Share

Chapter 3

Nauna na akong tumungo sa venue ng reception, sa hotel. And as expected, ako pa lang sa mga kamag-anak namin ang nandito sa venue dahil paniguradong nasa simbahan pa sila o papaalis pa lang sila doon. Hindi din naman ganoon kalayo ang hotel sa simbahan.

Binati ako ng ilang mga kaibigan ni Daddy at ni tito Robert sa business na nakakakilala sa akin nang makita ang pagdating ko. May mga tables for relatives and tables for guests. Uupo na sana ako sa tables for relatives since pinsan ko naman si Pietho, ay may biglang lumapit sa akin na waiter at sinabi na hindi raw doon dapat uupo ang maid of honor at bridesmaids.

Wala naman akong nagawa kung hindi ang umupo sa upuan ng mga bridesmaids. Tahimik lang akong naghihintay sa pagdating nila nang makarinig ako ng ingay. I'm pretty sure that they're already here.

Nilingon ko ang mga nagsidatingan, nakaline-up na pala ang mga bridesmaids at grooms men sa entrance ng function hall habang may hawak-hawak na maliliit na basket na naglalaman ng mga rose petals.

Matapos ang ilang minuto ay dumating na rin sila, ang bagong kasal.

"Mabuhay ang bagong kasal!" rinig kong sigaw nila at sabay-sabay na sinabuyan sila ng rose petals at nagpaputok ng confetti.

Umiwas na agad ako ng tingin dahil hindi ko talaga sila kayang makita na sobrang saya. I drank a glass of water served on the table as I took a deep breath.

Okay lang ako. Yeah, malalampasan ko rin ang araw na ito.

The planned program for the reception started when Seb and Pietho sat at their specialized table and chairs. Ginawa nila ang karaniwang ginagawa ng bagong kasal sa reception.

"Now, let's ask the cousin for a special congratulatory message," biglang sabi ng emcee at nag pagting ang aking tenga.

Did he just say cousin?

Napatingin ako sa may harapan. I saw Seb and Pietho stared at me with a pure bliss on their face. Napaiwas ako ng tingin at nahagip ng tingin ko si Wade na napatingin din pala sa akin. Trying to please me with his eyes na sumunod na lang ako and give a fucking congratulatory message to the both of them.

I took a deep breath before I stood up at taas noong lumapit sa harap at kinuha ang inabot na mic ng emcee ng kasal sa akin. Humarap ako sa mga bisita lalong lalo na sa bagong kasal na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

I bit my lower lip as I took a deep breath. Yeah, I can do it.

C'mon Amethyst, you're a Villarreal. Hindi ka dapat nagpapakita ng kahinaan.

"Hello," bati ko sa kanila sa simpleng paraan. "To be honest, I really don't know what to say. But yeah, congratulations for the both of you. I'm so happy that you found happiness to each other." Binigyan ko ng isang tipid na ngiti sina Pietho at Seb. "Well, there's a part of me that feels like I'm going to lose Pietho but... but that's the way it would be. Things wouldn't be the same anymore that she'd be married but... but she's always be my sister, my girl best friend aside from Seb and nothing can change that. I wish you all the blessings in life and may your family grow in love. Once again, congratulations." Katakot-takot na pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi tumulo ang mga luha ko. It was really a hard thing to do. Good thing dahil nacontrol ko ang sarili ko.

Para ipakitang totoo na masaya ako para sa kanila. Walang pagdadalawang isip na lumapit ako sa kanilang dalawa at yumakap habang pigil-pigil ko ang sarili kong umiyak sa sakit.

"Thank you, couz. I love you." Pietho said before we pulled ourselves in our tight hug.

"I love you, too." I answered as I look at Seb. "Take good care of my cousin." I added before I turned my back at them.

I should go now. I must go and leave. I can't take the heartbreak anymore longer. It's fucking suffocating and it's killing me.

Emotionally.

"WHAT the hell am I still doing here?" tanong ko sa aking sarili. Umiiyak ako habang naiiling.

Baliw na yata ako.

Nandito ako ngayon sa labas ng hotel kung saan ginanap ang wedding reception. Umalis ako kanina at hindi na bumalik. For what? For them to see me breakdown because of heartbreak? No way.

