Kabi-kabila na ang mga planong nabubuo sa isip ko ngayon.Anong gagawin ko ngayon? Saan ako magtatago? Magtatago ba ako? Hahanapin ba nila ako kung sakaling hindi na ako magpakita? Huli na ba para magpa-transfer ng ibang school?Namumutla akong humilata sa kama habang pinagmamasdan ang ceiling ng kwarto ko."Paano ko siya haharapin niyan kung may kasalanan na naman ako sa kanya?" bulong ko sa sarili bago muling bumuntong hininga. "Paano ko siya haharapin kung narinig niya yung sinabi ko kahapon?"Hindi ko tuloy nagawang pigilan ang sarili ko na sisihin si Nathalie. Kung hindi lang niya ako dinramahan kahapon, e 'di sana ay walang mangyayaring ganito. Kung umiyak na lang siya nang mag-isa, e 'di sana ay hindi ako namomroblema ngayon. Bakit kasi sa dinami-rami ng pagkakataon na pwede niya akong kausapin, bakit kahapon pa?Hindi ba uso sa kanya ang emails? Bakit kaya hindi niya na lang naisip na padalhan na lang ako ng text message, o kaya ay kausapin niya na lang si Lucas at sa kanya na
Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Nathalie. Ni wala nga akong ideya sa kung bakit ganito na lang ang lumalabas sa bibig nila. Para bang sa oras na masira ang araw nila, para bang ako ang dahilan.Ano bang problema ng mga tao ngayon?Hindi ko na pinansin kung ano pa ang sinabi ni Nathalie. Instead of asking her, agad na lamang akong tumakbo patungo sa corridor upang maabutan ko si Travis. Katulad nga ng palagi kong nasasaksihan sa tuwing dadaan siya sa corridor, kabi-kabila na ang nakikita kong mga mata ng mga estudyanteng may paghanga sa kanya.Sino ba namang hindi nagkakagusto sa kanya?Matalino. Gwapo. Malinis sa katawan. Bookworm.Halos lahat na yata ng magandang ugali ng isang lalaki, nasa kanya na. Alam kong lahat halos ng mga estudyanteng nag-aaral dito sa Southville ay may lihim na gusto sa kanya. Iyon nga ang isa sa hindi ko maintindihan.Bagay naman kaming dalawa, hindi ba? Halos pareho lang naman kami. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit tila ba asiwang asiwa siya s
Totoo ba iyon o baka naman ginu-good time lang ako ni Nathalie? Alam ni Nathalie kung gaano ko kagusto si Travis kaya natitiyak ko ring alam niya ang lahat ng tungkol sa kanya na sasabihin niya. Alam kong paniniwalaan niya.Ano nga bang point para magsinungaling siya sa akin? Magkaibigan kaming dalawa ni Nathalie kaya anong point? Gusto niya bang makaganti sa akin dahil gusto ko rin si Travis at sinaktan siya nito o baka naman hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kanya ang ginawa nito?May parte sa akin ang naniniwala kay Nathalie. Hindi ko alam pero tila ba sobrang laki ng tiwala ko sa kanya. Mali ba itong ginagawa ko ngayon?Eh, sa gusto ko siya, eh, anong magagawa ko?Hindi ko na ginising si Kuya Lucho para magpahatid sa kanya. Alas singko pa lang ng umaga ay nagpa-book na ako ng taxi patungo sa Southville. Hindi ko alam kung ganitong oras pa rin pumapasok si Travis, pero sana... sana tama ako sa inakala ko.Ilang oras din akong nanatili sa posisyon ko sa likod ng mga damo hab
"Sa 'yo galing ang bagay na iyon, Empress Faye?"Halos manliit ako sa posisyon ko nang sinubukan niyang lumapit sa akin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumingala sa kanya. Alam kong nakikita niya na ang takot na bumabakas sa mga mata ko. Hindi ko rin naman ito nagawang itago dahil, para saan pa gayong alam ko na rin naman kung saan hahantong ang lahat ng ito, hindi ba?Travis, Travis, bakit kasi ang hirap mong abutin?"Anong sinasabi mo, Travis?" singhal ko bago siya hinawakan sa dibdib upang itulak palayo sa akin.Ni hindi man lang siya umatras sa ginawa kong panunulak sa kanya kaya naman ako ang bahagyang napaatras sa kinatatayuan ko. Hindi ba siya natatakot? Baka may estudyanteng bigla na lamang lumusot dito sa school garden at baka makita kami nang ganito? Ano na lang ang sasabihin nila kapag nagkataon?"Sa 'yo galing ang bagay na iyon," aniya.Ni hindi na nagtunog pangunguwestyon ang sinabi niya!"A-Anong sinasabi mo, Travis?" singhal ko pa bago napasandal sa bench na nas
