Share

Chapter Three

Author: Aurora Solace
last update Huling Na-update: 2024-11-28 19:55:48

Nagkaroon ng biglaang katahimikan.

The dark green dress... Hindi ba’t nagpapahiwatig ito na "niloko" siya ni Jarren?

"Ha."

Sa gitna ng grupo, hindi alam kung sino ang biglang humagikhik, na lalo pang nagpalala sa nakakahiya nang sitwasyon.

Lumingon si Lizzy para makita kung sino ang may kakaibang sense of humor.

Pagtingin niya, nakita niyang nakaupo si Lysander sa sofa na hindi kalayuan.

Naalala niya ang nakita niya sa banyo kanina, kaya't medyo nailang siya at umiwas ng tingin.

Samantala, nag-iba-iba ang ekspresyon ni Jarren—halatang hindi siya mapakali.

“Lizzy.” Malalim ang hininga niya at mukhang pinipilit niyang maging kalmado. “Maipapaliwanag ko ang nangyari noon, ang totoo kasi…”

Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang nabitawan ng waiter na may dalang maliit na cake ang hawak nitong mangkok. Tumilapon ito sa sahig at nabasag.

Parang natakot na kuneho, agad na yumuko ang waiter para pulutin ang mga basag na piraso. Kahit naka-maskara ito, hindi maitatago ang namumula nitong mukha.

Napatingin si Jarren, at sa isang iglap, nanlaki ang kanyang mga mata.

Halata sa ekspresyon niya ang biglaang pagkabalisa, at dali-daling nilapitan ang babae. Hinawakan niya ang kamay nito sandali, ngunit agad din niya itong binitiwan, na para bang nagpipigil sa sarili.

Nakataas ang kilay ni Lizzy habang pinapanood ang dalawa. Nakapamewang siya’t sinabing. “Well, mukhang si Mr. Sanchez ay may kailangang ayusin na personal na bagay. Kung may gusto kayong sabihin, hintayin n’yong matapos muna siya.”

Halatang balisa si Amanda habang nangingilid ang kanyang luha. Yumuko siya, halatang nahihiya at kinakabahan. 

“P-Pasensya na po, Sir Jarren, hindi ko dapat ginawa ito. Pero nag-aalala kasi ako sa’yo. Gusto ko sanang humingi ng tawad kay Miss Del Fierro nang personal. Ayokong maghiwalay kayo dahil sa akin.”

Si Amanda ang waitress.

Nagmukhang malungkot si Jarren. “Huwag mo nang ulitin ang ganito kalokohang bagay.”

Habang nag-uusap ang dalawa, para bang eksena ito sa isang drama ng magkasintahan. Sa isang sulok, namuti sa galit ang mukha ni Madel.

Bagamat iniisip niyang matigas ang ulo ni Lizzy, siya pa rin ang anak niya. Ang maikasal ang anak sa pamilyang Sanchezz ay napakagandang oportunidad, kaya hindi niya hahayaang sirain ito ni Amanda, isang hamak na secretary lang.

Nagsawa si Lizzy sa panonood ng "drama" kaya't tumalikod na siya para umalis, ngunit bigla siyang hinila ni Amanda.

Paglingon niya, maingat na nagsalita si Amanda. “P-Pasensya na po, Miss Del Fierro. Pero hindi po ako nandito para manggulo. Ang totoo, napakaganda n’yo, mayaman, at napakahusay. Alam kong hindi ko kayang pantayan kayo.”

Nagsimula nang tumulo ang luha ni Amanda. “Kasalanan ko po lahat. Luluhod po ako sa harapan n’yo, basta patawarin n’yo lang si Sir Jarren.”

Naging emosyonal si Jarren. Halata sa mukha niya ang lungkot habang sinasabi. “Amanda, bakit ka nagpapakumbaba ng ganito sa harap niya? Tumayo ka na!”

Ngunit matigas ang ulo ni Amanda, na para bang hindi niya narinig ang sinabi ni Jarren. Sa totoo lang, ang mahigpit na pagkakahawak niya sa pulso ni Lizzy ay sobrang nakakapagod.

Natawa si Lizzy. “Kailan ko ba sinabi na pinipigilan ko kayong magkasama? Pakibitiwan ang kamay ko.”

Sinubukan niyang hilahin ang kamay niya nang hindi gumagawa ng gulo.

Ngunit bigla na lang tila nawalan ng balanse si Amanda at natapilok sa gilid ng mesa.

Sa paningin ng iba, mukhang itinulak siya ni Lizzy.

