Okay lang ba ang academics mo?"
Nakahilig siya ngayon sa barandilya. Katatapos lang ng lunch namin kaya naman nagdesisyon kaming pumanhik na agad sa room para doon ubusin ang natitira naming oras. Tulad ng nakagawian ko na, nakapalupot na naman ang mga braso niya sa babaeng nakatayo sa harapan niya.
Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga nilang maglampungan sa harapan ko. Kanina lang ay nasa loob ako. Gusto kong mapag-isa kaya naman lumalayo ako sa kanila. Nagdesisyon lang akong lumabas ng barandilya dahil sa pagsunod nila sa akin sa loob. Ngayon, naririto ulit sila sa gilid ko, naglalampungan.
"Okay naman. Medyo nahihirapan pero okay naman," sagot naman ni Jenny na may halong paglalambing.
Itong malalanding ito...
"Pwede ba wag kayong maglandian sa tabi ko?" singhal ko dahilan upang makuha ko ang atensyon nilang dalawa. "Doon kayo sa kabila. Umiiwas nga ako sa inyo, lapit naman kayo ng lapit. Doon kayo!"
"Ang arte mo naman," saad ni Jenny na inirapan ko.
Bahagyang natawa si Lucas nang dahil sa reklamo ko kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang umismid na lang sa kanya.
"Nagseselos ka ba, Empress?" natatawa niyang tanong na inirapan ko na lang. Lumingon siya kay Jenny nang may ngiti sa labi. "Doon na tayo sa kabila. Mukhang nagagalit na sa akin ang best friend ko."
Pinanood ko silang maglakad patungo sa kabilang bahagi. Doon sila naglandian tulad ng utos ko. Kunot noo kong iniwas sa kanila ang mga mata ko bago ako muling tumitig sa lalaking nakaupo sa loob ng classroom namin. Tulad ng nakagawian, naroroon na naman siya sa loob. May hawak siyang libro tungkol sa business. Kunot na naman ang noo niya habang nagbabasa. Tila ba concentrate na concentrate siya sa ginagawa niya.
"'Tong lalaking ito," singhal ko sabay halukipkip sa pwesto ko. "Ano bang mayroon sa business at bakit ganyan na lang siya kaseryoso sa pagbabasa ng mga 'yan? Business-business. Seryoso ka ba, Travis?" tanong ko pa.
Palagi mo akong nire-reject para lang sa business na 'yan? Bakit, Travis? Mamahalin ka ba ng mga librong iyan? Ano bang nakakaantig sa pagbabasa ng libro?
At anong business naman ang itatayo niya? Tindahan ng mga librong inaamag sa estante o stationary shop na puro resibo lang nag ibinebenta?
Teka lang. Ano naman ngayon kung mag-aral siya ng business, Faye? Ano namang pakialam mo kung iyon ang gusto niya? Kung doon siya mas sumasaya, e 'di doon siya. Kung saan siya masaya, e 'di doon din ako.
"Wow. Bago yan, ah?" natatawang pang-aasar ni Lucas nang makita niya akong nagbabasa ng libro sa sulok ng klase namin. Lumapit siya sa direksyon ko at pinagmasdan ang librong binabasa ko. "Ngayon lang yata kita nakitang nagbasa ng ganyan. Anong nakain mo? Nilalagnat ka ba?"
"Umalis ka nga rito kung mamemerwisyo ka lang," singhal ko sa kanya dahilan upang natatawa niya akong iniwan sa pwesto ko.
Nakanguso kong nilingon si Travis na ngayon ay seryosong nakatitig sa librong binabasa niya. May dalawang linggo na rin akong nagbabasa ng libro tungkol sa business ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Ang buong akala ko, kapag ginaya ko siya sa hobby niya, makukuha ko na rin ang atensyon niya, ngunit mukhang nagkamali pa yata ako sa inakala ko.
"Ayoko na. Sumusuko na ako," singhal ko sa sarili bago yumuko sa upuan ko at doon na lang nagpalipas ng oras.
Ginagawa ko naman ang lahat, ah, pero bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin? Ginagawa ko naman ang lahat para mapansin niya ako. Lahat ng pagkaing kinakain niya, kinakain ko rin. Lahat ng branded na sinusuot niya, sinusuot ko rin. Kulang na nga lang ay nguyain ko 'yung mga pagkaing niluluwa niya mapansin niya lang ako pero... wala eh.
Mas lalo lamang akong nawalan ng pag-asa sa buhay nang dumating si Nathalie sa buhay ni Travis. Ni hindi pa nga kami nagkakalapit sa isa't isa, may dumagdag na para sirain ang lahat ng effort ko para lang mapalapit sa kanya.
"Class, this is Nathalie Chua," pakilala ng guro sa harapan kasabay ng paghawak sa balikat ng babaeng nasa harapan.
Tulad ko, maganda rin ito pero hindi ko rin maipagkakailang mas maganda ako sa kanya. Matamis ang ngiti niyang yumuko sa harapan bago niya inilibot ang mata hanggang sa huminto siya sa direksyon ni...
"Travis!" sigaw ni Nathalie.
Ang buong akala ko, malumanay lang itong kumilos tulad ng first impression naming lahat sa kanya nung unang araw ng pagpasok niya. May taglay rin pala itong kakatihan lalo na sa tuwing mapapalapit siya kay...
"Travis, kanina pa kita hinihintay," nakangiti niyang sambit bago yumakap kay Travis.
Namumula ang mukha ni Travis nang sapilitan siyang niyakap ni Nathalie. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumitig nang masama sa kanila habang pinagmamasdan sila sa upuang katabi ni Lucas.
May dalawang linggo na rin ang nakalilipas simula nang pumasok si Nathalie sa classroom namin. Sa loob ng dalawang linggong iyon, hindi niya na kailanman tinantanan si Travis. Sa tuwing saan ito pumupunta, sinusundan niya. Sa tuwing kumakain ito mag-isa sa cafeteria, sinasamahan niya.
Ni hindi ko na nga magawang kausapin si Travis dahil palagi siyang naririyan at nakabuntot sa kanya.
At tingnan mo itong hayop na ito. Para bang tuwang tuwa pa siya sa tuwing sasagi yung dibdib ni Nathalie sa kanya. Ang kakapal ng mga mukha nila.
Simula nung dumating si Nathalie, sapilitan akong inilipat ng teacher namin sa tabi ni Lucas. Kahit na labag sa loob ko ang sumunod, wala na rin naman akong nagawa. Ayaw ko namang isipin ni Travis na takot akong mawala sa tabi niya kaya naman bakit pa ba ako hihindi sa gusto ng guro namin? Ang kapal naman ng mukha ko.
"Mabuti na lang at nandito ka na," malambing niya pang dagdag na inismiran ko na lang. "Magpapaturo sana ako ng assignment sa 'yo sa calculus. Alam ko kasing ikaw lang ang mahihingian ko ng tulong dito sa klase."
"Sige. Saan ka ba nahihirapan?" tanong ni Travis sa kanya bago umupo sa upuan niya.
Pinagmasdan ko silang mag-usap sa malayo. Minsan ay nagtatawanan sila kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng galit at selos.
Bakit pa kasi dumating sa buhay namin 'yang babaeng iyan?
"Empress, huwag!" sigaw ni Lucas kasabay ng paghalakhak.
Halos lahat ng mga kaklase namin ay lumingon sa gawi ko at kasama na roon ang dalawang naglalandian mula sa malayo. Pinanood ko si Lucas na maglakad patungo sa upuan naming dalawa. Malawak ang ngiti niya nang magtama ang mata naming dalawa. Sa halip na sagutin ng ngiti ang ngiti niya sa akin, wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumimangot sa kanya.
"Anong problema? Mukhang wala ka sa mood, ah?" natatawa niya pang pang-aasar na mas lalong ikinakunot ng noo ko. "Bakit? May problema ba? Sa paraan ng pagkakatitig mo, para kang papatay, ah?"
"Oo at uunahin kita," singhal ko sa kanya bago hinila ang upuan niya palapit sa akin na mas lalo niyang tinawanan. "Ano ba kasing ginagawa mo? Doon ka na nga kay Jenny! Magsama kayong dalawa?"
"Why? Are you jealous?" natatawa niya pang pang-aasar dahilan upang mamula ang kabuuan ng mukha ko. "Sabihin mo lang sa akin kung gusto monng hiwalayan ko siya."
"At bakit? Anong gagawin mo?"
"E 'di hihiwalayan ko siya," nakangiti niyang dagdag na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
"Oh, tapos?"
"Tapos liligawan kita," dagdag pa niya dahilan upang namumula ang mukha ko siyang kinurot sa tagiliran na ikinatawa niya.
Nagpatuloy lang kami sa pang-aasar sa isa't isa hanggang sa natigil lang nang marinig namin ang mga yapak ng paa ni Travis na palapit sa gawi namin. Kunot noo namin siyang tiningala lalo na nang huminto siya sa upuan naming dalawa ni Lucas.
"Nandyan na si Ma'am," aniya dahilan upang itikom namin ang mga bibig namin. "Tigilan niyo na ang paglalandian. Wala kayo sa bahay. Nasa school kayo."
Wala kaming nagawa ni Lucas kung hindi ang magkatinginan bago nagdesisyong tumahimik na lang tulad ng sinabi niya. Ngayon ko lang nakitang kumilos si Travis nang ganoon. Simula nung pumasok siya, never konsiyang nakitang nangielam sa problema ng iba. Ngayon ko lang din siya nakitang binawalan ang mga kaklase niya—kami, at hindi ko naman ine-expect na kami pa ang kauna-unahang estudyante na makakatikim ng bawal niya.
"Sabi mo nandyan na si Ma'am?" kunot noong tanong ni Lucas nang wala man lang pumasok sa loob ng silid.
"Hayaan mo siya," wala sa sarili kong saad bago hinila si Lucas at ipinagpatuloy ang pagkiliti sa tagiliran niya. "Ipagpatuloy lang natin ang paglalandian nating dalawa!"
Kunot noong bumaling ng tingin sa amin si Travis kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumigil at ngumuso.
"Subukan mo lang," pabulong niyang asik bago niya kami tuluyang tinalikuran.
Ano bang problema niya? Wag niyang sabihing nagseselos siya kay Lucas? Bakit? Gusto mo ba sa 'yo lang parati matutuon ang atensyon ko? Kung hindi mo ako gusto then maghahanap ako ng ibang pepestehin, hindi yung hindi mo na nga ako binibigyan ng atensyon mo, pagkatapos ay pinagbabawalan mo pa ako sa mga lalaking kinakaibigan ko.
Minsan ay hindi ko siya maintindihan sa mga ikinikilos niya. Sa tuwing nilalapitan ko siya, nagagalit siya. Kapag naman nilalayuan ko siya, nagagalit pa rin siya.
Saan ba kasi ako lulugar sa buhay mo, Travis?
"Empress, may nagpapabigay sa 'yo nito," saad ni Keyleigh bago inilapag sa desk ko ang kahon na hawak niya. Pabiro siyang umismid kaya naman hindi ko naiwasang mapangunot ang noo. "Ang dami ng manliligaw mo, ah? Kailan ba mauubos yan, Empress?""Kapag pumangit na siguro ako," sagot ko sa kanya na ikinangiwi niya.Mukha rin namang hindi interesado si Keyleigh na malaman nag laman dahil nang inilapag niya ito sa desk ko, nandesisyon na rin siyang iwanan ako sa upuan ko.Bahagya kong nilingon ang corridor sa pagbabaka sakaling naroroon pa ang lalaking nagbigay nito sa akin. Wala naman akong ibang nakita doon kung hindi ang mga kaklase ko, kaya naman wala tuloy akong nagawa kung hindi ang mapanguso na lang."Kanino na naman ba ito nanggaling?" bulong ko sa sarili bago muling nag-angat ng tingin.Agad akong natigilan nang makita ko si Travis na nakatitig sa direksyon ko. Natagpuan ko ang mata niyang nakatitig sa kahong nasa mesa ko, kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang lihim s
Kabi-kabila na ang mga planong nabubuo sa isip ko ngayon.Anong gagawin ko ngayon? Saan ako magtatago? Magtatago ba ako? Hahanapin ba nila ako kung sakaling hindi na ako magpakita? Huli na ba para magpa-transfer ng ibang school?Namumutla akong humilata sa kama habang pinagmamasdan ang ceiling ng kwarto ko."Paano ko siya haharapin niyan kung may kasalanan na naman ako sa kanya?" bulong ko sa sarili bago muling bumuntong hininga. "Paano ko siya haharapin kung narinig niya yung sinabi ko kahapon?"Hindi ko tuloy nagawang pigilan ang sarili ko na sisihin si Nathalie. Kung hindi lang niya ako dinramahan kahapon, e 'di sana ay walang mangyayaring ganito. Kung umiyak na lang siya nang mag-isa, e 'di sana ay hindi ako namomroblema ngayon. Bakit kasi sa dinami-rami ng pagkakataon na pwede niya akong kausapin, bakit kahapon pa?Hindi ba uso sa kanya ang emails? Bakit kaya hindi niya na lang naisip na padalhan na lang ako ng text message, o kaya ay kausapin niya na lang si Lucas at sa kanya na
Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Nathalie. Ni wala nga akong ideya sa kung bakit ganito na lang ang lumalabas sa bibig nila. Para bang sa oras na masira ang araw nila, para bang ako ang dahilan.Ano bang problema ng mga tao ngayon?Hindi ko na pinansin kung ano pa ang sinabi ni Nathalie. Instead of asking her, agad na lamang akong tumakbo patungo sa corridor upang maabutan ko si Travis. Katulad nga ng palagi kong nasasaksihan sa tuwing dadaan siya sa corridor, kabi-kabila na ang nakikita kong mga mata ng mga estudyanteng may paghanga sa kanya.Sino ba namang hindi nagkakagusto sa kanya?Matalino. Gwapo. Malinis sa katawan. Bookworm.Halos lahat na yata ng magandang ugali ng isang lalaki, nasa kanya na. Alam kong lahat halos ng mga estudyanteng nag-aaral dito sa Southville ay may lihim na gusto sa kanya. Iyon nga ang isa sa hindi ko maintindihan.Bagay naman kaming dalawa, hindi ba? Halos pareho lang naman kami. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit tila ba asiwang asiwa siya s
Totoo ba iyon o baka naman ginu-good time lang ako ni Nathalie? Alam ni Nathalie kung gaano ko kagusto si Travis kaya natitiyak ko ring alam niya ang lahat ng tungkol sa kanya na sasabihin niya. Alam kong paniniwalaan niya.Ano nga bang point para magsinungaling siya sa akin? Magkaibigan kaming dalawa ni Nathalie kaya anong point? Gusto niya bang makaganti sa akin dahil gusto ko rin si Travis at sinaktan siya nito o baka naman hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kanya ang ginawa nito?May parte sa akin ang naniniwala kay Nathalie. Hindi ko alam pero tila ba sobrang laki ng tiwala ko sa kanya. Mali ba itong ginagawa ko ngayon?Eh, sa gusto ko siya, eh, anong magagawa ko?Hindi ko na ginising si Kuya Lucho para magpahatid sa kanya. Alas singko pa lang ng umaga ay nagpa-book na ako ng taxi patungo sa Southville. Hindi ko alam kung ganitong oras pa rin pumapasok si Travis, pero sana... sana tama ako sa inakala ko.Ilang oras din akong nanatili sa posisyon ko sa likod ng mga damo hab
"Sa 'yo galing ang bagay na iyon, Empress Faye?"Halos manliit ako sa posisyon ko nang sinubukan niyang lumapit sa akin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumingala sa kanya. Alam kong nakikita niya na ang takot na bumabakas sa mga mata ko. Hindi ko rin naman ito nagawang itago dahil, para saan pa gayong alam ko na rin naman kung saan hahantong ang lahat ng ito, hindi ba?Travis, Travis, bakit kasi ang hirap mong abutin?"Anong sinasabi mo, Travis?" singhal ko bago siya hinawakan sa dibdib upang itulak palayo sa akin.Ni hindi man lang siya umatras sa ginawa kong panunulak sa kanya kaya naman ako ang bahagyang napaatras sa kinatatayuan ko. Hindi ba siya natatakot? Baka may estudyanteng bigla na lamang lumusot dito sa school garden at baka makita kami nang ganito? Ano na lang ang sasabihin nila kapag nagkataon?"Sa 'yo galing ang bagay na iyon," aniya.Ni hindi na nagtunog pangunguwestyon ang sinabi niya!"A-Anong sinasabi mo, Travis?" singhal ko pa bago napasandal sa bench na nas