Ako? Uuwi ng Barcelona para sa kapatid ko at sa business namin ng parents ko? Of course, not! Why would I do that, eh, masaya na ako rito ngayon? "Kaya na ni Kuya Lienzo yan, Dad!" saad ko habang tinititigan silang tatlo sa screen ng laptop na nakapatong sa binti ko. Pasado alas dos na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinatantanan! Bukas na ang game at kailangan ko rin ng sapat na energy bukas para sumigaw sa pangalan ni Travis. Alam ko at kahit na hindi niya ipakita sa akin, alam kong hinahangad niya ang presensya ko sa game. Palagi akong present sa mga game at training niya last week kaya naman natitiyak kong madi-disappoint ko siya kapag nagkataong hindi ako naka-attend mamaya sa game. Natatakot naman akong ma-disappoint siya. Alam niyang sa lahat ng babaeng magchi-cheer sa kanya mamaya sa game, ako ang pinaka-energetic sa lahat. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na napuyat ako nang dahil lang sa parents ko at sa walang kwenta nilang ideya. Bakit pa a
Buong buhay ko, never akong nakaramdam ng insulto mula sa ibang tao. Dahil na rin siguro sa kapangyarihang mayroon ang pamilya ko, o baka naman bakas talaga sa mukha ko na hindi talaga ako nagpapatalo. Alam ng mga kaibigan ko at ng mga taong malalapit sa akin na never ko silang hinayaang buyuin ako. Wala ni isa sa kanila ang umagrabyado ng ganito sa akin kaya naman minsan... hindi ko na rin maiwasang makaramdam ng panlulumo.Bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng tumulak sa akin palayo, bakit si Travis pa? Ano nga bang naging kasalanan ko sa kanya at bakit ganito niya na lang ako kung tratuhin? Naging masama ba ako sa kanya?Simula't sapul, ako na lang palagi ang lumalapit sa kanya. Oo, minsan na rin naman akong binalaan ni Lucas. Binalaan na rin naman ako ni Nathalie tungkol sa kanya. Bakit sa dami ng naging babala nila sa akin, nagpatuloy lang ako sa paghahabol sa kanya?Oo, gwapo siya. Hindi naman dahil sa gwapo siya kaya ko siya nagustuhan. Nasa kanya kasi lahat ng characteristics
Ang sabi nila duwag lang daw ang umaatras. Katawa-tawa raw ang mga taong umaatras. Masama bang umatras? Magtago? Masama bang... magising sa katotohanan?Never kong inasahan na magagawa sa akin ito ni Travis. Oo, may ideya na ang lahat ng kaklase ko sa kung gaano nga ba akong kabaliw sa kanya. Alam na nila kung gaanong kong kinahuhumalingan si Travis."Baliw yan si Enpress," rinig kong bulong ng isang estudyanteng nadaanan namin.Tumango ang kausap nito sa kanya. "Ang gandang babae pero nagpapaka baliw sa isang lalaki," dagdag pa nito bago sila nagtawanan.Tila ba hindi lang ako ang nakarinig sa mga sinabi nila dahil nang sandaling tumigil si Nathalie sa paglalakad at agad na umatras upang lapitan ang dalawang estudyanteng nagbubulungan kanina, paniguradong hindi nakatakas sa pandinig niya lahat ng sinabi nito."Anong sinabi niyo?" gigil niyang tanong.Naglapat ang labi ko nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Bahagya ring rumiin ang pagkakahawak niya sa akin kaya naman natitiyak
Nakanguso kong in-scroll ang socia media account ng Southville. Hindi ko alam pero tila ba may nag-uudyok sa akin na gawin ito. Ngayon ang pangalawang linggo ko rito sa Barcelona. Hindi pa kami nagkikita ni Pablo pero I'm sure na pupunta siya rito mamaya pag-alis ng mga magulang ko para sa trabaho."Kayo na muna ang bahala rito, Lucho," bilin pa ni Mommy bago lumingon sa aming dalawa ng kapatid kong tukmol. "Binilin ko na kay Yaya Beth lahat ng kakailanganin niyo for one week. Ayaw namin sana kayong iwanan pero... importante kasi itong meeting na 'to sa Cuba. Wag kayong mag-alala, dadalhan na lang namin kayo ng daddy niyo ng pasalubong."I hate her kapag ginagawa ni Mommy yan. Hindi na kami mga bata para bigyan pa ng pasalubong sa tuwing aalis sila pero... ewan ko ba. Nakasanayan na lang din nila siguro. When I was a kid, ganito rin ang trabaho nila. I should be thankful though."I want Mariquitas," bilin ni Lucho na tinanguan naman ni Mommy."Ikaw, Empress? May gusto ka ba?" baling n