Share

CEO's Hot Encounter
CEO's Hot Encounter
Author: Babz07aziole

Chapter One

BATA pa lamang si Minnie Ledesma ay kinamulatan na niya ang hirap sa probinsiya nila. Lumaki siya sa maliit na kubo ng mag-asawang Alicia at Hermenio Ledesma na pawang pagsasaka lang sa Bayan ng La Buento del Corazon ang pinagkakakitaan. Magkagayunman ay hindi sapat ang kinikita ng mag-asawa dahil sa nakikisaka lang naman ang mga ito sa bukirin ni Don Hidalgo ang nagmamay-a*i ng mga lupang pinagsasakaan ng mga kapuwa nila hikahos sa buhay.

Dahil sa tatlo pa silang pinapakain at pinag-aaral pa ang dalawang nakakabatang kapatid ay nagkukulang sa pang-araw araw ang mga ito. Ngunit kahit na kailan ay hindi nagreklamo si  Minnie sa buhay na kinalakhan niya. Iniisip niya na balang-araw ay may darating sa kanyang buhay na isang prinsipe na magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap niya sa buhay.

"Hoy! Minnie Ledesma! ano na naman mukha iyan!"Nanggulat na sabi ni Carol sa kanya.

"Ahy! palaka!"sigaw ng dalaga na muntik pa niyang ikahulog sa kinauupuan na malaking bato. Mabuti na lamang at nakakapit siyang maigi, kung 'di mahuhulog siya sa ibaba ng bundok.

Hindi lang siya mapipilayan, kung 'di tiyak ikamamatay pa niya.

"Ano ba! Carol muntik na akong mahulog! gusto mo na ba akong mamatay agad? Paano ko na makikita ang prince charming ko na itinakda ng langit kung maaga akong matitigok!"drama niya sa kababata na imbes na matakot sa nakabakas na galit sa mukha niya ay tawang-tawa pa ito.

"Ikaw kasi, disi-nuebe ka na pero naniniwala ka pa rin sa mga fairytale romance na nababasa mo sa mga pocketbook na hinihiram natin kay baklang Osang. Tinutukoy nito ay ang may-a*i lang namang ng hair salon sa may bayan.

"Hee! wala ka ng pakialam doon, basta ako naniniwala na darating sa buhay ko ang lalaking mag-aahon sa akin sa kahirapan ng buhay,"puno ng pag-asa ang tinig ni Minnie na itinaas pa ang mukha sa may kalangitan.

Napakaganda ng lugar kung saan sila naroon. "Bantay bato" ang tawag nila roon. Dahil napapalibutan ng naglalakihang bato ang bundok na iyon. Noong unang panahon ay ginawang kampo ang ituktok ng bundok ng mga sundalong Hapon ng sakupin ang Pilipinas. Nang maitaboy ng tuluyan ang mga ito ay ginawa na lamang tourist attraction ang bantay bato sa La Buento del Corazon.

"Naku! kung ako sa iyo ay pagtuunan mo ng pansin ang paghahanap-buhay Minnie. Hindi na tayo mga bata, matatanda na rin mga magulang natin,"wika nito.

Kaya upang masentro ang atensyon ng dalaga sa sinabi ng kababata.

Bigla siyang nalungkot dahil doon, maya-maya ay naramdaman ni Minnie ang masuyong dampi ni Carol sa balikat niya. Tuluyan siyang napayuko at tila nagbabanta na rin bumagsak ang mga luha sa magkabilang mata niya.

"Kung ako sa'yo ilabas mo lang iyan best friend..."

Dahil sa narinig ay hindi na napigilan ni Minnie na pumalahaw ng iyak. Halos limang minuto rin siyang hinayaan ni Carol sa ganoong ayos. Nang tumigil siya ay nag-umpisa ng mag-usisa ang kaibigan sa kanya.

"Hindi ko naman sinasadiya, pero narinig ko si Mama. A-ang sabi ay may cancer sa bituka si Nanay Alicia,"may himig ng pagkaawa ang tinig nito kaya upang hindi mapigilan ni Minnie na maluha ulit.

"Oo m-may malubhang sakit si Nanay, kaya nga hindi ko alam ang gagawin ko. Kung saan ba ako kukuha ng perang pampagamot niya,"ani ni Minnie na suminghot-singhot.

Agad naman naglahad ng malinis na panyo si Carol, hindi na nahiya si Minnie at agad na niyang kinuha iyon. Barado na kasi ang ilong niya at kailangan niya ng magagamit para maalis ang sipon niyang namumuo dala na rin ng mabigat niyang pag-iyak.

"Kaya agad akong nagpunta dito sa bantay bato kasi alam ko na narito ka. Hindi nga ako nagkamali andito ka nga,"dagdag pa ni Carol na awang-awa sa kababata.

Saksi na rin kasi ito sa mga pinagdaanan sa buhay ni Minnie magmula pagkabata. Kahit paano ay nakakaangat sa buhay ang pamilya nila. Nagmamay-a*i lang naman ng sikat na ka*inderya sa bayan ang Mama nito. Habang ang tatay naman nito ay nagta-trabaho bilang driver sa isang mayamang pamilya sa Maynila.

"Hindi ko nga alam kung ano ng gagawin ko. Lahat naman pinasok ko na para makatulong lang kina Nanay at Tatay. Pero hindi ko na alam, saan pa ako makakakita ng extra na trabaho na malaki ang kita kung wala naman akong natapos na kurso sa kolehiyo,"malungkot na saad ni Minnie.

