"Sir, may insidente kami rito ng droga at tangkang panggagahasa. Pakiimbestigahan po agad."
Pagkababa ng tawag, malinaw na nakita niyang kinakabahan si Lianna, pilit na hinihila ang laylayan ng kanyang palda. Kung gusto nitong sirain ang lahat, wala siyang balak umatras—mas sisirain niya ito nang husto.
Natapos ang welcome party ng pamilya Del Fierro sa isang malaking kahihiyan.
Dumating ang pulis at nahanap si Lizzy."Alam na po namin ang lahat ng sitwasyon, pero dahil may ilang suspek na nagsasabing may kinalaman ka sa insidenteng ito, hinihiling namin na sumama ka sa amin para sa imbestigasyon."
Ayaw ng pamilya Del Fierro na mas lalong masira ang kanilang pangalan, kaya tumahimik silang umalis.
Tila gustong may sabihin si Jarren kay Lizzy, ngunit nang muling sumandal si Amanda sa kanyang balikat, walang alinlangan itong binuhat ni Jarren gaya ng isang prinsesa. Iniwan niya si Lizzy at lumakad palayo nang hindi man lang lumingon.
Sa malamig na hangin ng gabi, ang likod ni Lizzy ay tila naglalarawan ng lungkot at lamig, bumagsak ang kanyang balikat habang pinagmasdan ang likod ni Jarren na buhat-buhat si Amanda. Kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumama sa mga police.
Habang umaandar ang sasakyan ng pulis, napatingin si Lysander ngunit agad na iniangat ang bintana sa kotse na sinakyan niya. Hawak-hawak niya ang kanyang relo habang tila malalim ang iniisip. Hindi mahulaan kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Bahagyang umubo si Roj at sinabihan ang driver, "Huwag muna tayong bumalik sa Omega Hotel, pumunta tayo sa station ng police."
Ang abogado ng pamilya Sanchez ang unang nagsalita, "Miss Del Fierro, alam ko na po ang kabuuang sitwasyon. Ang maipapayo ko ay magbayad kayo ng danyos at humingi ng tawad. Kapag nagbigay kayo ng kompensasyon at nag-sorry, tapos na ang usapang ito.
Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para mag-public apology sila, pero sapat na ring mag-sorry ka nang pribado..” Pagkatapos niyang magsalita, naging mayabang muli ang kanyang tono. "Pero didiretushin na kita, at alam ko naman na alam mo na rin ang tungkol sa bagay na ito, ang gusto ng pamilya Sanchez ay maayos pa rin ang kasal ninyo sa mga Del Fierro."Parang matagal nang hinihintay ni Liamn ang mga salitang iyon, kaya naging kalmado na ang kanyang ekspresyon. Ngumiti ito at sinabing, "Alam ko naman na mabuting tao si Young Master Jarren. Pasensya na at humingi ka na rin ng tawad para sa amin."
Ibinigay niya kay Lizzy ang isang makahulugang tingin, senyas na tanggapin na lang niya ito agad.
"Hindi." Magulo man ang buhok ni Lizzy, taas-noo pa rin siya habang nagsasalita. Ang kanyang leeg ay mahaba at maputi, parang leeg ng isang sisne. "Hindi ako hihingi ng tawad. Hayaan nating ang pulis ang mag-imbestiga para linisin ang pangalan ko."
Pagkasabi niya nito, nagbago ang ekspresyon ng lahat ng naroon.
Galit na galit si Liam at malakas na hinampas ang mesa. "Lizzy, pwede ba tigilan mo na ‘yang kalokohan mo? Ang daming nakakita sa ginawa mo kanina. Wala kang kahihiyan, pero ang pamilya Del Fierro ay meron pa!"
Nagpakawala ng mahinang tawa si Liston. "Sanay kasi siyang inaalagaan sa bahay, kaya ‘pag may gusto siyang makuha, gagawin niya kahit anong abala sa atin."
Napangisi si Lizzy sa loob-loob niya. Hindi nga siya kagaya ni Lianna, na gagawin ang kahit ano, masira lang siya.
Bahagyang naningkit ang mata ng abogado ng Sanchez, sabay banta, "Kung ipipilit mong hindi mag-sorry, hindi ka tutulungan ng pamilya Sanchez sa piyansa. Mapaparatangan ka ng pag-utos sa tangkang panggagahasa kay Amanda."
Saglit na bumilis ang tibok ng puso ni Lizzy.
Tunay ngang walang awa si Jarren, ni hindi man lang siya ipinagtanggol kahit pakitang-tao lang. Hangga’t ayaw niyang kumilos, siguradong hindi rin gagalaw ang pamilya Del Fierro para ilabas siya.
