"Empress," bulong ko sa sarili bago nangiti.
Minsan natatawa na lang ako sa tuwing maaalala ko kung bakit nga ba ako pinangalanang Empress ng mga magulang ko. Do I look like a ruler? Ni hindi ko nga magawang i-rule nang maayos ang buhay ko, so hindi ko alam kung bakit ganito ang ipinangalan sa akin ng parents ko.
Mayroon ako ng mga bagay na inaasam ng lahat. Mayaman ako. Ibinibigay sa akin ng mga magulang ko lahat ng gusto ko, at nagagawa kong i-manipulate ang lahat kung gugustuhin ko.
Isang bagay lang ang hindi ko magawang makuha at mamanipula.
"Travis," I whispered before ako lumingon sa lalaking nasa tabi ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mangiti dahil... hindi ko alam. May part sa katawan ko ang nagsasabing "Success" at mayroon din namang nagsasabing "Ang tanga mo, Empress". Bakit nga ba ako makakaramdam ng dismaya kung ginusto ko rin naman ang nangyari sa pagitan naming dalawa? Yes, natatakot ako, but hindi ko rin naman mapigilan ang sarili kong makaramdam ng tuwa because... finally!
Nakuha ko na ang lalaking matagal ko nang gusto.
But then, tama ba ang ginawa kong pagbibigay ng sarili gayong wala namang katiyakan ang relasyon naming dalawa? Hindi rin magtatagal ay ikakasal na ako sa kanya sa kagustuhan ng mga magulang namin. Ayaw ko namang isipin na napipilitan lang siya sa relasyon namin o napipilitan lang ako sa desisyon ng mga magulang ko.
Gusto kong mahalin niya ako sa kung sino man ako. Ayaw kong pakasalan niya ako dahil gusto ng mga magulang niya. Ayaw kong pakasalan niya ako dahil napipilitan lang siya.
"Gaano ba ako kahirap na gustuhin, Travis?" tanong ko na alam kong hindi niya rin masasagot dahil sa malalim niyang tulog.
Form our bed, rinig na rinig namin ang musika na nangagaling sa kabilang kwarto. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng katiting na hiya sa sarili nang marinig ko ang congregational music na pinapatugtog nila sa kabilang kwarto.
Gusto kong manliit sa sarili ko because of what happened between us.
Bakit, Empress? Kapag ba si Travis ang nag-aya sa 'yo, bigla-bigla ka na lang susuko at ibibigay ang sarili mo? Fuck it, Empress! Masyado kang mahina!
Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang init mula sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Mabilis kong kinuha ang roba na nasa gilid at hindi na nagdalawang isip pa na balutin ang sarili ko roon.
"Nathalie," bulong ko sa sarili na may halong panggigigil para sa kaibigan. "Anong ginawa mo, Nathalie?"
Alam ko at sigurado akong may kinalaman si Nathalie sa nangyari sa aming dalawa. May plano siya. May inilagay siya sa wine na ininom namin kanina. May gut feeling ako na gagawin niya ito sa amin ni Travis, pero bakit? Bakit hindi ko man lang siya pinigilan sa plano niya?
Nadala lang ba ng bugso ng damdamin si Travis, or... baka nadala lang siya sa gamot na inihalo ni Nathalie sa inumin namin?
And... where the hell is she?
Mabilis kong inangat ang nanginginig kong kamay upang damputin ang cellphone na nasa gilid ng bedside table. I saw Travis na mahimbing ang tulog. May multo ng ngiti sa labi niya kaya naman hindi ko naiwasang pamulahanan ng pisngi lalo na sa tuwing maaalala ko kung anong napag-usapan namin kanina.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko before I decided to check my phone. I saw some missed calls from Nathalie. May nakita rin akong messages from Lucas and from Lucho, pero hindi na ito ang pinagtuunan ko ng pansin.
"Enjoy, kitty! Hahaha."
