Ang sabi nila duwag lang daw ang umaatras. Katawa-tawa raw ang mga taong umaatras. Masama bang umatras? Magtago? Masama bang... magising sa katotohanan?Never kong inasahan na magagawa sa akin ito ni Travis. Oo, may ideya na ang lahat ng kaklase ko sa kung gaano nga ba akong kabaliw sa kanya. Alam na nila kung gaanong kong kinahuhumalingan si Travis."Baliw yan si Enpress," rinig kong bulong ng isang estudyanteng nadaanan namin.Tumango ang kausap nito sa kanya. "Ang gandang babae pero nagpapaka baliw sa isang lalaki," dagdag pa nito bago sila nagtawanan.Tila ba hindi lang ako ang nakarinig sa mga sinabi nila dahil nang sandaling tumigil si Nathalie sa paglalakad at agad na umatras upang lapitan ang dalawang estudyanteng nagbubulungan kanina, paniguradong hindi nakatakas sa pandinig niya lahat ng sinabi nito."Anong sinabi niyo?" gigil niyang tanong.Naglapat ang labi ko nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Bahagya ring rumiin ang pagkakahawak niya sa akin kaya naman natitiyak
Nakanguso kong in-scroll ang socia media account ng Southville. Hindi ko alam pero tila ba may nag-uudyok sa akin na gawin ito. Ngayon ang pangalawang linggo ko rito sa Barcelona. Hindi pa kami nagkikita ni Pablo pero I'm sure na pupunta siya rito mamaya pag-alis ng mga magulang ko para sa trabaho."Kayo na muna ang bahala rito, Lucho," bilin pa ni Mommy bago lumingon sa aming dalawa ng kapatid kong tukmol. "Binilin ko na kay Yaya Beth lahat ng kakailanganin niyo for one week. Ayaw namin sana kayong iwanan pero... importante kasi itong meeting na 'to sa Cuba. Wag kayong mag-alala, dadalhan na lang namin kayo ng daddy niyo ng pasalubong."I hate her kapag ginagawa ni Mommy yan. Hindi na kami mga bata para bigyan pa ng pasalubong sa tuwing aalis sila pero... ewan ko ba. Nakasanayan na lang din nila siguro. When I was a kid, ganito rin ang trabaho nila. I should be thankful though."I want Mariquitas," bilin ni Lucho na tinanguan naman ni Mommy."Ikaw, Empress? May gusto ka ba?" baling n
Nang dahil sa tulong ni Pablo at nang dahil sa tulong na rin ng pagiging busy ko sa college, tuluyan ko na ngang nakalimutan ang pait ng nakaraan. Hindi ko na rin masyadong ini-scroll ang social media page ng Southville High. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang maka-move on.Party rito, party roon. Sa tuwing wala kaming pasok kinabukasan, tumatakas na lang ako sa bahay upang makipag party. Minsan ay naga-grounded ako ni Daddy, pero madalas ay hindi nila ako nahuhuli.Kasama si Pablo sa ilan sa mga errands ko, pero minsan, may mga time na hindi siya allowed na umalis ng bahay. Tulad ko, nahuhuli rin siya ng parents niya, at hindi tulad ko, siya ang madalas na ma-grounded. Yung Empress Faye na kilala ng parents ko noon, muli na namang bumabalik ngayon.Hindi ko alam pero kaya siguro ako nagkakaganito, dahil siguro sa atmosphere ng lugar kung nasaan ako. Medyo problematic kasi ang buhay ko rito sa Spain hindi tulad sa Pilipinas. Marami akong kaibigan dito, pero hindi ko rin nama
I don't believe in fate or even destiny. If we meant for each other, then it is! Ang paniniwala lang sa mga bagay na iyon para lang sa mga jologs. Fate? Ni hindi nga ako naniniwala sa mga wishing well, sa mga ganyan pa kaya?Hindi ko alam kung ano nga bang pumasok sa isip ni Pablo at bakit naisip niya ang tungkol sa bagay na iyon. Yes, lumaki kaming magkasama pero it doesn't mean na pareho lang kami ng paniniwalaan di kalaunan.Destiny. Destiny. Destiny. Is that even true?"I don't believe in that, Pablo," sagot ko sa kanya pagkatapos ng ilang segundong pananahimik. Nanatili lang ang mga mata ko sa sapa habang ang isip ko naman ay patuloy lang sa paglalakbay sa sinabi ni Pablo. If we are meant for each other and kung si Travis talaga ang pinana para sa akin ni kupido, then ibabalik ko na lang sa kanya ang pana niya. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para baliin ang panang iyon.That's impossible though. I hate him. I loathed him, and that's impossible. Imposible namang gustuhin niy
