KALALABAS lamang ni Sandy sa silid ni Minnie ng oras na 'yun.
"Kumusta, okay na ba siya?"tanong ni Aevo sa nakatatandang babae matapos na makaupo ito. Trenta na siya at si Sandy naman ay halos sampung taon ang agwat sa kanya.
Sa ilang taon ng pagkakaibigan nila ay laging ito ang nasasandalan niya sa tuwing may problema siya. Parang nakakita na rin siya ng ina sa katauhan nito.
Dating magkatrabaho ang Mama niyang si Alyssa at ito, si Sandy ay waitress lamang sa pinagta-trabuhan na bar. Habang ang Nanay naman niya ay isang bar girl at nagpapa-take out sa iba't ibang lalaking mayayaman.
Hanggang sa nagkakilala ito at si Gustav ang Papa nila ni Aizo. Naging regular costumer ni Alyssa ang kanilang ama, nagkagustuhan at kalaunan ay nagpakasal at bumuo ng pamilya.
Ngunit kalaunan ang pagsasama nila ay unti-unting nasira. Hindi ito nakuntento sa kanila, hanggang sa dumati
NAGTAKA si Minnie dahil hindi siya sa kanyang counter pinaderetso ni Sandy."Bakit daw Ma'am Patty?"patuloy na pagtatanong ni Minnie na kakaba-kaba sa mga sandaling iyon."Sorry talaga Ms. Ledesma pero maging ako man ay hindi ko rin alam kung bakit pinapatawag ka ni Mommy Dee,"tugon lamang ng babae sa tanong niya.Tuluyan na siyang iniwan nito mula sa labas ng pinto ng office ni Sandy.Nag-alangan pa siyang katukin iyon, ngunit sa huli ay nagawa na rin naman niyang kumatok. Wala rin mangyayari kung tutunga siya roon.Tatlong katok ang ginawa niya bago niya tuluyan ipihit pabukas iyon.Alanganin ngiti ang ipinakita niya rito, mukhang hinihintay nga siya ng babae. Dahil dati-rati kapag nagpupunta siya roon ay maraming mga papeles itong binabasa sa ibabaw ng desk nito."Maupo ka muna Minnie, gusto mo ba ng tubig. Baka nagugutom ka sasabihan ko si Leandro na pagawan ka ng sandwich,"malumanay n
DAHIL sa mabangong amoy ng pabango ni Aevo na nalanghap ni Minnie ay hindi na nito napigilan ang sarili. Tuluyan siyang naduwal at sumuka diretso sa damit ng lalaki.Patuloy lang siya sa ganoon ayos, ramdam niya ang masuyong himas sa likuran niya ng palad ni Aevo."S-sorry,"nanghihinang usal ni Minnie, napangiwi siya pagkakita sa nadumihan na kasuotan ng lalaki. Matapos na mahimasmasan ito."It's alright, ang mabuti pa'y ihatid na lang muna kita sa unit niyo."Tuluyan na nitong inakay sa isang braso ito. Pinabayaan na lang din ni Aevo ang lantaran na pagtakip ni Minnie sa sariling ilong nito."P-pasensiya na lately ay nagiging sensitibo ako sa pang-amoy ko. Pati sa panlasa ko kaya hirap akong makapili ng kakainin,"wika ng babae.Tumango lang din si Aevo, ayaw niyang magkomento sa mga sinasabi nito.Mabilis din silang nakarating sa mismong tapat ng unit nila.
BAGAMAN nag-aalangan ay nilakasan ni Minnie ang sarili na sabihin ang nasa isip ng mga sandaling iyon."Ikaw huh! iba na 'yan mukhang nasasanay ka ng kasama ako. Baka sa susunod ma-fall ka na sa akin,"panunukso ni Minnie na sinundot-sundot pa ang tagiliran bahagi ng katawan ni Aevo. Pinakatitigan siya ng binata ang sumunod na sandali ang hindi inasahan ni Minnie. Dahil nag-echoe lang naman sa buong unit ang halakhak ng lalaki."Your funny woman, anong akala mo sa sarili mo the girl of my dreams. Kung si Aizo nakukuha mo sa ganyan ibahin mo ako."Muling pagsusungit sa kanya ng binata at tuluyan tumayo."Heep! sorry naman akala ko kasi ay may something na,"mahinang sabi ni Minnie.Napabuga naman ng hangin sa bibig si Aevo at muli siyang binalingan."Look Minnie, hindi sa lahat ng oras kapag may ipinapakitang kabaitan ang isang lalaki ay interested na siya sa iyo. Baka lang nami-mis interpret mo lang naman. Because as of now pagkaawa lang a
RAMDAM pa ni Aevo ang paglapag ng sinakyan niyang eroplano ng mga oras na iyon. Halos isang linggo rin siyang namalagi mula sa Switzerland dahil sa mga business conference na dinaluhan niya roon."Follow me sir,"ani ng babaeng stewardess na naka-assign sa kanya. Dahil VIP seats ang pinili ng former secretary niya. Tuluyan na ngang sumunod ang binata na binibit ang hindi naman kalakihan niyang travelling bag at ilang pasalubong para sa lolo't Lola niya.Tinanguan na lang din niya ang babae matapos na makarating sila sa exit at agad na hinila ang trolley bag niya. Diretso siyang naglakad, hindi alintana ang pagtitinginan ng mga tao sa paligid niya.Sa totoo lang ay nasanay na rin siya sa lumipas na taon sa tuwing mapapadaan siya sa maraming tao. Parang dinaig pa niya ang pagiging artista. Kaya sa tuwing nangyayari iyon ay mabilis niyang isinusuot ang shades niya.Maya-maya ay isang sigaw ang umagaw sa atensyon ng binata. Nang tu
KAHIT hindi alam ni Aevo kung saan niya sisimulan hanapin ang babae ay nag-umpisa na siyang magmaneho."Pick up the call Minnie,"usal ni Aevo sa naka-loud speaker niyang IPhone. Kasalukuyan siyang nasa gitna ng highway halos dalawang oras na rin siyang pilit na tinatawagan ang numero ng babae na ipinasa sa kanya ni Sandy. Pero magpahanggang sa mga oras na iyon ay hindi ito sumasagot sa tawag niya.Mabilis na pinasadaan ni Aevo ang suot na relox, limang minuto na lang ang nalalabi bago pumatak ang alas-dose. Dahil nakaramdam naman siya ng pagkalam sa sikmura ay minabuti na lang niyang i-park ang kotse sa isang maliit na kainan na madadaanan niya.Parang iisang mata ang tumungo sa direksyon ng binata ng tuluyan siyang pumasok sa karenderya.Parang gusto na lang lumabas ulit ni Aevo, dahil pansin na pansin na naiiba siya sa mga taong kasalukuyan kumakain roon.Ilan sa m
INIHATID na rin siya ni Aevo sa condiminium ni Sandy makaraan ang isang oras ng lubos na siyang nakapagpahinga sa hospital. Akmang bubuksan ni Minnie ang pinto ng buksan iyon ni Aevo."H-hindi mo naman kailangan gawin ito sa akin,"may himig hiya na usal ng dalaga sa binata. Habang inaalis na nito ng tuluyan ang pagkakabit ng seat belt kay Minnie. Kasabay niyon ang dahan-dahan nitong pagpangko sa kanya. Inalalayan pa ni Aevo ang ulo niya gamit ang palad para hindi mauntog sa paglabas niya rito."It's okay, the fact na hindi ka naman mabigat. I'm just worried baka duguin ka na naman, sa ngayon kapag naihatid na kita at manatili ka na lang muna sa silid mo,"bilin pa ng binata sa kanya habang naglalakad ito papunta sa entrance.Napansin niya ang kakaibang titig sa kanila ng gwardiyang nasa entrance pati ang mga babaeng nasa reception. Bigla ang pagkapahiyang bumalot sa kabuuan ni Minnie kaya ang ginawa na lang niya ay isinandig na lang niya
FIRST day ni Minnie sa kumpaniya, bagong surroundings at mga taong pakisamahan ang makakasalumuha na niya umpisa ngayong araw. Sa totoo lang ay napakahirap din naman kay Minnie na bitawan ang dating trabaho niya sa Dee Clubhouse.Napalapit na siya karamihan sa mga naging katrabaho niya roon dahil madali lang naman siyang maging kaibigan. Kahapon nga nagpunta sa condominium unit ni Sandy sina Patty, Leandro at ibang mga ka-shift niya. Labis na ikinabigla at ikinalungkot ng mga ito ang tuluyan pag-alis niya sa clubhouse. Tatlong Buwan na rin siya roon kaya kahit paano ay may mga nabuo ng pakikipagkaibigan sa pagitan nilang lahat.Isa sa mga labis na naapektuhan ay si Leandro, ito lang naman ang masugid na nanliligaw sa kanya. Mabait ito at maginoo, kaya hindi rin naman makayang diretsahin ni Minnie ang lalaki. Halos maiyak-iyak ito at paulit-ulit na nagtanong kung sigurado na siyang aalis na talaga sa pinagta-trabuhan. Akala kasi nito ay nagleave lam
HINDI na nagtaka si Aevo na sinadiya pa siya ni Aizo sa mansyon. Magmula kasi ng maikasal ito kay Lauren isang Buwan na rin ang nakararaan ay lumipat na ito sa ibang subdibisyon na hindi naman nalalayo sa kanila."Can we talk?"umpisa ni Aizo."Ano bang pag-uusapan natin?"tanong ni Aevo na inilapag lang sa gilid niya ang briefcase niya. Na-late siya ng uwi dahil isinibay pa niya si Minnie sa pag-uwi. Wala kasing susundo rito dahil nagleave sa trabaho si Mang Lucio. Habang si Sandy naman ay maagang nagpupunta sa clubhouse dahil sunod-sunod ang event na idinaos ng magkaibang kliyenti nito."Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ini-hire mo pala si Minnie bilang secretary mo,"sabi ni Aizo na humalikipkip pa."Bakit kailangan ko pa bang ipaalam lahat ng magiging desisyon ko, dati naman kahit wala ang approval mo bakit ngayon ay tila nag-iiba yata ang ihip ng hangin. Saka hindi na rin mababago pa ang pasya ko kahit magsabi pa ako,"simpleng sagot lang