Mabilis kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko nang mabasa ko ang message ni Nathalie. Nang maikalma ko ang sarili, hindi na ako nagdalawang isip pa na mag-ayos at nang sa ganoon ay makaalis na ako sa lugar na iyon.
Ayaw ko nang maalala pa ang nangyari sa pagitan naming dalawa!
Agad kong dinampot lahat ng damit na nagkalat sa sahig and nagmamadaling nagtungo sa banyo upang magbihis. Hindi rin ako inabot ng isang oras sa banyo dahil natatakot ako na baka magising ko pa siya.
Alam kong gagawin niya ang lahat upang pigilan ako, and I don't want that to happen.
Aalis ako, at iiwanan ko siya. Yun ang planong paulit-ulit kong ibinubulong sa sarili hanggang sa nagdesisyon akong lumabas ng pintuan na ginagawa ang lahat upang hindi maglikha ng ingay. Natatakot ako na baka magising ko pa siya.
That's right, Travis. Huwag ka nang gumising habambuhay!
I don't like him, and I despise him. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang galit ko sa kanya even though may ilang taon na rin ang nakalilipas. He humiliated me that day, na halos ikasira ng buhay ko, so bakit ko pa siya patatawarin?
Maging sa trabaho ko ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang pahirapan ako. Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya dati! Ni hindi niya man lang tinanong sa akin kung galit pa rin ba ako sa kanya, o kung nasaktan ba ako sa pag-humiliate niya sa akin before! Siya pa itong may ganang magalit sa akin for what he did to me!
"Ang kapal ng mukha niya," I whispered to myself habang padabog na naglalakad patungo sa elevator.
Isang matandang babae ang nakasabay ko sa elevator. I pouted my lips when I saw her na mariing tinititigan ang leeg ko. Mas lalo lamang akong nagulat when she handed me the scarf na hawak niya magmula pa kanina.
"Mukhang kailangan mo ito, hija."
Ngumiti ako sa kanya bago tumanggi. "Hindi na po, Auntie. Hindi naman po ako giniginaw."
"Kung ako sa 'yo, gamitin mo na ito," aniya bago ngumuso sa leeg ko. "Mukhang pinanggigilan ka ng boyfriend mo," dagdag pa niya bago ngumiti sa akin.
Agad na nag-init ang mukha ko nang maintindihan ko ang nais niyang iparating. Mabuti na lang at hindi naman pumasok sa isip niya na pagtawanan ako kaya naman kahit na papaano ay nakahinga naman ako nang maliwanag.
Lubos-lubos ang pasasalamat ko sa kanya bago ako nagdesisyong maglakad patungo sa front desk upang mag-check out.
"Nasa taas pa po si Mr. Bonifacio, Ma'am?"
Please lang, huwag niyong itanong sa akin ang hayop na iyon!
Nakapikit ang mata kong tumango sa kanya na naging dahilan kung bakit ngumuso siya sa harapan ko.
"Alam niya po ba, Ma'am, na aalis na kayo?"
"Kailangan ko pa bang magpaalam sa kanya?" kunot-noo kong tanong na ikinanguso niya. "Ang sabi ko magche-check out na ako. It doesn't matter kung kasama ko siya or what..."
"G-Gusto niyo po bang... tawagan ko siya sa intercom?"
My brows furrowed because of what she asked. For fucking what?!
"Para saan pa?"
Nahihiya siyang yumuko bago muling sumagot. "Binilinan niya po kasi ang buong security kanina na... huwag kayong papaalisin nang wala ang permiso niya."
"Bakit niya sasabihin sa 'yo 'yon? We're not a thing! Ni hindi ko nga siya boyfriend," I said na ikinayuko niya. "I'm sorry for raising my voice. Aalis na ako and nag-usap naman kaming dalawa before ako bumaba."
