IILING-ILING na nilapitan ni Aizo si Aevo sa bar na pinuntahan ng gabing iyon. Pangatlong araw na magmula ng makaalis si Minnie sa condominium unit ni Sandy.
"Hey! lasing ka na tara iuuwi na kita,"yakag ni Aizo na tinapik pa ang balikat ni Aevo.
"H-hindi p-pa a-ako lashinng! better just l-leave me here! Hey! waiter another bottle of beer for me!"lasing ng pagtatawag ni Aevo sa lalaking dumaan na may dala-dalang order mula sa kabilang table. Ipiniksi nito ang kamay ni Aizo na humahawak sa balikat niya.
Nang akmang lalapit ang waiter ay sumenyas si Aizo na huwag na silang lapitan. Na-gets naman iyon ng manggagawa at tuluyan nagpunta sa ibang costumer ng bar na iyon na nagtawag dito.
"W-where are you g-going, don't you you hear what I said I need more bottle of beer. Bingi ka ba!"nanggagalaiting sigaw ni Aevo na tumayo na ngunit nabuway ito. Mabuti na lang maagap si Aizo at agad na nahawakan nito
NASA itaas ng bundok si Minnie ng mga sandaling iyon. Napagpasiyahan niyang akyatin ang bantay bato ng mag-isa, lalo ngayon gusto niyang mapag-isa at makapagmuni-muni.Sa tatlong araw na lumipas magmula ng umuwi siya roon ay walang sandali na hindi niya naalala ang ama ng dinadala niya— si Aevo.Kung kumusta na ba ito, naging okay kaya ito ng mawala siya. Masaya ba ito na umalis na siya at hindi tiyak kung magkikita pa silang dalawa.Maraming katanungan ang gustong bigyan ng kasagutan ni Minnie sa isip. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay wala siyang maapuhap."Sabi ko nga ba narito ka lang eh,"pagsasalita ni Carol na kadarating lamang."Best friend dumating ka na pala, akala ko sa katapusan ka pa makakabalik dito sa atin sabi ng Mama mo,"galak na sabi naman ni Minnie na yumakap sa matalik niyang kaibigan."Iyon nga eh, nabalitaan ko kasi na umuwi ka raw at totoo ba na... kwan bff... na buntis ka?"tan
UNTI-UNTING nagmulat si Minnie,unang-una na nakita niya si Sandy na nakatunghay sa kanya at labis ang pag-aalala sa mukha.Sa pagkakita niya rito ay muling napabalik sa isipan niya ang nangyari bago siya tuluyan mahimatay."O-okay ka lang Minnie... a-anak?"Puno ng pag-aalala ang tinig ni Sandy at masuyong dinampian ng palad nito ang braso niya.Ang nanay Alicia naman niya ay tinulungan siyang mapa-upo. Mabilis din lumapit ang kapatid niyang si Mandy na may hawak na isang tasa."Heto ate uminom ka muna ng tubig,"wika nito at inalalayan papunta sa bibig niya ang tasa.Lumagok naman si Minnie roon, halos naubos niya ang laman niyon. Nang tapunan niya si Sandy ay nanatiling nakahawak pa rin ito sa kanya, dahil sa nakaramdam siya ng weird feelings ay pasimple niyang inalayo ang kamay na hawak-hawak ng totoo niyang ina.Lumatay sa mukha ni Sandy ang lungkot sa ginawa ni Minnie."Gusto ko po sanang mapag-isa,"pakiusap ni
DAHIL sa malalim ang iniisip ni Minnie ay hindi na niya namalayan na pumasok na pala ang ina niyang si Alicia."Anak, maari ba kitang kausapin ngayon?""Sige po nay,"tugon naman ni Minnie at tuluyan silang naupo sa papag."Alam kong nabigla ka at hindi mo halos mapaniwalaan ang lahat ng mga nalaman mo ngayon. Pero hiling ko lang ay sana bigyan mo ng pagkakataon ang mama at ang papa mo na bumawi sa iyo,"hiling ng ginang na hinawakan pa ang palad ni Minnie.Hindi naman nakapagsalita ito at mataman nag-iisip. Hanggang sa tuluyan nitong masabi sa kinalakhan na ina ang totoong nasa puso niya."Nay, bakit niyo ho ba inilihim sa akin ang lahat... n-na hindi niyo ako totoong anak?"naluluhang tanong ni Minnie.Napakasakit sa kanya na ang pamilyang nakasama niya sa paglaki ay hindi pala niya totoong pamilya."Patawarin mo sana kami ng Tatay mo, ayaw lang namin na umiba ang tingin mo sa amin bilang
