Share

2

Author: Aurora Solace
last update Last Updated: 2024-11-21 11:31:42

“Nahihibang ka na ba?! Anong ginawa mo? Sanchez na iyon, pinakawalan mo pa! Kailangan mo pa bang mag insayo nang paulit-ulit para tumatak sa isipan mo ang mahalagang bagay?!”

Nang makauwi si Lizzy sa bahay nila, agad siyang dinuro ng kanyang ina na si Madel. Hindi agad nakasagot si Lizzy dahil nagulat siya sa pagsigaw ng kanyang ina at nagpatuloy pa ito sa pagsesermon sa kanya na para bang mali niya pang iwanan si Jarren. “That's Sanchez, Lizzy. A big family. Ano bang mali kung marami siyang babae? Hindi ba pwedeng maging mabait ka na lang at i-share siya sa iba?”

‘Mom, do you hear yourself? Ako ang niloko dito…” Hindi na napigilan ni Lizzy ang sumagot sa ina niya.

Buong buhay niya ay wala siyang ibang ginawa kundi sumunod sa kanya, kung hindi lang dahil sa pamilyang Sanchez ay hindi siya nito magugustuhan bilang anak.

“Sana hindi ka na lang nagsalita sa kanya, sinira mo ang kasal. Para ano? Para sirain din ang pamilya natin?”

Uminit lalo ang ulo ni Lizzy sa narinig niya, kahit ang katawan niya ay mas lalong nanghina at bumigat. Umismid siya at tumingin ng seryoso sa kanyang ina. “Kung si Lianna ba ang nakaranas nito, ito rin ba ang sasabihin mo sa kanya? Na hayaan na lang ang lalaking lokohin siya basta ang mahalaga para sa’yo ay matuloy pa rin ang kasal?”

Biglang natahimik saglit si Madel, hindi niya nagustuhan ang tinanong ni Lizzy. Mas lalo lang siyang nagalit. “At ngayon na ikaw ang nagkamali, babanggitin mo ang pangalan ng kapatid mo? Hindi siya kagaya sa’yo na ignorante at tanga.”

“Mom, I am also your daughter…” Humina lang ang boses ni Lizzy nang sabihin niya iyon ngunit iba naman ang sinagot ng kanyang ina.

Nakakahiya, tumawag pa naman siya sakin kanya na namiss ka niya at idadamay mo lang siya sa katangahan mo ngayon?”

Hindi na nagpakita ng awa si Lizzy, sinamaan niya ng tingin ang kanyang ina. “Kahit kailan, nagpapa-uto ka pa rin sa kanya, Mom.”

“Tigilan mo yang kaartehan mo. Uuwi na ang kapatid mo, and you. You must attend tomorrow’s return banquet, I will also invite the Sanchez.”

Agad na inangat ni Lizzy ang kanyang ulo at tumingin sa kanyang ina, ang mga mata niya ngayon ay namumula dahil sa pag-iyak. “Mom, I seem to be sick. Can you accompany me to the hospital?” Pagmamakaawa niya bigla sa ina.

Hindi nagsalita si Madel, tinignan niya lang ng napakalamig si Lizzy at nababakas pa rin ang galit sa kanyang mga mata.

Tinawana na lang ni Lizzy ang kanyang sarili, ang mga luha ay handang bumaksak ulit. Agad niyang tinalikuran ang ina at umakyat sa kwarto na para pagtakpan ang kahihiya. Pero bago pa siya tuluyang makaakayta, narinig niya ang sinabi ng ina.

“Nagmamaangmangan pa na may sakit sa tuwing may nangyayaring hindi maganda. Napakasingungaling.”

At hindi pa iyon natapos, nagsalita pa rin ang kanyang ina na para bang sinadya talaga na iparinig sa kanya.

“Bakit hindi na lang kasi siya ang nawala. Ang daming pinagdaanan ni Lianna, ako naman ang kasama ng isang ito pero bakit iba ang ugali niya. Stupid girl. Ugh, forget it. Mas mabuti na iyong uuwi si Lianna para naman mawala ang stress ko sa’yo!” Lumingon siya sa likod at nakatayo pa rin si Lizzy roon.

Tunay nga na sinadya niyang sabihin ang mga iyon para marinig ni Lizzy.

Ang luhang kanina pa gustong kumawala ay nangyari na, tinignan niya ang kanyang ina sabay iling at pumunta na sa kanyang kwarto.

Hawak-hawak ni Lizzy ang kanyang dibdib na para bang maaalis ang sakit doon kapag pinigilan niya gamit ang kanyang kamay, ngunit hindi. Mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sa mga sinasabi ng kanyang ina.

Noon pa man ay wala na siyang kakampi.

Since that incident at the age of sixteen, her presence has slowly become a stain on the family, a marginalized existence. At the age of sixteen, dahan-dahan nang nawawala ang presensya niya sa pamilya dahil sa nangyari noon.

Hindi niya sana naranasan ang sakit at lungkot dati at ngayon. Dahil may isang taong handang kumapit at yumakap sa kanya para damayan siya. Muli niyang naalala ang mga nagliliwanag na mata ni Jarren habang nakatingin sa kanya na nakangiti.

“Lizzy, I will be with you for the rest of your life.”

“Form now on, ako na ang pamilya mo.”

“I will love you for the rest of my life. Hindi ko hahayaan na mahirapan ka.”

At dahil do’n, akala ni Lizzy ay hindi niya na mararanasan ang lungkot. At mawawalan na siya ng pakialam dahil may isang Jarren na kasama niya.

Pero nang ang nakaraan ay parang isang bangungot na lamang, napagtanto niya na hindi pa talaga tuluyang maayos ang kanyang puso.

Ang natitirang lakas niya ay nawala, napa-upo siya sa sahig sa kanyang kwarto. Yakap-yakap ang kanyang nanginginig na tuhod at walang tigil sa pag-iyak hanggang sa makatulog siya mismo sa sahig dahil sa kakaiyak.

***

Kinabukasan dumating si Lizzy sa banquet, at ang suot niyang dark green ay nakakuha ng attention ng lahat ng naroon.

The long curly hair like seaweed is draped behind her, the red lips are like blood, and the skin is already fair, and is more and more coagulated against the dark green background.

Ang kanyang mukha ay napaka-refined at elegante, ngunit ang malamig at walang pusong tingin ng kanyang mga mata ang agad na mapapansin.

Pulang labi at berdeng bestida.

Ang ganitong katapang na kasuotan ay kayang-kaya lang dalhin ni Lizzy.

Si Madel, na hinihila si Lianna habang nakikisalamuha sa iba't ibang mga babaeng may dugong bughaw, ay napatigil nang bahagya nang masulyapan ang mapangahas na pigura sa gilid ng kanyang mata. Ilang beses na nagkibit ang kanyang mga mata sa gulat.

Habang papatapos na siya sa pagpapahayag ng galit, may malumanay na kamay na biglang humawak sa kanya.

“Mom, huwag mo nang pagalitan si Ate. Maraming tao ngayon, kaya normal lang na gusto niyang magbihis ng maganda.”

Kumikislap ang mata ni Lianna na parang usa, maamo at may konting lambing.

Si Madel naman ay walang magawa kundi tapikin ang ilong ng kanyang anak na puno ng lambing. “Ang ate mo talaga, ikaw lang ang laging handang unawain siya. Kung katulad mo lang sana siya na may malasakit at responsable, siguro hindi na ako ganito kadaling mag-alala.”

Agad namang sumang-ayon ang mga tao sa paligid at pinuri si Lianna sa pagiging mabait nito.

Sino ba ang hindi nakakaalam na ang pamilyang Del Fierro ay may dalawang anak na babae at dalawang anak na lalaki?

Ang bunso nilang babae ay dinukot noong bata pa at nahanap lang noong siya’y kinse anyos, pero napakabait, masunurin, at matalino nito.

Sa murang edad, naging bise-presidente siya ng International Piano Association.

Ang panganay at bunsong lalaki naman ay bise-presidente ng negosyo ng pamilya, at ang isa ay isang madiskarteng negosyante na nagbukas ng bagong negosyo sa ibang bansa—pareho silang magaling.

Si Lizzy lang ang kakaiba.

May matapang na ugali, mataas ang tingin sa sarili, at kinasangkutan ng eskandalo sa pangbu-bully sa kaklase at sa kapatid nito.

Sumilay ang bahagyang liwanag sa mata ni Lianna at ngumiti nang mapait. “Siguro kailangan ni Ate ng kasama ngayon. Pupuntahan ko muna siya. Excuse me.”

Si Lizzy naman ay palihim na pinagmamasdan ang kilos sa kabila.

Nang makita niyang papalapit si Lianna, agad niyang ibinaba ang hawak na wine glass at mabilis na umalis pero pupunta lang siya sa banyo upang ayusin ang lipstick niya.

Kapag lumapit si Lianna, baka bigla siyang madulas o magkabukol at sabihin na itinulak siya ng ate niya.

Pagdating niya sa pinto ng banyo, may narinig siyang kakaibang ungol.

Napatigil siya at sinilip ang nangyayari mula sa gilid ng pader.

Isang babaeng may makurbang katawan ang nakasandal sa bisig ng isang lalaki.

Namumula ang mukha ng babae, at ang maluwag nitong sundress ay nagpakita ng maraming maputing balat.

Nakatalikod ang lalaki, kaya ang tangkad at matikas niyang tindig lang ang nakikita ni Lizzy.

Napabuntong-hininga siya at napailing. ‘Nakakahiya naman ang ganitong gawain, parang nagbenta ng dangal.’

Paikot na sana siyang aalis nang marinig niyang nagsalita ang babae.

“Mr. Sanchez, mukhang natama ang binti ko. Pwede mo bang tingnan?”

“Mr. Sanchez?” sa isip ni Lizzy.

Bigla siyang napatigil at muling tumingin.

Sa buong pamilyang Sanchez, ang tanging tinatawag na Mr. Sanchez ay ang taong bihirang makita—Jarren’s uncle, si Lysander.

Hindi ito mahilig dumalo sa mga ganitong party. Kaya’t nakakagulat na naroon siya ngayon.

Naalala niya ang pagiging malamig at mapagpasya ng lalaki kaya nagdesisyon siyang huwag makialam.

Tahimik siyang umalis nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ina.

“I’m going to go to the toilet by myself from today, Mom, Dad, don’t underestimate me.”

Halos gusto na niyang matunaw sa hiya, kaya dali-dali niyang pinatay ang telepono.

Pag-angat niya ng ulo, eksaktong nagtama ang mata nila ni Lysander.

Nakatingin ito mula sa liwanag, at ang lilim ng kanyang mukha ay lalong nagpatingkad sa matalim nitong anyo. Ang mga pilikmata niyang mahaba ay naghulma ng anino sa ilalim ng mata, at ang malamig nitong presensya ay nagbigay ng nakakakilabot na karisma.

“Wala akong nakita….” pautal na sabi ni Lizzy habang pilit nagpapaliwanag. “Ngayon lang ako dumating, wala akong nakita…”

Bigla siyang napatahimik at nais kagatin ang dila.

‘Bakit parang lalong halata na parang may ginawa akong mali? Bakit ba ako nauutal?’

Ibinalik ni Lysander ang tingin sa babaeng nasa bisig niya at malamig na nagsalita.

“Umalis ka.”

Nanlumo ang mukha ng babae sa isang iglap.

Tahimik na lumakad si Jayson paalis, ngunit nang dumaan siya kay Lizzy, saglit na nanatili ang malamig nitong mata sa kanya.

Kahit ilang segundo lang iyon, ramdam ni Lizzy ang pangingilabot sa kanyang puso.

Pagkaalis ng lalaki, mabilis niyang inayos ang lipstick niya at lumabas.

Paglabas niya, bigla siyang hinila ni Madel na galit ang mukha.

“Bumalik na ang kapatid mo, ni hindi mo siya binati, hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. Ano bang gusto mong palabasin?”

Tinignan siya ni Lizzy nang tamad, saka ngumiti nang may bahid ng pang-aasar.

“Hindi ba ang sabi mo, ang dahilan ng party na ‘to ay para ayusin ko ang hindi pagkakaunawaan namin ni Jarren? Anong koneksyon dito ni Lianna?”

Pinagalitan siya ni Madel dahil sa kawalan niya ng konsiderasyon, ngunit hinila pa rin siya para harapin ang mga Sanchez.

Nang makita ni Jarren ang mapangahas niyang kasuotan, lalong dumilim ang mukha nito.

Nagkatitigan sila ng isang segundo.

Agad na umiwas ng tingin si Lizzy.

Mabait at magalang niyang binati ang bawat miyembro ng pamilya ni Jarren.

Maliban kay Jarren.

May mga nakatatanda na pumansin sa kanila.

“Lizzy, normal lang sa mga mag-asawa ang magtampuhan. Kapag tapos na, m*****i na kayo.”

Tinakpan ni Lizzy ang bibig niya at tumawa nang bahagya.

Tanong niya, “Ano sa tingin n’yo ang ibig sabihin ng kasuotan ko ngayon?”

Related chapters

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   3

    Nagkaroon ng biglaang katahimikan. The dark green dress... Hindi ba’t nagpapahiwatig ito na "niloko" siya ni Jarren? "Ha." Sa gitna ng grupo, hindi alam kung sino ang biglang humagikhik, na lalo pang nagpalala sa nakakahiya nang sitwasyon. Lumingon si Lizzy para makita kung sino ang may kakaibang sense of humor. Pagtingin niya, nakita niyang nakaupo si Lysander sa sofa na hindi kalayuan. Naalala niya ang nakita niya sa banyo kanina, kaya't medyo nailang siya at umiwas ng tingin. Samantala, nag-iba-iba ang ekspresyon ni Jarren—halatang hindi siya mapakali. “Lizzy.” Malalim ang hininga niya at mukhang pinipilit niyang maging kalmado. “Maipapaliwanag ko ang nangyari noon, ang totoo kasi…” Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang nabitawan ng waiter na may dalang maliit na cake ang hawak nitong mangkok. Tumilapon ito sa sahig at nabasag. Parang natakot na kuneho, agad na yumuko ang waiter para pulutin ang mga basag na piraso. Kahit naka-maskara ito, hindi maitatago ang namumula

    Last Updated : 2024-11-21
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   4

    Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig. “Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili. Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.” Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim. “Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo. Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti. “Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loo

    Last Updated : 2024-11-21
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   5

    Nang makapasok ang apat na lalaki, ang isa na may kulay blue ang buhok ay biglang lumuhod sa harap ni Lizzy, agad namang sumunod ang tatlo. Nagtaka ang mga taong naroon."Miss Lizzy, tulungan mo kami. Hindi na namin kaya ang ginawa nila sa amin. Sobra na kaming nasaktan.””Tama, Miss Lizzy. Ikaw ang nag-utos sa amin na gawin iyon, binayaran mo kami. Hindi mo kami pwedeng hayaan.”Kumunot ang noo ni Lizzy at umatras mula sa kanila. “What are you talking about? I don’t know you all!”Kinakabahan siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin niya. Pinilit niyang ayusin ang mga iniisip niya at tumingin ng deritso sa mga lalaki. “What the hell are you talking about?!” inis niyang sigaw. “Is this true, Liz?”tanong ni Madel. Bumaling si Lizzy sa mga tao na naroon din sa loob, naguguluhan sa nangyayari. Pero tumigil ang tingin ni Lizzy kay Jarren na tila ba kinamuhian siya. Umiling lamang si Lizzy.“N-no..of course not! Hindi ko sila kilala, at sobrang baliw ko ba para gawin ang b

    Last Updated : 2024-12-01
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   6

    "Sir, may insidente kami rito ng droga at tangkang panggagahasa. Pakiimbestigahan po agad."Pagkababa ng tawag, malinaw na nakita niyang kinakabahan si Lianna, pilit na hinihila ang laylayan ng kanyang palda. Kung gusto nitong sirain ang lahat, wala siyang balak umatras—mas sisirain niya ito nang husto.Natapos ang welcome party ng pamilya Del Fierro sa isang malaking kahihiyan.Dumating ang pulis at nahanap si Lizzy."Alam na po namin ang lahat ng sitwasyon, pero dahil may ilang suspek na nagsasabing may kinalaman ka sa insidenteng ito, hinihiling namin na sumama ka sa amin para sa imbestigasyon."Ayaw ng pamilya Del Fierro na mas lalong masira ang kanilang pangalan, kaya tumahimik silang umalis.Tila gustong may sabihin si Jarren kay Lizzy, ngunit nang muling sumandal si Amanda sa kanyang balikat, walang alinlangan itong binuhat ni Jarren gaya ng isang prinsesa. Iniwan niya si Lizzy at lumakad palayo nang hindi man lang lumingon.Sa malamig na hangin ng gabi, ang likod ni Lizzy ay t

    Last Updated : 2024-12-01
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   7

    "Mr. Sanchez." Tumingala si Lizzy at tumingin sa kanya, at ang tono niya’y matatag, "Ang gusto ko lang, gusto ko nang makipaghiwalay kay Jarren. Mula ngayon, kanya-kanya na kami ng landas."Nabakas sa madilim na mga mata ni Lysander ang bahagyang sorpresa."Sigurado ka na ba?"Hinigpitan ni Lizzy ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay na nakapatong sa tuhod."Pinag-isipan ko na ito. Sana maintindihan mo ang mga nagawa ko ngayong araw. Kahit sino naman, kung niloko, hindi matutuwa. Hindi ko sinasadya na mapahiya ang pamilya Sanchez."Hindi sumagot si Lysander, ngunit mahinahong sinabi, "Pag-isipan mo pa nang mabuti. Huwag kang magdesisyon ng pabigla-bigla at baka pagsisihan mo ito sa huli."Hindi naintindihan ni Lizzy ang malalim na kahulugan ng mga sinabi nito. Akala niya’y binabalaan lang siya, kaya lalo pang namutla ang mukha niya."Mr. Sanchez, ako...""Pinagpiyansa kita ngayon, pero may kondisyon ako," dagdag ng lalaki habang nagpapalit ng posisyon. Nagbigay ito ng malamig na aura,

    Last Updated : 2024-12-01
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   8

    Bahagyang kumurap ang mga mata ni Jarren, at mahina siyang umubo."Totoo namang nag-effort si Amanda. Lizzy, tulungan mo siya sa pagkakataong ito. Isipin mo na lang na tinutulungan mo ang isang baguhan."Si Amanda naman ay naiyak na may kasamang ngiti at nagpakasweet kay Lizzy. "Pasensya na, Miss Del Fierro."Ngunit sa kanyang mga mata, may bakas ng hamon.Nang walang kontrol, sumiklab ang galit sa dibdib ni Lizzy. Naluha ang kanyang mga mata sa sama ng loob."Efforts ni Amanda? Talaga? Kung gano’n, ano ang halaga ng pagpupuyat ko? Kung gusto niyang magplano buong gabi, sana ay tinawagan niya ako para samahan akong gumawa ng proyekto ko, hindi ba?”Bumagsak ang mga balikat ni Jarren, tila naramdaman niyang hindi niya makukumbinsi si Lizzy na iligtas si Amanda. Kapag narinig ito ng Tito niyang si Lysander na naging palpak siya, panigurado ay papabilikin siya sa mismong company ng Sanchez at mananatiling walang kwentang tagapag-mana. “Don’t be so stubborn, Liz. Help her, this is your p

    Last Updated : 2024-12-02
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   9

    Tiningnan ni Lysander si Lizzy gamit ang malamlam na mga mata at walang paliguy-ligoy na nagsabi, "Miss Del Fierro, ano sa tingin mo? Ilang beses nang inirekomenda ng headquarters ang iyong promosyon. Plano mo bang mag-resign na lang at magpakasal ng payapa, o gusto mong lumaban? Nasa iyo ang desisyon."Nagulat si Lizzy. Hindi niya inasahan na sinusubaybayan din pala ni Lysander ang mga nangyayari. Tumayo siya habang nakatitig ang lahat at tumingin kay Jarren, na kalmado at parang walang pakialam."Oo, nagkaroon kami ng relasyon ni Jarren noon, pero matagal na iyong tapos. Kung tungkol sa posisyon ng deputy manager, hindi karapat-dapat si Amanda. Bakit hindi ako lalaban?"Pagkasabi nito, biglang pumangit ang mukha ni Jarren. Si Amanda naman, na nasa labas ng pintuan, ay biglang nagsimulang umubo nang malakas. Parang isang bulaklak na wala nang lakas, tila mahuhulog na kahit mahina lang ang pagtulak.Lumapit agad si Jarren para alalayan si Amanda sa harap ng lahat. Hindi pa siya nakunt