Isang tango na lang ang iginawad ng babae sa kanya bago may pinindot sa intercom. Pinagmasdan ko siyang ayusin ang form na ibinigay ko sa kanya bago niya ako tinanguan na nginitian ko.
Tatakas ako dahil alam kong once na maabutan niya ako, gagawin niya ang lahat upang pikutin ako. Pupwersahin akong pumayag sa kasal na hindi ko gusto. Alam kong hindi niya rin gustong maikasal sa akin, kaya naman hindi ko naiwasang kwestyunin ang sarili ko sa tuwing makikita ko siyang para bang wala man lang pakialam na ikakasal ako sa kanya.
If ayaw niya akong maikasal sa kanya then bakit wala siyang ginagawa upang i-cancel ito? In the first place, magulang niya naman ang may ideya sa arranged marriage na ito kaya naman hindi ko maiwasang magtaka kung bakit wala man lang siyang ginagawa.
Malalakas ang naging katok ko sa labas ng suite ni Nathalie. Mula sa labas, rinig na rinig ko ang pagmamadali niya sa loob upang mapagbuksan lang ako ng pinto.
"Ang sabi ko, hindi na ako mag-oor—"
She hurriedly shut her mouth when she saw me glaring at her. Nang makita niya ang talim ng titig ko sa kanya, mabilis siyang ngumiti na animong nanloloko pa.
What's so funny? May ideya ba siya sa kung anong ginawa niya?
I don't want to blame her sa nangyari between us, but then... hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi rin dahil sa ginawa ni Nathalie! Kung tutuusin ay siya ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Travis!
"Oh, hi there, Kitty!" bati niya pa, which made me roll my eyes. "Kumusta ang night niyong dalawa?"
Hindi ko na siya sinagot at sa halip na bigyan siya ng pansin ay nagdesisyon na lang akong maglakad patungo sa loob.
Pinanood ko siyang ayusin ang pagkakataklob ng roba sa katawan niya. Mukhang katatapos niya lang mag-shower based on her look. At hindi ko rin maipagkakailang bakas ang tuwa sa mukha niya nang magsalubong ang mata naming dalawa.
"Bahay mo 'to? Dire-diretsyo ng lakad, ah?" she said before she crossed her arms. "Anong nangyari sa lakad niyong dalawa ni Travis?"
Instead of looking at her, nagdesisyon na lang akong lumakad patungo sa sofa and doon pabagsak na umupo. I did everything upang iiwas ang mga mata ko sa kanya, ngunit kahit na anong iwas ko sa tanong niya, nagpatuloy lang siya sa paulit-ulit niyang pagtatanong.
"I'm asking you, Empress. Anong nangyari?" tanong niya na inilingan ko. "Nag-away na naman ba kayong dalawa?"
Mabilis kong tinanggal ang aviator na suot ko and bumaling ng tingin sa kanya. Based on her look, para bang wala siyang ideya sa ginawa niya sa aming dalawa ni Travis. She looks so innocent.
"May... nangyari sa amin," sagot ko.
Ni hindi man lang siya nagulat sa ibinalita ko sa kanya kaya naman natitiyak kong may kinalaman siya sa nangyari sa amin ni Travis.
"Then?"
"Then?" I asked, raising my voice because of her question. "Alam mo ba kung anong ginawa mo?"
Her brows furrowed because of my question.
"Ano na namang ginawa ko?" tanong niya while pointing to herself.
"Wag ka ng magmaang-maangan, Nathalie. Alam ko na may kinalaman ka sa nangyari sa amin!"
Ngumisi siya sa sinabi ko, and I don't have any idea kung natutuwa ba talaga siya pero based sa ngiti niya, mukhang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.
I was blaming her, and I know na mali ang ginagawa ko. And isa pa, tama lang bang sisihin siya kung ginusto ko rin naman ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Travis?
"And so?" she asked before she crossed her arms. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin? Nang dahil sa akin, may nangyari sa inyong dalawa, Empress. Kung hindi dahil sa akin, baka bulok na yang tam—"
"Shut up," singhal ko na ikinatawa niya. "Where's my luggage?"
"Why?" she asked. Sinundan niya ako nang nagdesisyon akong tumayo mula sa sofa. "What are you planning to do, Empress?"
"Aalis ako," sagot ko.
Mabilis kong kinuha ang luggage ko at nagmamadaling sinilid lahat ng gamit ko doon. Wala na akong pakialam sa kung saan man ako pupunta. Gusto ko lang makatakas dito. Ayaw ko nang magkrus ang landas naming dalawa dahil hindi ko na alam kung paano siyang haharapin pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa.
"Aalis ka na naman?" Nathalie asked bago niya ako hinawakan sa braso na ikinatigil ko. "You're planning to leave us again, Empress?"
"Nathalie, hindi mo alam kung—"
"Answer my fucking question, Empress!" she demanded, which made me pursed my lips. "Ano? Aalis ka na naman? Pagkatapos mong gumawa ng mali, aalis ka na naman? Tatakas ka na naman!"
"Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko, Nathalie," sagot ko bago ko itinago ang luhang nangilid sa mata ko. "Natatakot ako..."
"Natatakot ka sa kanya?" kunot noo niyang tanong na inilingan ko.
"Natatakot ako sa sarili ko," pagtatama ko, dahilan upang mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Natatakot ako na baka muling bumalik ang nararamdaman ko sa kanya. Alam mo naman kung anong ginawa niya sa akin before, right?" Nag-iwas siya ng tingin sa sinabi ko. "Nathalie, pagod na pagod na ako. Gusto ko nang tumakas. Gusto ko nang umalis, pero hindi ko alam kung saan ako magtatago."
"Anong... plano mo niyan?"
Mabilis ko siyang inilingan dahil sa kawalan ng isasagot. Ano nga bang plano ko? Tatakas ako? Saan ako magtatago?
Kung may nararamdaman si Travis sa akin, gagawin niya ang lahat upang hindi ako makatakas sa kamay niya.
Yun ay kung may nararamdaman siya sa akin.
"I want to leave."Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig mula sa bibig ni Nathalie na hindi siya kumbinsido sa plano ko. Ang akala niya ay gumagawa lang ako ng paraan upang makatakas kay Travis.Alam niya kung gaano kong kinamumuhian ang lalaking iyon. Naroon siya when Travis humiliated me sa harap ng maraming tao, yet heto siya ngayon at panay ang pangangaral sa akin. She wants me na makasal kay Travis kahit na ayaw ko!Ni hindi ko nga alam kung anong pinakain sa kanya ni Travis at para bang botong boto siya sa lalaking iyon! Travis is a fucking bastard. He's a manipulative slash arrogant man! Kung sinabi nga lang ni Nathalie nung una pa lang na si Travis ang magiging boss ko sa company na iyon, then sana hindi ko na tinanggap ang offer niya.I wonder kung kasabwat nga ba ni Travis ang mga kaibigan ko. Ni hindi ko nga alam kung papaniwalaan ko pa si Nathalie lalo na sa kung anong ginawa niya sa akin kanina!"No, you're not," she said while pointing at me. "Magi-stay k
Ngayon, alam ko na kung anong nararamdaman ni Travis nung mga panahong ako pa ang naghahabol sa kanya noon. Ganito pala yung pakiramdam, ano? Nakakabwisit.Kunot noo kong pinagmasdan ang kapeng inabot sa akin ni Travis. Sa halip na tanggapin ito, wala akong ibang ginawa kung hindi ang kunot noong sumimangot habang patuloy sa paghalukipkip sa kinauupuan ko."Para sa 'yo, 'to, Empress.""Hindi ako nagkakape," sagot ko na lang bago umismid sa kanya.Kitang kita ko ang pagngisi niya sa harapan ko, kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang umismid sa kanya at manahimik na lang sa kinauupuan ko.Tulad ng inaasahan ko simula nang magkrus ang landas naming dalawa sa Barcelona, sapilitan niya akong dinala sa airport upang iuwi sa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano niya nagawang damputin lahat ng gamit ko—maging ang passport ko—sa bahay. May kinalaman ba ang parents ko sa pagpunta ni Travis dito?May kinalaman ba ang mga kapatid ko? Si Kuya Lienzo ba? Imposibleng si Kuya Lienzo dahil
Ang buong akala ko, kapag nasa tuktok ka na, wala ng kung sino pa ang makakahila sa 'yo paibaba. Ang akala ko, kapag nasa tugatog ka na ng karangyaan, wala ng kung sino pa ang makakapag pabagsak sa 'yo.Akala ko lang pala ang lahat ng iyon."Ano?" singhal ko dahilan upang marinig ko ang pagpalahaw sa kakatawa ni Kuya Lucho. "Sinong nagdesisyon niyan? Ayoko, Mommy. Ayoko!" patuloy ko pa sa pagtanggi.Walang nagawa si Mommy sa screen ng laptop ko kung hindi ang dismayadong umiling nang makita niya ang reaksyon ko. Hindi niya ako masisisi—hindi nila ako masisisi!Nagdedesisyon na lang sila nang biglaan ng hindi man lang ako tinatanong kung pumapayag ba ako? Kahit sino naman ay magugulat sa ibinalita nila sa akin, hindi ba?Ang sabi ni Kuya Lucho ay dito lang kami magbabakasyon. Pumayag ako dahil sa kagustuhan nila. Ang buong akala ko bakaayon lang. Wala naman silang sinabi sa akin na dito na pala ako mag-aaral ngayong taon! Hindi naman porket pumayag ako nung una, papayag na rin ako sa k
Naaasiwa ako sa kanya. Naaasiwa ako kay Travis. Hindi ko alam kung bakit tila ba parati na lang akong kinakabahan sa tuwing kasama ko siya. Hindi naman sa sinasabi kong may gagawin siyang masama sa akin. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Hindi ko lang alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot sa tuwing nasa iisang lugar lang siya kasama ko.Alam mo ba yung kinakabahan ka sa maaari niyang isipin sa 'yo? Ganoon ang nararamdaman ko.Natatakot ako na baka sumama ang tingin niya sa akin. Natatakot ako sa maaari niyang isipin sa akin. "Namumutla ka, Empress?" natatawang puna ni Lucas bago umupo sa tapat ng mesang kinauupuan ko. "May problema ka ba? Mukha kang nakakita ng multo, ah?""Wala naman," sagot ko na lang bago ngumuso sa kanya.Pinagmasdan ko siyang kumuha ng pickled radish sa food tray ko. Huhuni-huni pa siya nang sinubo niya iyon sa harapan ko na mas lalo lamang ikinakunot ng noo ko."Bakit ba hindi ka na lang ulit manghingi ng pickled radish sa server?" asik ko na tinawanan
Tila ba mas lalo lamang nagpantig ang tenga niya nang dahil sa sinabi ko. Marahan siyang lumapit sa direksyon ko nang may galit sa mga mata niya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang taimtim na lang na manalangin habang paulit-ulit na nagdadasal na sana ay hindi niya ako suntukin sa oras na maubos ang pasensya niya sa akin.Mariin niyang hinawakan ang braso ko na nagbigay ng kuryente sa buo kong katawan. Mas lalo lamang nanlaki ang mga mata ko nang biglaan niya akong sinandal sa locker na nasa likuran ko. Kahit na nanginginig sa takot ay nakuha ko pa rin siyang titigan nang maayos kahit na medyo nawawala na rin ako sa sarili ko. "Kaya mo 'yan, Faye. Ginusto mo 'yan, 'di ba?" bulong ko sa isip kasabay ng pagkagat sa dila. "Tiisin mo. Ginusto mo ang atensyon niya, 'di ba? Eto na 'yon."Natatakot ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano nga bang mayroon kay Travis na ikinakatakot ko. Normal lang naman siyang tao tulad ko. Normal lang din naman siyang kumilos tulad ko. May buhay siyang tul
