BIGLA ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Minnie ng tuluyan niyang inalis ang palad sa pregnancy test na hawak-hawak niya ng mga sandaling iyon.
"Paano na 'tu,"nanginginig ang boses na usal ni Minnie. Parang maiiyak siya sa pagragasa sa kanya ng mga samo' t saring alalahanin sa utak niya. Halos isang minuto rin siyang nakatitig lang sa dalawang guhit ng linya na nasa testing kit na hawak-hawak pa rin niya.Tuluyan siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa bowl kahit nanlalambot pa rin siya."Ano ng gagawin ko,"patuloy na pakikipag-usap ni Minnie sa sarili. Nag-umpisang mangilid ang luha sa mata niya, hanggang sa tuluyan ng naglandas sa pisngi na niya iyon.Naupo na siya sa ibabaw ng kama niya habang nakatitig lang sa kawalan. Wala pa rin siyang ideya kung paano niya sosolusyunan ang kanyang pinagdadaanan.Sa kasagsagan ng pag-iisip niya ay narinig niya ang pag-ring ng IPhone niya na nasa loob pa rin naman ng handbag niya. Dahil sa pinagtuunaKALALABAS lamang ni Sandy sa silid ni Minnie ng oras na 'yun. "Kumusta, okay na ba siya?"tanong ni Aevo sa nakatatandang babae matapos na makaupo ito. Trenta na siya at si Sandy naman ay halos sampung taon ang agwat sa kanya. Sa ilang taon ng pagkakaibigan nila ay laging ito ang nasasandalan niya sa tuwing may problema siya. Parang nakakita na rin siya ng ina sa katauhan nito. Dating magkatrabaho ang Mama niyang si Alyssa at ito, si Sandy ay waitress lamang sa pinagta-trabuhan na bar. Habang ang Nanay naman niya ay isang bar girl at nagpapa-take out sa iba't ibang lalaking mayayaman. Hanggang sa nagkakilala ito at si Gustav ang Papa nila ni Aizo. Naging regular costumer ni Alyssa ang kanilang ama, nagkagustuhan at kalaunan ay nagpakasal at bumuo ng pamilya. Ngunit kalaunan ang pagsasama nila ay unti-unting nasira. Hindi ito nakuntento sa kanila, hanggang sa dumati
NAGTAKA si Minnie dahil hindi siya sa kanyang counter pinaderetso ni Sandy."Bakit daw Ma'am Patty?"patuloy na pagtatanong ni Minnie na kakaba-kaba sa mga sandaling iyon."Sorry talaga Ms. Ledesma pero maging ako man ay hindi ko rin alam kung bakit pinapatawag ka ni Mommy Dee,"tugon lamang ng babae sa tanong niya.Tuluyan na siyang iniwan nito mula sa labas ng pinto ng office ni Sandy.Nag-alangan pa siyang katukin iyon, ngunit sa huli ay nagawa na rin naman niyang kumatok. Wala rin mangyayari kung tutunga siya roon.Tatlong katok ang ginawa niya bago niya tuluyan ipihit pabukas iyon.Alanganin ngiti ang ipinakita niya rito, mukhang hinihintay nga siya ng babae. Dahil dati-rati kapag nagpupunta siya roon ay maraming mga papeles itong binabasa sa ibabaw ng desk nito."Maupo ka muna Minnie, gusto mo ba ng tubig. Baka nagugutom ka sasabihan ko si Leandro na pagawan ka ng sandwich,"malumanay n
DAHIL sa mabangong amoy ng pabango ni Aevo na nalanghap ni Minnie ay hindi na nito napigilan ang sarili. Tuluyan siyang naduwal at sumuka diretso sa damit ng lalaki.Patuloy lang siya sa ganoon ayos, ramdam niya ang masuyong himas sa likuran niya ng palad ni Aevo."S-sorry,"nanghihinang usal ni Minnie, napangiwi siya pagkakita sa nadumihan na kasuotan ng lalaki. Matapos na mahimasmasan ito."It's alright, ang mabuti pa'y ihatid na lang muna kita sa unit niyo."Tuluyan na nitong inakay sa isang braso ito. Pinabayaan na lang din ni Aevo ang lantaran na pagtakip ni Minnie sa sariling ilong nito."P-pasensiya na lately ay nagiging sensitibo ako sa pang-amoy ko. Pati sa panlasa ko kaya hirap akong makapili ng kakainin,"wika ng babae.Tumango lang din si Aevo, ayaw niyang magkomento sa mga sinasabi nito.Mabilis din silang nakarating sa mismong tapat ng unit nila.
BAGAMAN nag-aalangan ay nilakasan ni Minnie ang sarili na sabihin ang nasa isip ng mga sandaling iyon."Ikaw huh! iba na 'yan mukhang nasasanay ka ng kasama ako. Baka sa susunod ma-fall ka na sa akin,"panunukso ni Minnie na sinundot-sundot pa ang tagiliran bahagi ng katawan ni Aevo. Pinakatitigan siya ng binata ang sumunod na sandali ang hindi inasahan ni Minnie. Dahil nag-echoe lang naman sa buong unit ang halakhak ng lalaki."Your funny woman, anong akala mo sa sarili mo the girl of my dreams. Kung si Aizo nakukuha mo sa ganyan ibahin mo ako."Muling pagsusungit sa kanya ng binata at tuluyan tumayo."Heep! sorry naman akala ko kasi ay may something na,"mahinang sabi ni Minnie.Napabuga naman ng hangin sa bibig si Aevo at muli siyang binalingan."Look Minnie, hindi sa lahat ng oras kapag may ipinapakitang kabaitan ang isang lalaki ay interested na siya sa iyo. Baka lang nami-mis interpret mo lang naman. Because as of now pagkaawa lang a
RAMDAM pa ni Aevo ang paglapag ng sinakyan niyang eroplano ng mga oras na iyon. Halos isang linggo rin siyang namalagi mula sa Switzerland dahil sa mga business conference na dinaluhan niya roon."Follow me sir,"ani ng babaeng stewardess na naka-assign sa kanya. Dahil VIP seats ang pinili ng former secretary niya. Tuluyan na ngang sumunod ang binata na binibit ang hindi naman kalakihan niyang travelling bag at ilang pasalubong para sa lolo't Lola niya.Tinanguan na lang din niya ang babae matapos na makarating sila sa exit at agad na hinila ang trolley bag niya. Diretso siyang naglakad, hindi alintana ang pagtitinginan ng mga tao sa paligid niya.Sa totoo lang ay nasanay na rin siya sa lumipas na taon sa tuwing mapapadaan siya sa maraming tao. Parang dinaig pa niya ang pagiging artista. Kaya sa tuwing nangyayari iyon ay mabilis niyang isinusuot ang shades niya.Maya-maya ay isang sigaw ang umagaw sa atensyon ng binata. Nang tu
KAHIT hindi alam ni Aevo kung saan niya sisimulan hanapin ang babae ay nag-umpisa na siyang magmaneho."Pick up the call Minnie,"usal ni Aevo sa naka-loud speaker niyang IPhone. Kasalukuyan siyang nasa gitna ng highway halos dalawang oras na rin siyang pilit na tinatawagan ang numero ng babae na ipinasa sa kanya ni Sandy. Pero magpahanggang sa mga oras na iyon ay hindi ito sumasagot sa tawag niya.Mabilis na pinasadaan ni Aevo ang suot na relox, limang minuto na lang ang nalalabi bago pumatak ang alas-dose. Dahil nakaramdam naman siya ng pagkalam sa sikmura ay minabuti na lang niyang i-park ang kotse sa isang maliit na kainan na madadaanan niya.Parang iisang mata ang tumungo sa direksyon ng binata ng tuluyan siyang pumasok sa karenderya.Parang gusto na lang lumabas ulit ni Aevo, dahil pansin na pansin na naiiba siya sa mga taong kasalukuyan kumakain roon.Ilan sa m
INIHATID na rin siya ni Aevo sa condiminium ni Sandy makaraan ang isang oras ng lubos na siyang nakapagpahinga sa hospital. Akmang bubuksan ni Minnie ang pinto ng buksan iyon ni Aevo."H-hindi mo naman kailangan gawin ito sa akin,"may himig hiya na usal ng dalaga sa binata. Habang inaalis na nito ng tuluyan ang pagkakabit ng seat belt kay Minnie. Kasabay niyon ang dahan-dahan nitong pagpangko sa kanya. Inalalayan pa ni Aevo ang ulo niya gamit ang palad para hindi mauntog sa paglabas niya rito."It's okay, the fact na hindi ka naman mabigat. I'm just worried baka duguin ka na naman, sa ngayon kapag naihatid na kita at manatili ka na lang muna sa silid mo,"bilin pa ng binata sa kanya habang naglalakad ito papunta sa entrance.Napansin niya ang kakaibang titig sa kanila ng gwardiyang nasa entrance pati ang mga babaeng nasa reception. Bigla ang pagkapahiyang bumalot sa kabuuan ni Minnie kaya ang ginawa na lang niya ay isinandig na lang niya
FIRST day ni Minnie sa kumpaniya, bagong surroundings at mga taong pakisamahan ang makakasalumuha na niya umpisa ngayong araw. Sa totoo lang ay napakahirap din naman kay Minnie na bitawan ang dating trabaho niya sa Dee Clubhouse.Napalapit na siya karamihan sa mga naging katrabaho niya roon dahil madali lang naman siyang maging kaibigan. Kahapon nga nagpunta sa condominium unit ni Sandy sina Patty, Leandro at ibang mga ka-shift niya. Labis na ikinabigla at ikinalungkot ng mga ito ang tuluyan pag-alis niya sa clubhouse. Tatlong Buwan na rin siya roon kaya kahit paano ay may mga nabuo ng pakikipagkaibigan sa pagitan nilang lahat.Isa sa mga labis na naapektuhan ay si Leandro, ito lang naman ang masugid na nanliligaw sa kanya. Mabait ito at maginoo, kaya hindi rin naman makayang diretsahin ni Minnie ang lalaki. Halos maiyak-iyak ito at paulit-ulit na nagtanong kung sigurado na siyang aalis na talaga sa pinagta-trabuhan. Akala kasi nito ay nagleave lam
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma