Share

Chapter Six

Author: Babz07aziole
last update Last Updated: 2021-12-02 08:00:00

KAHIT puyat kagabi ay maagang nagising si Minnie para ipagluto si Sandy ng almusal.

Iyon lamang ang magiging pambawi niya sa lahat mga tulong nito sa kanya. Malaki ang utang na loob niya sa babae kaya kailangan niyang suklian ng kabaitan ito.

Lalo at tila mukhang may nagawa siyang hindi nito nagustuhan kagabi.

"You wake up early Minnie, may lakad ka ba?"bati ni Sandy nang pumasok ito sa kusina at abala siya sa pagpri-prito ng bacon.

Dahil sa abala ang isip ni Minnie sa ginagawa ay hindi niya napansin na pumasok si Sandy na kumuha ng orange fruit sa fridge.

Hindi katulad niya ay sanay siyang nagkakape sa umaga. Habang ang babae ay fresh orange juice ang iniinom nito.

"Goodmorning Dee... w-wala naman, ang totoo g-gusto kitang makasalo sa almusal,"sabi niya.

Kahit alam niyang napakaimposible niyon dahil magmula ng dumating siya ay hindi pa niya nakakasabay ang babae. Hindi ito kumakain ng umaga, kung kakain man ay masiyado ng late minsan.

"Sure, parang feel ko rin kumain na may kasabay ngayon,"sabi nito at tuluyan naglakad sa lagayan ng kitchen utensil at kumuha ng tig-dalawang plato, kutsara at tinidor.

Mabilis naman tinapos ni Minnie ang pagpri-prito at isinalang na niya ang dalawang tinapay sa toaster.

Akmang kukuha si Minnie ng mug sa lagayan ng mabilis na kumuha si Sandy.

"Ako ng magtitimpla ng kape mo, tulong ko na rin sa paghahanda mo ng almusal."Pagpresenta nito.

Tumango na lang si Minnie at inasikaso ang paglalagay ng palaman sa toasted bread.

"Pwedi bang magtanong Dee,"maya-maya ay naungkat ni Minnie. Matapos na ipasa ni Sandy ang mug na tinimplahan nito ng kape niya.

"Ano iyon?"balik-tanong naman ng nakatatandang babae. Kasalukuyan nakatutok ang pansin nito sa hawak na Iphone.

Humigop muna ng tinimplang kape ni Sandy si Minnie, napangiti siya dahil sobrang sarap nitong magtimpla.

"Kasi...itatanong ko lang kung galit ka? kagabi hindi ko naman sinasadya na magpahatid sa iba. Kwan kasi, aksidenti lang na nakita ako ni Mr. Gimenez sa highway. Sa totoo lang ay kukuha na sana ako ng taxi para magpahatid dito pauwi, sakto naman na napadaan siya at binati ako kaya pumayag na rin naman na ako,"mahaba niyang explain.

Hindi agad nakakuha ng sagot si Minnie, hindi niya alam kung nakikinig ba si Sandy sa kanya dahil nanatiling sa Iphone nito ito nakatingin.

Ngunit pamaya-maya ay tuluyan itong nagsalita matapos nitong ipatong sa lamesita kung saan sila kumakain ang hawak na Iphone.

"Bakit mo naisip na galit ako Minnie, siguro sabihin natin na nag-alala ako dahil hindi ka nakapagsabi sa akin na ihahatid ka ni Aizo. Ang sa akin lang ay kung sakaling mangyari ulit iyon ay sabihan mo man lang ako kung maari para hindi ako nag-aalala. I know kasi nasabi na rin ni Mang Lucio na nasiraan siya ng sasakiyan at nakalimutan pa niyang dalhin ang celpon niya kaya hindi niya nasabi na mala-late siya ng sundo sayo,"wika ni Sandy.

"S-salamat Dee, akala ko talaga galit ka na..."Napangiti na si Minnie at base sa itsura nito ay nakahinga na ito ng maluwag pagkarinig sa sinabi ni Sandy.

"Matanong ko, closed mo si Aizo?"

Natigilan naman si Minnie sa pagnguya, nilunok na muna niya ang nasa bibig bago ito tuluyan magsalita.

