Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig.
“Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili. Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.” Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim. “Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo. Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti. “Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loob na makihalubilo sa pamilya ng mga Sanchez. Sinabi ba ng pinagmamalaki mong Jarren na huwag kang kabahan?” Kagat-labi si Amanda, nagpupumilit na magmukhang inosente. “Alam ko naman, Miss Del Fierro, na hindi mo ako iginagalang dahil sa pinanggalingan ko, pero lahat tayo ay pantay-pantay. Walang mataas o mababa, hindi ba?” Napatawa si Lizzy. Tumabi siya at nagbigay daan. “Gusto mo bang subukan kung anong pakiramdam na itapon palabas ng mga bodyguard? Kung gusto mong subukan, sige, pumasok ka.” Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod si Lizzy at naglakad palayo. Galit na sinundan siya ni Amanda, hinawakan ang kanyang kamay. Sa ilalim ng malamlam na ilaw sa pasilyo, nawala ang mahina at kawawang anyo ni Amanda. Ang mukha nito ay puno ng tapang at determinasyon. “Ang laki na ng pinagbago mo kumpara noong disisais ka pa lang. Malaking epekto sa’yo ang nangyari noon, hindi ba?” May bahid ng provocation ang tingin ni Amanda kay Lizzy. Nanlaki ang mata ni Lizzy sa gulat. Paano nalaman nito ang tungkol doon? Habang pilit nilalabanan ang mga tanong sa isip niya, pinanatili niyang kalmado ang kanyang sarili at tumango. “Sumunod ka sa akin.” Dinala niya si Amanda sa sariling silid niya. Pagkapasok pa lang, hindi na nag-aksaya ng oras si Amanda na ilabas ang tunay na pakay niya. “Kung ayaw mong malaman ng lahat ang sekreto mo, umalis ka na sa buhay niya. Hindi ka naman talaga mahal ni Jarren, hindi mo pa ba nakikita?” Nanatiling nakatayo si Amanda sa harap ni Lizzy habang kalmado naman si Lizzy na naupo sa isang upuan sa gilid. “Dahil gusto mong mag-usap tayo, linawin na natin ngayon. Maghihiwalay kami ni Jarren. Pero gusto kong linawin, ako ang ayaw sa lalaking iyon. At dahil mukhang hilig mong kunin ang mga bagay na tinatapon na ng iba, sige, pagbibigyan kita. Pero tigilan mo na ang mga nakakadiring gimik mo.” Namutla si Amanda, at unti-unting napuno ng galit ang mga mata niya. Biglang may kakaibang amoy na kumalat sa kwarto. Bago pa man makaramdam ng panganib si Lizzy, huli na ang lahat. Nagsimulang umikot ang paligid niya, at ang pigura ni Amanda ay biglang naging malabo. Pilit niyang sinubukang tumayo para umalis, pero hindi kinaya ng katawan niya. Unti-unti siyang nawalan ng malay. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nawalan ng malay. Unti-unting nanumbalik ang diwa niya, at naramdaman niyang may humila sa kanya mula sa kama at itinapon siya sa sahig. Napalakas ang pagbagsak niya, at nasaktan siya. Narinig niya ang iyak ng isang babae at ang galit na sigaw ni Jarren. “Hinding-hindi ko inakala na magagawa mo ang ganito kababoy na bagay! Babae ka rin, pero ang sama ng mga pamamaraan mo!” Hindi pa rin makagalaw si Lizzy, nanlalambot pa rin ang kanyang katawan. Pilit siyang umupo gamit ang mga kamay niya bilang suporta sa sahig. Ang mga mata ni Jarren ay puno ng galit habang nakatingin sa kanya. Malamig ang tono ng boses nito at punong-puno ng pagkamuhi. “Ano’ng nangyayari dito?” Gulong-gulo pa rin ang isip niya habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa paligid. Bigla siyang dinakma