MASAYA na sana ang gabing iyon para kay Minnie, ngunit mabubura iyon sa hindi niya inaasahan na bisita sa party na dumating.Kasalukuyan niyang pinapanuod ang pagsasayaw ng Mama at Papa niya, katabi niya sa inuupuan si Yessha na sumimsim ng wine nang tumayo ito."Oh! my gosh sissy, look who's here!"Tili ng step sister niya. Nang tignan niya kung saan ito nakatingin ay maging siya man ay gulat na gulat."Hai Aevo! Akala ko hindi ka na talaga pupunta, iyon ang sabi mo sa akin mula sa call,"wika ni Yessha na nasa tabi niya nang tuluyan makalapit ang binata."I've change my mind,"matipid lamang na sagot nito at napagawi kay Minnie na nakatingin din naman rito."Good, iwan ko muna kayo ng step sister ko at may mga kakausapin pa ako,"pamamaalam ni Yessha at tuluyan ng umalis.Gusto sanang magprotesta si Minnie, pero magiging obvious siya na umiiwas sa lalaki."Kumusta ka?"tanong ni Aevo na nakatitig
PILIT na hinihila ni Minnie ang kamay na mahigpit pa rin hawak ni Aevo."Bitiwan mo nga ako,"daing ng babae ngunit tila bingi ito at hindi siya pinapakinggan. Akala niya ay babalik sila sa party, ngunit nagulat siya ng tuloy-tuloy silang pumasok sa loob ng mansyon."Ano bang problema mo!"galit ng sabi ni Minnie. Sa sandaling iyon ay tuluyan ng binitiwan ni Aevo ang palad niya. Hinawakan naman ng dalaga ang nasaktan na kamay at hinimas-himas, dala na rin ng mahigpit na pagkahawak ng binata."Wala akong problema sa'yo, pero sa kasama mong lalaki meron,"matiim na bigkas nito."Bakit wala naman masama sa ginawa niyang paglapit sa akin kanina. Sa tingin ko mabait at mapagkakatiwalaan naman siya,"ani ni Minnie.Akala niya ay tuluyan huhupa ang ngit-ngit ng binata. Ngunit lalong hindi maipinta ang pagmumukha nito. Mabuti na lang pala sa loob sila ng sala ng mansyon nagpunta hindi
NAG-UMPISA na nga ang ipinangako niya kay Yessha na ipaglapit ito kay Aevo. Unang ginawa niya sa tuwing dumadalaw ang huli at kapag siya ang hinahanap nito ay ang kapatid niya ang siyang humaharap dito.Sinasabi na lang niyang masama ang pakiramdam niya sa tuwing kakatukin siya ni Yessha at hinahanap nga siya ng binata. Isa, dalawa at tatlong buwan ang matuling lumipas. Nasa anim na buwan na ang ipinagbubuntis niya, hindi na rin masiyadong napapadalaw si Aevo dahil may inaasikaso din naman itong business.Sa lumipas na Buwan ay nasa loob lang siya ng mansiyon, palagian dumadalaw ang Nanay Alicia at Tatay Hermenio niya at nagdadala ng mga gulay. Ang mga kapatid naman niya ay naging busy na rin dahil sa school days kaya dumalang na ang pagkikita nila.Nasa garden siya ngHacienda Ramirez ng mga oras na iyon nang lapitan siya ng Papa Hidalgo niya."Ija, nasaan nga pala ang kapatid mo maghapon ko na siyang hindi nakikita rito