"Hindi naman Dee, actually kagabi lang officially kami nagkakilala,"amin ni Minnie sa nahihiyang tinig.

"Really? goodness at agad kang sumamasa lalaking iyon. Ganyan ka ba katiwala ija, hindi porke't gwapo si Aizo hmmm... paano kung ginawan ka niya ng masama,?"may panic sa tinig ni Sandy.

"Sorry Dee, pero naniniwala kasi ako sa kutob ko na unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko ng hindi naman siya gagawa ng ikakasakit ko,"nasabi ni Minnie.

"Who knows Minnie, hindi natin alam ang takbo ng utak ng lalaking iyon. Hindi sa sinisiraan ko siya, actually his a goodman pero pakiusap huwag ka masyadong maglalapit sa isang iyon. Ayukong masaktan ka sakali,"masuyong saad ni Sandy na hinaplos pa ang mahabang buhok ni Minnie.

Ngumiti na lang din ito at tumango.

ISANG katok sa pinto ang nadinig ng binata sa mga sandaling iyon.

"Pasok bukas iyan,"pumailanlang ang baritonong boses ni Aevo sa loob ng private office niya sa "AAGT" (Aevo Aizo Gimenez Telecommunication Company) na pagmamay ari ng namayapa nilang ama na si Gustav Gimenez may labing-limang taon na rin ang nakaraan.

Ngunit dahil sa maaga itong nawala sa mundo ay muling humawak niyon ay ang lolo nilang si Ghandie, ngunit ngayon mga nakaraan buwan ay pinanghihinaan ito ng katawan dala ng katandaan. Kaya upang si Aevo na ang magpatuloy sa business ng pamilya.

"Good morning bro, wala ka bang pupuntahan ngayon?"umpisa ni Aizo na tuluyan naupo sa upuan na nasa harapan ng desk ni Aevo.

Saglit na iniwan ng paningin niya ang ginagawang pagta-type sa kaharap na laptop.

"Wala, Im busy,"matipid lang na sabi ni Aevo.

"Lagi na lang ganiyan ang sinasabi mo sa tuwing nagpupunta ako rito. Bro, hindi naman basta babagsak ang company kung kahit isang araw ay magleave ka,"naiiling na sabi ni Aizo.

Ngunit hindi na nagsalita si Aevo, muli niyang itinutok ang pansin sa ginagawa.

"Tara labas tayo mamaya, pumunta tayo sa club house na lagi kong pinupuntahan bro. May ipapakilala akong babae na tiyak kong matitipuhan mo,"nange-enganyo ang tinig ni Aizo.

"Club house? alam mong hindi ako pumupunta sa ganyan lugar especially if it's not work related,"malamig niyang sagot.

"Magpahanggang ngayon pa rin ba ay hindi ka pa rin nakakaget over sa nangyari noon. Hayaan mo na Aevo, kung ayaw ni Mommy sa atin ay nariyan naman si Lolo at Lola para---"Ngunit hindi na natapos ni Aizo ang sasabihin dahil mabilis na pumaling sa kanya ang matatalim na mata ng kakambal.

"Gusto mong kalimutan ko ang isang pangyayari na imposible kong magawa. Always remember this, I will never stop searching that fvcking mother of ours. Kung kinakailangan na galugadin ko maski ang ibang bansa para mahanap siya ay gagawin ko makita lang siya. Hindi ko kailanman mapapatawad ang ginawa niyang pagaambanduna sa atin, lalo na si Dad. Kasalanan niya kung bakit namatay si Dad!"

Totoo iyon dahil sa labis na depression ay naapektuhan ang mental ability ni Gustav kaya tuluyan itong nag-baril sa sarili na siyang ikinamatay nito. Naging malaking balita iyon noon, mabuti na lang at sinuportahan sila ng Lolo at Lola nila.

"Bahala ka, basta ako kikitain ko iyong babae."Tumaas ang sulok ng labi ni Aizo.

"Babae? huwag mong sabihin bago na naman iyan. How about Lauren, hindi mo ba naiisip ang sasabihin niya at ng pamilya nila. Remember you have to prioritize her, lalo at napag-uusapan na ang engagement niyo sa susunod na buwan,"nagbabalang paalala ni Aevo rito.

"Parang hindi mo ako kilala, I can manage that. Last na 'tu, don't worry this is not serious okay. Saka magpapatali naman na ako bakit hindi ko pa sulitin ang pagiging single ko diba?"aliw na sabi ni Aizo na sinuklay ang hanggang balikat na buhok patalikod.

Naiiling na lang si Aevo, bagama't identical twin sila ay marami silang pagkakaiba, Kahit kailan ay hindi kinahiligan nito ang magpahaba ng buhok na katulad sa kakambal nitong si Aizo. Prefer niya ang clean cut.

Balbas sardado siya habang ito naman ay hindi. Lagi siyang naka coat and tie habang si Aizo ay madalas na non-casual clothes na designer pa rin naman ang sinusuot nito. Isa pa roon na may nunal sa kanan sentido si Aevo, habang si Aizo ay nasa leeg naman nito.

Kung mahilig sa babae si Aizo ay kabaliktaran naman niyon si Aevo na walang hilig sa babae. Pero iisa lang ang pagkakaparesan nila iyon ay lapitin silang parehas ng babae.

"Kung diyan ka nag-eenjoy hahayaan kita, pero siguraduhin mo lang Ai na hindi ako sasabit sa mga kalokohan mo,"paalala niya rito.

"Noted, kung may free time ka ay tawagin mo lang ako at pupuntahan natin iyong favourite club house ko na pinupuntahan ko,"sabi ni Aizo.

"Thanks but no thanks full load ako until your engagement day,"sagot ni Aevo na tuluyan nagsindi ng sigarilyo.

"Man! bakit dito ka pa maninigarilyo!"inis na puna ni Aizo. Hindi kasi ito naninigarilyo.

Hindi naman umimik si Aevo at patuloy lamang sa paghithit sa hawak na tabacco.

"Sige na aalis na ako, pero sana naman sa stag party ko ay pumunta ka kung 'di itatakwil talaga kitang kapatid,"banta ni Aizo.

Naiiling na lang ni Aevo ang ulo nang umalis si Aizo. Tuluyan niyang idinikdik ang hawak na tabacco at ipinagpatuloy ang naudlot na ginagawa.

Related chapters

  • CEO's Hot Encounter   Chapter Seven

    ALAS-SIYETE na ng gabi at sa mga ganoon oras ay kasagsagan ng pagdating ng mga costumer ng Dee Club House. Sa araw na iyon ay abalang-abala sila, dahil may dalawang event sa magkaibang floor ang kasalukuyan nagaganap. Kaya halos hindi magkandaugaga sa pag-aasikaso ang mga kasama ni Minnie at pati na rin ito. Si Sandy na may-ari ay present sa dalawang naturang event. Kaya halos hindi sila nagkikita. Katatapos lang na i-assist ni Minnie ang matandang lalaki ng isang pamilyar na bulto ang naratnan niyang naghihintay sa harap ng desk niya ng pabalik na siya. "Goodevening Mr. Gimenez,"bati niya na may alanganin ngiti. "Hai! mukhang busy ka yata, aayain sana kitang magmeryenda,"sabi ni ni Aizo ng tuluyan siyang makalapit. "Naku! h-hindi po pwedi sir, mamaya pa po ang end ng shift ko,"may lungkot ang tinig na sagot niya sa binata. Kita niya ang bumadhang

    Last Updated : 2021-12-02
  • CEO's Hot Encounter   Chapter Eight

    MABIGAT ang ulo ni Minnie pagkagising niya ng umagang iyon. Halos nangangalahati pa lamang siya mula sa pagkakaupo ng madinig niya ang pagbukas ng pinto sa kanyang silid."Mabuti naman at nagising ka na rin sa wakas,"ani ni Sandy sa dalaga."O-oo nga po, a-ano po bang nangyari?"tanong ni Minnie na nanatiling nakayuko pa rin sa mga sandaling iyon. Sumisigd pa rin ang kirot sa kanyang sentido.Tuluyan sumandig sa may pasukan ng pinto nito si Sandy at napahalukiphip ito habang pinagmamasdan siya. Nakasuot ito ng sandong kulay lavander at nakamaiksing short na kadangkal na lang ang ikli sa singit nito. Sa ganoon porma nito ay hindi aakalain na umeedad na ito ngkwarenta."Lasing ka kagabi at halos buhatin ka na ng kasama mo papasok rito sa condo,"sabi ni Sandy.Dahil sa narinig ay tuluyan naiangat ni Minnie ang ulo. Ngunit ibinagsak niya rin ang sarili mula sa kama dahil hangg

    Last Updated : 2021-12-03
  • CEO's Hot Encounter   Chapter Nine

    INAAKALA ni Minnie ay hindi na muling makikipagkita si Aizo sa kanya. Ngunit maling-mali siya, dahil narito mismo sa harapan niya ang binata.Kitang-kita na naman niya ang napakaguwapong ngiti nito na nagpapakilig sa kanya."Goodevening Mr. Gimenez, ano pong kailangan niyo?"tanong ni Minnie na hindi makatingin ng diretso sa binata. Para kasi siyang tutunawin nito sa klase ng titig na ipinupukol nito sa kanya."Aayain sana kitang lumabas uli, nabitin kasi ako last time.""N-nabitin?"namumulang pang-uulit ni Minnie."Oh, sorry what I mean are hindi masyado tayong nakapag-enjoy noong isang gabi because you past out. Don't worry hindi na kita ulit papainumin,"Aizo chuckled."Sige, so...hintayin mo ako ulit?"nasabi ni Minnie."Sure, hintayin na lang kita sa parking area,"bilin ni Aizo. Naglakad na ito palabas, sa sandaling iyon ay hindi mapigilan na mapangiti ng maluwang si Minnie at ang kilig na nararamdaman niya ay nanatili h

    Last Updated : 2021-12-04
  • CEO's Hot Encounter   Chapter Ten

    SA araw na lumipas ay walang pagsidlan sa katuwaan si Minnie na napapansin naman ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kasabay niyon ang pag-aasam niya na muling paglabas nila ng binata. "Uy! blooming huh!"pansin ni Patty na siyang kapalitan niya sa gabing iyon. "Hindi naman Ma'am,"nahihiya niyang sabi na tuluyan ng nagpunta sa locker room nila para kunin ang hand bag niya. Pagkahawak pa lang niya roon ay mabilis na niyang binusisi kong nag-text o tumawag man lang si Aizo sa kanya. Ngunit sa pagkadismaya niya ay wala. Pero may mga ilang missed call at text naman galing sa kapatid niyang si Monina at best friend niyang si Carol. Nagpasalamat si Minnie ng pagbuksan na siya ni Mang Lucio ng pinto ng kotse. Mabilis na siyang sumakay, kasabay niyon ang pag-dial niya ng numero ng kapatid niya. "Hai Monina, kumusta na?"tanong n

    Last Updated : 2021-12-05
  • CEO's Hot Encounter   Chapter Eleven

    BAGAMA'T wala sa mood ay napagdesisyunan na rin ni Minnie na sundin ang isinuhestiyon ni Sandy sa kanya na magpunta sa beauty salon at mag-shopping. Maganda raw iyon pampawala ng negative vibes.Isang simpleng bestidang floral ang isinuot ni Minnie na pinaresan niya ng doll shoes. Ang mahaba niyang buhok ay inilugay na lang niya at nagsuot ng headband. Sa pagpasada niya sa sariling repleksyon sa malaking salamin na nasa loob ng silid niya ay napaka-cute niyang pagmasdan.Naglagay na lang ng pulbos sa mukha at liptint naman sa labi si Minnie. Hindi siya nag-make up dahil nang huli siyang maglagay ay namula ang balat niya. Kaya lahat ng binili ni Rico na make up kit ay ibinalik na lang niya.Ang tanging nagagamit niya sa tuwing pumapasok siya sa club house ay ang natural make up na ginagamit naman ni Sandy. Parehas pala kasing sensitive ang kutis nila nito."Saan tayo ija?"tanong ni Mang Lucio.

