Share

Chapter Three

KUNG nanggilalas na si Minnie sa unang pagkikita pa lang nila ni Sandy ay lalo na ng nakauwi na sila. Dahil sa isang maganda at expensive na condominium unit ito nakatira.

"Wow sobrang ganda naman ng bahay mo Dee, magkano bili mo rito?"tanong ni Minnie habang inililinga niya ang mata.

Tuluyan naman pumasok sa loob si Sandy, tuluyan na nitong inalis ang strapless na heels at inilapag na lang sa carpeted na floor.

"Mabuti naman at nagustuhan mo rito, halika at maupo ka muna rito sa sofa habang hinihintay ko ang in-order kung food for us,"sabi pa nito.

Sumunod naman siya at tuluyan na ngang naupo sa malambot na sofa. Kulang na lang ay magtatalbog siya roon.

"Alam mo nakakatuwa ka,"maya-maya ay sabi ni Sandy. May hawak na itong wine glass.

Ngumiti lang ng matipid si Minnie, bigla ang ginawa niyang pagtayo ng makita ang flat screen T.V ni Dee.

"Wow! sa totoo lang pers time kong malapitan ang ganitong klaseng telebisyon. Sa probinsiya kasi ay may nakikita naman ako pero sa mayayaman tao lang at bawal ko naman hawakan,"nasabi ni Minnie naalala niya ang malaking flat screen ng mansyon ni Don Hidalgo. Pinagbabawalan kasi siya ng mga katulong na naninilbihan doon. Ayos lang naman sa kanya iyon baka masira pa, wala oa man din siyang perang maibabayad sakali. Ang sinusweldo niya kasi roon ay para sa pag-aaral ng mga kapatid niya halos napupunta. Dahil sa pagkaalala sa naiwan na pamilya sa probinsiya ay hindi niya mapigilan malungkot.

"Oh, why a sudden change of mood darling is there something wrong?"tanong ni Sandy.

Umiling naman si Minnie at piniling mangiti.

"Wala naman Dee, naisip ko lang si Nanay at Tatay mga kapatid ko rin na naiwan sa La Buente del Corazon,"amin ni Minnie.

"Okay lang iyan, isipin mo na lang na magta-trabaho ka rito sa malayo para matulungan mo sila. Hayaan mo hindi kita pababayaan dito, dahil alam mo kung bakit naalala ko ang sarili ko sa'yo noong bata-bata pa ako."

Napangiti naman ng matipid si Minnie, maya-maya ay dumating na ang kakainin nila. Kahit hindi pa sanay ang panlasa niya sa mga ganoong klaseng pagkain ay kahit paano ay nasarapan siya. Dangan lamang at hindi kasi sanay ang sikmura niya na hindi nagkakanin.

"Nabusog ka ba Minnie, pasensya na late na kasi kaya hindi ako nakapag-prepare ng makakain,"paumanhin ni Sandy.

"W-wala iyon Dee, maasarap ang pagkain. Iyon nga lang ay hindi kasi ako sanay na walang kanin,"amin ni Minnie.

"Sige nextime hayaan na lang kitang magsaing ng bigas sa rice cooker. Do you know how to use that?"pagtatanong ng babae.

Umiling lamang siya.

"Sige I'll teach you later, for now let's go to your room."Saka ito naglakad papunta sa isang silid na nasa dulong bahagi.

Tuluyan ipinihit ni Sandy iyon at tumambad sa kanya ang maaliwalas na silid.

"S-silid ko ba talaga 'tu?"hindi makapaniwalang pagtatanong ni Minnie ng tuluyan buksan ni Sandy ang switch ng ilaw. Lalo pang nagandahan ang dalaga ng mula sa bintana ay kitang-kita niya ang magandang tanawin ng city. Ang mga building na iniilawan ng iba't ibang kulay.

"Yes this is for you, masaya ako at nagustuhan mo rin ito. Iwanan na kita para makapagpahinga ka na rin,"sabi ni Sandy at akmang isasarado na nito ang pinto ng pigilan siya ni Minnie.

"Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan sa lahat ng tulong niyo sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala,"naiiyak na bulong ni Minnie habang nakayakap sa babae.

Ramdam niyang masuyong paghaplos ni Sandy sa ulo niya.

"S-sige na matulog ka na, bukas na bukas ay papasamahan kita sa kakilala ko na magpunta ng mall at beauty salon para sa paghahanda mo sa pagpasok sa work mo."

Tumango na lang si Minnie at tuluyan ng isinara ang pinto ng silid niya. Muli pa niyang pinasadaan iyon, halos lumubog siya sa sariling kama sa sobrang lambot niyon. Para na siyang nahiga sa ulap.

Hindi pa siya nakuntento at pinagbubuksan na niya ang mga kabinet na naroon. Kita niya ang ilang walang laman na lalagyan, maari niyang i-ayos doon ang mga damit at ilang gamit niyang dala-dala.

Kahit paano ay bibili lamang siya ng kaunting gamit ayaw niyang damihan iyon. Dahil ayaw niyang lumaki ang babayaran niya sa babae.

Kahit mabait si Sandy ay hindi niya dapat nilulubos iyon, napag-isip-isip niya rin na kapag malaki na ang sinasahod niya ay uupa na lang siyang mumurahing apartment. Sa ngayon ay kakapalan na muna niya ang mukha.

Ipinagpatuloy niya ang pagtitingin sa mga kabinet, laking gulat at katuwaan niya dahil napakadaming pocketbook ang naroon. Ang ilan pa nga ay naka-sealed pa at bagong-bago pa.

"Minnie! huwag! pinalaki ka nina Nanay at Tatay na hindi nakikialam sa gamit ng may gamit,"suway niya sa sarili.

Kaya kahit gustong-gusto niyang tignan ang mga iyon ay nagpigil siya. Siguro ay magpapaalam na muna siya kay Sandy bago iyon pagbubuklatin.Minabuti na lang niyang isarado iyon ulit.

Pumasok na siya sa banyo, laking mangha niya rin dahil sobrang laki, malinis at maganda ang banyo para sa kanyang kagaya niyang mahirap lamang. Hiyang-hiya siyang gumamit niyon, pero alangan hindi siya magbanyo.

"Kung ano-ano ng naiisip mo!"naiiling na paninita ni Minnie ngunit nakangiti naman siya na parang baliw habang nagto-tooth brush sa harap ng salamin.

Matapos niyang makapag-half bath ay tuluyan na siyang humiga sa kama niya. Manghihiram pa sana si Minnie ng blower kay Sandy ngunit naunahan na naman siya ng hiya.

Kaya kahit b**a pa ang buhok niya ay nahiga na siya, hinayaan niyang bukas ang blind curtain ng bintana niya. May pagkakaiba rin pala ang langit sa Maynila at sa kanilang probinsiya.

Dahil sa kanila ay halos nabubudburan ng nagkikislapan bituin ang kalangitan. Habang sa siyudad ay ang mga liwanag ng ilaw sa mga building ang makikita lamang.

Isang katok ang narinig ni Minnie mula sa pinto. Nang buksan niya iyon ay nakita niyang si Sandy iyon at may hawak na baso ng gatas.

"Siya nga pala dinalhan kita ng mainit na gatas kako baka namamahay ka at hindi ka makatulog,"sabi ni Sandy sabay abot sa platito kung saan nakalagay ang baso ng gatas.

"Naku Dee nag-abala ka pa, pero salamat dito,"sabi ng dalaga.

Mula sa may sala ay may nakita siyang nakaupo na lalaki. Nakatalikod sa direksyon niya kaya hindi niiya makita ang mukha nito.

"Bisita ko,"wika ni Sandy ng mapansin nitong nakatingin si Minnie sa direksyon ng lalaki na kasalukuyan naninigarilyo.

"Sige na inumin mo na iyan at matulog ka na rin pagkatapos,"bilin pa ni Sandy.

Tumango na lang si Minnie at tuluyan nagtungo sa kama niya, sinunuod niya rin ang utos ng babae.

Habang nakahiga siya ay iniisip pa rin niya ang lalaking nakaupo sa may sala. Nagtataka lang siya, dahil gabing-gabi na ay tumatanggap pa ito ng bisita sa ganoong oras.

"Hay! naku! Minnie napakachismusa mo. Baka naman asawa niya iyon,"sabi na lang niya sa sarili.

Hindi pa niya kasi naitatanong kong may asawa na ito o anak. Dahil sa tingin niya'y umeedad na ito ng kwarenta ay imposible na wala pa itong pamilya. Sa kakaisip ay hindi na niya namalayan na nakatulog na siya.

KINABUKASAN ay hindi na niya naabutan si Sandy. Pero iniwan naman na siya nito ng pagkain sa lamesa para sa almusal niya. Kahit paaano bagama't malayo sa kanya ang Nanay Alicia niya ngayon ay may isang Sandy naman na nagsilbing ina niya rito sa siyudad.

Matapos niyang makapagbihis ay dumating na ang baklang assistant ni Sandy.

"Siya nga pala girl heto pala ang ibinigay ni Mommy Dee na touch screen phone para sa iyo. Tara na at baka matraffic tayo sa daan, pagkatapos natin magshopping at magpa-beauty salon ay isasama na kita sa club house na pagmamay-a*i ni Mommy Dee,"bulalas nito.

Hindi agad nakapagsalita si Minnie pagkarinig sa sinabi ng baklang assistant ng babaeng kumupkop sa kanya. Nagbibiro ba ito o iyon talaga ang totoong trabahong papasukin niya rito sa Maynila

Ang pagiging mabait ba ni Sandy sa kanya ay may mas malaking kapalit din pala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status