    Last Updated : 2024-12-02
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   10

    Mapait na ngumiti si Lizzy at sinabing, "Sige, binili ng mga magulang natin ang isang bahay malapit sa dagat sa north city para sa iyo, doon na ako titira. Salamat sa’yo, mala-anghel kong kapatid sa regalong bahay mo.”Nanlabo ang mga mata ni Lianna, tila iiyak na naman siya anumang sandali. Si Madel naman ay napalingon at sinita si Lizzy nang iritado. "Lagi mong iniisip na inaagawan ka ng kapatid mo. Regalo ko iyon sa kaarawan niya! Matagal ka nang nagtatrabaho sa Fanlor, kulang ka pa ba sa perang pambili ng bahay?"Sanay na si Lizzy sa ganitong hindi pantay na trato, ngunit tila tinusok pa rin ang puso niya sa mga narinig. Tumayo siya nang walang emosyon sa mukha. "Sige, aalis na ako. Iyon naman kasi ang nais ninyo, hindi ba?”Lumapit si Madel at hinawakan ang kamay niya. "May oras pa para lumipat, 'wag mo nang madaliin ngayon. Kung hindi lang dahil may dugo kitang anak, hindi ko talaga papatulan ang isang makasariling tulad mo. Sumama ka sa akin sa bahay ng mga Sanchez."Napatigil

    Last Updated : 2024-12-02

Latest chapter

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   90

    Nag-selfie si Clarisse sa harap ng salamin habang suot ang isang magandang damit at nakangiting masaya.{"Sa susunod na mga araw, pupunta muna ako sa Merun City. Kailangan kong magmukhang mas prepared at hindi masyadong pang-araw-araw. Hintayin niyo akong bumalik!"}Puno ng mga komento ang post niya. Karamihan ay nagpapaalala na mag-ingat siya at manatiling ligtas. May mga papuri rin sa ganda niya. Pero, tulad ng inaasahan, may mga basher din na nagkomento.Normal lang naman ang karamihan sa mga komento, pero isa sa mga ito ang nakaagaw ng pansin ni Lizzy:"Hindi ba kayo nagtataka? Ang star na naging kakumpetensya ni Clarisse para sa leading role noong nakaraang araw, na-disfigure nang biglaan. Ang galing naman ng coincidence na 'to."Napansin ni Lizzy ang ilang keywords sa komento. Pinindot niya ang isa at naintindihan ang sitwasyon.Kakabalik lang ni Clarisse sa Pilipinas, at halatang si Lysander ang nasa likod ng suporta sa kanya. Kahit na may ilang nakakakilala kay Clarisse dito,

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   89

    Hindi napigilan ni Jenny ang sarili at tumingin kay Lucas. "Gagawin natin ang lahat para maitago muna ang bagay na ito. Huwag kang mag-alala, laging may paraan para maayos ito."Yumuko si Lucas at hinarap si Liam, mas naging magalang ang tono niya. "Mr. Del Fierro, ang mga susunod na usapin ay tungkol na lamang sa aming pamilya. Sana hayaan niyo kaming asikasuhin ito nang kami-kami na lang."Umalis si Liam na madilim ang mukha, halatang galit. Masaya naman si Lizzy at nagmadaling sumunod sa kanya. Pagkasakay nila sa kotse, bakas pa rin ang galit ni Liam. Malakas niyang binagsak ang kamay sa manibela.Kalmado at tahimik si Liam sa karaniwang pagkakataon, at hindi niya pinapakita ang galit niya sa ibang tao. Pero ngayon, halata ang hindi niya mapigilang pagkasuklam. Kitang-kita na pati siya ay nabigla sa kakapalan ng mukha ng pamilya Sanchez at sa unti-unting pang-aabuso nila sa sitwasyon.Masaya naman si Lizzy. "Kuya, huwag mo na akong ihatid pauwi mamaya. Alam kong bad trip ka ngayon,

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   88

    Nagsimula nang sumakit ang ulo ni Lizzy, pero dahil sa matalim na tingin ni Liam, napilitan siyang lumapit sa tabi ni Jarren at sinagot si Jenny sa pamamagitan ng kanyang kilos.Lumuhod siya sa tabi ni Jarren. Pero hindi ibig sabihin nito na magiging sunud-sunuran siya.Nagkatinginan sina Jenny at Liam, at hindi maitatago ang kasiyahan at ginhawa sa kanilang mga mata. Nagulat naman si Jarren sa ginawa ni Lizzy. Tila may halong guilt at bahagyang emosyon sa kanyang tingin."Oo, aaminin kong naging masama ang trato ko sa’yo noon at hindi ko naisip ang nararamdaman mo. Pero mula ngayon, babawi ako. Lizzy, ikaw lang ang naging babae sa buhay ko.”Halos mapangisi si Lizzy, at nagtaas siya ng kilay. “Eh si Amanda? Ano ang plano mo sa kanya? May anak pa siya sa sinapupunan niya, at ayon sa mga magulang n’yo, plano nilang ipaampon ang bata at pabayaan si Amanda.”Umiiwas ng tingin si Jarren. “Hindi naman ganoon kalupit ang mangyayari. Pagkapanganak ni Amanda, ipapadala ko siya sa lugar na hin

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   87

    Napabuntong-hininga si Lizzy at sinabing, “Mr. Sanchez, pag-iisipan ko pa ito ulit.”“Sige,” sagot ni Lysander. Nakita niyang tila hindi komportable si Lizzy, kaya hindi na siya nagtanong pa at tumalikod na para umalis.Nang makalabas na si Lysander, saka lamang sinagot ni Lizzy ang tawag. Pagkarinig pa lang sa boses ni Liam sa kabilang linya, halatang puno ito ng paninisi.“Lizzy, akala mo ba makakatakas ka sa sitwasyong ito?”Naguguluhan si Lizzy. “Wala naman akong ginagawang kahiya-hiya, ano bang tinatago ko?”Madiin ang tono

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   86

    Hindi tumingin si Jarren kay Lizzy, pero pilit niya itong pinapatahan at pinapakalma. Samantala, mas lalong lumakas ang hindi magagandang opinyon ng mga tao sa paligid."Kanina pa ako naaawa kay Lizzy, pero ngayon parang siya pa ang hindi tama sa sitwasyong ito.""Kesyo ayaw niya daw sa lalaki at wala na daw siyang nararamdaman, pero heto siya, parang sinasadya pang saktan si Amanda. Hindi ba’t parang panggagamit lang ang ginagawa niya?""Pare-pareho lang sila. Buntis na nga ‘yung isa, pero ayaw pa rin tigilan. Sobrang sama na niyan."Ang eksenang ito ay nakita ni Clarisse na nasa malapit lang, sakay ng kanyang kotse. Tinanggal niya ang kanyang salamin sa mata at ngumiti nang may kasiyahan."Hindi ko inakala na may ganitong eksena akong masisilip ngayon," natatawa niyang sabi.Sakto namang dumating ang kanyang assistant, kumatok ito sa bintana ng kotse para mag-report. "Miss Clarisse, nandito na po ang media na tinawagan ninyo. Kailangan na po bang tawagan si Mr. Sanchez?"Umiling si

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   85

    Simula nang iligtas ni Jarren si Lizzy noon, nagsimula na siyang lumapit dito—minsan sadyang nagpapakita, minsan naman ay parang hindi sinasadya.Maging sa mga meeting, sinasadya niyang mag-utos sa iba na ilapit ang pwesto nila sa isa’t isa. Nakakapagod na para kay Lizzy ang ganitong klaseng pag-uugali, pero pinili niyang hindi gumawa ng eksena.Kung hindi pa naalis si Amanda sa kompanya baka hanggang ngayon ay nag-iiyak na naman ito at gumagawa ng gulo kay Jarren. At sa ganoong sitwasyon, malamang wala itong oras para pansinin siya.“Words of heart.” Ang magulong iniisip ni Lizzy ay napatigil nang bigla siyang kausapin ni Jarren. May inabot itong kahon sa kanya. “Paborito mo dati ang mga alahas mula sa brand na ito. May bago silang koleksyon, at naisip kong magugustuhan mo ito kaya agad akong bumili. Sige na, subukan mo,” sabi ni Jarren.Tinitigan ni Lizzy ang kahon, at bahagyang napapikit. Sa huli, hindi niya inabot ang kahon at ngumiti na lang nang tipid. “Pasensya na, but I don’t

