SA araw na lumipas ay walang pagsidlan sa katuwaan si Minnie na napapansin naman ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Kasabay niyon ang pag-aasam niya na muling paglabas nila ng binata.
"Uy! blooming huh!"pansin ni Patty na siyang kapalitan niya sa gabing iyon.
"Hindi naman Ma'am,"nahihiya niyang sabi na tuluyan ng nagpunta sa locker room nila para kunin ang hand bag niya.
Pagkahawak pa lang niya roon ay mabilis na niyang binusisi kong nag-text o tumawag man lang si Aizo sa kanya. Ngunit sa pagkadismaya niya ay wala.
Pero may mga ilang missed call at text naman galing sa kapatid niyang si Monina at best friend niyang si Carol.
Nagpasalamat si Minnie ng pagbuksan na siya ni Mang Lucio ng pinto ng kotse. Mabilis na siyang sumakay, kasabay niyon ang pag-dial niya ng numero ng kapatid niya.
"Hai Monina, kumusta na?"tanong ni Minnie nang marinig niya ang tinig nito ng tuluyan sagutin nito ang tawag niya.
"Hai ate Minnie! okay lang kami, kahit paano ay nakabili na kami ng mga gamot ni Nanay. Ikaw kumusta ka naman diyan?"
"Maayos naman ako ading, si Monina?"tanong ni Minnie.
"Monina! Nay! Tay! si ate Minnie kausap ko dali!"Dinig ng dalaga. Hindi niya mapigilan mapangiti.
Kahit paano marinig lang niya ang mga boses ng mga mahal niya sa tawag ay naiibsan na niyon ang pangungulila niya sa mga ito.
Sa totoo lang sa lumipas na mahigit isang buwan na narito siya sa Maynila ay nagpakabusy siya sa trabaho, para na rin hindi siya dapuan ng homesick.
Unang beses na napalayo siya sa pamilya niya, kaya malaking adjustment ang ginawa niya.
"Hello anak Minnie, ikaw ba 'yan? Maraming salamat sa mga ipinapadala mong pera sa pagpapagamot ko,"pasasalamat ni Alicia mula sa kabilang linya.
"Walang anuman Nanay, masaya po akong nakakatulong sa inyo riyan sa probinsiya,"sagot niya.
"Baka naman ay wala ng natitira sa iyo anak?"tanong naman ng Tatay Hermineo niya.
"Hindi naman ho, meron pa rin naman po."Nakagat niya ang labi, dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling. Dahil ang totoo ay kaunti lamang ang itinira niya sa naging unang sahod niya.
Masaya na siya na naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan sa pamilya niya. Ayos na sa kanya na magkulang siya para sa sarili. Huwag lamang nahihirapan ang mahal niya sa buhay.
Mahal na mahal niya ang mga ito.
"Ate salamat pala sa pagbili mo ng tig-isang touch screen phone sa amin ni ate Monina laking tulong ito sa pag-aaral naming dalawa,"nasisiyahan naman pasasalamat ng bunso ng pamilya nila na si Mandy.
"Wala iyon bunso, ang importante ay pag-igihan niyo ang pag-aaral niyong dalawa dahil ang diploma lamang niyo kapag nakatapos na kayo ang maipamamana sa inyo nina Nanay at Tatay,"bilin ng dalaga sa mga kapatid.
"Noted ate, love you and miss you thank you ulit!"sabat naman ni Monina.
"Sige na at baka naiisturbo ko na kayo, late na matulog na rin kayo. Lalo na si Nanay, pakitignan-tignan na lang siya kung maari. Miss na miss ko na rin kayong lahat love you,"tugon niya.
Tuluyan na niyang pinatay ang tawag, naisipan niya rin tawagin si Carol ngunit hindi ito sumasagot kaya minabuti na lang niyang ipagpabukas na lang iyon.
Muli siyang nag-scroll sa phonebook nang makita niya ang numero ni Aizo.
"Ano titigan mo na lang ba o tatawagan?"pakikipag-usap ni Minnie sa sarili.
Hanggang sa tuluyan na niyang sinunod ang tinig. Kakaba-kaba pa si Minnie habang dinig na dinig niya ang pagtunog mula sa kabilang linya.
"Who's this?"Bigla ang ginawang pagbaba ni Minnie sa tawag.
Mabilis pa rin naman ang tibok ng puso niya ngunit hindi dahil sa antipasyon sa pagnanais na makausap si Aizo. Kung 'di ang pag-uumpisang kainin ng kaba at pagdaramdam ang puso niya.
"B-babae ang sumagot, sino siya... Aizo niluluko mo lang ba ako?"piping pakikipag-usap ni Minnie sa sarili sa lumipas na sandali. Malakas pa rin siyang kinutuban dahil maghahating-gabi na kaya nakatitiyak siya na marahil ay nobya nito ang kasama ng mga sandaling iyon...
