Share

Chapter Four

HALOS mahilo-hilo na si Minnie sa naging biyahe nila. Parang gusto bumaligtad ang sikmura niya at mailabas niya ng tuluyan ang mga kinain. Hindi kasi siya talaga sanay sa pagba-biyahe, kapag nagpupunta nga siya sa San Francisco del Lecuenco; kabilang Bayan sa probinsiya nila ay nanakit na ang ulo niya. Kaya bago siya magbiyahe papuntang Maynila ay humingi pa siya ng gamot pangontra sa hilo sa kaibigan niyang si Carol. Sa totoo lang ay naging makapal na ang pagmumukha rito, dito rin siya nakakuha ng mga extra job na pinapasukan niya sa nayon nila. Kailangan niyang tatagan ang loob para sa kapakanan ng pamilya niya, walang mabuting maidudulot kapag pinairal niya ang hiya sa kasalukuyan estado ng buhay niya ngayon.

Pero ewan ba niya, pagdating kina Don Hidalgo at Sandy ay sobra-sobra siyang nahihiya. Marahil dahil hindi naman sila malapit at malayo ang agwat ng buhay niya sa mga ito. Pakiramdam niya kapag dumami ng dumami ang mga nakukuha niyang bagay sa mga ito ay lalaki rin ang utang na loob niya.

"Tara Minnie, unahin na muna natin puntahan ang beauty salon,"tawag nito sa kanya.

"S-sige, siya po pala ano pa lang pangalan mo. Hindi pa pala ako formal na nagpapakilala, ako nga pala si Minnie Ledesma taga---"Ngunit mabilis na siyang pinutol nito sa pagsasalita.

"Kilala na kita, sa totoo lang ay nai-kwe-kwento ka na ni Mommy Dee. Ako nga pala si Rico Manuel tubong Capiztrano ako. You can call me  Tita Rica,"pakilala nito sa kanya.

"S-sure Tita Rica."Saka niya inilahad ang kamay niya upang makapag-hand shake sila.

Hindi naman siya pinahiya nito, kahit mukhang mataray ang assistant ni Sandy ay mabait din pala ito.

"Shall we proceed?"tanong ni Rico ng tumango siya ay nagpatiuna na itong naglakad sa entrance ng mall. Nilingon pa ni Minnie ang itim na kotseng sinkyan nila, ngunit wala na ito roon. Marahil ay nagpark na ito sa ibang lugar.

Tuloy lamang sa pagsunod si Minnie sa lalaki, inabala na lang niya ang sarili sa pagsulyap-sulyap sa mga nadadaanan nila. Sa dami ng tao ay pinanitili ni Minnie na nakasunod sa kasama. Baka mawala siya.

Kita niya ang malaking sign board na nakalagay sa itaas ng pwesto kung saan sila tumigil. Mula sa loob ay kitang-kita ni Minnie ang mga nagta-trabahong parlolista. Hindi naman naiiba iyon sa mga napupuntahan na niya sa probinsiya nila, kahit paano ay hindi naman na pahuhuli ang lugar nila. Ang kaibahan nga lang ay malaki at maluwang ang lugar. May sampung katao ang inaayusan sa loob. Nagandahan din siya sa design ng salon kung saan siya aayusan.

"Hai Rica, ano atin ngayon?"tanong ng babaeng may makinis na mukha. Bilugan ang mukha ngunit, katamtaman lang naman ang katawan nito. Valoptous ang tawag doon, para itong ka-partner na babae ni Chuckie sa kinatatakutan niyang horror movie noong bata siya. Pero imbes na matakot siya ay gandang-ganda siya rito, lalo na ang make up at hairdo nito ay bet niya. Parang iyon na rin ang gusto niyang gayahin na estilo kapag nagkataon.

"Ikaw na ang bahala sa kanya sis, pero una ay tanungin mo muna si Minnie. Bago lang siya sa Manila, saka take note alaga siya ni Mommy Dee okay kaya bonggahan mo ang ayos sa kanya at ng hindi tayo kagalitan maliwanag ba,"pag-i-instruct ni Rico sa babae.

"Oh ganoon ba, so siya iyong---"Ngunit mabilis ng sumenyas si Rico.

Naitikom naman ng babae ang bibig, saka ito napagawi ng tingin sa kanya. Maluwang na ang ngiti nito sa labi.

"Mga babes halika kayo rito, ikaw bahala sa pedicure at manicure ni Minnie tapos ikaw naman sa buhok, saka ko na siya i-me-make up kapag ayos na,"utos nito sa dalawang babaeng lumapit.

Pinaupo na siya sa itim na upuan.

"Sige na Minnie lalabas lang ako at may aasikasuhin lang, kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako. Naka-registered na sa sim mo ang contact ko."Nakipagbeso-beso pa ito sa kanya.

Kumaway na lang siya rito ng makalabas, nang tuluyan itong mawala sa paningin niya ay inumpishan na siyang asikasuhin ng mga babae. Kabang-kaba siya dahil first time lang naman siyang magpapa-salon. Nagpapasama lang dati sa kanya si Carol at base sa pagmamasid niya dati ay mahal ang bayad sa treatment na nilalagay sa buhok. Ang sa kuko naman niya ay keri na niyang bayaran kapag nakapagsahod na siya. Sa isip pa lang niya ay kinikwenta na niya lahat ng babayaran niyang pera kay Sandy. Mahirap ng lumaki ng lumaki ang utang niyang pera sa babae. Baka mahirapan na siyang makapagbayad dito.

Halos nangalay na sa pag-upo si Minnie, kanina pa tapos ang pedicure niya sa paa at sobra siyang nagandahan sa outcome ng mga kuko niya. May pinaglalagay pa ang babae ditong mga maliliit na design, iniisip na lang niya paano kapag naglaba na siya. Tiyak niyang tanggal lahat ng iyon dahil sa kinakamay niya ang mga damit.

"Okay ka lang Ma'am Minnie, sabihin mo lang kapag may mainit sa anit mo okay?"tanong ni Carla na siyang nag-asikaso naman sa buhok niya.

"S-sige, p-pero ilang oras pa ba ito?"pagtatanong niya habang pinapasadaan niya ng tingin ang sarili sa malaking salamin.

"Nakatatlong oras na tayo kaya limang oras pa ma'am,"saad nito. Kulang na lang ay lumuwa ang mata niya sa pagkagulat. Hindi niya ini-expect na ganoon katagal ang gagawin pagpapaganda sa buhok niya.

"Sabi nga tiis ganda na lang tayo,"bulong sa isip ni Minnie. Kaya pala hindi na siya magtataka kung abutin ng isang araw ang mga babae sa beauty salon dahil sa dami ng pinapaayos ng mga ito.

Pero ang bestfriend naman niyang si Carol ng sinamahan niya hindi naman ito ganoong nagtagal doon.

Ganoon naman yata kapag maraming ipapaayos.

"Pero teka, virgin hair pa buhok ko nuh, iyong nga mga kuko ko naman sa paa at kamay eh, kahit ngayon lang naman napahiran ng cutile remover at nail polish ay masasabi niyang malinis at hindi naman iyon dugyot kung titignan."Nagsasabi siya ng totoo, dahil kahit lumaki siya sa mahirap na pamilya ay tinuruan siya ng magulang niyang maging maayos at malinis lagi sa katawan.

Kanina, habang nililinisan siya sa kuko ay grabeng kaba niya, may nababalitaan kasi siya na nagkakasugat dahil sa pagpapalinis lang ng kuko. Minsan, nagkakaroon pa ng inpeksyon iyon kaya kinakailangan  uminom ng gamot. Ang mas malala ay tinatanggalan pa ng kuko kapag wala ng remedyo.

Kaya grabe-grabe ang dasal niya na walang masamang mangyari sa mga kuko niya. Natapos naman itong malinis ay wala naman siyang naramdaman masakit. Maging sa gamot na inilagay ng babae sa buhok niya ay hindi rin siya nakakaramdam ng ano man.

Mukha yatang maganda ang service ng naturang salon kung saan siya sinamahan ni Rico.

Nang bumalik ang babaeng nag-aassist sa kanya ay minabuti niyang magtanong.

"Ate anong pangalan nitong beauty salon niyo, baka kasi mai-refer ko sa isa kong friend ito,"nasabi niya naisip niya kasi ang kaibigan na si Carol. Malapit na itong mag-graduate tiyak niyang magkakaroon ito ng oras para mapuntahan siya rito sa Maynila.

"Minnie Beauty Salon", ma'am,"sabi ng babae. Muli ay nagulat na naman siya. Paano ba naman kasi ay kapangalan pa niya ang salon. Mukhang kapalaran niya talagang mapuntahan iyon.

"Naku! ate kapangalan ko pa pala itong Salon. Same ho pala kami ng pangalan ng may-a*i,"bulalas niya.

"Oo naman at alam niyo rin ba na---"Ngunit hindi na natapos ng babae ang sasabihin ng lumitaw na si Rico sa tabi niya.

"Negra! ang tabil mo, hindi ba't sinabihan ko na kayo rito na huwag magkwe-kwento. Bakit ang tigas ng ulo mo, gusto mo bang mawalan ng trabaho,"masungit na sabi ni Rico.

"P-pasensiya na mamsy,"mahinang usal ng babae at tuluyan umalis sa harapan niya.

Kahit paano ay naawa naman siya rito.

"Rica bakit mo naman ginanon si ate, nagtatanong lang ako sa salon may problema ba doon,"takang-tanong niya.

Tinignan lamang siya nito, ngunit hindi naman ito nagkomento.

"Heto nga pala girl, nakabili na ako ng lahat ng mga kakailanganin mo."Saka nito itinuro ang ilang paper bags na nasa may tabi, halos masamid siya ng sariling laway ng makita ang mga  iyon. Paano ba naman, lagpas sa dalawampung paper bags ang nakikita niya.

"A-andami naman niyan,"hindi makapaniwalang sabi niya.

"Kukunti nga lang iyan eh, iyong iba ipinalagay ko na sa may kotse. Kung may kulang pa ay sa ibang araw na lang natin bilhin, gusto mong tignan ang ilan,"sabi lang nito na hindi pinansin ang reaction niya.

Wala naman na siyang magagawa kaya hinayaan na lang niya itong ipakita sa kanya ang ilan sa mga iyon.

At para siyang mababaliw pagkakita sa price ng mga pinili nito. Ang laman lang naman ng isang paaper bag ay lalagpas na ng dalawang libong piso. Isang dress lang iyon na hindi niya maubos maisip kong bakit napakamahal eh parang ordinaryong tela lang naman!

Kaya imbes na matuwa siya ay nanlulumo siya.

Hanggang sa makaalis sila sa beauty salon at nasa loob na sila ng mismong sasakiyan ay hindi pa rin maipinta ang mukha ni Minnie.

"And what is the meaning of that face Minnie hmmm?"maarteng pagtatanong ni Rico.

"Wala,"matipid lang niyang sagot. Ibinaling na niya ang pansin sa may kalsada. Madilim na at naipit pa sila sa traffic.

"Gusto mo bang kagalitan ako ni Mommy Dee kung makikita niyang sambakol ang pagmumukha mo my dear,"sunod nitong sinabi. Kaya upang tuluyan ng bumalik ang tingin niya sa kasama.

"Eh, kasi naman ang laki-laki na ng perang nagastos ni Dee sa akin. Hindi ko naman iyan hinihingi, iniisip ko tuloy paano ko na mababayaran ng buo iyan kapag nagkataon,"malungkot niyang sagot.

Iiling-iling naman na napalapit sa kanya si Rico at tinapik ang balikat niya.

"Huwag mo ng isipin iyan okay, dahil kusa niyang ibinigay sa'yo lahat ng iyan,"sabi nito.

"Para saan, na pinagkakagastusan niya ako. Hay naku! pakiramdam ko tuloy nagsasayang lang ng pera ang amo natin sa akin,"patuloy ni Minnie na nakanguso.

"Sira! hindi ah, ako nga noong bago ako binilhan din niya ako ng mga kakailanganin ko. Magpahanggang ngayon pa rin naman eh, kahit hindi ko sinasabi. Kaya tama na iyan no more drama please, ayaw kong ma-stress kaloka ka!"Iniikot pa nito ang mata.

"Talaga? napaka-generous naman pala talaga sa ibang tao ni Dee, maswerti ang asawa at anak niya,"nawika ni Minnie.

"Oo maswerti talaga sila, lalo na iyong ama ng anak niya. Kaso walanghiya eh, nagpakilalang binata pero may asawa na palang tao. Tapos inanakan lang si Mommy Dee tapos---ahy! ang daldal ko ano bang sinasabi ko kaloka! huwag mo na lang akong pansinin okay. Better na si Mommy Dee ang mag tell sa'yo."Kaya upang hindi naman mangulit si Minnie.  Dahil masama naman pag-usapan ang personal na buhay ng ibang tao. Lalo kong sobrang napakabait pa sa iyo.

Pero dahil sa narinig kahit paano ay nagka-ideya na siya. Sa totoo lang ay naawa siya kay Sandy, sobrang bait nito at hindi nito deserve maloko.

"Umpisa na bukas ng work mo, ready ka na ba?"maya-maya'y pag-agaw ng pansin ni Rico sa kanya.

"S-siguro e-ewan, kaya ko naman lahat ang trabaho. P-pero sana naman huwag lang tagabigay ng aliw. Alam kong maganda ako at maraming mayayaman lalaki ang papatos sa beauty ko.  Pero hindi ko talaga masisikmurang maging bar lady!"amin niya sa tunay na naisasaloob.

Maya-maya ay pumailanlang ang matinis na halakhak ni Rico.

"Baliw  ka girl, hindi naman ganoon ang magiging trabaho mo. Hostess ka sa "Dee Club House" ni Mommy Dee!"

"S-sure ka? hindi iyan joke?"

"Of course, kaloka ka talaga!"Saka ito muling tumawa ng tumawa.

Kaya upang tuluyan makahinga ng maluwag si Minnie. Matagal niya rin inisip kong ano ba talagang tunay na magiging trabaho niya. Kahit naman highschool graduate lang siya ay ang pagkakaalam niya sa hostess ay isang matinong posisyon iyon sa isang club house. Napangiti na siya at muling itinuon ang pansin mula sa labas ng kotse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status