Ang sabi nila kapag mahal mo raw ang isang tao, ipakita mo. Gumawa ka ng paraan upang makuha mo lahat ng atensyon niya. Sa kaso namin ni Travis, kahit na minsan ay nararamdaman ko na ipinagtatabuyan niya na ako, patuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya. Talagang ginagawa ko ang lahat para lang magustuhan niya ako, tulad ng pagkahumaling ko sa kanya ngayon. Sana lang talaga ay magbunga ng magandang resulta lahat ng ginagawa ko ngayon para sa kanya, dahil kung hindi..."Ano yan?" tanong ni Lucas nang makita niya akong naghuhulog ng kung ano sa locker ni Travis.Bahagya pa akong napatalon nang dahil sa presensya niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito. Sinadya ko ngang magpa-late sa klase para hindi ako maabutan ng mga kaklase ko, tapos ay makikita niya ako rito?"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko.Mukha namang hindi niya nakita ang sobreng hinulog ko sa locker ni Travis kaya naman kampante ko siyang hinarap ngayon."Tinanghali ako ng gising kanina kaya ngayon lang ako nakap
"Empress, may nagpapabigay sa 'yo nito," saad ni Keyleigh bago inilapag sa desk ko ang kahon na hawak niya. Pabiro siyang umismid kaya naman hindi ko naiwasang mapangunot ang noo. "Ang dami ng manliligaw mo, ah? Kailan ba mauubos yan, Empress?""Kapag pumangit na siguro ako," sagot ko sa kanya na ikinangiwi niya.Mukha rin namang hindi interesado si Keyleigh na malaman nag laman dahil nang inilapag niya ito sa desk ko, nandesisyon na rin siyang iwanan ako sa upuan ko.Bahagya kong nilingon ang corridor sa pagbabaka sakaling naroroon pa ang lalaking nagbigay nito sa akin. Wala naman akong ibang nakita doon kung hindi ang mga kaklase ko, kaya naman wala tuloy akong nagawa kung hindi ang mapanguso na lang."Kanino na naman ba ito nanggaling?" bulong ko sa sarili bago muling nag-angat ng tingin.Agad akong natigilan nang makita ko si Travis na nakatitig sa direksyon ko. Natagpuan ko ang mata niyang nakatitig sa kahong nasa mesa ko, kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang lihim s
Kabi-kabila na ang mga planong nabubuo sa isip ko ngayon.Anong gagawin ko ngayon? Saan ako magtatago? Magtatago ba ako? Hahanapin ba nila ako kung sakaling hindi na ako magpakita? Huli na ba para magpa-transfer ng ibang school?Namumutla akong humilata sa kama habang pinagmamasdan ang ceiling ng kwarto ko."Paano ko siya haharapin niyan kung may kasalanan na naman ako sa kanya?" bulong ko sa sarili bago muling bumuntong hininga. "Paano ko siya haharapin kung narinig niya yung sinabi ko kahapon?"Hindi ko tuloy nagawang pigilan ang sarili ko na sisihin si Nathalie. Kung hindi lang niya ako dinramahan kahapon, e 'di sana ay walang mangyayaring ganito. Kung umiyak na lang siya nang mag-isa, e 'di sana ay hindi ako namomroblema ngayon. Bakit kasi sa dinami-rami ng pagkakataon na pwede niya akong kausapin, bakit kahapon pa?Hindi ba uso sa kanya ang emails? Bakit kaya hindi niya na lang naisip na padalhan na lang ako ng text message, o kaya ay kausapin niya na lang si Lucas at sa kanya na