I don't believe in fate or even destiny. If we meant for each other, then it is! Ang paniniwala lang sa mga bagay na iyon para lang sa mga jologs. Fate? Ni hindi nga ako naniniwala sa mga wishing well, sa mga ganyan pa kaya?Hindi ko alam kung ano nga bang pumasok sa isip ni Pablo at bakit naisip niya ang tungkol sa bagay na iyon. Yes, lumaki kaming magkasama pero it doesn't mean na pareho lang kami ng paniniwalaan di kalaunan.Destiny. Destiny. Destiny. Is that even true?"I don't believe in that, Pablo," sagot ko sa kanya pagkatapos ng ilang segundong pananahimik. Nanatili lang ang mga mata ko sa sapa habang ang isip ko naman ay patuloy lang sa paglalakbay sa sinabi ni Pablo. If we are meant for each other and kung si Travis talaga ang pinana para sa akin ni kupido, then ibabalik ko na lang sa kanya ang pana niya. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para baliin ang panang iyon.That's impossible though. I hate him. I loathed him, and that's impossible. Imposible namang gustuhin niy
"Baka naman kapag umuwi ka rito, buntis ka na, ah?" reklamo ni Kuya Lucho dahilan upang samaan ko siya ng tingin. Marahan siyang lumingon kay Pablo at agad na nagtaas ng kilay. "Just make sure na walang hayop ang aaligid dito sa kapatid ko aside sa 'yo, ah?" bilin niya kay Pablo bago siya tumalikod at umalis.Lumingon ako kay Pablo nang sandaling umusog siya sa upuan ko."Why do I feel like kasama ako sa mga hayop na tinutukoy niya, Empress?" pasinghal niyang bulong dahilan upang bahagya pa akong natawa sa sinabi niya.Si Kuya Lienzo ang naghatid sa amin sa airport. There's this kind of gloomy atmosphere kapag siya talaga ang kasama namin. Hindi tulad ni Kuya Lucho, si Kuya Lienzo yung mysterious one sa aming magkakapatid. Siya yung kill joy kumbaga. Kung mahilig kaming dalawa ni Kuya Lucho sa mga deadliest rides sa theme park, siya naman yung mahilig sa mga carousel. Kill joy, tahimik, introvert. Ni hindi ko nga alam kung paano silang nage-enjoy ni Ate Chessa kung sakali mang nagkiki
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na nagmistulang reklamo.Pinag.asdan ko siya magmula ulo hanggang paa. Hindi ko maitatangging malaki nga ang ipinagbago ni Nathalie ngayon. Kung noon ay masyado siyang pakikay, iba na ngayon. Hindi na siya yung Nathalie na nakilala ko noon. May nagbago sa kanya. Hindi ko alam kung sa mukha niya ba o baka naman ang ugali niya talaga ang nagbago.Aaminin kong natutuwa ako na makita siyang muli ngayon. Hindi ko inaasahan na muling magkukrus ang landas naming dalawa. Matagal ko na rin siyang hinahanap. Aminin ko man o sa hindi, hindi lang naman si Travis ang sinadya ko rito. Sinadya ko rin silang dalawa ni Lucas. Gusto ko silang bisitahin, kumustahin, dahil alam kong tulad ko, matagal din silang nangulila sa akin. Kumusta na nga ba sila?Agad na naglaho ang ngiting nakaukit sa labi ko nang taas kilay akong nilingon ni Nathalie magmula ulo hanggang paa. Sarkastiko siyang ngumisi na animong hindi pa siya natutuwa na nagkrus ang landas naming dalawa ngay
Ang sabi nila natuturuan daw ang puso na magmahal. Sinungaling sila. Ilang beses ko nang tinuruan ang sarili ko noon na kalimutan si Travis. Ilang beses ko na ring sinubukan na magmahal ng iba ngunit kahit na anong gawin ko, si Travis at si Travis pa rin ang tinitibok nito.Ang sabi ko masaya ako. Masaya ako dahil sa wakas ay ikakasal na siya. Masaya ako dahil nagpatuloy lang ang buhay niya kahit na wala ako sa tabi niya. I wonder kung naging tahimik nga ba ang buhay niya noon simula nung nawala ako. Baka nga nagpapasalamat pa iyon dahil kung hindi ako nawala sa path, niya baka nga naging disaster pa ang buhay niya nang dahil sa akin.Wala naman akong ibang hatid kung hindi puro kamalasan para sa kanya. Siguro nga tama ang sinasabi nila. Na sadyang malas lang talaga ako. Swerte nga ako sa pamilya, malas naman ako sa pagmamahal mula sa ibang tao. Sa mga taong mahal ko na hindi naman ako mahal.Nagpatuloy lang si Nathalie sa pagkukwento sa akin tungkol sa naging buhay ni Travis simula n