TAHIMIK parehas si Minnie at Aevo habang nagba-biyahe sila pa-Maynila. Patingin-tingin lamang ang babae mula sa labas ng bintana ng kotse. Ang binata naman manaka-naka ay tinatapunan din siya ng pansin."Are you okay Minnie, if you need something just ask me. Kung kailangan mong bumaba para makapag-banyo sabihin mo lang,"bilin ni Aevo.Tumango lang si Minnie na nanatiling sa labas nakatingin. Napabuga naman ng hangin sa bibig si Aevo. Sa totoo lang ay sobra siyang natuwa ng magsabi si Don Hidalgo na siya na lang ang sumama sa anak nitong si Minnie para magpa-ultra sound sa obgyne nito.Kung hindi lang nito alam kung gaano siya natuwa na siya ang sinabihan ng matanda. Dahil halos wala na siyang maisip na idadahilan kay Yessha para makapasyal siya sa Hacienda. Bumalik na kasi ang nobya niya sa trabaho nito sa Maynila.Muling napasulyap si Aevo sa tahimik pa rin na babae. He miss Minnie the way she talk
NANGINGINIG pa ang kamay ni Minnie nang iabot niya iyon sa binata, upang alalayan siya sa pagbaba. Mabilis na mabilis pa rin ang pagtahip ng tibok ng puso niya."Your hands are cold and you look so pale too what's the matter?"Aalalang puna ni Aevo kay Minnie. Idinantay pa nito sa pisngi niya ang palad. Dama ng babae ang init na nagmumula roon, kahit paano ay napawi ang pagkatensyon niya."K-kinakabahan ako A-Aevo, i-ihatid mo na lang ako pauwi, pasensiya na talaga,"anas ni Minnie. Kumapit na siya sa braso ng binata."Sige, tara na."Pag-aya ni Aevo at muli siyang inalalayan. Ngunit hindi pa sila nakakahakbang ng pumailanlang ang masiglang tinig ng Lolo nito."Apo! Siya ba ang tinutukoy mo. Mabuti naman at sa wakas napapayag mo na siyang pumunta rito,"magiliw na salubong nito sa kanila na hindi inasahan ni Minnie na mainit ang magiging pagtanggap sa tahanan ng mga ito."Halik
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
NANLALAKI ang mata niyang tinitigan ang lalaki. Takot na takot siya habang pinagmamasdan pa rin itong nakatitig din naman sa kanya."P-papatayin niyo ho ba ako mister?" ang maiiyak na tanong ni Gideon na sinalsal ng kaba ang dibdib.Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ng lalaki at saka ito humalakhak ng walang humpay.Hindi alam ni Gideon kung bakit ganoon ang naging reaction nito. Muli na naman niyang sinubukan na buksan ang katabing pinto ng kotse. Nagbabakasali siyang makakatakas siya!"Natutuwa ako sa iyo alam mo ba, dahil diyan sasamahan mo akong mag-dinner," wika nito na nakatitig pa rin sa kanya.Binalingan niya ito at nakita naman ni Gideon na walang halong biro ang nasa mukha ng lalaki.Kaya kahit kabado pa rin ay nanahimik na lang si Gideon sa kanyang kinauupuan, habang hinihintay ang bawat sandali na sakay siya ng mamahalin kotse ng la
MARAHAS na binuksan ng nagpanggap na Aevo ngunit totoong Gideon Laurzano sa totoong buhay ang pinto ng roof dect ng apartment kung saan siya nagtago sa kasalukuyan. Hangga't mainit pa rin ang mata sa kanya ng lahat. Sinindihan niya ang switch ng m bombilya na patay-sindi."Puny*ta talaga!" pagmumura ni Gideon. Pabagsak siyang naupo sa kama niya na iniigkasan ng spring dahil sa lumang-luma na iyon at sira-sira pa.Kahit saan ka tumingin, ay makikita ang kalumaan ng buong silid. Ang mga kurtina na nakasabit ay puti pa ang dating kulay, ngunit dahil sa matagal ng nakasabit na ang huli pang gumamit sa silid ay naroon na iyon. Dahil sa tatlong taon na nawala siya roon ganoon na rin katagal iyon doon.Halos napuno na ng alikabok at ang ilang mga gamit ay hindi nakaayos sa tamang lagayan.Agad kumuha ng t-shirt si Gideon sa lagayan at pinunit iyon para may maipangtapal siya sa bala ng baril na tumama sa kan
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma