TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.
Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kasAGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
BATA pa lamang si Minnie Ledesma ay kinamulatan na niya ang hirap sa probinsiya nila. Lumaki siya sa maliit na kubo ng mag-asawang Alicia at Hermenio Ledesma na pawang pagsasaka lang sa Bayan ng La Buento del Corazon ang pinagkakakitaan. Magkagayunman ay hindi sapat ang kinikita ng mag-asawa dahil sa nakikisaka lang naman ang mga ito sa bukirin ni Don Hidalgo ang nagmamay-ari ng mga lupang pinagsasakaan ng mga kapuwa nila hikahos sa buhay.Dahil sa tatlo pa silang pinapakain at pinag-aaral pa ang dalawang nakakabatang kapatid ay nagkukulang sa pang-araw araw ang mga ito. Ngunit kahit na kailan ay hindi nagreklamo si Minnie sa buhay na kinalakhan niya. Iniisip niya na balang-araw ay may darating sa kanyang buhay na isang prinsipe na magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap niya sa buhay."Hoy! Minnie Ledesma! ano na naman mukha iyan!"Nanggulat na sabi ni Carol sa kanya."Ahy! palaka!"sigaw ng dalaga na muntik pa niyang ikahulog sa kinauup
HALOS maluha-luha si Minnie, habang naglalakad palabas sa munting kubo nila. Bit-bit niya ang hindi kalakihan bag na ipinahiram pa sa kanya ni Carol.Nakasunod din sa kanya ang Nanay, Tatay at ang dalawa niyang kapatid na babae na nag-iiyak na rin."Ate mag-iingat ka roon huh, baka may maitabi kang pera mabilhan mo na kami ng tig-isang touch screen na phone nitong si Mandy,"ungot naman ni Monina."Ano ka ba naman ate Monina, hindi pa nga nakakaalis si ate Minnie ay kung ano-ano ng ipinapabili mo,"nanunuway na pamamagitan naman ni Mandy ang bunso nila. Dose palang ito, ngunit mas matured na itong mag-isip kaysa sa sinundan nito na si Monina na labing-anim na taon na rin."Joke! lang naman, pero malay natin mabilhan nga tayo ni ate ng touch screen na celpon!"nae-excite na sabi ni Monina."Tama na nga iyan, ang dapat mong gawin doon Minnie ay lagi kang tumawag sa maykapal. Kapag nakabili ka na ng cellphone kahit iyong de keypad lan
KUNG nanggilalas na si Minnie sa unang pagkikita pa lang nila ni Sandy ay lalo na ng nakauwi na sila. Dahil sa isang maganda at expensive na condominium unit ito nakatira."Wow sobrang ganda naman ng bahay mo Dee, magkano bili mo rito?"tanong ni Minnie habang inililinga niya ang mata.Tuluyan naman pumasok sa loob si Sandy, tuluyan na nitong inalis ang strapless na heels at inilapag na lang sa carpeted na floor."Mabuti naman at nagustuhan mo rito, halika at maupo ka muna rito sa sofa habang hinihintay ko ang in-order kung food for us,"sabi pa nito.Sumunod naman siya at tuluyan na ngang naupo sa malambot na sofa. Kulang na lang ay magtatalbog siya roon."Alam mo nakakatuwa ka,"maya-maya ay sabi ni Sandy. May hawak na itong wine glass.Ngumiti lang ng matipid si Minnie, bigla ang ginawa niyang pagtayo ng makita ang flat screen T.V ni Dee.
HALOS mahilo-hilo na si Minnie sa naging biyahe nila. Parang gusto bumaligtad ang sikmura niya at mailabas niya ng tuluyan ang mga kinain. Hindi kasi siya talaga sanay sa pagba-biyahe, kapag nagpupunta nga siya sa San Francisco del Lecuenco; kabilang Bayan sa probinsiya nila ay nanakit na ang ulo niya. Kaya bago siya magbiyahe papuntang Maynila ay humingi pa siya ng gamot pangontra sa hilo sa kaibigan niyang si Carol. Sa totoo lang ay naging makapal na ang pagmumukha rito, dito rin siya nakakuha ng mga extra job na pinapasukan niya sa nayon nila. Kailangan niyang tatagan ang loob para sa kapakanan ng pamilya niya, walang mabuting maidudulot kapag pinairal niya ang hiya sa kasalukuyan estado ng buhay niya ngayon.Pero ewan ba niya, pagdating kina Don Hidalgo at Sandy ay sobra-sobra siyang nahihiya. Marahil dahil hindi naman sila malapit at malayo ang agwat ng buhay niya sa mga ito. Pakiramdam niya kapag dumami ng dumami ang mga nakukuha niyang bagay sa mga ito ay lalaki ri