ni Jarren sa baba, at mariing pinisil ito. Ang boses nito ay punong-puno ng galit. “Wala ka nang dapat ipaliwanag pa! Hindi ba ikaw ang kumuha ng mga lalaki para abusuhin si Amanda? Kung hindi ko pa naramdaman na may mali, nasira na siya!” “Ang pagbagsak ng champagne tower, plano mo rin, hindi ba? Pero hindi ko inakalang magiging ganito kalupit ang mga galaw mo!” Habang sumisigaw si Jarren, nabuo sa isipan ni Lizzy ang kabuuan ng mga pangyayari. Sa isang sulyap, nakita niya si Amanda. Gusgusin ang hitsura nito at umiiyak na parang lubos na napahiya. Sa mga oras na iyon, hindi na niya gustong alamin kung nagpapanggap lang ba ito o hindi. Nahihilo ang kanyang ulo, at napagtanto niyang naisahan siya. Pilit niyang inalis ang kamay ni Jarren at tumayo kahit nanghihina ang kanyang katawan. “Baliw ka ba? Bakit mo iniisip na ako ang may gawa nito? Kita mo naman, kakagising ko lang. Ako rin ay biktima dito.” Narinig ni Jarren ang sinabi niya at napangisi ito. “Bakit ka hinimatay, hindi mo ba alam? Gusto mo lang linisin ang pangalan mo, hindi ba? Nasa kwarto mo tayo. May iba pa bang pwedeng gumawa nito bukod sa’yo?” Hinawakan ni Amanda ang kamay ni Jarren habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, pinipilit na huwag umiyak. “Jarren, tama na. Sa tingin ko, hindi naman si Miss Del Fierro ang may kasalanan. Pareho kaming nawalan ng malay kanina, kasalanan ko ito. Ako ang nagkaroon ng masamang kapalaran, kaya ako ang napuntirya ng mga thugs.” Lalong nag-apoy ang galit ni Jarren. “Lizzy, paano ka naging ganito? Sobrang sama mo!” Ang mga salitang iyon ay parang martilyong tumama sa puso ni Lizzy. Parang hindi siya makahinga. Hindi niya inaasahan na darating ang araw na ang mismong tao na minsan niyang inasahan ay gagamit ng salitang "masama" para ilarawan siya. Dati, kahit anong mangyari, siya ang taong laging humaharang sa anumang panlalait at galit na binabato sa kanya. Ngayon, ang mga bisig ng minsang nagprotekta ay naka-bukas na para sa ibang babae. At siya, naging pinakamatalas na punyal na tinusok sa kanyang puso. Malamig na tinitigan ni Lizzy si Jarren. Sa mga sandaling iyon, parang hindi niya kilala ang lalaking kaharap niya. “Bakit ko kailangang gumamit ng ganyang klase ng taktika laban sa kanya?” Ang tinig niya ay matatag ngunit may halong pait. “Ang isang taong handa ko nang bitawan, gagamitin ko ba ang natitira kong buhay para siraan pa?” Marahil ay masyadong malinaw ang tingin ni Lizzy, kaya’t sa loob ng ilang segundo, napatigil si Jarren. Ang kanyang galit ay parang bahagyang humupa, at tila nag-isip siya kung tama ba ang sinasabi niya. Pero bago pa siya makapag-isip nang husto, naramdaman niya ang malamlam na kamay ni Amanda na humawak muli sa kanyang braso. Napatingin siya kay Amanda, at bigla niyang naalala ang kanyang responsibilidad. Siya na lamang ang natitirang proteksyon ni Amanda. Samantala, sa labas ng kwarto, may isang pares ng malamig at malalalim na mata ang tahimik na nakatingin sa loob. Ang lalaking iyon ay hindi nagpakita ng balak na makialam, pero ang tingin niya ay nakatuon lamang sa malungkot na pigura ni Lizzy. “Gusto mo bang pumasok at tulungan siya?” tanong ni Roj, na nakatayo sa tabi niya. “Siya... siya ang babaeng iyon noon, hindi ba?” Hindi pa man natatapos ang kanyang tanong, malamig na ngumisi ang lalaki. “Wala ka bang magawa?” Tumahimik na lamang si Roj. Bigla namang may narinig na sigawan mula sa loob ng kwarto. “Oh my God, anong nangyayari dito?!” Mabilis na pumasok