HALOS maluha-luha si Minnie, habang naglalakad palabas sa munting kubo nila. Bit-bit niya ang hindi kalakihan bag na ipinahiram pa sa kanya ni Carol.
Nakasunod din sa kanya ang Nanay, Tatay at ang dalawa niyang kapatid na babae na nag-iiyak na rin."Ate mag-iingat ka roon huh, baka may maitabi kang pera mabilhan mo na kami ng tig-isang touch screen na phone nitong si Mandy,"ungot naman ni Monina."Ano ka ba naman ate Monina, hindi pa nga nakakaalis si ate Minnie ay kung ano-ano ng ipinapabili mo,"nanunuway na pamamagitan naman ni Mandy ang bunso nila. Dose palang ito, ngunit mas matured na itong mag-isip kaysa sa sinundan nito na si Monina na labing-anim na taon na rin."Joke! lang naman, pero malay natin mabilhan nga tayo ni ate ng touch screen na celpon!"nae-excite na sabi ni Monina."Tama na nga iyan, ang dapat mong gawin doon Minnie ay lagi kang tumawag sa maykapal. Kapag nakabili ka na ng cellphone kahit iyong de keypad lang ay tumawag ka agad huh. Alam mo naman na hindi kami sanay ng Tatay mo na nalalayo ka sa amin,"mahinang usal nito."Sige po Nay, hindi naman ho ako pababayan ni Sandy na pinsan ni Carol doon, saka Nay lagi niyong uunahin ang pambili ng gamot at pangangailan niyo sa perang ipapadala ko ano,"sabi naman niya sa mga ito upang hindi mag-alala ang mga ito. Pinigilan niyang humagulhol. Mababaw lang kasi ang luha niya pagdating sa pamilya niya."Naku! huwag mo na kaming iintindihin, alam mo bang magbibigay daw ng pinansyal na tulong si Don Hidalgo para sa pagpapagamot ng Nanay mo,"balita sa kanya ng Tatay niya."P-po?"nagulat siya sa narinig."Tatanggi sana kami ng Tatay Hermenio mo, pero si Don Hidalgo mismo ang ang nagpumilit na tanggapin iyon."si Nanay Alice.Kaya upang lalong uminit ang dugo niya. Hindi talaga siya natutuwa sa magandang ipinapakita ni Don Hidalgo sa pamilya niya. Para sa kanya ay may ibang ibig sabihin iyon."Nanay, Tatay sana po huwag na kayong tumanggap na kahit na anong tulong sa kaniya magmula ngayon. Lalo at magkakaroon na rin po ako ng trabaho sa Maynila, hayaan niyo kapag nag regular na ako sa pinapasukan ko ay kahit huwag na kayong magsaka sa lupa niya. Maliwanag ho ba Nay, Tay?"mahaba niyang pakiusap.Nagtinginan pa ang dalawa at tila pinag-iisipan pa ang isasagot sa kanya ngunit kalaunan ay pumayag na rin ang mga ito sa gusto niya."Sige po Nay, Tay, Monina at Mandy aalis na ho ako,"paalam ni Minnie.Mahigpit lang yinakap siya ng mga ito, bago siya tuluyan napasakay sa trycle na maghahatid sa kanya sa sakayan ng bus pa-Maynila.Hindi pa sila nakakalayo ng sinasakyan niya ng matanawan niya ang pagdating ng itim na van ni Don Hidalgo. Kita niya ang mabilis na pagbaba nito, nahuli pa niyang itinuro ng Tatay niya ang direksyon nila."Bilisan mo kuya,"utos niya sa driver ng trycle kung saan siya nakasakay. Sinunod naman nito ang utos niya, halos maalog nga siya sa loob ng sinasakyan sa tulin ng pagmamaneho nito. Pero pasalamat siya dahil mabilis din siyang nakarating sa bus terminal.Matapos na makapagbayad dito ay tuluyan na rin siyang sumakay sa isang bus na papaalis na rin ng mga sandaling iyon. Tumayo na lang siya at mahigpit na humawak sa gilid ng upuan ara hindi siya matumba sa pagkakatayo.Nakahinga na siya ng maluwag ng tuluyang umaandar na iyon sa may highway. Kahit paano ay hindi na siya mahahabol pa ni Don Hidalgo kung sakali man sinundan pa siya sa sakayan kanina.Hanggang ngayon ay palaisipan sa kanya kung bakit pinagiinteresan siya nito. Gayong halos