KAHIT matamlay ay minabuti ng dalaga na bumangon na, naisipan niyang magluto ng almusal sa kanilang dalawa ni Sandy.
Kasalukuyan siyang nagpapainit ng tubig nang pumasok sa kusina si Sandy na naghihikab pa.
"Your early Minnie, may pupuntahan ka?"
"Wala naman Dee,"mahina niyang sagot. Natigilan naman sa pagkuha ng pitsel ng juice mula sa fridge si Sandy nang mapansin niya ang nanamlay na tinig ni Minnie.
"May problema ba?"
Umiling lamang si Minnie, hindi niya nilingon si Sandy dahil kanina pa siya nagpipigil na mapaiyak.
Mabilis na naglakad palapit si Sandy, saka nito hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga na nakayuko lang.
"Tell me what's wrong Minnie, para matulungan kita?"may pag-aalala sa tinig ni Sandy.
Tuluyan naman iniangat ng dalaga ang mukha, saka ito unti-unting nagsabi.
"K-kasi Dee... mukhang naluko ako,"naiiyak niyang sabi na agad naupo.
"Huh? anong ibig mong sabihin?"takang-tanong ni Sandy na nakakunot-noo.
Hindi na nagsalita si Minnie dahil pumalahaw na ito ng iyak. Dali-dali naman pinatay ni Sandy ang apoy sa kalan kung saan kasalukuyan pa rin nagluluto ito.
"Anong angyari Minnie, may nangyari ba sa Nanay mo sa probinsiya kaya ka nagkakaganiyan?"tarantang tanong ni Sandy na mabilis na napalapit sa dalaga at hinimas-himas ang likuran nito.
Nanatili naman nakayukyok si Minnie sa lamesa habang patuloy lamang sa pag-iyak.
"Ija... Minnie kung hindi mo sasabihin ang problema ay paano kita matutulungan?"malumanay na wika ni Sandy matapos ang halos kinse minuto na direstong nag-iiyak ito.
"Sorry Dee kung pati ikaw pinag-alala ko pa,"sabi ni Minnie na inabot ang isang baso ng tubig na iniumang sa kanya nito. Diretso niyang ininom iyon, halos nakalahati niya agad iyon.
"Okay lang, kaya sige na ano bang problema?"pangungulit ni Sandy agad niyang itinabi ang basong inunaman ni Minnie.
"Kasi naman, naalala mo si Aizo."
"Bakit ano ang tungkol sa kanya. Don't you say na... gosh! may ginawa ba siya sa'yo? Tell me Minnie pinilit ka ba niyang makipag---"Ngunit bago pa matapos ni Sandy ang sinasabi ay sumabat na si Minnie.
"Hindi! Dee kwan kasi... alam mo iyon pinaramdam niya kasi na espesyal ako sa kanya. Then all of sudden ay hindi na lang siya nagparamdam o nagpakita. Tapos ng tinawagan ko ay iba ang sumagot,"hindi maiwasan sumbong niya. Ewan niya pero pakiramdam ni Minnie ay gagaan kahit paano ang bigat sa kanyang loob.
"Aba at loko ang lalaking iyon, babae ang sumagot right?"inis na saad ni Sandy na napatayo at palakad-lakad sa harapan niya ngayon.
"Anong gagawin ko Dee, mukhang nagkakagusto na ko sa kaniya,"patuloy ni Minnie na naiiyak na naman.
"Minnie, hindi ba't pinalalahanan na kita dati pa na kilalanan mo ang lalaking iyon,"tugon ni Sandy.
"Pero paano hindi ko naman mapigilan ang puso ko, saka nagtiwala kasi ako na hindi niya ako lolokohin,"sabi pa ni Minnie.
Isang bagsak sa kamao ni Sandy ang ginawa nito sa lamesa.
"Iyan ang sinasabi ko, dahil sa lintek na pagtitiwalang iyan ay marami ang nagagawang mapagsamantalahan,"nabihiran ng pait ang tinig ni Sandy.
"Dee..."nag-aalalang tawag ni Minnie sa pangalan nito.
"Same as you ay pinagdaan ko rin iyan, nagmahal at nagtiwala rin ako sa lalaking hindi ko aakalain na lulukohin din pala ako sa huli. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko na nagpatangay ako sa nararamdaman ko,"salaysay ni Sandy.
Nakikinig lang naman si Minnie.
"Pasensya na Dee at ng dahil sa akin ay naalala mo pa ang past mo. Saka huwag mo akong alalahanin hindi pa naman gaanong kalaki ang naging damage na ginawa sa akin ni Aizo. W-wala pa naman n-nangyari sa amin,"amin niya.
Kitang-kita niya na nakahinga ng maluwag si Sandy.
"Mabuti kung ganoon, ang mabuti pa'y mag-off ka muna ngayong araw. Pagkakain natin ay idaan na muna kita sa beauty salon para makapagrelax ka naman. Magshopping ka, my treat,"wika ni Sandy.
"Huh? 'wag na Dee, madagdagan na naman utang ko sa'yo,"alanganin saad ni Minnie.
"Huwag mong alalahanin iyon, sige na at magsha-shower na ako. H'wag mong intindihin iyon, pagsisihan niyang niloko ka niya,"sabi pa ni Sandy.
Tumango na lang si Minnie at ipinaghanda na niya ang sarili ng makakain.
BAGAMA'T wala sa mood ay napagdesisyunan na rin ni Minnie na sundin ang isinuhestiyon ni Sandy sa kanya na magpunta sa beauty salon at mag-shopping. Maganda raw iyon pampawala ng negative vibes.Isang simpleng bestidang floral ang isinuot ni Minnie na pinaresan niya ng doll shoes. Ang mahaba niyang buhok ay inilugay na lang niya at nagsuot ng headband. Sa pagpasada niya sa sariling repleksyon sa malaking salamin na nasa loob ng silid niya ay napaka-cute niyang pagmasdan.Naglagay na lang ng pulbos sa mukha at liptint naman sa labi si Minnie. Hindi siya nag-make up dahil nang huli siyang maglagay ay namula ang balat niya. Kaya lahat ng binili ni Rico na make up kit ay ibinalik na lang niya.Ang tanging nagagamit niya sa tuwing pumapasok siya sa club house ay ang natural make up na ginagamit naman ni Sandy. Parehas pala kasing sensitive ang kutis nila nito."Saan tayo ija?"tanong ni Mang Lucio.
DAHIL sa labis na kapighatian ay ang mga sumunod na araw parang laging lutang si Minnie kahit kinakausap na siya ng mga kasamahan niya sa trabaho ay mapapansin pa rin ang pagkabalisa niya. Kapag tinatanong siya ay sinasabi lang niya na 'wag na lang siyang pinapansin. Dumating ang oras ng labas niya sa trabaho, magpahanggang sa mga sandaling iyon ay nasa isip niya ang ginawang panluluko ng binata sa kanya. Nang biglang tumirik sa gitna ng highway ang sasakiyan nila ni Mang Lucio. "Pasensiya na ija, pero mukhang matatagalan bago ko pa maayos itong kotse. Gusto mo bang mag-para na ako ng masasakiyan mong taxi?"tanong ng matandang lalaki matapos siyang katukin sa bintana ng kotse at mabuksan ni Minnie iyon. Bigla ang pagkalam ng tiyan niya, dismayado rin siya dahil kanina pa siya gutom. "G-ganoon po ba manong, ganito na lang... baba na muna ako para k
SUNOD-SUNOD ang ginawa niyang paglunok sa mga sandaling iyon, habang nakatunghay siya sa naghuhumindig at tigas na tigas na "ahas" ng binata."Sh*t! ang laki naman niyan,"hindi mapigilan usal ni Minnie sa nanlalaking mata. Unang beses na makakakita siya niyon, tanging sa mga nababasa lang niyang mga pocket book siya nagkakaideya dati.Pero ngayon, heto at nakatunghay sa kanyang harapan ang sandata ng isang adonis. Ang inaakala niyang pakiramdam ng mga bida niyang babae ay hindi niya makapa ngayon. Dahil halos nanlalamig at nanginginig ang buong katawan niya.Naestatwa na lang si Minnie ng daluhungin siya ng binata at pilit na pinaghahalikan ang labi niyang nakapinid."Ano na Minnie! gising! ayan na nga nasusunod na ang plano mo bakit para kang tuod ngayon!"pangangaral niya sa sarili kaya upang ora-orada ay umayos siya.Tuluyan niyang tinugon ang nag-aalab na halik ng lalaki
MATAAS na ang sikat ng araw ng magising si Aevo. Magpahanggang sa mga sandaling iyon ay labis-labis ang pagkirot ng ulo ng binata. Sa ganoon tagpo naman siya naaktuhan ni Aizo na kapapasok lamang sa silid. Nakasuot lang naman ito ng puting sando at boxer short. May hawak itong pasuwelo na may laman na kapeng umuusok pa. Nakatali ang buhok nito patalikod, ngunit may ilang hibla rin naman ang nakaladlad sa mukha nito."Goodmorning bro, here drink this para mawala hang over mo." Aizo handled the mug to his twin na nakaupo na, bagama't nanatili itong nasa kama at natatakpan lang naman ng puting blanket ang ibabang bahagi nito.Para rito ay mas kumportable itong walang suot na kahit na anuman kapag tulog."Thanks,"tugon ni Aevo na hinilot-hilot pa ang sentido.Naupo naman si Aizo sa upuan na nasa bandang gilid ng kama ni Aevo. Pinapanuod lang niya ang mabagal na paghigop ng kakambal sa ibinigay niyang kap