si Lianna na hawak ang laylayan ng kanyang damit, kasunod ang ilang tao. Halos hindi makapagsalita si Madel sa nakita, parang natulala sa eksena. Ang panganay na kapatid na si Liam at ang pangalawa na si Liston ay agad na inayos ang gulo sa kwarto. “Ate, okay ka lang ba?” tanong ni Lianna na halatang nag-aalala, habang may bahagyang pamumula sa kanyang mga mata. Malamig na umiwas si Lizzy, at hindi hinayaan na mahawakan siya nito. Napakagat-labi si Lianna, halatang nasaktan, pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita nang malakas. “Bakit iniisip niyo agad na si Ate ang may kagagawan nito? May ebidensya ba kayo?” Tila napaisip si Jarren sa tanong na iyon, at biglang nag-utos. “Asan na yung mga thug na nahuli? Dalhin sila dito.” Ilang minuto pa, pumasok ang tatlo o apat na lalaking may mga pasa at sugat sa mukha.Nang makapasok ang apat na lalaki, ang isa na may kulay blue ang buhok ay biglang lumuhod sa harap ni Lizzy, agad namang sumunod ang tatlo. Nagtaka ang mga taong naroon."Miss Lizzy, tulungan mo kami. Hindi na namin kaya ang ginawa nila sa amin. Sobra na kaming nasaktan.””Tama, Miss Lizzy. Ikaw ang nag-utos sa amin na gawin iyon, binayaran mo kami. Hindi mo kami pwedeng hayaan.”Kumunot ang noo ni Lizzy at umatras mula sa kanila. “What are you talking about? I don’t know you all!”Kinakabahan siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin niya. Pinilit niyang ayusin ang mga iniisip niya at tumingin ng deritso sa mga lalaki. “What the hell are you talking about?!” inis niyang sigaw. “Is this true, Liz?”tanong ni Madel. Bumaling si Lizzy sa mga tao na naroon din sa loob, naguguluhan sa nangyayari. Pero tumigil ang tingin ni Lizzy kay Jarren na tila ba kinamuhian siya. Umiling lamang si Lizzy.“N-no..of course not! Hindi ko sila kilala, at sobrang baliw ko ba para gawin ang b
"Sir, may insidente kami rito ng droga at tangkang panggagahasa. Pakiimbestigahan po agad."Pagkababa ng tawag, malinaw na nakita niyang kinakabahan si Lianna, pilit na hinihila ang laylayan ng kanyang palda. Kung gusto nitong sirain ang lahat, wala siyang balak umatras—mas sisirain niya ito nang husto.Natapos ang welcome party ng pamilya Del Fierro sa isang malaking kahihiyan.Dumating ang pulis at nahanap si Lizzy."Alam na po namin ang lahat ng sitwasyon, pero dahil may ilang suspek na nagsasabing may kinalaman ka sa insidenteng ito, hinihiling namin na sumama ka sa amin para sa imbestigasyon."Ayaw ng pamilya Del Fierro na mas lalong masira ang kanilang pangalan, kaya tumahimik silang umalis.Tila gustong may sabihin si Jarren kay Lizzy, ngunit nang muling sumandal si Amanda sa kanyang balikat, walang alinlangan itong binuhat ni Jarren gaya ng isang prinsesa. Iniwan niya si Lizzy at lumakad palayo nang hindi man lang lumingon.Sa malamig na hangin ng gabi, ang likod ni Lizzy ay t
"Mr. Sanchez." Tumingala si Lizzy at tumingin sa kanya, at ang tono niya’y matatag, "Ang gusto ko lang, gusto ko nang makipaghiwalay kay Jarren. Mula ngayon, kanya-kanya na kami ng landas."Nabakas sa madilim na mga mata ni Lysander ang bahagyang sorpresa."Sigurado ka na ba?"Hinigpitan ni Lizzy ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay na nakapatong sa tuhod."Pinag-isipan ko na ito. Sana maintindihan mo ang mga nagawa ko ngayong araw. Kahit sino naman, kung niloko, hindi matutuwa. Hindi ko sinasadya na mapahiya ang pamilya Sanchez."Hindi sumagot si Lysander, ngunit mahinahong sinabi, "Pag-isipan mo pa nang mabuti. Huwag kang magdesisyon ng pabigla-bigla at baka pagsisihan mo ito sa huli."Hindi naintindihan ni Lizzy ang malalim na kahulugan ng mga sinabi nito. Akala niya’y binabalaan lang siya, kaya lalo pang namutla ang mukha niya."Mr. Sanchez, ako...""Pinagpiyansa kita ngayon, pero may kondisyon ako," dagdag ng lalaki habang nagpapalit ng posisyon. Nagbigay ito ng malamig na aura,
