“Miss Lizzy, nasa hotel na po ang pinagawa ninyong wedding dress. If you have any questions, please don’t hesitate to contact us. Thank you for trusting us.”
Nang matanggap ni Lizzy ang balitang iyon mula sa receptionist, nagalak ang kanyang puso. Sa susunod na linggo ay ikakasal na siya sa boyfriend niya na minahal niya ng walong taon. Nakapag-book na ng hotel, naipadala na rin ang mga invitation. Lahat ay planado na at maayos na rin. Kaya nang matapos siya sa trabaho, hindi na siya makapag-antay na pumunta sa hotel para tikman ang bagong putahe at desert para sa kasal, at makita ang wedding dress niya. Nang makita siya ng manager ng hotel pagpasok sa pintuan, agad siyang binati habang natataranta. “Ma’am Lizzy, nandito po kayo. May gusto po ba kayong order-in?” tanong ng manager. Nasa mood si Lizzy, at mapapansin sa boses niya na sobra siyang nagagalak. “Hindi ba na-deliver na ang pinagawa kong wedding dress? Gusto kong i-try sana.” Nakangiti niyang sabi. “Yes, Ma’am. Just an hour ago, nasa room niyo na po. Pero gusto ko lang po sanang ipaalam muna sainyo na may bago kaming dish para sa kasal, gusto niyo po ba munang subukan? At kung satisfied ka naman po Ma’am, pwede mo siyang ma-upgrade na libre lang.” kinakabahang tanong ng manager. “Siguro mamaya ko na i-try ang mga dish, pagkatapos kong isukat ang dress.” Hindi nagpapigil si Lizzy, dumiretso siya sa elevator. Mas lalong kinakabahan ang manager kaya hinabol niya si Lizzy. “Miss Lizzy!” sigaw niya, napahinto si Lizzy at tumingin sa kanya na may pagtataka. “Nandito na rin po ang magpe-perform ng music. Why don't you listen first para kung may hindi ka man po magustuhan ay mababago nila.” Nakaramdam si Lizzy na parang may mali, ang kaninang malapad niyang ngiti ay napalitan ng pag-aalala. “May mali ba sa wedding dress?” Mas lalong kinabahan ang manager, pinagpawisan na rin ang noo niya at hindi masagot si Lizzy. Dahil sa reaction ng manager, napagtanto ni Lizzy na tama ang hinala niya kaya agad siyang sumakay ng elevator at sinara na ito. Hindi niya na pinansin ang manager. “Miss Lizzy!” huling sigaw ng manager bago tuluyang mawala sa paningin niya si Lizzy. Nang makarating si Lizzy sa labas ng pintuan ng hotel room, may narinig siyang isang boses mula sa loob. Boses ng isang babae na para bang natutuwa sa kung ano man ang ginagawa nito sa loob. A charming voice, samahan pa ng hingal ng isang lalaki. Tinignan niya ang text message na natanggap niya para kompirmahin kung tama ba ang room number. Tama naman ito. “Jarren, mali ito. Paano kung mahuli tayo?” “Hindi mo ba alam kung gaano ka kaganda ngayon? Nasasabik na ako sa’yo, Amanda. I can’t wait…” Nanlaki ang mga mata ni Lizzy, tila naubusan siya ng hangin na para bang may sumasakal sa kanya at biglang nagdilim ang kanyang paningin. Hindi niya namalayan na binuksan niya ang pintuan at pumasok sa loob ng hotel room. Nanginig ang katawan ni Lizzy sa kanyang nasaksihan. Parang binagsakan ng mabigat ang dibdib niya, at agad napuno ng luha ang kanyang mga mata. Halos bumaon na ang mga kuko niya sa kanyang palad, ginagawa niya ang lahat para pigilan ang sariling magwala at sumigaw. Ang dalawang tao sa loob ng hotel room na iyon ay magkadikit. Ang fiancé niya, na dapat ay nasa business trip, ay yakap-yakap ngayon ang ibang babae. May mapang-akit na tingn ang babae na nakakapit pa rin sa kanyang nobyo, bumaling siya sa suot ng babae at nakita niya ang wedding dress niya na gusot-gusot na. Isang malaking sampal para sa kanya, dahil ang babaeng kasama ng kanyan fiance ngayon ay si Amanda—ang secretary ng lalaking papakasalanan niya. “Mga hayop kayo….” Nahihirapang bulong ni Lizzy. Tinakpan niya ang kanyang bibig para pigilan sumigaw. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng kanyang nobyo, at suot pa talaga ng babae ang wedding dress niya habang gumagawa ng kalaswaan. Minahal niya ang fiance niya sa loob ng walong taon. Hindi walong araw, hindi walong buwan, kundi walong taon siyang nanatili. Hindi pa rin makagalaw si Lizzy sa kanyang kinatayuan. Ang halo-halong emosyon ay nagpabaligtad sa sikmura niya, dahilan para mahilo siya at mapakapit sa frame ng pinto para hindi matumba. Nang marinig ang ingay, napansin ni Jarren ang presensya niya at agad umatras mula kay Amanda. Agad niya rin namang tinakpan ng kumot si Amanda na natataranta na ngayon. Nanggigigil, tinitigan ni Lizzy ang dalawa, parang basura ang tingin niya sa kanila. "Ang galing mo naman pala, Mr. Sanchez." Hirap siyang huminga nang maayos, pilit pinipigilan ang mga luha. “Ang saya, gusto niyo bang i-record ko para sa inyo?” Nagkaroon ng bahagyang guilt sa mga mata ni Jarren, pero mas nangingibabaw ang inis at galit dahil nahuli sila. Naging malamig ang mukha niya at wala nang pakialam kung ano ang mangyayari. Tinignan niya ng seryoso si Lizzy. "Ngayon at nakita mo na, aminin ko na rin. Mas mabuti na malaman mo ito nang mas maaga." Tumayo siya nang maayos habang isang kumot lang ang nakabalot sa ibabang katawan niya. Bahagya siyang lumapit kay Lizzy, at pinagmasdan niya lang naman sila ni Amanda. "Lizzy, sasabihin ko na ang totoo. Matagal na akong naiinis sa’yo. Napaka-kontrolado mo, pati katawan ko ayaw mong hawakan. Lalaki ako, at may mga pangangailangan din ako." Nagpatuloy si Jarren nang walang pakundangan. "At mas nakaka-aliw pa nito, tuloy pa rin ang kasal natin. Pagkatapos ng kasal, maibibigay ko sa’yo ang respeto bilang Mrs. Sanchez, pero si Amanda, dapat manatili siya sa tabi ko." ‘Nakakadiri!’ sa isip ni Lizzy. Halos masuka siya sa narinig. Galit at kahihiyan ang naramdaman niya, parang pinupunit ang natitirang katinuan niya. Parang nababaliw, sumugod siya at sinampal si Jarren nang buong lakas. "Anong mukha ang meron ka para isipin kong papakasalan pa kita?" Inikot ni Jarren ang dila niya sa pisngi, pero bago siya makapagsalita, umiyak si Amanda at lumapit para hawakan ang kamay ni Lizzy. "Miss Lizzy, kasalanan ko lahat ng ito! Huwag mong sisihin si Sir Jarren. Ako ang may kasalanan, ako na ang sisihin mo. Magpapakumbaba ako. Luluhod ako para patawarin mo lamang kami. Pati ang wedding dress na ito, hindi ko sinasadyang isuot, talagang hindi ko sinasadya—" Sa pagdampi ng kamay ni Amanda sa balat ni Lizzy, nagtayuan ang balahibo niya. Tinanggal ni Lizzy ang kamay ni Amanda. “Huwag kang magkunwari sa harap ko!” Natumba si Amanda, naapakan ang laylayan ng damit, at tumama sa gilid ng mesa. Pagkakita nito, mabilis na lumapit si Jarren, itinulak niya nang malakas si Lizzy sa sahig, at dali-daling inalala si Amanda, para tulungang bumangon nang maingat. Tinitigan niya si Lizzy nang masama, namumula ang mga mata, at ang boses ay malamig. “Lizzy, tingnan mo ang itsura mo ngayon. Para kang wala sa ayos, nakakakilabot ka talaga.” Sa harap ng malinaw na pagkasuklam sa kanyang mga mata, tahimik na naging kalmado ang ekspresyon ni Lizzy. Ngunit sa sulok na hindi nakikita ng iba, bahagya nang nanginginig ang kanyang mga kamay. Umabot sila ng walong taon, pero ang tanging narinig niya lang mula kay Jarren ay “Nakakakilabot.” Sino ba talaga ang mas nakakadiri? Sa sandaling iyon, biglang pumasok ang manager, tila natataranta ang boses. “Mr. Sanchez, hindi maganda ang sitwasyon. Ang daming reporters sa labas. Papunta na sila dito!” Nagbago ang ekspresyon ng tatlo sa kwarto. Si Jarren ang unang kumilos, lumapit kay Lizzy, at marahas na hinawakan ang kanyang pulso. Napakalakas ng hawak na parang babaliin ang kanyang buto. “Pinag-isipan mo nang mabuti ito, ano?” Nagtataka si Lizzy. Bakit may mga reporters dito? Narinig niya ang tanong ni Jarren, pero pilit pa rin niyang tinago ang sakit sa dibdib. Nilunok niya ang hikbi na nais sumabog at ginamit ang natitirang lakas para sumagot, “Ikaw ang dapat mahiya na mabuking! Deserve mo ‘yan, at wala akong kinalaman diyan.” “Walanghiya ka!” Ibinagsak siya ni Jarren sa sahig nang malakas, kasabay ng malamig na boses na bumalot sa kanya mula sa itaas. “Kapag may lumabas na kahit isang salita tungkol sa nangyari ngayon, kakausapin ko ang kuya mo. Kapag naging misireble ang buhay ko dahil sa’yo, isasama kita sa problema! Wala kang kwenta!” Pagkatapos sabihin iyon, mabilis na umalis si Jarren kasama si Amanda. Bahagyang namutla ang mukha ni Lizzy, mas lalong bumigat ang kanyang dibdib. Sa tagal ng kanilang pagsasama, nagawa pang saktan ni Jarren ang pinaka-masakit at mahina niyang bahagi. Ang kanyang puso. Napagod bigla si Lizzy. Parang alon ang lahat ng nangyayari, tila nilalamon siya ng kawalang pag-asa, pinipilit siyang yumuko at umiyak. Pero tila walang binibigay ang realidad na kahit konting oras para maging malungkot. Pinilit niyang bumangon mula sa sahig, kinagat ang labi, at lumabas ng kwarto. Ngunit sa labas ay sinalubong siyang napakaraming reporters. Hindi siya nagdalawang-isip. Tumakbo siya nang mabilis. Sumunod agad ang mga reporter sa kanya, nagpupumilit makasabay. Palapit nang palapit ang mga yabag sa likuran niya, at maririnig niyang may sumisigaw ng, “Miss Lizzy, sandali lang po!” Dahil sa pagmamadali, bigla siyang bumangga sa isang tao. Sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng mint at bahagyang amoy ng nicotine. Mainit ang katawan ng lalaki, pero ramdam ni Lizzy ang malamig na titig na tila bumabagsak sa ulo niya. Tumigil ang mga reporter sa likod niya, at may narinig siyang humugot ng malalim na hininga sa takot. Hindi siya gumalaw, at ang nanginginig niyang boses ay halos hindi maitago ang kanyang pagmamakaawa. “Please, tulungan niyo po ako...” Nasa presidential suite sila, at ang mga taong makakapasok dito ay siguradong mayaman o may mataas na katungkulan. Nakasindi pa ang sigarilyo sa mga daliri ng lalaki, at sa ilalim ng usok, ang malamig at gwapo niyang mukha ay lalo pang nagmukhang malamig at manipis. Tinitigan niya si Lizzy mula ulo hanggang paa. Mahigpit na hawak ni Lizzy ang damit sa kanyang dibdib, at ang kanyang mga mata, punong-puno ng lungkot, ay parang mata ng isang nalulunod na usa. Napatigil si Lizzy sa kanyang galaw. Bahagyang sumimangot ang lalaki, ang makikitid niyang mga mata ay bahagyang sumingkit, at binigyan niya ng tingin ang kanyang assistant na nasa tabi. Lumapit ang assistant, may ngiti sa labi na tila mabait, pero sa likod nito ay nararamdaman ang bigat ng kanyang awtoridad. “Everyone, gusto niyo bang picture-ran at video-han ang presidente ng company namin?" Parang tambol na umiling ang mga reporter, pero nakatingin pa rin sa likuran ni Lizzy na nag-aantay na bumaling sa kanila ang dalaga. "Bago kayo umalis, iwan n'yo muna ang CD card ng camera." Nakangiti pa rin ang assistant. Lumapit ito sa mga reporter at isa-isang kinuha ang laman ng mga camera. Unti-unting nawala ang yabag ng mga reporter. Bahagyang nakahinga nang maluwag si Lizzy, pero narinig niya ang malamig na boses ng lalaki na parang jade sa linaw. "Hindi ka pa rin aalis?" Nakayuko lang si Lizzy nang marinig iyon, umatras siya ng ilang hakbang, na hindi pa rin magawang tumingin sa mukha ng lalaki. Kinuha ng lalaki ang sigarilyo, dinikdik ito sa ashtray sa gilid, at ang mukha niya ay lalo pang naging malamig. Wala siyang ibinigay na kahit anong karagdagang tingin kay Lizzy. "Pakialis na siya." Lumapit ang assistant at itinuro ang pintuan, sabay sabi, "Miss Del Fierro, magpapadala kami ng tao para ihatid ka palabas." Miss Del Fierro? Paano nalaman ng lalaking ito ang kanyang pangalan? Bagaman nagtaka siya, hindi siya naglakas-loob na magtanong. Kapag tinanong niya, baka isipin pang may balak siyang makipaglapit. Habang naglalakad papalayo, napalingon siya at nakita ang lalaki na nakatayo pa rin sa may corridor. Matangkad, matipuno, at napaka-disente ng tindig nito. Habang nakikita niya ang gilid ng mukha nitong parang gawa sa jade, bigla niyang naramdaman na parang pamilyar ang lalaki. Pagkalabas niya ng hotel gate, nakita niya ang mga media na nagkukumpulan sa labas na parang mga zombie na sumasalakay sa isang siyudad. Habang inaalala ang nakakadiring eksena sa loob ng hotel room, muling nanumbalik ang sakit at poot sa puso niya. Wala siyang mapaglabasan ng kanyang damdamin. Nilunok niya ang pait sa lalamunan, saka matatag na kinuha ang cellphone at tinawagan ang isang tao. “Jane, cancel the wedding.”“Nahihibang ka na ba?! Anong ginawa mo? Sanchez na iyon, pinakawalan mo pa! Kailangan mo pa bang mag insayo nang paulit-ulit para tumatak sa isipan mo ang mahalagang bagay?!” Nang makauwi si Lizzy sa bahay nila, agad siyang dinuro ng kanyang ina na si Madel. Hindi agad nakasagot si Lizzy dahil nagulat siya sa pagsigaw ng kanyang ina at nagpatuloy pa ito sa pagsesermon sa kanya na para bang mali niya pang iwanan si Jarren. “That's Sanchez, Lizzy. A big family. Ano bang mali kung marami siyang babae? Hindi ba pwedeng maging mabait ka na lang at i-share siya sa iba?” ‘Mom, do you hear yourself? Ako ang niloko dito…” Hindi na napigilan ni Lizzy ang sumagot sa ina niya. Buong buhay niya ay wala siyang ibang ginawa kundi sumunod sa kanya, kung hindi lang dahil sa pamilyang Sanchez ay hindi siya nito magugustuhan bilang anak. “Sana hindi ka na lang nagsalita sa kanya, sinira mo ang kasal. Para ano? Para sirain din ang pamilya natin?” Uminit lalo ang ulo ni Lizzy sa narinig niya, kahit a
Nagkaroon ng biglaang katahimikan. The dark green dress... Hindi ba’t nagpapahiwatig ito na "niloko" siya ni Jarren? "Ha." Sa gitna ng grupo, hindi alam kung sino ang biglang humagikhik, na lalo pang nagpalala sa nakakahiya nang sitwasyon. Lumingon si Lizzy para makita kung sino ang may kakaibang sense of humor. Pagtingin niya, nakita niyang nakaupo si Lysander sa sofa na hindi kalayuan. Naalala niya ang nakita niya sa banyo kanina, kaya't medyo nailang siya at umiwas ng tingin. Samantala, nag-iba-iba ang ekspresyon ni Jarren—halatang hindi siya mapakali. “Lizzy.” Malalim ang hininga niya at mukhang pinipilit niyang maging kalmado. “Maipapaliwanag ko ang nangyari noon, ang totoo kasi…” Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang nabitawan ng waiter na may dalang maliit na cake ang hawak nitong mangkok. Tumilapon ito sa sahig at nabasag. Parang natakot na kuneho, agad na yumuko ang waiter para pulutin ang mga basag na piraso. Kahit naka-maskara ito, hindi maitatago ang namumula
Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig. “Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili. Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.” Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim. “Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo. Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti. “Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loo
Nang makapasok ang apat na lalaki, ang isa na may kulay blue ang buhok ay biglang lumuhod sa harap ni Lizzy, agad namang sumunod ang tatlo. Nagtaka ang mga taong naroon."Miss Lizzy, tulungan mo kami. Hindi na namin kaya ang ginawa nila sa amin. Sobra na kaming nasaktan.””Tama, Miss Lizzy. Ikaw ang nag-utos sa amin na gawin iyon, binayaran mo kami. Hindi mo kami pwedeng hayaan.”Kumunot ang noo ni Lizzy at umatras mula sa kanila. “What are you talking about? I don’t know you all!”Kinakabahan siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin niya. Pinilit niyang ayusin ang mga iniisip niya at tumingin ng deritso sa mga lalaki. “What the hell are you talking about?!” inis niyang sigaw. “Is this true, Liz?”tanong ni Madel. Bumaling si Lizzy sa mga tao na naroon din sa loob, naguguluhan sa nangyayari. Pero tumigil ang tingin ni Lizzy kay Jarren na tila ba kinamuhian siya. Umiling lamang si Lizzy.“N-no..of course not! Hindi ko sila kilala, at sobrang baliw ko ba para gawin ang b
"Sir, may insidente kami rito ng droga at tangkang panggagahasa. Pakiimbestigahan po agad."Pagkababa ng tawag, malinaw na nakita niyang kinakabahan si Lianna, pilit na hinihila ang laylayan ng kanyang palda. Kung gusto nitong sirain ang lahat, wala siyang balak umatras—mas sisirain niya ito nang husto.Natapos ang welcome party ng pamilya Del Fierro sa isang malaking kahihiyan.Dumating ang pulis at nahanap si Lizzy."Alam na po namin ang lahat ng sitwasyon, pero dahil may ilang suspek na nagsasabing may kinalaman ka sa insidenteng ito, hinihiling namin na sumama ka sa amin para sa imbestigasyon."Ayaw ng pamilya Del Fierro na mas lalong masira ang kanilang pangalan, kaya tumahimik silang umalis.Tila gustong may sabihin si Jarren kay Lizzy, ngunit nang muling sumandal si Amanda sa kanyang balikat, walang alinlangan itong binuhat ni Jarren gaya ng isang prinsesa. Iniwan niya si Lizzy at lumakad palayo nang hindi man lang lumingon.Sa malamig na hangin ng gabi, ang likod ni Lizzy ay t
"Mr. Sanchez." Tumingala si Lizzy at tumingin sa kanya, at ang tono niya’y matatag, "Ang gusto ko lang, gusto ko nang makipaghiwalay kay Jarren. Mula ngayon, kanya-kanya na kami ng landas."Nabakas sa madilim na mga mata ni Lysander ang bahagyang sorpresa."Sigurado ka na ba?"Hinigpitan ni Lizzy ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay na nakapatong sa tuhod."Pinag-isipan ko na ito. Sana maintindihan mo ang mga nagawa ko ngayong araw. Kahit sino naman, kung niloko, hindi matutuwa. Hindi ko sinasadya na mapahiya ang pamilya Sanchez."Hindi sumagot si Lysander, ngunit mahinahong sinabi, "Pag-isipan mo pa nang mabuti. Huwag kang magdesisyon ng pabigla-bigla at baka pagsisihan mo ito sa huli."Hindi naintindihan ni Lizzy ang malalim na kahulugan ng mga sinabi nito. Akala niya’y binabalaan lang siya, kaya lalo pang namutla ang mukha niya."Mr. Sanchez, ako...""Pinagpiyansa kita ngayon, pero may kondisyon ako," dagdag ng lalaki habang nagpapalit ng posisyon. Nagbigay ito ng malamig na aura,
Bahagyang kumurap ang mga mata ni Jarren, at mahina siyang umubo."Totoo namang nag-effort si Amanda. Lizzy, tulungan mo siya sa pagkakataong ito. Isipin mo na lang na tinutulungan mo ang isang baguhan."Si Amanda naman ay naiyak na may kasamang ngiti at nagpakasweet kay Lizzy. "Pasensya na, Miss Del Fierro."Ngunit sa kanyang mga mata, may bakas ng hamon.Nang walang kontrol, sumiklab ang galit sa dibdib ni Lizzy. Naluha ang kanyang mga mata sa sama ng loob."Efforts ni Amanda? Talaga? Kung gano’n, ano ang halaga ng pagpupuyat ko? Kung gusto niyang magplano buong gabi, sana ay tinawagan niya ako para samahan akong gumawa ng proyekto ko, hindi ba?”Bumagsak ang mga balikat ni Jarren, tila naramdaman niyang hindi niya makukumbinsi si Lizzy na iligtas si Amanda. Kapag narinig ito ng Tito niyang si Lysander na naging palpak siya, panigurado ay papabilikin siya sa mismong company ng Sanchez at mananatiling walang kwentang tagapag-mana. “Don’t be so stubborn, Liz. Help her, this is your p
Tiningnan ni Lysander si Lizzy gamit ang malamlam na mga mata at walang paliguy-ligoy na nagsabi, "Miss Del Fierro, ano sa tingin mo? Ilang beses nang inirekomenda ng headquarters ang iyong promosyon. Plano mo bang mag-resign na lang at magpakasal ng payapa, o gusto mong lumaban? Nasa iyo ang desisyon."Nagulat si Lizzy. Hindi niya inasahan na sinusubaybayan din pala ni Lysander ang mga nangyayari. Tumayo siya habang nakatitig ang lahat at tumingin kay Jarren, na kalmado at parang walang pakialam."Oo, nagkaroon kami ng relasyon ni Jarren noon, pero matagal na iyong tapos. Kung tungkol sa posisyon ng deputy manager, hindi karapat-dapat si Amanda. Bakit hindi ako lalaban?"Pagkasabi nito, biglang pumangit ang mukha ni Jarren. Si Amanda naman, na nasa labas ng pintuan, ay biglang nagsimulang umubo nang malakas. Parang isang bulaklak na wala nang lakas, tila mahuhulog na kahit mahina lang ang pagtulak.Lumapit agad si Jarren para alalayan si Amanda sa harap ng lahat. Hindi pa siya nakunt
Nag-selfie si Clarisse sa harap ng salamin habang suot ang isang magandang damit at nakangiting masaya.{"Sa susunod na mga araw, pupunta muna ako sa Merun City. Kailangan kong magmukhang mas prepared at hindi masyadong pang-araw-araw. Hintayin niyo akong bumalik!"}Puno ng mga komento ang post niya. Karamihan ay nagpapaalala na mag-ingat siya at manatiling ligtas. May mga papuri rin sa ganda niya. Pero, tulad ng inaasahan, may mga basher din na nagkomento.Normal lang naman ang karamihan sa mga komento, pero isa sa mga ito ang nakaagaw ng pansin ni Lizzy:"Hindi ba kayo nagtataka? Ang star na naging kakumpetensya ni Clarisse para sa leading role noong nakaraang araw, na-disfigure nang biglaan. Ang galing naman ng coincidence na 'to."Napansin ni Lizzy ang ilang keywords sa komento. Pinindot niya ang isa at naintindihan ang sitwasyon.Kakabalik lang ni Clarisse sa Pilipinas, at halatang si Lysander ang nasa likod ng suporta sa kanya. Kahit na may ilang nakakakilala kay Clarisse dito,
Hindi napigilan ni Jenny ang sarili at tumingin kay Lucas. "Gagawin natin ang lahat para maitago muna ang bagay na ito. Huwag kang mag-alala, laging may paraan para maayos ito."Yumuko si Lucas at hinarap si Liam, mas naging magalang ang tono niya. "Mr. Del Fierro, ang mga susunod na usapin ay tungkol na lamang sa aming pamilya. Sana hayaan niyo kaming asikasuhin ito nang kami-kami na lang."Umalis si Liam na madilim ang mukha, halatang galit. Masaya naman si Lizzy at nagmadaling sumunod sa kanya. Pagkasakay nila sa kotse, bakas pa rin ang galit ni Liam. Malakas niyang binagsak ang kamay sa manibela.Kalmado at tahimik si Liam sa karaniwang pagkakataon, at hindi niya pinapakita ang galit niya sa ibang tao. Pero ngayon, halata ang hindi niya mapigilang pagkasuklam. Kitang-kita na pati siya ay nabigla sa kakapalan ng mukha ng pamilya Sanchez at sa unti-unting pang-aabuso nila sa sitwasyon.Masaya naman si Lizzy. "Kuya, huwag mo na akong ihatid pauwi mamaya. Alam kong bad trip ka ngayon,
Nagsimula nang sumakit ang ulo ni Lizzy, pero dahil sa matalim na tingin ni Liam, napilitan siyang lumapit sa tabi ni Jarren at sinagot si Jenny sa pamamagitan ng kanyang kilos.Lumuhod siya sa tabi ni Jarren. Pero hindi ibig sabihin nito na magiging sunud-sunuran siya.Nagkatinginan sina Jenny at Liam, at hindi maitatago ang kasiyahan at ginhawa sa kanilang mga mata. Nagulat naman si Jarren sa ginawa ni Lizzy. Tila may halong guilt at bahagyang emosyon sa kanyang tingin."Oo, aaminin kong naging masama ang trato ko sa’yo noon at hindi ko naisip ang nararamdaman mo. Pero mula ngayon, babawi ako. Lizzy, ikaw lang ang naging babae sa buhay ko.”Halos mapangisi si Lizzy, at nagtaas siya ng kilay. “Eh si Amanda? Ano ang plano mo sa kanya? May anak pa siya sa sinapupunan niya, at ayon sa mga magulang n’yo, plano nilang ipaampon ang bata at pabayaan si Amanda.”Umiiwas ng tingin si Jarren. “Hindi naman ganoon kalupit ang mangyayari. Pagkapanganak ni Amanda, ipapadala ko siya sa lugar na hin
Napabuntong-hininga si Lizzy at sinabing, “Mr. Sanchez, pag-iisipan ko pa ito ulit.”“Sige,” sagot ni Lysander. Nakita niyang tila hindi komportable si Lizzy, kaya hindi na siya nagtanong pa at tumalikod na para umalis.Nang makalabas na si Lysander, saka lamang sinagot ni Lizzy ang tawag. Pagkarinig pa lang sa boses ni Liam sa kabilang linya, halatang puno ito ng paninisi.“Lizzy, akala mo ba makakatakas ka sa sitwasyong ito?”Naguguluhan si Lizzy. “Wala naman akong ginagawang kahiya-hiya, ano bang tinatago ko?”Madiin ang tono
Hindi tumingin si Jarren kay Lizzy, pero pilit niya itong pinapatahan at pinapakalma. Samantala, mas lalong lumakas ang hindi magagandang opinyon ng mga tao sa paligid."Kanina pa ako naaawa kay Lizzy, pero ngayon parang siya pa ang hindi tama sa sitwasyong ito.""Kesyo ayaw niya daw sa lalaki at wala na daw siyang nararamdaman, pero heto siya, parang sinasadya pang saktan si Amanda. Hindi ba’t parang panggagamit lang ang ginagawa niya?""Pare-pareho lang sila. Buntis na nga ‘yung isa, pero ayaw pa rin tigilan. Sobrang sama na niyan."Ang eksenang ito ay nakita ni Clarisse na nasa malapit lang, sakay ng kanyang kotse. Tinanggal niya ang kanyang salamin sa mata at ngumiti nang may kasiyahan."Hindi ko inakala na may ganitong eksena akong masisilip ngayon," natatawa niyang sabi.Sakto namang dumating ang kanyang assistant, kumatok ito sa bintana ng kotse para mag-report. "Miss Clarisse, nandito na po ang media na tinawagan ninyo. Kailangan na po bang tawagan si Mr. Sanchez?"Umiling si
Simula nang iligtas ni Jarren si Lizzy noon, nagsimula na siyang lumapit dito—minsan sadyang nagpapakita, minsan naman ay parang hindi sinasadya.Maging sa mga meeting, sinasadya niyang mag-utos sa iba na ilapit ang pwesto nila sa isa’t isa. Nakakapagod na para kay Lizzy ang ganitong klaseng pag-uugali, pero pinili niyang hindi gumawa ng eksena.Kung hindi pa naalis si Amanda sa kompanya baka hanggang ngayon ay nag-iiyak na naman ito at gumagawa ng gulo kay Jarren. At sa ganoong sitwasyon, malamang wala itong oras para pansinin siya.“Words of heart.” Ang magulong iniisip ni Lizzy ay napatigil nang bigla siyang kausapin ni Jarren. May inabot itong kahon sa kanya. “Paborito mo dati ang mga alahas mula sa brand na ito. May bago silang koleksyon, at naisip kong magugustuhan mo ito kaya agad akong bumili. Sige na, subukan mo,” sabi ni Jarren.Tinitigan ni Lizzy ang kahon, at bahagyang napapikit. Sa huli, hindi niya inabot ang kahon at ngumiti na lang nang tipid. “Pasensya na, but I don’t
Kinuhaan ni Clarisse ang litrato ng sarili niya habang nakaupo sa main seat sa opisina ni Lysander. Sa larawan, makikita si Lysander na nakaupo sa sofa at abala sa laptop, habang may paso ng bulaklak sa harap ng camera.["May sakit ako ngayon kaya hindi siya nakapunta para bisitahin ako, kaya naman binilhan niya ako ng bulaklak, hehehe. Plano ko nang umamin mamaya, pero wala pa akong naihandang regalo. Sa tingin ko, sigurado naman akong magtatagumpay."]Hindi agad nag-reply si Lizzy. Pinagmasdan niya ang litrato nang matagal, hanggang sa nanakit ang kanyang mga mata. Napapikit siya at bumalik sa katinuan. Nang binasa niya muli ang mensahe ni Clarisse, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso.Nagsimula siyang mag-type pero agad ding binubura ang mga salita. Sa huli, napabuntong-hininga siya at nag-reply. ["Sigurado akong magiging maayos 'yan. Magpapahinga na muna ako, good night."]Habang pinapatay ni Clarisse ang kanyang telepono, ngumiti ito nang may halong pagmamataas, pero hindi naita
Sa kabilang banda, patuloy na umiiyak si Clarisse nang parang batang humahagulgol sa ilalim ng ulan. May ilang bodyguard na nakatayo sa kanyang kwarto. Nasa tabi niya si Roj at pilit siyang pinapakalma.“Miss Clarisse, mahalaga ka kay Mr. Sanchez, pero sobrang abala lang talaga siya sa mga trabaho niya ngayon kaya wala siyang oras na samahan ka. Mahal ka niya tulad ng pagmamahal niya sa sariling kapatid. Paano ka niya hindi aalagaan? Pinapasabi niya na magpagaling ka muna, at kapag maayos ka na, sasamahan ka niya para makapaglakad-lakad kayo sa labas.”Puno ng pagkadismaya ang mga mata ni Clarisse. Matagal na niyang napansin na tila hindi na siya kasing-halaga kay Lysander katulad ng dati. Dahil dito, nagmadali siyang bumalik sa Pilipinas. Ang akala niya, kapag lagi siyang nagpapakita sa harapan ni Lysander, mapapansin siya nito balang araw. Pero nang bumalik siya, tila mas lalo lang lumayo ang loob nito sa kanya.Nagsimula na siyang matakot, kaya niya naisipang magpunta sa ospital ng
Bahagyang natigilan si Lizzy. Inakala niyang gusto nitong pag-usapan ang nangyari ngayong gabi o ang tungkol kay Jarren kanina.Pakiramdam niya ay sobrang pagod na siya at gusto na lang magpahinga, kaya tumalikod siya at tumanggi, "Sa ibang araw na lang. Medyo pagod ako ngayon."Tila nagalit si Lysander, "Ni hindi mo ba ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag?"Kalmado lang si Lizzy, ngunit agad niyang itinugon, "Bakit kailangan pang mag-usap? Hindi naman ito isang pangmatagalang relasyon. Kahit mag-usap pa tayo, wala rin namang patutunguhan. Sayang lang ang oras natin pareho. Kaya okay lang, Mr. Sanchez. Nasabi ko na noon na nauunawaan ko ang lahat ng ginagawa mo, kaya hindi mo na kailangang magpaliwanag pa."Habang sinasabi ito, naramdaman ni Lizzy ang bigat sa kanyang dibdib. Sa totoo lang, marami pa sana siyang gustong sabihin. Hindi niya pinili ang makipag-usap dahil ang tamang oras para magsalita si Lysander ay matagal nang tapos.Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, natutuna