Nagkandurog ang champagne tower sa mesa, at ilang segundo lang, ang laman nito ay bumagsak kay Amanda.

Ngunit bago ito mangyari, mabilis na hinila ni Lizzy ang babae palapit sa kanya.

Sa pagkakataong iyon, naiwasan ni Amanda ang pagbagsak ng champagne tower, ngunit may isa pang tao na talagang natamaan.

Sa gitna ng collective gasp ng mga tao, natapunan ang mamahaling suit ni Lysander ng champagne.

Tahimik ang lahat, at may narinig pa silang humugot ng malalim na hininga.

Nanlaki ang mga mata ni Madel at agad na sumigaw: “Ano pa ang ginagawa n’yo? Tingnan n’yo kung nasaktan si Mr. Sanchez!”

Mabilis siyang naglakad pabalik, ngunit bago dumaan kay Amanda, binigyan niya ito ng matalim na tingin.

Habang abala ang mga tao sa paligid, halatang kinakabahan si Amanda, at parang hindi alam ang gagawin. Nagtama ang kanilang mga mata ni Lizzy, na may bahid ng luha sa kanyang mga mata. Bago pa man siya makapagsalita ng reklamo, naunahan siya ni Lizzy.

“Miss Amanda, ano ba ’yang ginawa mo? Kung hindi ko nakita agad, baka hindi kita nahila kanina, baka nadamay ka pa sa nabagsak..” Ngumisi si Lizzy. “Ngayon, ayan tuloy. Si Mr. Sanchez, na special guest natin ngayong gabi, ang natapunan. Paano na ’yan kung nasaktan siya?”

Napatigil si Amanda, at ang luha sa kanyang mga mata ay bumagsak na parang beads na pumutok.

Walang imik si Jarren, ngunit protektado pa rin niya si Amanda sa likuran niya habang binibigyan ng malamig na tingin si Lizzy.

"Unang beses ni Amanda sa ganitong klaseng okasyon, kaya siguro hindi pa siya sanay. Imbes na tulungan, nadagdagan mo pa ang gulo. Kung galit ka sa akin, sa akin mo na lang ibunton, hindi mo na kailangang mamahiya pa."

"Kung gusto ko talaga siyang mapahiya, matagal ko na siyang pinalayas."

Biglang nagsalita ang isang kalmadong boses, mababa ngunit malakas ang dating.

Si Lysander, tinanggihan ang iniabot na tuwalya ng waiter, at malamig ang tingin na ibinato kay Jarren.

"Nandito ka bilang bisita, pero ang kasama mong tao ang gumagawa ng gulo. Pagkatapos, sisihin mo pa ang may-ari ng bahay? Ganyan ba ang itinuro sa'yo ng tatay mo? Kahihiyan."

Ang huling salita ay parang malakas na sampal na tumama sa mukha ni Jarren.

Tahimik ang paligid, at ramdam ang tensyon.

Walang naglakas-loob na magsalita, lalo na’t kilala si Lysander bilang isang napakadisiplina at mahigpit na tao. Dahil sa hindi kapansin-pansing asal ni Jarren, nagalit si Lysander kaya’t hindi na siya nagdalawang-isip na ipahiya si Jarren sa harap ng maraming tao.

Napilitang magsalita si Madel, pilit ang ngiti, "Mr. Sanchez, nakahanda na po ang dressing room. Baka gusto n’yong magpalit muna ng damit?"

"Okay," sagot ni Lynsader na walang emosyon. Tumayo ito, saka tumingin kay Lizzy, na tila nanonood lang ng eksena. "Miss Del Fierro, samahan mo ako."

Nagulat si Lizzy. Nagtataka

Siya ang tinatawag?

Bagamat nag-aatubili, lumapit siya kay Lysander at tumango, nagpapakita ng paggalang.

Pagkapasok sa dressing room, gusto na sanang isara ni Lizzy ang pinto para makaalis. Pero hindi niya inaasahan na bigla siyang pinigilan ni Lysander.

"Miss Del Fierro, maaari ba tayong mag-usap?"

Kinabahan si Lizzy. Parang alam na niya ang susunod na mangyayari.

Inayos niya ang sarili, yumuko, at pumasok sa silid na parang batang napagalitan ng guro.

"Pasensya na, Mr. Sanchez. Hindi ko sinasadya na makita ang nangyari sa banyo. Huwag kayong mag-alala, hindi ako magsasalita tungkol dito."

Tinitigan siya ni Lysander, ang madilim na tingin nito ay tila may malalim na damdaming hindi mawari. Sa wakas, nagsalita ito, "Mr. Sanchez? Bakit biglang nagbago ang tono mo?"

Nagulat si Lizzy, ngunit maingat na sumagot, "Napag-isip-isip ko, parang hindi talaga kami bagay ni Jarren. Mas mabuti siguro kung hindi na lang namin ituloy ang kasal."

"Walong taon."

Umupo si Lysander sa upuan, binaba ang tingin, at ang mahabang pilik-mata nito ay nagbigay ng anino sa mga mata niya. Mahinahon ang boses nito, ngunit tila may halong panunuya.

"Walong taon kayong magkasama, sa tingin mo ba madali lang kalimutan iyon? Dapat alam mong ang kasal sa pagitan ng pamilyang Del Fierro at Sanchez ay hindi basta-basta pwedeng iatras."

Parang paalala, ngunit sa tono nito, parang babala.

Sumimangot si Lizzy, handang magsalita, nang biglang mapansin niya ang tila dugo sa pulso ni Lysander.

"Mr. Sanchez, nasugatan kayo?!"

Mabilis siyang kumilos, kumuha ng first aid kit sa gilid, at lumuhod upang tingnan ang sugat sa braso nito.

Iniangat niya ang braso ni Lysander at inangat ang manggas ng damit nito, doon niya nakita ang isang hindi gaanong malalim ngunit kapansin-pansing sugat.

Maingat niyang ginamot ang sugat habang seryoso ang ekspresyon niya.

Tahimik siyang pinagmamasdan ni Lysander, at tila may kakaibang damdaming lumalaro sa madilim nitong mga mata.

"Nag-aral ka ba ng first aid?" tanong nito.

"Medyo. Noong nakatira ako sa ibang bansa mag-isa, natutunan kong mag-first aid at gumamot ng sugat para sa mga emergency."

Napansin ni Lizzy ang kagandahan ng mga kamay ni Lysander—mapuputi, mahahaba ang mga daliri, at malinaw ang mga buto.

Ang braso nito, may bahagyang mga litid na halatang-halata, na nagbibigay ng kakaibang karisma.

Imbes na mag-focus sa sugat, nahuli niya ang sarili niyang napapatitig sa kamay nito.

Nang aksidenteng mapahawak siya sa kamay ng lalaki, bigla siyang natauhan.

"Pasensya na," sabi niya, bahagyang namula, at sinubukang bawiin ang kamay niya.

Pero bago pa niya magawa, hinawakan ni Lysander ang pulso niya.

Kaugnay na kabanata

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   Chapter Four

    Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig.“Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili.Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.”Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim.“Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo.Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti.“Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loob na makihalu

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   Chapter One

    “Miss Lizzy, nasa hotel na po ang pinagawa ninyong wedding dress. If you have any questions, please don’t hesitate to contact us. Thank you for trusting us.”Nang matanggap ni Lizzy ang balitang iyon mula sa receptionist, nagalak ang kanyang puso.Sa susunod na linggo ay ikakasal na siya sa boyfriend niya na minahal niya ng walong taon.Nakapag-book na ng hotel, naipadala na rin ang mga invitation. Lahat ay planado na at maayos na rin. Kaya nang matapos siya sa trabaho, hindi na siya makapag-antay na pumunta sa hotel para tikman ang bagong putahe at desert para sa kasal, at makita ang wedding dress niya.Nang makita siya ng manager ng hotel pagpasok sa pintuan, agad siyang binati habang natataranta. “Ma’am Lizzy, nandito po kayo. May gusto po ba kayong order-in?” tanong ng manager.Nasa mood si Lizzy, at mapapansin sa boses niya na sobra siyang nagagalak. “Hindi ba na-deliver na ang pinagawa kong wedding dress? Gusto kong i-try sana.” Nakangiti niyang sabi. “Yes, Ma’am. Just an hour

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   Chapter Two

    “Nahihibang ka na ba?! Anong ginawa mo? Sanchez na iyon, pinakawalan mo pa! Kailangan mo pa bang mag insayo nang paulit-ulit para tumatak sa isipan mo ang mahalagang bagay?!”Nang makauwi si Lizzy sa bahay nila, agad siyang dinuro ng kanyang ina na si Madel. Hindi agad nakasagot si Lizzy dahil nagulat siya sa pagsigaw ng kanyang ina at nagpatuloy pa ito sa pagsesermon sa kanya na para bang mali niya pang iwanan si Jarren. “That's Sanchez, Lizzy. A big family. Ano bang mali kung marami siyang babae? Hindi ba pwedeng maging mabait ka na lang at i-share siya sa iba?”‘Mom, do you hear yourself? Ako ang niloko dito…” Hindi na napigilan ni Lizzy ang sumagot sa ina niya. Buong buhay niya ay wala siyang ibang ginawa kundi sumunod sa kanya, kung hindi lang dahil sa pamilyang Sanchez ay hindi siya nito magugustuhan bilang anak.“Sana hindi ka na lang nagsalita sa kanya, sinira mo ang kasal. Para ano? Para sirain din ang pamilya natin?”Uminit lalo ang ulo ni Lizzy sa narinig niya, kahit ang k

    Huling Na-update : 2024-11-28

Pinakabagong kabanata

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   Chapter Four

    Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig.“Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili.Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.”Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim.“Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo.Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti.“Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loob na makihalu

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   Chapter Three

    Nagkaroon ng biglaang katahimikan.The dark green dress... Hindi ba’t nagpapahiwatig ito na "niloko" siya ni Jarren?"Ha."Sa gitna ng grupo, hindi alam kung sino ang biglang humagikhik, na lalo pang nagpalala sa nakakahiya nang sitwasyon.Lumingon si Lizzy para makita kung sino ang may kakaibang sense of humor.Pagtingin niya, nakita niyang nakaupo si Lysander sa sofa na hindi kalayuan.Naalala niya ang nakita niya sa banyo kanina, kaya't medyo nailang siya at umiwas ng tingin.Samantala, nag-iba-iba ang ekspresyon ni Jarren—halatang hindi siya mapakali.“Lizzy.” Malalim ang hininga niya at mukhang pinipilit niyang maging kalmado. “Maipapaliwanag ko ang nangyari noon, ang totoo kasi…”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang nabitawan ng waiter na may dalang maliit na cake ang hawak nitong mangkok. Tumilapon ito sa sahig at nabasag.Parang natakot na kuneho, agad na yumuko ang waiter para pulutin ang mga basag na piraso. Kahit naka-maskara ito, hindi maitatago ang namumula nitong m

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   Chapter Two

    “Nahihibang ka na ba?! Anong ginawa mo? Sanchez na iyon, pinakawalan mo pa! Kailangan mo pa bang mag insayo nang paulit-ulit para tumatak sa isipan mo ang mahalagang bagay?!”Nang makauwi si Lizzy sa bahay nila, agad siyang dinuro ng kanyang ina na si Madel. Hindi agad nakasagot si Lizzy dahil nagulat siya sa pagsigaw ng kanyang ina at nagpatuloy pa ito sa pagsesermon sa kanya na para bang mali niya pang iwanan si Jarren. “That's Sanchez, Lizzy. A big family. Ano bang mali kung marami siyang babae? Hindi ba pwedeng maging mabait ka na lang at i-share siya sa iba?”‘Mom, do you hear yourself? Ako ang niloko dito…” Hindi na napigilan ni Lizzy ang sumagot sa ina niya. Buong buhay niya ay wala siyang ibang ginawa kundi sumunod sa kanya, kung hindi lang dahil sa pamilyang Sanchez ay hindi siya nito magugustuhan bilang anak.“Sana hindi ka na lang nagsalita sa kanya, sinira mo ang kasal. Para ano? Para sirain din ang pamilya natin?”Uminit lalo ang ulo ni Lizzy sa narinig niya, kahit ang k

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   Chapter One

    “Miss Lizzy, nasa hotel na po ang pinagawa ninyong wedding dress. If you have any questions, please don’t hesitate to contact us. Thank you for trusting us.”Nang matanggap ni Lizzy ang balitang iyon mula sa receptionist, nagalak ang kanyang puso.Sa susunod na linggo ay ikakasal na siya sa boyfriend niya na minahal niya ng walong taon.Nakapag-book na ng hotel, naipadala na rin ang mga invitation. Lahat ay planado na at maayos na rin. Kaya nang matapos siya sa trabaho, hindi na siya makapag-antay na pumunta sa hotel para tikman ang bagong putahe at desert para sa kasal, at makita ang wedding dress niya.Nang makita siya ng manager ng hotel pagpasok sa pintuan, agad siyang binati habang natataranta. “Ma’am Lizzy, nandito po kayo. May gusto po ba kayong order-in?” tanong ng manager.Nasa mood si Lizzy, at mapapansin sa boses niya na sobra siyang nagagalak. “Hindi ba na-deliver na ang pinagawa kong wedding dress? Gusto kong i-try sana.” Nakangiti niyang sabi. “Yes, Ma’am. Just an hour

DMCA.com Protection Status