Bahagyang kumurap ang mga mata ni Jarren, at mahina siyang umubo."Totoo namang nag-effort si Amanda. Lizzy, tulungan mo siya sa pagkakataong ito. Isipin mo na lang na tinutulungan mo ang isang baguhan."Si Amanda naman ay naiyak na may kasamang ngiti at nagpakasweet kay Lizzy. "Pasensya na, Miss Del Fierro."Ngunit sa kanyang mga mata, may bakas ng hamon.Nang walang kontrol, sumiklab ang galit sa dibdib ni Lizzy. Naluha ang kanyang mga mata sa sama ng loob."Efforts ni Amanda? Talaga? Kung gano’n, ano ang halaga ng pagpupuyat ko? Kung gusto niyang magplano buong gabi, sana ay tinawagan niya ako para samahan akong gumawa ng proyekto ko, hindi ba?”Bumagsak ang mga balikat ni Jarren, tila naramdaman niyang hindi niya makukumbinsi si Lizzy na iligtas si Amanda. Kapag narinig ito ng Tito niyang si Lysander na naging palpak siya, panigurado ay papabilikin siya sa mismong company ng Sanchez at mananatiling walang kwentang tagapag-mana. “Don’t be so stubborn, Liz. Help her, this is your p
Tiningnan ni Lysander si Lizzy gamit ang malamlam na mga mata at walang paliguy-ligoy na nagsabi, "Miss Del Fierro, ano sa tingin mo? Ilang beses nang inirekomenda ng headquarters ang iyong promosyon. Plano mo bang mag-resign na lang at magpakasal ng payapa, o gusto mong lumaban? Nasa iyo ang desisyon."Nagulat si Lizzy. Hindi niya inasahan na sinusubaybayan din pala ni Lysander ang mga nangyayari. Tumayo siya habang nakatitig ang lahat at tumingin kay Jarren, na kalmado at parang walang pakialam."Oo, nagkaroon kami ng relasyon ni Jarren noon, pero matagal na iyong tapos. Kung tungkol sa posisyon ng deputy manager, hindi karapat-dapat si Amanda. Bakit hindi ako lalaban?"Pagkasabi nito, biglang pumangit ang mukha ni Jarren. Si Amanda naman, na nasa labas ng pintuan, ay biglang nagsimulang umubo nang malakas. Parang isang bulaklak na wala nang lakas, tila mahuhulog na kahit mahina lang ang pagtulak.Lumapit agad si Jarren para alalayan si Amanda sa harap ng lahat. Hindi pa siya nakunt
Mapait na ngumiti si Lizzy at sinabing, "Sige, binili ng mga magulang natin ang isang bahay malapit sa dagat sa north city para sa iyo, doon na ako titira. Salamat sa’yo, mala-anghel kong kapatid sa regalong bahay mo.”Nanlabo ang mga mata ni Lianna, tila iiyak na naman siya anumang sandali. Si Madel naman ay napalingon at sinita si Lizzy nang iritado. "Lagi mong iniisip na inaagawan ka ng kapatid mo. Regalo ko iyon sa kaarawan niya! Matagal ka nang nagtatrabaho sa Fanlor, kulang ka pa ba sa perang pambili ng bahay?"Sanay na si Lizzy sa ganitong hindi pantay na trato, ngunit tila tinusok pa rin ang puso niya sa mga narinig. Tumayo siya nang walang emosyon sa mukha. "Sige, aalis na ako. Iyon naman kasi ang nais ninyo, hindi ba?”Lumapit si Madel at hinawakan ang kamay niya. "May oras pa para lumipat, 'wag mo nang madaliin ngayon. Kung hindi lang dahil may dugo kitang anak, hindi ko talaga papatulan ang isang makasariling tulad mo. Sumama ka sa akin sa bahay ng mga Sanchez."Napatigil