High school graduate lang kasi ang natapos ng dalaga. Binalak na rin niyang mag-college dati, kaso ang mga naiipon niyang pera mula sa pag-e-extra niya sa iba't ibang trabaho nila dito sa probinsiya ay nailalagay lamang sa pag-aaral ng dalawa pa niyang kapatid na babae.

"May alam ako, baka gusto mo?"biglang sabi ni Carol.

"Ano iyon?"

"Ang sabi sa akin ng pinsan kong nasa Manila ay isang beses ay nag-part time job siya sa isang party bilang show girl ng mga mayayaman. Alam mo bang malaki ang kinita niya sa isang gabi, bes! twenty thousand lang naman!"exxagerated na kwento nito.

"W-Wow! talaga anglaki naman,"napapantistakuhan na sambit ni Minnie. Sa tanang buhay ng dalaga ay never pa siyang nakakahawak ng ganoon kalaking pera.

"Oo, dagdag pa roon na limang oras lang naman siya nagtrabaho sa party na iyon dati."

Dahil doon ay na-corious tuloy si Minnie kung anong klaseng trabaho iyon.

"Tara na bez, baka kanina ka pa hinahanap sa hacienda ni Don Hidalgo. Pag-isipan mo muna kung gusto mo i-try iyon at agad kong itatawag sa pinsan ko,"pag-aya na ni Carol na bumaba sa bundok.

Tumango na lang din si Minnie at tuluyan na siyang tumayo at sumunod sa kaibigan. Hindi pa sila nakakapasok sa malaking gate ng mga Hidalgo ay nakita nila mula sa malayo ang nakatayong si Yessha na pinapayungan ng personal maid nito. Unica ija ni Don Hidalgo. Kinabahan tuloy silang magkaibigan sa nakikitang pagkalukot ng mukha nito.

"Hey! mucha-cha! saan ka ba nagpupunta at kanina pa kita hinahanap. Pumasok ka na nga at pakiligpit ang mga gamit ko sa study room. Pagkatapos niyon ay tumulong ka sa kusina ipag-luto mo ko ng carbonara!"ora-oradang utos nito sa dalaga.

"S-sige po, senyorita,"nasabi ni Minnie.

"Mauuna na ako bff, kita na lang tayo sa ibang araw. Aasikasuhin ko pa kasi iyong thesis ko sa isang major subject ko,"sabi naman ni Carol.

Tumango na lang si Minnie at tuluyan ng pumasok sa loob ng mansyon. Sa totoo lang ay kahit paano ay nagkaroon ng kaunting inggit si Minnie sa kaibigan. Dahil makakapagtapos na ito ng kursong Education. Habang siya ay mananatili na yatang alila ng mayayaman sa probinsiya nila.

Mabilis na inasikaso ni Minnie ang mga ipinapagawa ni Yessha sa kanya. Maging ang carbonara ay natapos niya rin agad bago pa siya mabalikan ng malditang anak ng amo.

"Minnie! where are you! nasaan ang carbonara! my gosh ba't ang kupad-kupad mo. Hindi ba't sinabi kong bilisan mo dahil may mga bisita akong darating!"mataray na naman anas nito habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.

"P-pasensya na senyorita, heto na po,"nanginginig ang boses na sabi niya. Nakayuko lamang siya habang inilalagay niya sa lamesa ang plato.

Ngunit halos mabingi siya sa pagtili nito.Nang hindi sinasadiyang natapon sa damit nito ang baso ng juice na ini-inuman nito. Sa pagkataranta niya ay hindi na napansin ni Minnie na may nakaharang pala sa paglalagyan niya niyon.

"T*nga-t*nga mo! boba ka ba! my gosh kita mong ginawa mo sa branded dress ko! Alam mo ba kung magkano ito? two hundred thousand pesos lang naman!"Nanggagaiting bulyaw ng babae na dinuro-duro pa siya. Hindi pa ito nakuntento ay malakas pa siyang itinulak upang maging dahilan ng pagkasalampak niya sa floor.

Ganoon naman naaktuhan sila ni Don Hidalgo.

"Yessha what are you doin? pwedi ba huminahon ka,"saway ni Don Hidalgo na hinila ito palayo kay Minnie na nag-iiyak.

"No! see, may darating akong mga bisita at dahil sa hampas lupa na iyan ay nadumihan na ang brand new at pagkamahal-mahal kong dress!"maarte nitong saad sa ama.

"Madami ka pa naman damit na hindi pa naisusuot, go change!"taboy na lang ni Don Hidalgo.

"Ugh!what ever parati na lang na iyang poorita na iyan ang pinagtatanggol mo. Diyan na nga kayo!"inis na sabi ng dalaga at tuloy-tuloy na itong iniwan sila.

Tuluyan naman tinulungan tumayo  ni Don Hidalgo ang dalaga na agad umiwas ng tingin at inilayo ang kamay na hawak-hawak nito.

"Pagpasensiyahan mo na si Yessha, siguro bad mood lang iyon. Okay ka lang ba? hayaan mo pagsasabihan ko siya,"sabi pa nito.

"Salamat po, p-pero hayaan niyo na po baka lalo pa po niya akong pag-initan. Sige na po lilinisin ko pa po ang kalat dito,"pag-iwas ni Minnie.

Ang totoo ay sobra siyang naiilang sa ginagawa nito, pakiramdam niya ay may kakaiba sa mga ipinapakitang pakikitungo ni Don Hidalgo.

Kaya habang maaga pa ay kailangan na niyang umisip ng paraan para hindi siya patuloy na hamak-hamakin ni Yessha.

Dahil doon y muli niyang naalala ang isinunestiyon na trabaho ng kababata niyang si Carol sa Maynila...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
shadows Ghana
Kawawa naman siya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status