FIRST day ni Minnie sa kumpaniya, bagong surroundings at mga taong pakisamahan ang makakasalumuha na niya umpisa ngayong araw. Sa totoo lang ay napakahirap din naman kay Minnie na bitawan ang dating trabaho niya sa Dee Clubhouse.
Napalapit na siya karamihan sa mga naging katrabaho niya roon dahil madali lang naman siyang maging kaibigan. Kahapon nga nagpunta sa condominium unit ni Sandy sina Patty, Leandro at ibang mga ka-shift niya. Labis na ikinabigla at ikinalungkot ng mga ito ang tuluyan pag-alis niya sa clubhouse. Tatlong Buwan na rin siya roon kaya kahit paano ay may mga nabuo ng pakikipagkaibigan sa pagitan nilang lahat.Isa sa mga labis na naapektuhan ay si Leandro, ito lang naman ang masugid na nanliligaw sa kanya. Mabait ito at maginoo, kaya hindi rin naman makayang diretsahin ni Minnie ang lalaki. Halos maiyak-iyak ito at paulit-ulit na nagtanong kung sigurado na siyang aalis na talaga sa pinagta-trabuhan. Akala kasi nito ay nagleave lamHINDI na nagtaka si Aevo na sinadiya pa siya ni Aizo sa mansyon. Magmula kasi ng maikasal ito kay Lauren isang Buwan na rin ang nakararaan ay lumipat na ito sa ibang subdibisyon na hindi naman nalalayo sa kanila."Can we talk?"umpisa ni Aizo."Ano bang pag-uusapan natin?"tanong ni Aevo na inilapag lang sa gilid niya ang briefcase niya. Na-late siya ng uwi dahil isinibay pa niya si Minnie sa pag-uwi. Wala kasing susundo rito dahil nagleave sa trabaho si Mang Lucio. Habang si Sandy naman ay maagang nagpupunta sa clubhouse dahil sunod-sunod ang event na idinaos ng magkaibang kliyenti nito."Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ini-hire mo pala si Minnie bilang secretary mo,"sabi ni Aizo na humalikipkip pa."Bakit kailangan ko pa bang ipaalam lahat ng magiging desisyon ko, dati naman kahit wala ang approval mo bakit ngayon ay tila nag-iiba yata ang ihip ng hangin. Saka hindi na rin mababago pa ang pasya ko kahit magsabi pa ako,"simpleng sagot lang
TULUYAN na ngang sumunod si Minnie kay Aevo na tahimik lamang habang lulan sila ng elevator. Pasimple niyang sinusulyapan."Boss may napapansin ako,"wika ni Minnie na hindi makatiis sa katahimikan na nasa pagitan nilang dalawa ng binata."Ano iyon?"tanong nito na nilingon pa siya."Lalo kayong guma-gwapo ah, mukhang may nagpapa-inspire sa inyo,"tukso ni Minnie rito na humagikhik pa.Kita ng dalaga ang pagtaas ng sulok ng labi ng binata. Nagkibit-balikat lamang ito, hindi nag-abalang sagutin ang tanong niya."So ikaw may nagpapa-inspire rin ba sa'yo, dahil pansin ko lalo kang gumaganda sa paningin ko,"banat naman ni Aevo.Bigla ang pagkukulay kamatis ng mukha ni Minnie na hindi ini-expect ang narinig mula sa boss niya. Itinikom na lang niya ang bibig at nag-iwas ng tingin ng mga empleyadong pumasok sa loob ng elevator at binati ng mga ito si Aevo. Pumagilid na
HALOS himas-himas ni Minnie ang sariling tiyan matapos nilang makakain."Mukhang busog na busog ka,"pansin ni Lauren na nagpupunas na ng table napkin sa bibig."Ah oo, salamat sa libre mo huh Lala sa susunod ako naman manlilibre sa iyo para hindi nakakahiya,"usal niya matapos niyang dumighay."E-excuse me,"napapahiya niyang sabi. Napalingon-lingon pa si Minnie, dahil ang ilan sa mga katabi nilang kumakain ay napasulyap pa sa kanya saka nagbulungan na tila malaking kasalanan ang nagawa niyang pagdighay.Sabagay nasa isang mamahalin at class na class siyang restaurant kakatwang nakapasok at nakakain siya roon."It's alright Minnie, human nature ang mag-burp."Saka ito mahinhin na nagtatawa. Ngumiti na lang ng tipid ang dalaga. Mabuti na lang ang kasama niya ay hindi mapanghusga, nagpapasalamat siya dahil magmula ng tumapak siya sa Maynila ay wala pa naman siyang nae-encounter na taong mayaman na humamak sa pagkato niya animo