Isang nakakasilaw na liwanag ang tumagos, agad na inilantad ang mga mukha ng kalalakihang lumapit kay Lizzyl na nagtatago sa dilim. Wala na silang lugar para takpan ang mga mukha nila.Mahigpit na niyakap ni Lizzy ang kanyang dibdib at sumiksik sa isang sulok. Nangangatog siyang nakatingin sa pigurang papalapit nang papalapit, puno ng takot sa kanyang mga mata.Ang lalaki ay nakatayo sa liwanag. Ang tangkad niya ay kitang-kita, at ang kanyang presensya ay hindi maitatanggi—makikita na may laban ito.Isang galaw lang ng kanyang kamay, at mabilis na tumakbo ang ilang bodyguard papunta sa mga lalaking nasa dilim. Walang pag-aatubili nilang binugbog ang mga ito at itinulak sa sulok.Lumapit ang lalaki kay Lizzy, tumingin pababa sa kanya, at iniabot ang kanyang kamay.Parang nakahanap ng lugar na mapagbubuntunan ng emosyon, hindi na napigilan ni Lizzy ang kanyang mga luha. Sunod-sunod na bumagsak ang mga ito mula sa kanyang mga mata."Lysander!"Napahagulgol siya nang sobra, hindi napansin
Napagod na si Lizzy na makipagtalo pa sa kanya. Itinuro niya ang pintuan. "Umalis ka na muna dito, wala akong panahon sa’yo."Parang wala nang magawa si Jarren, at ginawang banayad ang kanyang tono."Lizzy, mag-usap naman tayo nang maayos. Nagpa-reserve ako sa paborito mong restaurant mamayang gabi. Pwede ba?"Tinitigan siya ni Lizzy nang seryoso, at sa di malamang dahilan, bigla siyang nagtanong,"Sige, hindi na ako magpapataasan ng boses. Sabihin mo na lang, ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan? Ipaliwanag mo sa akin ang tungkol sa nangyari sa inyo ni Amanda."Napansin ni Jarren ang pagkakasunod ng tanong at dali-daling sumagot. "Natural lang naman na paghiwalayin ang trabaho at personal na buhay. Kung sakaling magpakasal tayo balang araw, hindi na bagay na nagtatrabaho ka pa. Mas mabuti kung mag-resign ka na lang at maging maayos na Mrs. Sanchez sa bahay."Pagkasabi nito, tiningnan niya si Lizzy nang may halong pagmamahal at determinasyon.Nanlaki ang mata ni Lizzy sa narinig. N
Nag-selfie si Clarisse sa harap ng salamin habang suot ang isang magandang damit at nakangiting masaya.{"Sa susunod na mga araw, pupunta muna ako sa Merun City. Kailangan kong magmukhang mas prepared at hindi masyadong pang-araw-araw. Hintayin niyo akong bumalik!"}Puno ng mga komento ang post niya. Karamihan ay nagpapaalala na mag-ingat siya at manatiling ligtas. May mga papuri rin sa ganda niya. Pero, tulad ng inaasahan, may mga basher din na nagkomento.Normal lang naman ang karamihan sa mga komento, pero isa sa mga ito ang nakaagaw ng pansin ni Lizzy:"Hindi ba kayo nagtataka? Ang star na naging kakumpetensya ni Clarisse para sa leading role noong nakaraang araw, na-disfigure nang biglaan. Ang galing naman ng coincidence na 'to."Napansin ni Lizzy ang ilang keywords sa komento. Pinindot niya ang isa at naintindihan ang sitwasyon.Kakabalik lang ni Clarisse sa Pilipinas, at halatang si Lysander ang nasa likod ng suporta sa kanya. Kahit na may ilang nakakakilala kay Clarisse dito,
Hindi napigilan ni Jenny ang sarili at tumingin kay Lucas. "Gagawin natin ang lahat para maitago muna ang bagay na ito. Huwag kang mag-alala, laging may paraan para maayos ito."Yumuko si Lucas at hinarap si Liam, mas naging magalang ang tono niya. "Mr. Del Fierro, ang mga susunod na usapin ay tungkol na lamang sa aming pamilya. Sana hayaan niyo kaming asikasuhin ito nang kami-kami na lang."Umalis si Liam na madilim ang mukha, halatang galit. Masaya naman si Lizzy at nagmadaling sumunod sa kanya. Pagkasakay nila sa kotse, bakas pa rin ang galit ni Liam. Malakas niyang binagsak ang kamay sa manibela.Kalmado at tahimik si Liam sa karaniwang pagkakataon, at hindi niya pinapakita ang galit niya sa ibang tao. Pero ngayon, halata ang hindi niya mapigilang pagkasuklam. Kitang-kita na pati siya ay nabigla sa kakapalan ng mukha ng pamilya Sanchez at sa unti-unting pang-aabuso nila sa sitwasyon.Masaya naman si Lizzy. "Kuya, huwag mo na akong ihatid pauwi mamaya. Alam kong bad trip ka ngayon,
Nagsimula nang sumakit ang ulo ni Lizzy, pero dahil sa matalim na tingin ni Liam, napilitan siyang lumapit sa tabi ni Jarren at sinagot si Jenny sa pamamagitan ng kanyang kilos.Lumuhod siya sa tabi ni Jarren. Pero hindi ibig sabihin nito na magiging sunud-sunuran siya.Nagkatinginan sina Jenny at Liam, at hindi maitatago ang kasiyahan at ginhawa sa kanilang mga mata. Nagulat naman si Jarren sa ginawa ni Lizzy. Tila may halong guilt at bahagyang emosyon sa kanyang tingin."Oo, aaminin kong naging masama ang trato ko sa’yo noon at hindi ko naisip ang nararamdaman mo. Pero mula ngayon, babawi ako. Lizzy, ikaw lang ang naging babae sa buhay ko.”Halos mapangisi si Lizzy, at nagtaas siya ng kilay. “Eh si Amanda? Ano ang plano mo sa kanya? May anak pa siya sa sinapupunan niya, at ayon sa mga magulang n’yo, plano nilang ipaampon ang bata at pabayaan si Amanda.”Umiiwas ng tingin si Jarren. “Hindi naman ganoon kalupit ang mangyayari. Pagkapanganak ni Amanda, ipapadala ko siya sa lugar na hin
Napabuntong-hininga si Lizzy at sinabing, “Mr. Sanchez, pag-iisipan ko pa ito ulit.”“Sige,” sagot ni Lysander. Nakita niyang tila hindi komportable si Lizzy, kaya hindi na siya nagtanong pa at tumalikod na para umalis.Nang makalabas na si Lysander, saka lamang sinagot ni Lizzy ang tawag. Pagkarinig pa lang sa boses ni Liam sa kabilang linya, halatang puno ito ng paninisi.“Lizzy, akala mo ba makakatakas ka sa sitwasyong ito?”Naguguluhan si Lizzy. “Wala naman akong ginagawang kahiya-hiya, ano bang tinatago ko?”Madiin ang tono
Hindi tumingin si Jarren kay Lizzy, pero pilit niya itong pinapatahan at pinapakalma. Samantala, mas lalong lumakas ang hindi magagandang opinyon ng mga tao sa paligid."Kanina pa ako naaawa kay Lizzy, pero ngayon parang siya pa ang hindi tama sa sitwasyong ito.""Kesyo ayaw niya daw sa lalaki at wala na daw siyang nararamdaman, pero heto siya, parang sinasadya pang saktan si Amanda. Hindi ba’t parang panggagamit lang ang ginagawa niya?""Pare-pareho lang sila. Buntis na nga ‘yung isa, pero ayaw pa rin tigilan. Sobrang sama na niyan."Ang eksenang ito ay nakita ni Clarisse na nasa malapit lang, sakay ng kanyang kotse. Tinanggal niya ang kanyang salamin sa mata at ngumiti nang may kasiyahan."Hindi ko inakala na may ganitong eksena akong masisilip ngayon," natatawa niyang sabi.Sakto namang dumating ang kanyang assistant, kumatok ito sa bintana ng kotse para mag-report. "Miss Clarisse, nandito na po ang media na tinawagan ninyo. Kailangan na po bang tawagan si Mr. Sanchez?"Umiling si
Simula nang iligtas ni Jarren si Lizzy noon, nagsimula na siyang lumapit dito—minsan sadyang nagpapakita, minsan naman ay parang hindi sinasadya.Maging sa mga meeting, sinasadya niyang mag-utos sa iba na ilapit ang pwesto nila sa isa’t isa. Nakakapagod na para kay Lizzy ang ganitong klaseng pag-uugali, pero pinili niyang hindi gumawa ng eksena.Kung hindi pa naalis si Amanda sa kompanya baka hanggang ngayon ay nag-iiyak na naman ito at gumagawa ng gulo kay Jarren. At sa ganoong sitwasyon, malamang wala itong oras para pansinin siya.“Words of heart.” Ang magulong iniisip ni Lizzy ay napatigil nang bigla siyang kausapin ni Jarren. May inabot itong kahon sa kanya. “Paborito mo dati ang mga alahas mula sa brand na ito. May bago silang koleksyon, at naisip kong magugustuhan mo ito kaya agad akong bumili. Sige na, subukan mo,” sabi ni Jarren.Tinitigan ni Lizzy ang kahon, at bahagyang napapikit. Sa huli, hindi niya inabot ang kahon at ngumiti na lang nang tipid. “Pasensya na, but I don’t