Napatitig akong muli sa may hotel habang nakasandal sa kotse ko. I know for sure that Pietho and Seb are still there. They would stay there for the night dahil bukas na bukas din ay lilipad na sila papuntang switzerland for their honeymoon. Their next destination is London and paris. Isang buwan rin silang mawawala para sa honeymoon nila.

And here I am, still looking at the hotel. Nakaalis na ang lahat ng bisita at ako na lang ang parang timang na nanatili pa dito, nakatitig sa hotel. Pinauna ko nang umuwi sina Mommy at Daddy. Sinabi ko na sasabay na lang ako kay Athena, kaibigan ko na Bestfriend ni Pietho na dumalo rin ng kasal. I reasoned out that we have a plan to hang out tonight with some of our business colleagues. But the truth was, I just wanted to be alone for a while.

Totoo naman na niyaya ako nila Athena na lumabas pero tumanggi ako dahil, ayoko lang. But now, here I am and doesn't know if where should I go. I don't want to go home yet. I actually wanted to go on a bar and drink until I become wasted. Gusto kong magpakalasing at ipagluksa ang sakit at pagkabigo ng puso ko. Gusto kong iiyak ang lahat ng natirang luha ko because I wanted to start anew. Wala naman akong makausap na kaibigan dahil si Seb at Pietho lang din ang pinakamalapit sa akin.

So practically, I have no one to share my heartache with. I don't have someone who could understand what I felt at the moment. Ang gusto ko lang naman ay iyong taong makikinig ng lahat ng setimyento at sama ng loob ko. Ayokong makarinig ng kahit anong mga payo at opinyon. I just wanted someone to listen. But even that wasn't likely to happen.

Malungkot na pinagmasdan kong muli ang hotel. Naalala ko ang araw na una ko s'yang makilala. Kung paano n'ya ako pinagtatanggol sa mga mapang-asar kong mga kaklase. He was my prom date in junior and senior highschool. And my escort noong 18th birthday ko. So many memories. So many things in my life with Sebastian in it. Now, how could I move on from that?

I let my tears to stream down my face because of pain. It was about time to let myself cry or I would go crazy.

A love lost. That was my sentiment.

He's my first love, so practically it was also my first heartbreak. At ngayon ko lang nalaman na ganito pala kasakit. Mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon kaysa noong mga panahong hindi n'ya napapansin ang feelings ko para sa kan'ya. Mas masakit ngayon dahil, kung dati at may pag-asa pa akong umasa na sana makita n'ya ako bilang babaeng nagmamahal sa kan'ya at hindi bilang kaibigan. Ngayon ay nawala na ang pag-asang iyon at napalitan na ng sakit at paninibugho dahil kasal na s'ya. Nakatali na. At iyon ang palatandaang wala na talaga akong pag-asang mapansin ng isang Sebastian Almonte.

I will always remain as his girl bestfriend. No more, no less.

"Yeah, cry... You need to."

Mula sa kung saan ay narinig ko ang tinig na iyon. I immediately wipe away my tears as I composed myself. Ilang sandali pa at naramdaman kong may tumabi sa akin. It's no other than, Wade Coleman.

Hindi ba talaga ako tatantanan ng lalaking ito?

"Oh c'mon. What the hell are you doing here?" inis na tanong ko sa kan'ya.

"I've been watching you," he answered casually not looking at me but at the hotel where I was staring at earlier.

"Is that new?" I said sarcastically. "You always do that which irritates me so much."

"Now you're diverting your frustrations and anger to me. Still normal," balewalang wika n'ya as he turned his gaze at me.

"You think you know me but you don't," inis na sabi ko sa kan'ya saka ko s'ya iniwan. Pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay naabutan n'ya agad ako.

He grab my arms as he forced me to face him.

"Oh, I know you, Amethyst. In fact, I think I know you better than Sebastian."

"How conceited can you get?" iritang tanong ko sa kan'ya.

Kailan ba ako titigilan ng lalaking ito? Kung hindi lang ako babae ay kanina ko pa binasag ang pagmumukha nito.

"Want to try me?" paghahamon n'ya sa akin.

I really hate his guts!

"Read my lips, Wade." I stared at him intently which he did the same. "You-fucking-leave-me-alone. You fucking get that?" Saka ko marahas na hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak n'ya saka nagpatuloy sa paglalakad paalis.

I really fucking hate him! Why can't he just leave me alone?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status