Share

Chapter Seven

ALAS-SIYETE na ng gabi at sa mga ganoon oras ay kasagsagan ng pagdating ng mga costumer ng Dee Club House. Sa araw na iyon ay abalang-abala sila, dahil may dalawang event sa magkaibang floor ang kasalukuyan nagaganap.

Kaya halos hindi magkandaugaga sa pag-aasikaso ang mga kasama ni Minnie at pati na rin ito. Si Sandy na may-ari ay present sa dalawang naturang event. Kaya halos hindi sila nagkikita.

Katatapos lang na i-assist ni Minnie ang matandang lalaki ng isang pamilyar na bulto ang naratnan niyang naghihintay sa harap ng desk niya ng pabalik na siya.

"Goodevening Mr. Gimenez,"bati niya na may alanganin ngiti.

"Hai! mukhang busy ka yata, aayain sana kitang magmeryenda,"sabi ni ni Aizo ng tuluyan siyang makalapit.

"Naku! h-hindi po pwedi sir, mamaya pa po ang end ng shift ko,"may lungkot ang tinig na sagot niya sa binata.

Kita niya ang bumadhang dismaya sa gwapong mukha nito.

"G-ganoon ba sayang naman, gusto ko sanang kumain na may kasabay sa favourite restaurant ko sa Makati,"malungkot na sabi nito.

"Sorry talaga sir, pero kung gusto niyo talaga eh, pwedi niyo naman akong hintayin. Kaso alas-diyes pa po out ko,"wika ni Minnie. Nagbabakasali siyang pumayag si Aizo, pero napaka-imposible niyon dahil sino ba siya para pag-aksayahan ng oras.

"Okay hihintayin na lang kita,"sabi ni Aizo.

"Sure ka s-sir?"hindi makapaniwalang-sabi ni Minnie.

"Yeah bakit hindi ba kapani-paniwala?"Tila naaliw ito sa naging reaksyon niya. Kaya napahalakhak pa ito kaya kitang-kita ni Minnie ang pantay-pantay at mapuputing ngipin ng binata.

"H-hindi naman sir, sige po kayong bahala,"nahihiyang usal ni Minnie. Tuluyan na siyang tumigil sa pakikipag-usap kay Aizo ng may dumating ng isang grupo ng kabataan na aasikasuhin na niya.

Kahit pagod ay hindi maiwasan ni Minnie na maging masigla dahil alam niyang may naghihintay sa kanyang isang napakagwapong lalaki.

Sumapit ang pagtatapos ng shift niya, kulang na lang ay magtatalon sa tuwa si Minnie. Ngunit nagpipigil lamang siya baka kung anong isipin sa kanya ng mga kasamahan niya.

"Uuwi kana ba Minnie?"tanong ni Leandro. Isa sa mga kasama niya sa club house, sa isang buwan na pagta-trabaho niya roon ay napapansin niyang madalas itong makipag-usap sa kanya.

Nalaman niya kay Patty na nagka-crush daw ito sa kanya pagdating na pagdating pa lamang niya.

"Ah, kasi..."sasabihin pa lang sana niyang may lakad siya ay bigla na lang lumitaw si Aizo.

"Sorry pare pero may lakad kami ni Minnie,"agad na sabi ni Aizo. Naramdaman pa niya ang pag-akbay sa kanya ng binata upang manigas siya sa kinatatayuan.

"Mr. Gimenez kayo pala, s-sige Minnie sa ibang araw na lang tayo lumabas."Matapos sabihin ni Leandro iyon ay dali-dali na itong tumalikod at naglakad paalis.

"Bakit mo naman ginawa iyon sir,"taka niyang sita sa lalaki at siniko pa niya ang tagiliran nito para tuluyan alisin nito ang pagkakaakbay sa kanya.

"Ouch! bakit masama ba, saka totoo naman na lalabas tayo hindi ba?"maluwang ang ngiting sabi ni Aizo.

"Oo, pero ano kasi...hindi ko gusto iyong... ah basta huwag mo ng ulitin iyon sir. Nasa work premises pa rin tayo,"sabi na lang ni Minnie pero ang gusto talaga niyang sabihin ay ang ginawa nitong pag-akbay sa kanya.

"Ah iyon ba, sorry Minnie. Okay ganito na lang babawi na lang ako over dinner alright. Saka sinabi ko lang iyon dahil baka maungusan pa ako ng iba, hirap na sobrang ganda mo pa naman,"dagdag pa ni Aizo na nakatitig sa kanya.

Kung kandila lang si Minnie tiyak niyang tunaw na siya sa malagkit na titig ng lalaki.

"Bolero!"iyon na lamang ang sinabi niya at iniiwas ang namumula niyang pisngi.

"Totoo iyon, saka pwedi bang huwag mo na lang akong tawagin sir o Mr. Gimenez,"sabi pa ni Aizo.

"Sige."Tuluyan na nga silang umalis. Sa buong biyahe nila ay naging gentleman ang binata, habang papunta sila sa restaurant kung saan nagpareserved si Aizo ay tinawagan na niya si Dee para ipaalam na lumabas siya kasama ang binata. Kaya upang hindi na siya pasunduin nito.

Gusto pa sana nitong makipag-kwentuhan ay sinabihan na lang niyang kapag umuwi na lang siya.

"Sino iyon?"tanong ni Aizo habang patuloy lamang nakasentro sa pagmamaneho nito ang pansin.

"Si Sandy, b-boss ko,"sabi niya matapos niyang maibaba ang tawag.

"Ah, akala ko boyfriend mo,"nasabi nito.