Kinuhaan ni Clarisse ang litrato ng sarili niya habang nakaupo sa main seat sa opisina ni Lysander. Sa larawan, makikita si Lysander na nakaupo sa sofa at abala sa laptop, habang may paso ng bulaklak sa harap ng camera.["May sakit ako ngayon kaya hindi siya nakapunta para bisitahin ako, kaya naman binilhan niya ako ng bulaklak, hehehe. Plano ko nang umamin mamaya, pero wala pa akong naihandang regalo. Sa tingin ko, sigurado naman akong magtatagumpay."]Hindi agad nag-reply si Lizzy. Pinagmasdan niya ang litrato nang matagal, hanggang sa nanakit ang kanyang mga mata. Napapikit siya at bumalik sa katinuan. Nang binasa niya muli ang mensahe ni Clarisse, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso.Nagsimula siyang mag-type pero agad ding binubura ang mga salita. Sa huli, napabuntong-hininga siya at nag-reply. ["Sigurado akong magiging maayos 'yan. Magpapahinga na muna ako, good night."]Habang pinapatay ni Clarisse ang kanyang telepono, ngumiti ito nang may halong pagmamataas, pero hindi naita
Sa kabilang banda, patuloy na umiiyak si Clarisse nang parang batang humahagulgol sa ilalim ng ulan. May ilang bodyguard na nakatayo sa kanyang kwarto. Nasa tabi niya si Roj at pilit siyang pinapakalma.“Miss Clarisse, mahalaga ka kay Mr. Sanchez, pero sobrang abala lang talaga siya sa mga trabaho niya ngayon kaya wala siyang oras na samahan ka. Mahal ka niya tulad ng pagmamahal niya sa sariling kapatid. Paano ka niya hindi aalagaan? Pinapasabi niya na magpagaling ka muna, at kapag maayos ka na, sasamahan ka niya para makapaglakad-lakad kayo sa labas.”Puno ng pagkadismaya ang mga mata ni Clarisse. Matagal na niyang napansin na tila hindi na siya kasing-halaga kay Lysander katulad ng dati. Dahil dito, nagmadali siyang bumalik sa Pilipinas. Ang akala niya, kapag lagi siyang nagpapakita sa harapan ni Lysander, mapapansin siya nito balang araw. Pero nang bumalik siya, tila mas lalo lang lumayo ang loob nito sa kanya.Nagsimula na siyang matakot, kaya niya naisipang magpunta sa ospital ng
Bahagyang natigilan si Lizzy. Inakala niyang gusto nitong pag-usapan ang nangyari ngayong gabi o ang tungkol kay Jarren kanina.Pakiramdam niya ay sobrang pagod na siya at gusto na lang magpahinga, kaya tumalikod siya at tumanggi, "Sa ibang araw na lang. Medyo pagod ako ngayon."Tila nagalit si Lysander, "Ni hindi mo ba ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag?"Kalmado lang si Lizzy, ngunit agad niyang itinugon, "Bakit kailangan pang mag-usap? Hindi naman ito isang pangmatagalang relasyon. Kahit mag-usap pa tayo, wala rin namang patutunguhan. Sayang lang ang oras natin pareho. Kaya okay lang, Mr. Sanchez. Nasabi ko na noon na nauunawaan ko ang lahat ng ginagawa mo, kaya hindi mo na kailangang magpaliwanag pa."Habang sinasabi ito, naramdaman ni Lizzy ang bigat sa kanyang dibdib. Sa totoo lang, marami pa sana siyang gustong sabihin. Hindi niya pinili ang makipag-usap dahil ang tamang oras para magsalita si Lysander ay matagal nang tapos.Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, natutuna