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   84

    Kinuhaan ni Clarisse ang litrato ng sarili niya habang nakaupo sa main seat sa opisina ni Lysander. Sa larawan, makikita si Lysander na nakaupo sa sofa at abala sa laptop, habang may paso ng bulaklak sa harap ng camera.["May sakit ako ngayon kaya hindi siya nakapunta para bisitahin ako, kaya naman binilhan niya ako ng bulaklak, hehehe. Plano ko nang umamin mamaya, pero wala pa akong naihandang regalo. Sa tingin ko, sigurado naman akong magtatagumpay."]Hindi agad nag-reply si Lizzy. Pinagmasdan niya ang litrato nang matagal, hanggang sa nanakit ang kanyang mga mata. Napapikit siya at bumalik sa katinuan. Nang binasa niya muli ang mensahe ni Clarisse, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso.Nagsimula siyang mag-type pero agad ding binubura ang mga salita. Sa huli, napabuntong-hininga siya at nag-reply. ["Sigurado akong magiging maayos 'yan. Magpapahinga na muna ako, good night."]Habang pinapatay ni Clarisse ang kanyang telepono, ngumiti ito nang may halong pagmamataas, pero hindi naita

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   83

    Sa kabilang banda, patuloy na umiiyak si Clarisse nang parang batang humahagulgol sa ilalim ng ulan. May ilang bodyguard na nakatayo sa kanyang kwarto. Nasa tabi niya si Roj at pilit siyang pinapakalma.“Miss Clarisse, mahalaga ka kay Mr. Sanchez, pero sobrang abala lang talaga siya sa mga trabaho niya ngayon kaya wala siyang oras na samahan ka. Mahal ka niya tulad ng pagmamahal niya sa sariling kapatid. Paano ka niya hindi aalagaan? Pinapasabi niya na magpagaling ka muna, at kapag maayos ka na, sasamahan ka niya para makapaglakad-lakad kayo sa labas.”Puno ng pagkadismaya ang mga mata ni Clarisse. Matagal na niyang napansin na tila hindi na siya kasing-halaga kay Lysander katulad ng dati. Dahil dito, nagmadali siyang bumalik sa Pilipinas. Ang akala niya, kapag lagi siyang nagpapakita sa harapan ni Lysander, mapapansin siya nito balang araw. Pero nang bumalik siya, tila mas lalo lang lumayo ang loob nito sa kanya.Nagsimula na siyang matakot, kaya niya naisipang magpunta sa ospital ng

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   82

    Bahagyang natigilan si Lizzy. Inakala niyang gusto nitong pag-usapan ang nangyari ngayong gabi o ang tungkol kay Jarren kanina.Pakiramdam niya ay sobrang pagod na siya at gusto na lang magpahinga, kaya tumalikod siya at tumanggi, "Sa ibang araw na lang. Medyo pagod ako ngayon."Tila nagalit si Lysander, "Ni hindi mo ba ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag?"Kalmado lang si Lizzy, ngunit agad niyang itinugon, "Bakit kailangan pang mag-usap? Hindi naman ito isang pangmatagalang relasyon. Kahit mag-usap pa tayo, wala rin namang patutunguhan. Sayang lang ang oras natin pareho. Kaya okay lang, Mr. Sanchez. Nasabi ko na noon na nauunawaan ko ang lahat ng ginagawa mo, kaya hindi mo na kailangang magpaliwanag pa."Habang sinasabi ito, naramdaman ni Lizzy ang bigat sa kanyang dibdib. Sa totoo lang, marami pa sana siyang gustong sabihin. Hindi niya pinili ang makipag-usap dahil ang tamang oras para magsalita si Lysander ay matagal nang tapos.Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, natutuna

DMCA.com Protection Status