Share

Deadly Sins Series: Lust
Deadly Sins Series: Lust
Author: Cathycastilloo

Prologue

"Mahalin mo lang ako, Seb. Lahat gagawin ko kahit na ibigay ko ang katawan ko sa'yo. Just please, please love me—"

"Tama na, Amethyst," he cut me off from my sentence. "I'm  already married with your cousin. Alam mo kung gaano ko siya kamahal kaya kahit anong gawin mo, hinding-hindi ko magagawa ang gusto mo." Umiling ako. Ang sakit, ang sakit sakit.

Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. Kung nakayanan ko mang magpanggap dati na masaya ako para sa kanila, ngayon ay hindi na. Para akong pinapatay tuwing nakikita silang masaya. Mas lumalim pa ang pagmamahal ko habang nagdurusa.

Hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Hindi naman ako ganito, but because of my love towards Seb, it makes me the one who I never expected to be.

Wala ako sa aking sariling tumayo at naghubad ng aking saplot sa katawan habang impit pa rin akong humahagulhol sa kaniyang harapan. Nakita ko kung paano siya nagulat at matigilan dahil sa ginawa ko.

It's now or never.

Kahibangan man ang ginagawa ko, wala na akong pakialam pa.

"Own me, Seb." I said without any trace of hesitations na mas lalong nagpatigagal sa kaniya.

"What the hell are you doing, Amethyst?" tila hindi niya alam ang gagawin habang hindi makapaniwalang nakatitig sa aking mga mata.

He didn't took even a single glance on my body.

And it pains me more.

"I want you to make love with me, please. Own me, Seb."

"I can't," he shook his head in disagreement. "Please, don't do this to yourself. Wag, Amethyst—"

"Bakit, Seb?" putol ko sa litanya niya. "Mas maganda naman ako kung ikukumpara kay Pietho, ah. I am more intelligent, sexier, hotter and richer than her, but why not me?" puno ng pait na sabi ko. "Kung tutuusin mas nauna kitang nakilala kesa sa kaniya, pero bakit hindi mo ako makita? Bakit hindi ako? Bakit siya pa? Alam mo ba kung gaano kasakit? Hindi ko matanggap! I tried, I tried accepting my fate that I will never have you, that I am just a best friend for you. But no, I can't. Hindi ko kaya. Sobrang mahal kita, Seb na halos lahat ay kaya kong ibigay para sa'yo na kahit hindi mo hilingin. That's how much I am madly in love with you. That I can do everything just to have you. That I'm willing to be a freaking desperate woman, just to own you!" Lumapit ako sa kaniya at sabay na hinaplos ang kaniyang tulala pa ring mukha. "I am willing to give you my everything, Seb. Kahit magmukha na akong tanga, gagawin ko. Ganyan kita kamahal."

"But I don't love you," after a moment of silence, he said like a sharp dagger that pierced my heart mercilessly. "I don't feel the same way, Amethyst. Mahal kita bilang kaibigan, at hanggang doon lang iyon." Lumayo siya mula sa akin bago inisa-isang kinuha ang mga saplot kong nagkalat sa sahig. "Get dressed, baka malamigan ka." Binigay agad niya sa akin ang mga damit kong pinulot niya sa sahig bago niya ako tinalikuran. At bago pa siya makalabas ng kwarto ko ay lumingon siyang muli sa akin at nagsalita sa huling pagkakataon. "Sana makahanap ka ng taong mamahalin ka ng buo, a man that will see your worth and treasure you like a diamond, yung taong hindi katulad ko." And he walked away.

Parang lantang gulay naman akong napaupo sa may sahig at humagulgol ng iyak. For a second time around, tuluyan nang nawasak ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.

Wala talaga akong laban sa'yo, Pietho. At yun ang hindi ko kayang matanggap.

I hate you... I hate you so much!

Puno ng galit, puot at inggit ang puso ko nang tumayo ako't nagbihis. Matapos kong magbihis muli ng aking damit ay naglakad ako patungo sa aking vanity mirror at tinitigan ang aking sarili.

I'm a mess.

Pero hindi ako susuko... Hindi ako makakapayag na habang buhay akong magdurusa ng ganito habang nagpapakasaya kayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status