NANG makalabas nga si Minnie at Lauren ay tuluyan sinundan naman ng binata ang mag-amang Don Hidalgo at Ayessha sa parking lot ng mismong restaurant na kakainan sana nila. Halatado ang mabigat na argumento ng dalawa ng makalapit siya."Lagi na lang ba ija, sa tuwing makikita mo si Minnie ay pinag-iinitan mo. Ano bang problema mo sa kanya napakabait na bata nito,"pangangaral ng Don sa anak na nakaiwas ang tingin at masasalamin sa mukha ang labis na pagkainis."Sige na kasalanan ko na naman! I hate you Daddy palagi niyo na lang kinakampihan ang katulong na iyon! Iniisip ko tuloy na may gusto kayo sa kanya!"galit na akusa nito."Tumigil ka Ayessha, matakot ka sa mga pinagsasabi mo. P-para ko na rin a-anak si Minnie kaya ganoon ang concern ko sa kanya,"explain ni Don Hidalgo na hinawakan pa sa magkabilang bisig ang anak na hindi pa rin humuhupa ang hinanakit para sa pagtatanggol ng ama kay Minnie."Sinun
TULUYAN iminulat ni Minnie ang mata, hindi na niya namalayan na nakaidlip na pala siya kanina. Iinot-inot na siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya.Tuluyan siyang tumayo ng makaulinig siya ng mumunting ingay sa labas ng silid niya. Inaakala niya na si Sandy na iyon ay lumabas na siya."A-Aevo, bakit ka narito?"nabiglang usal ni Minnie. Katulad niya ay tila hahawakan ng binata ang seradura ng pinto na parang bubuksan iyon."I'm staying here, wala ka kasing kasama,"simpleng sabi lang nito."Okay na ako, pwedi ka ng umuwi. Saka sanay na akong mag-isa sa tuwing gabi rito,"pagtataboy ni Minnie rito. Kailangan niyang gawin iyon, dahil hindi na siya natutuwa sa nararamdaman niya sa tuwing malapit ito sa kanya at binibigyan pa siya ng importansya."No, I stay with you here,"pinal na sagot ni Aevo na sinundan lamang ang babae hanggang s
KASALUKUYAN tumatapos si Minnie ng trabaho na ipinagawa sa kanya ni Aevo ng hapon na iyon. Wala ito sa opisina dahil may dinaluhan itong conference meeting sa Baguio. Ngunit ipinangako nito sa babae na bago magalas-singko ay nakabalik na ito para sabay na silang makauwi.Ngunit dumating ang oras ng uwian, walang Aevo na nagpakita."Ano pa bang aasahan mo Minnie sa isang iyon. Sino ka ba sa buhay niya, hindi ka naman niya kaano-ano para maging importante. Wake up girl!"pangangaral niya sa sarili.Mabilis niyang pinunasan ang luhang dumaloy sa magkabilang pisngi niya.Naiinis at natatawa siya sa sarili. Sobra na kasing nag-o-over reacting siya. Hindi na niya maintindihan ang sarili kapag kasama niya si Aevo inis na inis siya sa pagmumukha nito. Pero kapag wala naman ito panay ang paghahanap niya.Naghintay pa ng limang minuto si Minnie bago niya lisanin ang opisina. Nilinis
MALAKAS niyang isinarado ang pinto ng kotse niya. Diretso lang siyang pumasok sa mansyon, kahit nakita na niya si Aizo at ang asawa nitong si Lauren kausap ang Lolo Ghad niya."Kambal! halika muna rito!"pagtawag sa kanya ni Aizo, ngunit hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy sa pag-akyat sa matarik na hagdan si Aevo."Hindi pa rin pala kayo nagkakaayos apo,"puna ni Ghad na naiiling."Siya nga Lo dadalawa na nga lang silang magkapatid pero panay ang away,"wika naman ni Lauren."Ano ba naman Love, nakikipag-ayos na ako sa kanya. Pero siya itong may ayaw may magagawa ba ako. Dumidikit kasi siya sa babaeng iyon kaya ganyan na inaasta,"pikon na saad ni Aizo."At sinong babae naman iyon?"ang biglang tanong ng Lola nila na kakaupo lang din."Huwag niyo ng masiyadong pinapansin itong apo niyo La,"sabi naman ni Lauren na siniko pa si Aizo."Totoo na
IILING-ILING na nilapitan ni Aizo si Aevo sa bar na pinuntahan ng gabing iyon. Pangatlong araw na magmula ng makaalis si Minnie sa condominium unit ni Sandy."Hey! lasing ka na tara iuuwi na kita,"yakag ni Aizo na tinapik pa ang balikat ni Aevo."H-hindi p-pa a-ako lashinng! better just l-leave me here! Hey! waiter another bottle of beer for me!"lasing ng pagtatawag ni Aevo sa lalaking dumaan na may dala-dalang order mula sa kabilang table. Ipiniksi nito ang kamay ni Aizo na humahawak sa balikat niya.Nang akmang lalapit ang waiter ay sumenyas si Aizo na huwag na silang lapitan. Na-gets naman iyon ng manggagawa at tuluyan nagpunta sa ibang costumer ng bar na iyon na nagtawag dito."W-where are you g-going, don't you you hear what I said I need more bottle of beer. Bingi ka ba!"nanggagalaiting sigaw ni Aevo na tumayo na ngunit nabuway ito. Mabuti na lang maagap si Aizo at agad na nahawakan nito
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma