Share

Chapter Eleven

BAGAMA'T wala sa mood ay napagdesisyunan na rin ni Minnie na sundin ang isinuhestiyon ni Sandy sa kanya na magpunta sa beauty salon at mag-shopping. Maganda raw iyon pampawala ng negative vibes.

Isang simpleng bestidang floral ang isinuot ni Minnie na pinaresan niya ng doll shoes. Ang mahaba niyang buhok ay inilugay na lang niya at nagsuot ng headband. Sa pagpasada niya sa sariling repleksyon sa malaking salamin na nasa loob ng silid niya ay napaka-cute niyang pagmasdan.

Naglagay na lang ng pulbos sa mukha at liptint naman sa labi si Minnie. Hindi siya nag-make up dahil nang huli siyang maglagay ay namula ang balat niya. Kaya lahat ng binili ni Rico na make up kit ay ibinalik na lang niya.

Ang tanging nagagamit niya sa tuwing pumapasok siya sa club house ay ang natural make up na ginagamit naman ni Sandy. Parehas pala kasing sensitive ang kutis nila nito.

"Saan tayo ija?"tanong ni Mang Lucio.

"Sa MOA manong, idaan mo na lang ako roon. Baka kasi matagalan na naman ako roon,"sabi ng dalaga.

Tumango naman ang matanda at tuluyan na itong nag-drive. Halos inabot pa sila ng isang oras sa highway dala na rin sa traffic. Mabuti na lang at nakasakay sa kotse ito dahil kung hindi tiyak niyang maha-haggard siya.

Isang kaway na lang ang ginawa niya kay Mang Lucio na nasa driver seat, matapos niyang makababa.

"Nasaan na ba iyon?"pakikipag-usap ni Minnie sa sarili. Abala siya sa pangangalkal sa loob ng dala niyang hand bag. Nang bigla ay maagaw ng iba ang pansin niya.

"Sino kaya iyon, artista ba 'yun? parang hindi naman,"isip ni Minnie na tinitignan ang lalaking nakasuot ng itim na shades. Habang pinapalibutan ng mga naka-unipormadong tao para hindi ito tuluyan dumugin.

Pinagkukuhanan ng litrato at pinagtitilian ito ng mga kapuwa niya babae.

Patuloy na sinundan ng tingin ni Minnie ang lalaki, hanggang sa makapasok ito sa may elevator. Bigla ang panlalaki ng mata ng dalaga nang tanggalin ng lalaki ang shade na suot nito.

Ito ang lalaking gumugulo sa isipan at puso niya. Ang lalaking nanakit sa inosenti niyang puso!

"Aizo! ikaw nga! hayop ka, bumalik ka rito!"hysterical niyang sigaw.

Wala siya sariling naglakad ng mabilis hanggang sa tuluyan na siyang napatakbo para sugurin ito. 

"Excuse me!"tulak at nakisiksik si Minnie sa mga pagkukumpulan ng mga tao.

Hindi siya maaring mahuli dahil ngayon pa lang ay kailangan nilang magkalinawagan nito.

"Hoy! harapin mo ako Aizo!"tawag niya sa lalaki. Nahuli pa ni Minnie na tinignan siya nito, ngunit wala man lang naging reaksyon ito na tila ba hindi siya nito nakikilala.

"Ay putcha!"mura ni Minnie nang tuluyan magsara ang pinto ng elevator. Pinilit niyang habulin ang binata. Pinindot-pindot niya ang mga button doon, ngunit walang nangyari kaya upang pagkakalampagin niya iyon.

"Walang-hiya ka Aizo! magtutuos tayo ngayon!"galit na galit niyang sigaw. Wala ng pakialam si Minnie kahit pinagtitinginan na siya ng ibang tao.

Napatakbo na siya sa hagdan para makapunta agad siya sa basement para maabutan niya ang lalaki.

Lakad-takbo ang ginawa niya. Halos liparin na niya ang bawat baitang ng hagdan. Ngunit nag-ingat siya baka magkamali siya ng apak at madisgrasya pa siya.

Hingal na hingal na si Minnie ng tuluyan makarating siya sa parking lot. Laking tuwa niya nang maabutan niya ang papalabas na si Aizo na pinapalibutan pa rin nga mga gwardiya nito.

"Hoy! ikaw matapos mo akong pahulugin sa makamandag mong charm hindi ka na namamansin!"Umalingaw-ngaw ang matinis na boses ni Minnie. Kaya upang maagaw agad niyon ang atensyon ng lalaking tinutukoy niya.

Halos lumawit ang dila ni Minnie at tigbi-tigbi na ang pawis ng dalaga sa noo niya ng tuluyan siyang makalapit sa lalaki na nakatitig lang sa kanya ng mga sandaling iyon.

"Ikaw!"sabay duro ni Minnie ng hintuturong daliri niya rito. Agad naman namagitan ang mga lalaking pumapalibot dito.

"Miss huwag kang manggulo rito, hindi mo ba kilala ang taong binabastos mo,"sita sa kanya ng lalaking hinarang siya.

"Kilalang-kilala ko siya, boss mo ba iyan. Siya lang naman ang lalaking nanguha ng loob ko, tapos pagkatapos ano iiwan niya ako sa ere. Kaya ngayon magtutuos tayong hayop ka!"gigil na asik ni Minnie. Gusto niyang hablutin ang mukha ng makapal na lalaki, ngunit mabilis siyang naawat ng lalaki at inilayo siya.

"Kilala mo ba siya Mr. Gimenez?"tanong ng isang tauhan nito.

Pinakatitigan naman siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Nang magsalubong ang mata nila ay parang biglang kinabahan si Minnie. Hindi niya maintindihan pero kakaiba ang tingin na ipinukol nito sa kanya parang... yelo sa lamig. Napalunok tuloy ng wala sa oras ng laway ang dalaga.

"I don't know her,"kasabay ng pagbanggit nito ng mga salitang iyon ay tuluyan itong naglakad at dumiretso sa itim na van na mabilis na binuksan ng isang tauhan nito.

Habang siya ay natulala na lamang sa sinabi nito. Ewan ba niya ngunit sobra siyang nasaktan sa sinabi nitong hindi siya nito nakikilala. Wala siyang nagawa ng umandar ang kinalulunan sasakiyan nito kabuntot ang dalawa pang kotse.

"Bwesit ka Aizo! lamunin ka sana ng lupa!"sigaw niya na tuluyan naiyak.

Yuko ang ulo na naglakad papasok sa mall si Minnie, tuluyan siyang dinala sa isang milk and tea shop. Sa tuwing masama ang loob niya bumibili lang siya ng ganoon ay nagiging okay na rin siya.

Pero ibang usapan na yata ang nangyari sa kanya ngayon dahil naubos na niya ang binili ay ramdam niya pa rin ang pait na lumulukob sa d****b niya.

"Isinusumpa ko talaga na hinayaan kitang makipagkilala ka sa akin!"Umiiyak niyang sabi habang tumtulo pa ang luha niya sa magkabilang pisngi niya.

Wala ng pakialam si Minnie sa mga iisipin ng mga costumer kung saan siya naroon.

Masamang-masama ang loob niya, dahil hirap na nga siya sa buhay ay ganito rin pala sa buhay pag-ibig niya.

KAPAPASOK pa lamang ni Aizo sa pribadong opisina ng kambal niyang si Aevo ng salubungin siya nito ng seryso nitong titig.

"You have something to be explain now,"umpisa ni Aevo.

"Ano iyon bro? see I'm busy right now dahil sa isang araw na ang kasal ko with Lauren,"tugon ni Aizo.

Tumayo muna si Aevo at tuluyan nagsindi ng tobacco, saka niya binalikan ang kakambal na naghihintay sa mga sasabihan pa niya.

"There a young lady that approach me in the mall. She keep telling in my face na kilala ko siya. Now tell me, kilala mo ba ang babaeng iyon na tila ipinagkamali ako sa'yo?"

Buhat sa narinig ay biglang lumitaw sa isipan ni Aizo ang maamong mukha ni Minnie.

"Maliit na babae na kay simple, malayo sa mga babaeng tipo mo,"muling pagsasalita ni Aevo na tuluyan naupo sa swivel chair nito.

"Pasensya na pero hindi ko kilala ang babaeng tinuyukoy mo. Baka nagkakamali ka,"pilit na deny ni Aizo.

Tinitigan naman siya nito at tuluyan pinatay ang sindi ng sigarilyo na hinihit-hit niya.

"Fine kung ayaw mo siyang pag-usapan,"maya-maya ay nasabi ni Aevo dumiretso na ito ng upo at sinimulan ang kasalukuyan niyang inaatupag sa harap ng pc.

"Hindi mo ba itatanong kung anong dahilan bakit ako narito?"Aizo barely asked his twin.

"Sabihin mo na lang, marami akong tatapusin ngayong araw." Totoo iyon dahil sa gaganapin na stag party at wedding day ni Aizo ay kinakailangan niyang matapos ang mga papeles na binabasa niya.

"Here."Inilapag ni Aizo ang invatation card para sa kasal nito kay Lauren.

"Is this for real hindi ko aakalain na ikakasala ka rin. Akala ko parehas tayong tatandang binata,"Aevo chuckle pero hindi si Aizo.

"Bro huwag naman ganoon, alam mo masarap pa rin na magkaroon ng sariling pamilya,"payo niya.

Ngunit ipinagkibit-balikat lang ni Aevo ang narinig niya rito.

"But I didn't see myself for having one,"anas nito.

Nailing-iling na lang ni Aizo ang ulo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status