"B-boyfriend? n-naku! w-wala pang nagkamali ano ka ba!"Natatawang ani ni Minnie na bumungisngis pa.

"Are you kidding, sa ganda mong `yan impossible?"segunda ni Aizo.

"Oo nga, bakit ayaw mong maniwala. Wala naman maganda sa akin, ang itim-itim ko tapos dukha pa ako---"

"Stop it, huwag mong nilalait ang sarili mo.You know Minnie your beautiful inside and out,"papuri ng binata sa dalaga.

Agad nag-init ang magkabilang pisngi ni Minnie. Kilig na kilig siya sa simpleng banat nito.

After fifteen minutes ay tuluyan silang nakarating sa destinasyon nila. Namangha pa si Minnie sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ng binata.

Sabagay unang beses na makakapunta siya sa ganoong kaganda at kamahal na kainan. Dahil doon ay nakaramdam ng panliit sa sarili si Minnie.

"Do you like here?"tanong sa kanya ni Aizo matapos na ipaghila siya ng mauupuan.

"Oo naman, kaso parang hindi ako bagay dito. Kita mo naman ang outfit ko, pang fast food lang kasi ako,"nasabi ni Minnie.

"Don't say that, your amazing Minnie,"wika ni Aizo.

Agad na nagtawag ng waiter ang binata, mabilis naman lumapit ang isang lalaki na sa tingin niya ay manager ng naturang restaurant.

"Goodevening sir Gimenez, what is your order?"tanong nito. Sa aksyon nito ay napakaimportanteng costumer ni Aizo.

"The usual please,"sabi lang ng binata.

Tumango naman ito at agad na naglakad palayo. Muling ibinalik ng binata ang pansin sa dalaga na inaabala naman ang pansin sa pagmamasid sa restaurant kung saan siya dinala ng ka-deyt niya.

Sa isipin na iyon ay kilig na kilig pa siya. Saan man siya tumingin ay kitang-kitang niya ang malaking agwat sa buhay nila ng lalaking gusto niya.

Inaamin na niyang may nararamdaman na siya rito, pero as usual ay dalagang pilipina pa rin naman siya.

"Okay ka lang?"si Aizo.

"Oo naman, sobrang sosyal naman dito,"wika ni Minnie.

"Can I ask you something?"tanong ni Aizo.

"Ano iyon?"

"Nasaan ba ang mga magulang mo?"

"Nasa probinsya sila, b-bakit? huwag mong sabihin... naku! ang aga pa para ipakilala kita na manliligaw,"kinikilig na sabi ni Minnie na nagtakip pa ng palad sa mukha.

Dahil doon ay nagtatawa naman si Aizo, na tiyak nahulaan nito ang ibig sabihin ng dalaga.

"Ang cute mo alam mo ba 'yun, kaya nga gustong-gusto kita,"pakikisakay naman ng binata.

"Ahy! iba na `yan, baka ang susunod mong itatanong kung papayag ba akong maligawan mo. Aba siyempre oo ang sagot ko,"diretsang sabi ni Minnie.

Kaya upang muling matawa ang binata. Kahit ng dumating ang pagkain nila ay panay ang pagkwe-kwento ni Minnie, habang si Aizo ay mataman lang nakikinig ito.

"Ano ba 'yan sobrang daldal ko, ikaw naman magkwento. Ako nasabi ko na lahat eh, sige ka mapanis laway mo,"baling naman ni Minnie sa lalaking nakatitig sa kanya. Base sa itsura nito ay aliw na aliw ito sa pagsasalita niya.

"Ako, wala naman akong ma-i-she-share. I mean, wala naman magandang ikwento sa naging buhay ko.My mother left us with my brother, kaya sina Lolo at Lola na ang nagpalaki sa amin. That's why my Dad killed his self by shooting himself, masyado aoyang nadepress sa pagiwan ni Mom,"pagkwe-kwento ni Aizo bagama't nangingiti ito ay nahahaluhan ng kalungkutan ang mukha nito.

"Pasensya ka na, sana hindi na ako nagpakwento sa'yo,"mababa ang tinig na paghingi ng sorry ni Minnie rito.

"It's okay, shall we continue to eat by then can I ask you for a dance,"paghingi ni Aizo ng permiso.

"Oo naman,"matipid lang na sagot ni Minnie. Muli nilang pinagpatuloy ang pagkain.

Matapos nga nilang kumain ay binuksan na ni Aizo ang bote ng champagne. Ayaw pa sanang inumin ni Minnie iyon dahil baka malasing siya ngunit tuluyan siyang napilit ng binata.

"Wow! akala ko mapait ang lasa pero iba masarap pala,"hagikhik ni Minnie. Sa ilang paglagok ay nakaramdam na ng kakaiba ito. Para siyang nag-iinit at mas dumoble pa ang daldal niya.

"See, now lets dance my beautiful lady."Sabay hila ng binata sa kamay ng dalaga.

Nagpunta sila sa gitna ng dance floor at mabining nagsayaw.

Hindi maiwasan ni Minnie na lalong kiligin ng hapitin pa lalo ni Aizo ang beywang niya. Para siyang nahinoptismo sa pagkakalapit ng kanilang katawan.

Napakurap-kurap si Minnie dahil parang umikot ang paligid niya. Napansin naman iyon ni Aizo.

"Is there a problem?"tanong nito.

Nang i-angat ni Minnie ang mukha ay tuluyan ng nanlabo ang lahat sa kanya, iyon ang huling eksena na naalala niya bago siya mawalan ng malay sa bisig ng binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status