"Baka naman kapag umuwi ka rito, buntis ka na, ah?" reklamo ni Kuya Lucho dahilan upang samaan ko siya ng tingin. Marahan siyang lumingon kay Pablo at agad na nagtaas ng kilay. "Just make sure na walang hayop ang aaligid dito sa kapatid ko aside sa 'yo, ah?" bilin niya kay Pablo bago siya tumalikod at umalis.Lumingon ako kay Pablo nang sandaling umusog siya sa upuan ko."Why do I feel like kasama ako sa mga hayop na tinutukoy niya, Empress?" pasinghal niyang bulong dahilan upang bahagya pa akong natawa sa sinabi niya.Si Kuya Lienzo ang naghatid sa amin sa airport. There's this kind of gloomy atmosphere kapag siya talaga ang kasama namin. Hindi tulad ni Kuya Lucho, si Kuya Lienzo yung mysterious one sa aming magkakapatid. Siya yung kill joy kumbaga. Kung mahilig kaming dalawa ni Kuya Lucho sa mga deadliest rides sa theme park, siya naman yung mahilig sa mga carousel. Kill joy, tahimik, introvert. Ni hindi ko nga alam kung paano silang nage-enjoy ni Ate Chessa kung sakali mang nagkiki
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na nagmistulang reklamo.Pinag.asdan ko siya magmula ulo hanggang paa. Hindi ko maitatangging malaki nga ang ipinagbago ni Nathalie ngayon. Kung noon ay masyado siyang pakikay, iba na ngayon. Hindi na siya yung Nathalie na nakilala ko noon. May nagbago sa kanya. Hindi ko alam kung sa mukha niya ba o baka naman ang ugali niya talaga ang nagbago.Aaminin kong natutuwa ako na makita siyang muli ngayon. Hindi ko inaasahan na muling magkukrus ang landas naming dalawa. Matagal ko na rin siyang hinahanap. Aminin ko man o sa hindi, hindi lang naman si Travis ang sinadya ko rito. Sinadya ko rin silang dalawa ni Lucas. Gusto ko silang bisitahin, kumustahin, dahil alam kong tulad ko, matagal din silang nangulila sa akin. Kumusta na nga ba sila?Agad na naglaho ang ngiting nakaukit sa labi ko nang taas kilay akong nilingon ni Nathalie magmula ulo hanggang paa. Sarkastiko siyang ngumisi na animong hindi pa siya natutuwa na nagkrus ang landas naming dalawa ngay
Ang sabi nila natuturuan daw ang puso na magmahal. Sinungaling sila. Ilang beses ko nang tinuruan ang sarili ko noon na kalimutan si Travis. Ilang beses ko na ring sinubukan na magmahal ng iba ngunit kahit na anong gawin ko, si Travis at si Travis pa rin ang tinitibok nito.Ang sabi ko masaya ako. Masaya ako dahil sa wakas ay ikakasal na siya. Masaya ako dahil nagpatuloy lang ang buhay niya kahit na wala ako sa tabi niya. I wonder kung naging tahimik nga ba ang buhay niya noon simula nung nawala ako. Baka nga nagpapasalamat pa iyon dahil kung hindi ako nawala sa path, niya baka nga naging disaster pa ang buhay niya nang dahil sa akin.Wala naman akong ibang hatid kung hindi puro kamalasan para sa kanya. Siguro nga tama ang sinasabi nila. Na sadyang malas lang talaga ako. Swerte nga ako sa pamilya, malas naman ako sa pagmamahal mula sa ibang tao. Sa mga taong mahal ko na hindi naman ako mahal.Nagpatuloy lang si Nathalie sa pagkukwento sa akin tungkol sa naging buhay ni Travis simula n
May parte sa akin ang natuwa dahil natitiyak kong hindi na ako mahihirapan lalo na't hindi naman pala siya interesado sa akin. Ibig lang sabihin no'n ay wala siyang pakialam. May parte rin naman sa akin ang nalungkot nang dahil sa narinig. Nalungkot nga ba ako nang dahil lang sa sinabi niyang wala siyang pakialam sa akin, o baka naman nalungkot lang ako nang dahil sa nasaksihan ko kanina?Maraming nagbago kay Travis. Medyo nagkaroon siya ng laman ngayon. Bahagyang tumangkad at naging matipuno ang katawan. Aaminin ko na medyo gumwapo nga siya ngayon at hindi ko ipagkakaila ang bagay na iyon. Tulad ng dati, naroroon na naman ang walang kwenta niyang emosyon. Lastly, ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti, hindi nga lang sa akin. Ngumiti siya sa girlfriend niya.Ang buong akala ko dati, magagawa ko siyang pangitiin noon. Sa bagay, sino nga bang matutuwa sa mga paghahabol ng ginawa ko sa kanya noon? Wala naman akong ibang ibinigay sa kanya kung hindi ang dis