Ako? Uuwi ng Barcelona para sa kapatid ko at sa business namin ng parents ko? Of course, not! Why would I do that, eh, masaya na ako rito ngayon? "Kaya na ni Kuya Lienzo yan, Dad!" saad ko habang tinititigan silang tatlo sa screen ng laptop na nakapatong sa binti ko. Pasado alas dos na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinatantanan! Bukas na ang game at kailangan ko rin ng sapat na energy bukas para sumigaw sa pangalan ni Travis. Alam ko at kahit na hindi niya ipakita sa akin, alam kong hinahangad niya ang presensya ko sa game. Palagi akong present sa mga game at training niya last week kaya naman natitiyak kong madi-disappoint ko siya kapag nagkataong hindi ako naka-attend mamaya sa game. Natatakot naman akong ma-disappoint siya. Alam niyang sa lahat ng babaeng magchi-cheer sa kanya mamaya sa game, ako ang pinaka-energetic sa lahat. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na napuyat ako nang dahil lang sa parents ko at sa walang kwenta nilang ideya. Bakit pa a
Buong buhay ko, never akong nakaramdam ng insulto mula sa ibang tao. Dahil na rin siguro sa kapangyarihang mayroon ang pamilya ko, o baka naman bakas talaga sa mukha ko na hindi talaga ako nagpapatalo. Alam ng mga kaibigan ko at ng mga taong malalapit sa akin na never ko silang hinayaang buyuin ako. Wala ni isa sa kanila ang umagrabyado ng ganito sa akin kaya naman minsan... hindi ko na rin maiwasang makaramdam ng panlulumo.Bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng tumulak sa akin palayo, bakit si Travis pa? Ano nga bang naging kasalanan ko sa kanya at bakit ganito niya na lang ako kung tratuhin? Naging masama ba ako sa kanya?Simula't sapul, ako na lang palagi ang lumalapit sa kanya. Oo, minsan na rin naman akong binalaan ni Lucas. Binalaan na rin naman ako ni Nathalie tungkol sa kanya. Bakit sa dami ng naging babala nila sa akin, nagpatuloy lang ako sa paghahabol sa kanya?Oo, gwapo siya. Hindi naman dahil sa gwapo siya kaya ko siya nagustuhan. Nasa kanya kasi lahat ng characteristics
Ang sabi nila duwag lang daw ang umaatras. Katawa-tawa raw ang mga taong umaatras. Masama bang umatras? Magtago? Masama bang... magising sa katotohanan?Never kong inasahan na magagawa sa akin ito ni Travis. Oo, may ideya na ang lahat ng kaklase ko sa kung gaano nga ba akong kabaliw sa kanya. Alam na nila kung gaanong kong kinahuhumalingan si Travis."Baliw yan si Enpress," rinig kong bulong ng isang estudyanteng nadaanan namin.Tumango ang kausap nito sa kanya. "Ang gandang babae pero nagpapaka baliw sa isang lalaki," dagdag pa nito bago sila nagtawanan.Tila ba hindi lang ako ang nakarinig sa mga sinabi nila dahil nang sandaling tumigil si Nathalie sa paglalakad at agad na umatras upang lapitan ang dalawang estudyanteng nagbubulungan kanina, paniguradong hindi nakatakas sa pandinig niya lahat ng sinabi nito."Anong sinabi niyo?" gigil niyang tanong.Naglapat ang labi ko nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Bahagya ring rumiin ang pagkakahawak niya sa akin kaya naman natitiyak