magka-sing edad na sila ng anak nitong si Yeesha.Sa ideyang iyon ay para siyang masusuka. Hindi pa nakakalayo ang itinatakbo ng bus na sinasakyan ni Minnie ay may bumaba na, kaya upang magkaroon na siya ng tyansang makaupo."Sana maging okay ang buhay ko sa pupuntahan ko. Sana madali lang ang trabaho,"usal ni Minnie habang nakatingin sa labas ng bintana na katapat niya.NATUTULALA na lamang si Minnie habang pinagmamasdan niya ang buong paligid niya."G-ganito pala sa Maynila,"usal ng dalaga. Habang pinapasadaan niya ng tingin ang napakaraming taong nagdadaan. May mga matataas na building at konkreto na makikita, ang iba doon ay luma na. Kita niya rin ang napakahabang daloy ng sasakiyan sa may highway dala na rin ng traffic sa lungsod. Iyon naman ang naging dahilan kung bakit ginabi na siya. Mausok at nakakasulasok na amoy sa paligid ang nalalanghap niya. Minabuti na lang takpan ni Minnie ang ilong, para kasi siyang susuka kapag nagtagal pa."Hello sister ikaw ba 'yan?"bati sa kanya ng isang babaeng matangkad. Kinailangan pang tumingala ni Minnie upang makita niya ang mukha nito.Napangiti siya ng tuluyan niyang mamukhaan ang pinsan ni Carol."Ikaw ba iyan S-Sandy?"sabi ni Minnie na kumurap-kurap pa. Nagagandahan kasi siya rito, naka-full make up ito at marami rin itong suot-suot na alahas sa katawan. Pati ang damit na suot nito ay natitiyak niyang mahal ang bili nito."Yes I am, halika na para makapagpahinga ka na rin,"yaya nito sa kanya.Tumango na si Minnie at tuluyan sumunod sa babae, muli pa siyang nagulat dahil pati ang sasakiyan nilang kotse nito ay halatang pagkamahal-mahal. Pagkakaalam niya iyon ang latest model ng Mitsubichi."Ako nga pala si Sandy, you can call me Dee okay,"magiliw na saad nito sa kanya na nakipag-kamay pa sa kanya."Masaya po akong makilala ka Dee, hayaan niyo gagalingan ko sa trabaho para hindi ka mapahiya,"sabi ng dalaga."Naku huwag mo munang isipin iyon ang unahin natin gawin ay bilhan muna kita ng maisusuot sa magiging trabaho mo at magiging kailangan mo na rin. Magsabi ka lang kung ano-ano mga iyon."Dahil sa narinig ay kinapalan na ni Minnie ang sarili."G-gusto ko po sanang makabili ng magagamit na celpon, kahit iyong de keypad lang okay na po sa akin,"may hiya sa tinig niya habang sinasabi iyon."Iyon lang ba don't worry at kung gusto mo pa iyong pinakamahal na gadget pa ang ibibigay ko sa'yo."Nagwink pa ito sa kanya at dumiretso na ng upo. Gusto pa sanang humindi ni Minnie, naalala niya mali raw ang humindi sa grasya.Pinagdadasal na lang niyang tuloy-tuloy na ang magandang kapalaran niya para na rin matulungan niya ang magulang sa may probinsiya.KUNG nanggilalas na si Minnie sa unang pagkikita pa lang nila ni Sandy ay lalo na ng nakauwi na sila. Dahil sa isang maganda at expensive na condominium unit ito nakatira."Wow sobrang ganda naman ng bahay mo Dee, magkano bili mo rito?"tanong ni Minnie habang inililinga niya ang mata.Tuluyan naman pumasok sa loob si Sandy, tuluyan na nitong inalis ang strapless na heels at inilapag na lang sa carpeted na floor."Mabuti naman at nagustuhan mo rito, halika at maupo ka muna rito sa sofa habang hinihintay ko ang in-order kung food for us,"sabi pa nito.Sumunod naman siya at tuluyan na ngang naupo sa malambot na sofa. Kulang na lang ay magtatalbog siya roon."Alam mo nakakatuwa ka,"maya-maya ay sabi ni Sandy. May hawak na itong wine glass.Ngumiti lang ng matipid si Minnie, bigla ang ginawa niyang pagtayo ng makita ang flat screen T.V ni Dee.
HALOS mahilo-hilo na si Minnie sa naging biyahe nila. Parang gusto bumaligtad ang sikmura niya at mailabas niya ng tuluyan ang mga kinain. Hindi kasi siya talaga sanay sa pagba-biyahe, kapag nagpupunta nga siya sa San Francisco del Lecuenco; kabilang Bayan sa probinsiya nila ay nanakit na ang ulo niya. Kaya bago siya magbiyahe papuntang Maynila ay humingi pa siya ng gamot pangontra sa hilo sa kaibigan niyang si Carol. Sa totoo lang ay naging makapal na ang pagmumukha rito, dito rin siya nakakuha ng mga extra job na pinapasukan niya sa nayon nila. Kailangan niyang tatagan ang loob para sa kapakanan ng pamilya niya, walang mabuting maidudulot kapag pinairal niya ang hiya sa kasalukuyan estado ng buhay niya ngayon.Pero ewan ba niya, pagdating kina Don Hidalgo at Sandy ay sobra-sobra siyang nahihiya. Marahil dahil hindi naman sila malapit at malayo ang agwat ng buhay niya sa mga ito. Pakiramdam niya kapag dumami ng dumami ang mga nakukuha niyang bagay sa mga ito ay lalaki ri
KAKABA-KABA si Minnie sa mga oras na iyon, first day niya sa trabaho bilang hostess sa "Dee Club House". Two thousand sqm clubhouse within the premises of the Gallery Residence serves residence as well external members. Ang Dee Clubhouse ay meron indoor heated swimming pool, changing rooms, gym and even a multi-purpose function half that is an indoor basketball court.Isa sa pinakagusto niyang parte roon ay ang changing room. The feature wall in this luxxe changing room is pieced with floral mosaic patterns- a recurring theme. Ang ambiance ay relaxing pati ang music na ipinapatugtog sa lugar.Maging ang indoor basketball court as doubles up as a multi-purpose hall to cater to diff. uses.Kanina bago magsimula ang shift niya ay nabistan niya rin ang swimming pool. Olympic-sized iyon, may costum design motive for its pool bed and the ceiling also reflects a floral cut-out pattern.Kasalukuyan siyang iti-ni-train ni Patty manager ng club house. Maging
KAHIT puyat kagabi ay maagang nagising si Minnie para ipagluto si Sandy ng almusal.Iyon lamang ang magiging pambawi niya sa lahat mga tulong nito sa kanya. Malaki ang utang na loob niya sa babae kaya kailangan niyang suklian ng kabaitan ito.Lalo at tila mukhang may nagawa siyang hindi nito nagustuhan kagabi."You wake up early Minnie, may lakad ka ba?"bati ni Sandy nang pumasok ito sa kusina at abala siya sa pagpri-prito ng bacon.Dahil sa abala ang isip ni Minnie sa ginagawa ay hindi niya napansin na pumasok si Sandy na kumuha ng orange fruit sa fridge.Hindi katulad niya ay sanay siyang nagkakape sa umaga. Habang ang babae ay fresh orange juice ang iniinom nito."Goodmorning Dee... w-wala naman, ang totoo g-gusto kitang makasalo sa almusal,"sabi niya.Kahit alam niyang napakaimposible niyon dahil magmula ng dumating siya ay hindi pa n
ALAS-SIYETE na ng gabi at sa mga ganoon oras ay kasagsagan ng pagdating ng mga costumer ng Dee Club House. Sa araw na iyon ay abalang-abala sila, dahil may dalawang event sa magkaibang floor ang kasalukuyan nagaganap. Kaya halos hindi magkandaugaga sa pag-aasikaso ang mga kasama ni Minnie at pati na rin ito. Si Sandy na may-ari ay present sa dalawang naturang event. Kaya halos hindi sila nagkikita. Katatapos lang na i-assist ni Minnie ang matandang lalaki ng isang pamilyar na bulto ang naratnan niyang naghihintay sa harap ng desk niya ng pabalik na siya. "Goodevening Mr. Gimenez,"bati niya na may alanganin ngiti. "Hai! mukhang busy ka yata, aayain sana kitang magmeryenda,"sabi ni ni Aizo ng tuluyan siyang makalapit. "Naku! h-hindi po pwedi sir, mamaya pa po ang end ng shift ko,"may lungkot ang tinig na sagot niya sa binata. Kita niya ang bumadhang
MABIGAT ang ulo ni Minnie pagkagising niya ng umagang iyon. Halos nangangalahati pa lamang siya mula sa pagkakaupo ng madinig niya ang pagbukas ng pinto sa kanyang silid."Mabuti naman at nagising ka na rin sa wakas,"ani ni Sandy sa dalaga."O-oo nga po, a-ano po bang nangyari?"tanong ni Minnie na nanatiling nakayuko pa rin sa mga sandaling iyon. Sumisigd pa rin ang kirot sa kanyang sentido.Tuluyan sumandig sa may pasukan ng pinto nito si Sandy at napahalukiphip ito habang pinagmamasdan siya. Nakasuot ito ng sandong kulay lavander at nakamaiksing short na kadangkal na lang ang ikli sa singit nito. Sa ganoon porma nito ay hindi aakalain na umeedad na ito ngkwarenta."Lasing ka kagabi at halos buhatin ka na ng kasama mo papasok rito sa condo,"sabi ni Sandy.Dahil sa narinig ay tuluyan naiangat ni Minnie ang ulo. Ngunit ibinagsak niya rin ang sarili mula sa kama dahil hangg
INAAKALA ni Minnie ay hindi na muling makikipagkita si Aizo sa kanya. Ngunit maling-mali siya, dahil narito mismo sa harapan niya ang binata.Kitang-kita na naman niya ang napakaguwapong ngiti nito na nagpapakilig sa kanya."Goodevening Mr. Gimenez, ano pong kailangan niyo?"tanong ni Minnie na hindi makatingin ng diretso sa binata. Para kasi siyang tutunawin nito sa klase ng titig na ipinupukol nito sa kanya."Aayain sana kitang lumabas uli, nabitin kasi ako last time.""N-nabitin?"namumulang pang-uulit ni Minnie."Oh, sorry what I mean are hindi masyado tayong nakapag-enjoy noong isang gabi because you past out. Don't worry hindi na kita ulit papainumin,"Aizo chuckled."Sige, so...hintayin mo ako ulit?"nasabi ni Minnie."Sure, hintayin na lang kita sa parking area,"bilin ni Aizo. Naglakad na ito palabas, sa sandaling iyon ay hindi mapigilan na mapangiti ng maluwang si Minnie at ang kilig na nararamdaman niya ay nanatili h
SA araw na lumipas ay walang pagsidlan sa katuwaan si Minnie na napapansin naman ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kasabay niyon ang pag-aasam niya na muling paglabas nila ng binata. "Uy! blooming huh!"pansin ni Patty na siyang kapalitan niya sa gabing iyon. "Hindi naman Ma'am,"nahihiya niyang sabi na tuluyan ng nagpunta sa locker room nila para kunin ang hand bag niya. Pagkahawak pa lang niya roon ay mabilis na niyang binusisi kong nag-text o tumawag man lang si Aizo sa kanya. Ngunit sa pagkadismaya niya ay wala. Pero may mga ilang missed call at text naman galing sa kapatid niyang si Monina at best friend niyang si Carol. Nagpasalamat si Minnie ng pagbuksan na siya ni Mang Lucio ng pinto ng kotse. Mabilis na siyang sumakay, kasabay niyon ang pag-dial niya ng numero ng kapatid niya. "Hai Monina, kumusta na?"tanong n