    Last Updated : 2021-12-06
  • CEO's Hot Encounter   Chapter Twelve

    DAHIL sa labis na kapighatian ay ang mga sumunod na araw parang laging lutang si Minnie kahit kinakausap na siya ng mga kasamahan niya sa trabaho ay mapapansin pa rin ang pagkabalisa niya. Kapag tinatanong siya ay sinasabi lang niya na 'wag na lang siyang pinapansin. Dumating ang oras ng labas niya sa trabaho, magpahanggang sa mga sandaling iyon ay nasa isip niya ang ginawang panluluko ng binata sa kanya. Nang biglang tumirik sa gitna ng highway ang sasakiyan nila ni Mang Lucio. "Pasensiya na ija, pero mukhang matatagalan bago ko pa maayos itong kotse. Gusto mo bang mag-para na ako ng masasakiyan mong taxi?"tanong ng matandang lalaki matapos siyang katukin sa bintana ng kotse at mabuksan ni Minnie iyon. Bigla ang pagkalam ng tiyan niya, dismayado rin siya dahil kanina pa siya gutom. "G-ganoon po ba manong, ganito na lang... baba na muna ako para k

    Last Updated : 2021-12-07
  • CEO's Hot Encounter   Chapter Thirteen

    SUNOD-SUNOD ang ginawa niyang paglunok sa mga sandaling iyon, habang nakatunghay siya sa naghuhumindig at tigas na tigas na "ahas" ng binata."Sh*t! ang laki naman niyan,"hindi mapigilan usal ni Minnie sa nanlalaking mata. Unang beses na makakakita siya niyon, tanging sa mga nababasa lang niyang mga pocket book siya nagkakaideya dati.Pero ngayon, heto at nakatunghay sa kanyang harapan ang sandata ng isang adonis. Ang inaakala niyang pakiramdam ng mga bida niyang babae ay hindi niya makapa ngayon. Dahil halos nanlalamig at nanginginig ang buong katawan niya.Naestatwa na lang si Minnie ng daluhungin siya ng binata at pilit na pinaghahalikan ang labi niyang nakapinid."Ano na Minnie! gising! ayan na nga nasusunod na ang plano mo bakit para kang tuod ngayon!"pangangaral niya sa sarili kaya upang ora-orada ay umayos siya.Tuluyan niyang tinugon ang nag-aalab na halik ng lalaki

    Last Updated : 2021-12-08
  • CEO's Hot Encounter   Chapter Fourteen

    MATAAS na ang sikat ng araw ng magising si Aevo. Magpahanggang sa mga sandaling iyon ay labis-labis ang pagkirot ng ulo ng binata. Sa ganoon tagpo naman siya naaktuhan ni Aizo na kapapasok lamang sa silid. Nakasuot lang naman ito ng puting sando at boxer short. May hawak itong pasuwelo na may laman na kapeng umuusok pa. Nakatali ang buhok nito patalikod, ngunit may ilang hibla rin naman ang nakaladlad sa mukha nito."Goodmorning bro, here drink this para mawala hang over mo." Aizo handled the mug to his twin na nakaupo na, bagama't nanatili itong nasa kama at natatakpan lang naman ng puting blanket ang ibabang bahagi nito.Para rito ay mas kumportable itong walang suot na kahit na anuman kapag tulog."Thanks,"tugon ni Aevo na hinilot-hilot pa ang sentido.Naupo naman si Aizo sa upuan na nasa bandang gilid ng kama ni Aevo. Pinapanuod lang niya ang mabagal na paghigop ng kakambal sa ibinigay niyang kap

    Last Updated : 2021-12-09

Latest chapter

  • CEO's Hot Encounter   Special Chapter  (Encounter II):

         ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato  sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku

  • CEO's Hot Encounter   Special Chapter (Encounter I)

    NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp

  • CEO's Hot Encounter   Chapter One Hundred Sixty Three

    HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin

  • CEO's Hot Encounter   Chapter One Hundred Sixty Two

    AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,

  • CEO's Hot Encounter   Chapter One Hundred Sixty One

    TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas

  • CEO's Hot Encounter   Chapter One Hundred Sixty

    HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay

  • CEO's Hot Encounter   Chapter One Hundred Fifty Nine

    NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la

  • CEO's Hot Encounter   Chapter One Hundred Fifty Eight

    MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan

  • CEO's Hot Encounter   Chapter One Hundred Fifty Seven

    TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status