Share

Chapter 4

"Why don't you admit it, Amethyst?" he said still following me.

I rolled my eyes. Bakit ba sobrang kulit ng lalaking ito? Kailan nya ba ako titigilan?

"Admit what?"

"That you need me."

Biglang nagpagting ang magkabila kong tenga sa narinig dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad, marahas at hindi makapaniwala na napatingin sa kanya. What he had said was very unbelievable! Ang kapal naman ng mukha n'ya na sabihing kailangan ko s'ya?

"Say that again?" I said with my forehead creased.

"You need me," diretsang sabi n'ya.

I laugh sarcastically. Paano n'ya nasasabi na kailangan ko s'ya? Ganoon na ba kalaki ang pagkabilib n'ya sa sarili n'ya para isipin ang bagay na iyon? How pathetic!

I never wanted someone except Seb! Kung may nanaisin man akong tao ngayon, si Seb iyon at hindi sya!

"Really?" hindi ko makapaniwalang tanong. "And, can you enlighten me Mr. Wade Harris Coleman, on why it entered your mind that I need you?" I said as I crossed my arms with my head up high and raised my brows.

He look at me with his serious gaze. Well, I can't deny how perfect his features is. Stubborn jaw, kissable lips, pointed nose and his fluffy eyes na animoy laging bagong gising. Hindi ko maipagkakaila na lamang s'ya ng ilang paligo kay Seb, but no, I still don't like him.

"C'mon, Amethyst. Can you just forget your dislike about me for once? That you come close on hating me? Just admit that you need me."

Wow! Gusto ko s'yang palakpakan. Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking ito. Sa sobrang kapal ang sarap n'yang balatan!

"I can't believe you."

"Or if you want me to put it in another way, you need someone who will listen to you," he said not minding my words.

"And you think you're that person?" I said with my raised brow.

"I believe I'm the only one person who's willing for that job."

I was stilled for a moment.

Is he serious?

Napatitig ako sa kanya ng ilang sandali, pilit iniisip kung nagbibiro lang ba s'ya o hindi o talagang sira na ang ulo n'ya. And the moment I realized that he is really serious about it, I started to smile... then laugh.

Hindi ko alam but well, wala naman sigurong mawawala kung susubukan kong mag-open-up sa isang taong katulad n'ya. I should give it at least a try.

Umayos ako ng tayo at naglakad para lang huminto at humarap sa kan'ya. At dahil matangkad siya ay kailangan ko pang tumingala upang magpantay ang aming mga tingin.

"Tell me. Are you crazy or something?" nakangiting tanong ko habang nakapamewang.

"Something," pamimilosopong sagot n'ya at naglakad palapit sa akin.

Huminto s'ya sa may harapan ko, yumuko ng bahagya at sinalubong ang aking mga mata. I had always been uncomfortable meeting his eyes. For his eyes seemed so knowing. Tila ba, sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin ay basang-basa nya ang lahat ng nilalaman ng puso at isip ko.

That I am an open book for him.

Una akong nag-iwas ng tingin. I really can't stand staring at him that long.

"Alright, Wade. You got yourself a deal." I said in defeat. "Did you bring your car?" I asked. Hindi s'ya kaagad na nakasagot dahilan upang mapatingin ulit ako sa kanya. Nanatili lamang s'yang nakatitig sa akin. Stunned. I raised my brows once again as I walked closer to him. "Hey, Wade!" malakas na tawag ko sa pangalan n'ya dahilan upang mapaigtad s'ya sa gulat.

"Y-yes?" gulat na tanong n'ya. Halatang hindi s'ya makapaniwala na bigla akong naging cooperative sa kan'ya sa mga oras na ito.

Well, for a change na rin. Wala naman sigurong mawawala kung sasama ako sa kaniya. I wanted someone to lean on even just for a night. Even just for tonight.

"Ang sabi ko, dala mo ba ang kotse mo?" ulit na tanong ko sa kan'ya saka namewang. "Ano, tititigan mo na lang ba ako buong magdamag?"

I've decided to give him a chance. If he was the right choice then I will give him a chance. If he would listen to me and understand my qualms then I need him like what he claimed.

"Y-yes, oo naman. Nasa parking lot ng hotel," sagot niya naman na halatang gulat pa rin at hindi makapaniwala.

"Then, c'mon. Let's grab a drink. Let's enjoy the night," sambit ko at nauna nang naglakad patungo sa parking lot ng hotel na sinasabi niya.

"What? A drink?" takang tanong naman niya habang nakasunod sa akin.

Tumango ako. "Uh-huh."

"You mean, alcoholic drink or maybe a wine?"

"Yes!" I answered right away. " Everything. Alcohol, wine, tequila, martini, beer. Whatever it is! I need to drink or I'll go crazy just by thinking about Seb and Pietho!"

"Oh," he uttered surprised.

"Now, maniniwala ka pa rin ba na kailangan nga kita?" tanong ko nang makita ko ang hitsura nito ngayon na hindi makapaniwala sa pagiging straight forward ko.

"You bet, I still do," he said as he grinned, showing me his perfect white teeth and oh, a dimple.

Lalaking may dimple. Naks, baka bukas may susugod sa akin na girlfriend niya or something related to that dahil magkasama kami ngayon at baka maissue pa kami. Alam niyo naman dito sa pilipinas, lahat issue. Oh baka naman may fan girls ito? At kuyugin ako ng mga yun.

Kunsabagay, hindi naman maipagkakailang gwapo si Wade. At hindi imposible na maraming magkakagusto sa kaniya. And yes, gwapo nga siya I admit it, why should I deny the fact that he's a good looking man. Hindi naman ako ganun kabitter.

Pagkarating namin sa may parking lot at hinanap na agad namin ang sasakyan niya na nasa hindi naman kalayuan sa amin. He opened the passenger seat door for me and without having any second thoughts, I slid myself inside and settled myself on it. Pagkatapos ay lumigid ito sa kabila at pumuwesto sa drivers seat.

"Where to?" he asked that made my brows raised.

"Ikaw ang mas nakakaalam sa mga bagay na ito, so I'll trust your choice Mr. Coleman." I said and lean my back at the backrest of the passenger seat.

"Talaga? Well, that's new."

Hindi ko na lang siya pinansin, bagkus ay sumandal na lang ako sa backrest ng passenger seat at itinuon ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. And for the last time, I stared at the hotel where Seb and Pietho stayed for the night. I could feel how hard it is for me to accept everything. That Sebastian Almonte will never be mine, not even in my dreams. That there isn't any chance for us, for me that he would love me too, the way how much I love him.

Hindi ko kayang kalimutan ang pagmamahal ko sa tanging taong pinaglaanan ko ng puso ko buong buhay ko. But I could cry my heart out for tonight at least. Just to make me feel the pain lessen just for this night. With Wade of course.

I close my eyes and took a deep breath just to feel relax for a moment. Gusto kong kahit sandali lang ay maipahinga ko ang aking isip at puso sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako dahil sa dinami-rami ng iniisip ko, isali mo pa ang bigat at sakit ng nararamdaman ko buong araw.

Nang magising ako ay nasa kotse pa rin ako, ngunit nakahinto na sa isang malaking gusali.

"Where are we?" tanong ko agad nang makaupo ako ng maayos sa passenger seat ng kotse at inayos pa ang medyo nagusot kong damit bago lumingon sa gawi niya.

"You were asleep when we passed the bars. I don't want to wake you up and I also don't know where to take you. I thought of taking you home pero naisip ko na baka isumpa mo ako if I'll do that so, bumili na lang ako ng maiinom sa 7/11. Pagbalik ko sa kotse, you're still asleep so, I just... I just decided to bring you here so you could rest."

I rolled my eyes at him as I give him my bored look. "I'm not asking if what happened when I asleep. What I wanted to know is, where exactly are we?" mataray pero inaantok ko pang tanong.

He took a deep breath before answering my question. "My condo," he said. "My unit is still on the top floor. But if you still want to go to the bar, I could bring-"

"Your place would be fine. Besides, masyadong maingay sa bar so, I don't mind. Tara na," sabi ko at nauna nang bumaba ng kotse.

Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin dala-dala ang supot ng mga inuming kaniyang binili sa 7/11. Pagkapasok namin sa loob ay hindi na ako nagulat nang mapansing, halos lahat ng mga taong nasa lobby ay nakatingin sa amin.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin na ang isang sikat na si Wade Coleman ay may kasamang babaeng katulad ko na mukhang tangang sabog ang buhok na halatang bagong gising, mugto ang medyo singkit na mga mata tapos, naka gown pa na gusot gusot na.

Sa ayos at postura ko ngayon, hindi na ako magtataka kung mapagkamalan akong long lost sister ni sadako.

But FYI, mas lamang lang ako ng ilang paligo kay sadako.

Hindi ko pa pala nasasabing, isang sikat na artista si Wade. At hindi na ako magtataka kung kinabukasan nito ay dudumugin na ako ng mga reporters sa labas ng bahay ko nang dahil sa nakita nila ang isang famous star and artist na si Wade Coleman na may kasamang non-showbiz na babae.

Oo nga pala...

Jusko, bakit nga ba ngayon ko lang ito naisip?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status