BIGLA ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Minnie ng tuluyan niyang inalis ang palad sa pregnancy test na hawak-hawak niya ng mga sandaling iyon."Paano na 'tu,"nanginginig ang boses na usal ni Minnie. Parang maiiyak siya sa pagragasa sa kanya ng mga samo' t saring alalahanin sa utak niya. Halos isang minuto rin siyang nakatitig lang sa dalawang guhit ng linya na nasa testing kit na hawak-hawak pa rin niya.Tuluyan siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa bowl kahit nanlalambot pa rin siya."Ano ng gagawin ko,"patuloy na pakikipag-usap ni Minnie sa sarili. Nag-umpisang mangilid ang luha sa mata niya, hanggang sa tuluyan ng naglandas sa pisngi na niya iyon.Naupo na siya sa ibabaw ng kama niya habang nakatitig lang sa kawalan. Wala pa rin siyang ideya kung paano niya sosolusyunan ang kanyang pinagdadaanan.Sa kasagsagan ng pag-iisip niya ay narinig niya ang pag-ring ng IPhone niya na nasa loob pa rin naman ng handbag niya. Dahil sa pinagtuuna
KALALABAS lamang ni Sandy sa silid ni Minnie ng oras na 'yun. "Kumusta, okay na ba siya?"tanong ni Aevo sa nakatatandang babae matapos na makaupo ito. Trenta na siya at si Sandy naman ay halos sampung taon ang agwat sa kanya. Sa ilang taon ng pagkakaibigan nila ay laging ito ang nasasandalan niya sa tuwing may problema siya. Parang nakakita na rin siya ng ina sa katauhan nito. Dating magkatrabaho ang Mama niyang si Alyssa at ito, si Sandy ay waitress lamang sa pinagta-trabuhan na bar. Habang ang Nanay naman niya ay isang bar girl at nagpapa-take out sa iba't ibang lalaking mayayaman. Hanggang sa nagkakilala ito at si Gustav ang Papa nila ni Aizo. Naging regular costumer ni Alyssa ang kanilang ama, nagkagustuhan at kalaunan ay nagpakasal at bumuo ng pamilya. Ngunit kalaunan ang pagsasama nila ay unti-unting nasira. Hindi ito nakuntento sa kanila, hanggang sa dumati
NAGTAKA si Minnie dahil hindi siya sa kanyang counter pinaderetso ni Sandy."Bakit daw Ma'am Patty?"patuloy na pagtatanong ni Minnie na kakaba-kaba sa mga sandaling iyon."Sorry talaga Ms. Ledesma pero maging ako man ay hindi ko rin alam kung bakit pinapatawag ka ni Mommy Dee,"tugon lamang ng babae sa tanong niya.Tuluyan na siyang iniwan nito mula sa labas ng pinto ng office ni Sandy.Nag-alangan pa siyang katukin iyon, ngunit sa huli ay nagawa na rin naman niyang kumatok. Wala rin mangyayari kung tutunga siya roon.Tatlong katok ang ginawa niya bago niya tuluyan ipihit pabukas iyon.Alanganin ngiti ang ipinakita niya rito, mukhang hinihintay nga siya ng babae. Dahil dati-rati kapag nagpupunta siya roon ay maraming mga papeles itong binabasa sa ibabaw ng desk nito."Maupo ka muna Minnie, gusto mo ba ng tubig. Baka nagugutom ka sasabihan ko si Leandro na pagawan ka ng sandwich,"malumanay n
DAHIL sa mabangong amoy ng pabango ni Aevo na nalanghap ni Minnie ay hindi na nito napigilan ang sarili. Tuluyan siyang naduwal at sumuka diretso sa damit ng lalaki.Patuloy lang siya sa ganoon ayos, ramdam niya ang masuyong himas sa likuran niya ng palad ni Aevo."S-sorry,"nanghihinang usal ni Minnie, napangiwi siya pagkakita sa nadumihan na kasuotan ng lalaki. Matapos na mahimasmasan ito."It's alright, ang mabuti pa'y ihatid na lang muna kita sa unit niyo."Tuluyan na nitong inakay sa isang braso ito. Pinabayaan na lang din ni Aevo ang lantaran na pagtakip ni Minnie sa sariling ilong nito."P-pasensiya na lately ay nagiging sensitibo ako sa pang-amoy ko. Pati sa panlasa ko kaya hirap akong makapili ng kakainin,"wika ng babae.Tumango lang din si Aevo, ayaw niyang magkomento sa mga sinasabi nito.Mabilis din silang nakarating sa mismong tapat ng unit nila.