Share

Chapter Eight

MABIGAT ang ulo ni Minnie pagkagising niya ng umagang iyon. Halos nangangalahati pa lamang siya mula sa pagkakaupo ng madinig niya ang pagbukas ng pinto sa kanyang silid.

"Mabuti naman at nagising ka na rin sa wakas,"ani ni Sandy sa dalaga.

"O-oo nga po, a-ano po bang nangyari?"tanong ni Minnie na nanatiling nakayuko pa rin sa mga sandaling iyon. Sumisigd pa rin ang kirot sa kanyang sentido.

Tuluyan sumandig sa may pasukan ng pinto nito si Sandy at napahalukiphip ito habang pinagmamasdan siya. Nakasuot ito ng sandong kulay lavander at nakamaiksing short na kadangkal na lang ang ikli sa singit nito. Sa ganoon porma nito ay hindi aakalain na umeedad na ito ng

kwarenta.

"Lasing ka kagabi at halos buhatin ka na ng kasama mo papasok rito sa condo,"sabi ni Sandy.

Dahil sa narinig ay tuluyan naiangat ni Minnie ang ulo. Ngunit ibinagsak niya rin ang sarili mula sa kama dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay hilong-hilo pa siya.

"Ang sakit ng ulo ko Dee,"usal niya habang nakatakip pa rin sa mukha ni Minnie ang magkabilang kamay.

Naglakad na palapit si Sandy at naupo sa gilid ng kama niya.

"Ayan ang napapala mo, uminom-inom ka ba naman eh mahina ka pala."Iiling-iling si Sandy.

"Argh! hindi ko naman kasi alam Dee na nakakalasing iyong... ano na ba ang iniinom namin."

"Champagne,"pagdugtong naman ni Sandy sa sasabihin niya.

"Oo iyon nga Dee, akala ko hindi ako tataamaan pero maling-mali ako! ooohh! ang sakit talaga ng ulo ko, akala ko hindi ako malalasing!"naiinis na sabi Minnie na tuluyan ibinaon ang mukha sa malambot niyang unan.

"Paano ka hindi malalasing, ang sabi ni Aizo ay nakatatlong baso ka ng champagne. Heto inumin mo para mawala ang pananakit ng ulo mo. Pagkatapos ay itulog mo muna iyan."Sabay bigay ni Sandy sa aspirin sa dalaga. Inalalayan niya itong maupo at makainom ng tubig, pagkatapos ay muli itong nahiga at pumikit.

"Alam mo Minnie, mukhang hindi lang sa nainom mo kagabi ka natamaan. Sa tingin ko rin ay pati sa lalaking naka-deyt mo,"may panunudyo sa tinig ng babae. Kaya upang magmulat ng mata si Minnie habang bigla ang pamumula ng pisngi niya.

"P-po? b-baka po nagkakamali kayo,"nasabi niya na kakaba-kaba.

"Huwag ka ng magmaang-maangan ang ingay-ingay mo kagabi habang pinapalitan kita. Sinabi mo nga na muntik na kayong mag-kiss pero nag-collapse ka,"pambubuking ni Sandy sa natatawang tinig.

"S-sinabi ko ho iyon? ahy! nakakahiya!"anas ni Minnie.

"Okay lang iyan, ganyan din naman ako noong unang magkagusto ako. Don't worry nakauwi na si Aizo kagabi bago pa niya marinig ang mga pinagsasabi mo,"natatawang sabi ni Sandy.

Dahil doon ay nakahinga ng maluwag kahit paano si Minnie. Pero hiyang-hiya pa rin siya kay Sandy.

Mantakin mo naman iyon sariling boss niya ang nag-asikaso sa kanya kagabi! Nakakahiya!

"Sorry na Dee kung naabala kita kagabi, sana hinayaan mo na lang akong matulog,"pagpapasensya ni Minnie.

"Ano ka ba, hindi naman pwedi na hahayaan kitang makatulog na hindi man lang kita napupunasan o napapalitan ng damit. Saka obligasyon ko iyon na gawin sa'yo,"wika ni Sandy na hinaplos pa ang buhok ni Minnie.

Sa tuwing ginagawa ni Sandy iyon sa kanya ay napapansin niya na may iba rito.

"Obligasyon?"puzzled na tanong ni Minnie.

Biglang nahaluhan ng pagkataranta ang magandang mukha ng babae.

"H-huh, y-yes t-totoo naman na obligasyon kita. D-dahil... sa kargo kita. Tama iyon 'yun,"usal ni Sandy na ngumiti na.

"Okay po, sige na po medyo nawala na kaunti ang sakit ng ulo ko Dee,"sabi niya.

"Sige magpahinga ka muna, siya nga pala may tumawag sa Iphone mo kanina, mukhang si Aizo iyon,"pagpapaalam ni Sandy.

Hindi naman umimik Minnie ngunit halata pa rin ang kilig sa reaksiyon ng mukha nito.

"Naku! ikaw Minnie, ingat-ingat din masyado pa atang maaga para ma-inlove ka sa lalaking iyan.Better na kilalanin mo siya maliwanag ba?"paalala ni Sandy.

"H-ho? i-inlove na po agad, hindi ba pweding crush ko lang siya Dee!"pagtatama ni Minnie.

"Pinapahalahan lang kita, alam mo naman mahirap ng masaktan sa pag-ibig. Ayukong maranasan mo iyon, dahil para na kitang anak Minnie."Ramdam ng dalaga ang sinsero sa binanggit nitong mga salita. Lalo pa ng yakapin pa siya ni Dee.

Sa maikling sandali na nagkakilala sila ay pakiramdam ni Minnie ay matagal na silang magkakilala.

NASA hapag-kainan na ng mga sandaling iyon si Senyor Ghad at Senyora Galecia ng mga oras na iyon. May pinag-uusapan ang mga ito ng mula sa may hagdan ay pababa naman si Aevo na nakabihis na pagpasok sa opisina. Bit-bit na nito sa kanan kamay ang ianag brief case na naglalaman ng mga papeles na inasikaso niya kagabi.

"Goodmorning Lolo at Lola,"bati niya sa dalaw*ng matanda. Parehas na hinalikan niya ang noo ng dalaw*. Nasa setenta na ang mga edad nina Ghad at Galecia, kaya halos puti na ang kanilang buhok. Ngunit, maliksi pa rin magkikilos ang mga ito, paminsan-minsan ay sabay pa na nag-w*-w*lking sa malaw*k na lawn ang dalaw* kapag maganda ang sikat ng araw.

"Magandang umaga iho, how's your sleep?"tanong ni Senyora Galecia na hinipo pa ang pisngi ni Aevo.

"It's good,"pagsisinungaling niya. Dahil ang totoo ay halos hindi naman siya natulog, marami kasi siyang inuwing trabaho galing sa opisina na kailangan niyang matapos sa araw na iyon dahil may mga susunod pa siyang aasikasuhin.

Kinakailangan niyang gawin iyon para may sapat na oras siya para sa darating na engagement day ng kambal niyang si Aizo.

And speaking to his only brother, wala pa rin ito sa hapag-kainan.

"Anyway Evo, where's your sibling? or should I say umuwi ba siya?"panimula ni Galecia na sumimsim sa tsaa nito.

"Maybe his still in the bedroom La, don't mind him. Baba na lang iyon kapag nagutom,"sagot niya sa matanda at inumpisahan na niyang gawan ng kape ang sarili.

Sa mga lumipas na taon ay bukod tanging sarili lamang niya ang nag-aaaikaso sa kanya. Hindi niya pinapayagan ang mga katulong na makialam o pagsilbihan siya.

"I told you, hindi pa iyong gigising mukhang nasarapan pa sa pagtulog. Ano na bang oras umuuwi ang isang iyon, pasado alas-dos na ng madaling araw,"sabat naman ni Senyor Ghad na naiiling.

Totoo ang sinabi ng Lolo niya dahil nakita pa niya ang pagdating ng kotse ng kakambal sa may garahe. Sa tingin niya ay mukhang hindi naman ito lasing kagabi.

"Manang-mana talaga sa nanay niya,"bulong ni Senyora Galecia na napapailing saka ito muling bumaling kay Aevo na tahimik lamang at mataman nagbabasa sa hawak nitong dyaryo.

"Apo... kung ikaw na lang kaya ang magpakasal kay Lauren, natitiyak kong mas mabuting ikaw ang mapangasawa niya kaysa sa kakambal mong walang direksyon sa buhay,"nasabi ng matandang babae.

Kaya upang masentro ang pansin ni Aevo sa kanyang lola.

"La, pero alam niyong si Aizo ang gusto ni Lauren. Saka huwag kayong mag-alala, kapag naikasal na ang kapatid ko sa kanya natitiyak ko naman na magtitino na ang apo niyo.Kinausap ko na siya at nangako siya. Kaya sige na huwag na kayong mag-isip ng kung ano-ano just eat,"baling niya sa mga ito.

Napatango-tango naman ang dalawa at masigla na ngang ipingpatuloy ng mga ito ang pag-a-almusal.

Itiniklop na ni Aevo ang binabasang dyaryo, maging ang black coffee niya ay tuluyan na niyang inubos.

Magalang na siyang nagpasintabi sa dalawang kasamang matatanda.

Nakasakay na siya sa sariling kotse ng muling gumiit sa alaala niya ang binuksan paksa ng Lola niya kung saan sinasabi nitong mas karapat-dapat siyang maging asawa ni Lauren.

Obviously ay kailanman 'di siya magiging pabor sa bagay na iyon. Dahil hindi niya nakikita ang sarili na maitali sa isang babae at magkaroon ng anuman damdamin rito.

Sapagkat tluyan siyang nagalit sa mga babae, magmula ng pabayaan at iwan sila ng nanay nila noong maliliit pa sila at wala pang muwang sa buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status