May parte sa akin ang natuwa dahil natitiyak kong hindi na ako mahihirapan lalo na't hindi naman pala siya interesado sa akin. Ibig lang sabihin no'n ay wala siyang pakialam. May parte rin naman sa akin ang nalungkot nang dahil sa narinig. Nalungkot nga ba ako nang dahil lang sa sinabi niyang wala siyang pakialam sa akin, o baka naman nalungkot lang ako nang dahil sa nasaksihan ko kanina?Maraming nagbago kay Travis. Medyo nagkaroon siya ng laman ngayon. Bahagyang tumangkad at naging matipuno ang katawan. Aaminin ko na medyo gumwapo nga siya ngayon at hindi ko ipagkakaila ang bagay na iyon. Tulad ng dati, naroroon na naman ang walang kwenta niyang emosyon. Lastly, ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti, hindi nga lang sa akin. Ngumiti siya sa girlfriend niya.Ang buong akala ko dati, magagawa ko siyang pangitiin noon. Sa bagay, sino nga bang matutuwa sa mga paghahabol ng ginawa ko sa kanya noon? Wala naman akong ibang ibinigay sa kanya kung hindi ang dis
Si Travis?Imposibleng magpunta sa ganitong klase ng lugar yung lalaking iyon kaya imposible yung bulto ng lalaking nakita ko kanina sa dulong bahagi ng service island. Travis.Ano nga bang gagawin niya sa ganitong klase ng lugar? Hindi ba't kill joy iyon? Nandito ba siya para guluhin ang night out naming tatlo ng mga kaibigan ko?"What the fuck?" singhal ko nang bigla na lamang may humatak sa braso ko palayo sa lugar na iyon. "Ano ba!" sigaw ko pa.Kunot noo kong nilingon si Travis na ngayon at tiim bagang na nag-iwas ng tingin sa akin. Gusto kong magulat dahil hindi ko inaasahan na magkakasalubong kami sa lugar na ito, pero nanaig sa akin ang galit nang dahil sa ginawa niyang paghatak sa braso ko.Pakiramdam ko ay ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na hinawakan niya ako. Tama, hindi ba? Ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na hinawakan niya ako. Dati rati ay para siyang babae kung makapandiri sa tuwing magkakadikit kaming dalawa. Nakakagulat lang talaga.Sandali lang. A
"Kung wala ka talagang pakialam sa akin, sana hinayaan mo na lang ako. Sana hinayaan mo na lang akong ipagtanggol ang sarili ko..."Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ilubog ang namumula kong mukha sa mga pillow na nasa gilid ko. Nandito ako ngayon sa kama ko, abala sa paggulong habang inaalala ang sitwasyon namin ni Travis kanina. Fuck! Gusto kong tumili nang dahil sa pinaghalong inis at kahihiyan. Natatawa nga ako sa sarili ko sa tuwing maaalala kong umiyak na naman ako sa harapan niya! Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit sa dinami-rami ng pwede kong sabihin, bakit iyon pa ang pumasok sa isip ko?Bakit iyon ang sinabi ko?Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang umugong sa tenga ko ang katagang iyan ngayong umaga. Bakit pakiramdam ko ako pa ang hindi makatulog ngayon sa halip na siya?Tama iyan, Travis. Tamaan ka sana ng konsensya at humingi ka ng sorry sa akin. I fucking deserve your apology! Hindi ako bato tulad ng dati na animong walang nararamdaman kahit na ilang beses mo
Why is he asking me? Of course, I'm fucking okay!May posibilidad nga ba na nag-aalala siya sa akin?Pakiramdam ko ay may mga paru-parong paulit-ulit na lumilipad sa sikmura ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam pero tila ba kinikilig ako sa itinanong niya sa akin. God, Empress! Ano 'tong nararamdaman ko ngayon? Why is he asking me?"W-What do you mean?" nalilito kong tanong.Kunot noo siyang nag-iwas ng tingin kaya naman hindi ko naiwasang pagmasdan ang itsura niya. Kagabi ay hindi ko man lang nakita nang buo ang mukha niya nang dahil sa labis na iritasyon. Tila ba ngayon ko lang nakita ang mga galos na nasa mukha niya.Ang sabi ni Nathalie ay nakipagsuntukan daw si Travis kagabi sa dance floor. Imposible namang humatak lang siya ng kung sino sa loob at sinuntok niya nang walang dahilan, di ba? And besides, mukha namang wala siyang kilala sa bar kagabi. Kung may kaibigan nga siya roon o kung talagang may sinadya siyang puntahan doon, then I think hindi naman siya gagawa