Kinailangan niyang makulong.
Napangisi si Lizzy at taas-noong sinabi, "Pero hindi ko ito kasalanan, kaya hindi ako magso-sorry. Kung gusto niyo akong ipilit na ituloy ang kasunduan sa kasal, may isa akong kondisyon—ibigay niyo sa akin ang recording ng nangyari sa kwarto kanina."
Medyo nag-iba ang ekspresyon ni Liam. "Kinuha na ni Jarren ang recording. Ang sabi niya, kung itutuloy mo pa ang gulo, huwag mo siyang sisihin kung ilalabas niya iyon sa publiko."
Nanlamig ang tingin ni Lizzy, pati na rin ang nararamdaman niya. "Kaya pala, walang ni isa sa inyo ang gustong maniwala sa akin? Wala man lang tumingin sa laman ng recording?"
Nagsalita si Liston na halatang naiinis, "Nakakahiya na, nakakababa pa ng dignidad. Hindi ba para rin naman sa kabutihan mo ito? Lahat kami, nag-aalala sa'yo, pero eto ka, pasaway pa rin."
Bigla niyang naramdaman ang matinding pagod. "Kung gano’n, umalis na kayo. Hindi ko tatanggapin ang piyansa niyo, at huwag niyo na akong pilitin."
Nag-iba ang ekspresyon ng mga tao sa paligid.
Unang umalis ang abogado ng pamilya Sanchez. "Wala kang utang na loob."
Sumunod ang mga tao ng pamilya Del Fierro. "Tingnan natin kung gaano katigas yang ulo mo sa loob ng ilang araw, at kami rin ang mag-aayos ng gulo mo!"
Napangisi si Lizzy, ngunit puno ng lungkot ang kanyang puso. "Kahit mamatay ako dito ngayon, hinding-hindi na ako papasakop sa inyo."
Sinabi niya iyon nang mawala na sa paningin niya ang pamilya niya.
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang naghintay. Sa gitna ng kanyang pagkalito, bigla niyang narinig na may dumating. "Miss Del Fierro, pwede ka nang umalis. May nag-piyansa para sa'yo."
Nag-isip siya kung sino iyon, pero wala siyang maisip na pangalan.
Sa labas ng police station, isang Pagani Zonda ang nakaparada sa gilid ng daan, at may nakatayo roon na isang matangkad na lalaki. Nakatalikod siya sa liwanag, kaya ang anino niya ay mas lalong nagbigay-diin sa matitigas niyang features.
May malamig na aura ang lalaki, at sa kanyang seryosong mukha, mas lumilitaw ang likas niyang tapang. Malamig ngunit marangal, pero hindi iyon kasing pagod sa mga mata ni Lizzy.
Napatingin si Lizzy, bahagyang natulala. "Tito Lysander?" Gulat niyang nasambit.
Napansin niyang hindi na bagay ang tawag na iyon, kaya agad niyang binago, "Mr. Sanchez.""Hmm." Bahagyang tumango si Lysander. "Sumakay ka na."
Bagamat kinakabahan, sumunod siya nang maayos. Hindi niya masyadong nakakasalamuha ang lider ng pamilya Sanchez. Kadalasan, nasa ibang bansa ito para hawakan ang malalaking negosyo ng pamilya.
Ang tanging pagkakataon na nagkikita sila ay sa mga family gatherings ng Sanchez.
Para kay Lizzy, si Lysander ay parang perpektong tao—isang alamat sa mundo ng negosyo. Kahit nasa edad trenta na, malakas pa rin ang kanyang karisma, at kailanman ay walang naging kontrobersya.Takot at naiinggit si Jarren sa tiyuhing ito. Tuwing napag-uusapan ang mga tagumpay ni Lysander, ramdam ang hinanakit ni Jarren sa kanyang tono.
Sa harap ni Lysander, walang karapatan si Jarren bilang tagapagmana ng pamilya Sanchez.
Habang puno ng iba't ibang iniisip, nanlalamig na rin ang loob ni Lizzy. Napahiya niya ang pamilya Sanchez sa harap ng maraming tao, kaya malamang hindi siya papalagpasin ni Lysander. Kahit pa na-piyansa siya, iniisip niyang baka dalhin lang siya para "tapusin sa labas."
Habang nanginginig sa takot, narinig niya ang malamig ngunit magandang tinig ng lalaki.
"May atraso ang pamilya Sanchez sa'yo sa pagkakataong ito. Ano ang gusto mong kapalit?""Ha?"
Halos hindi makapaniwala si Lizzy sa narinig niya.
Bahagyang lumingon si Lysander, tinitigan siya nang malalim, na parang isang malamig at misteryosong lawa ang kanyang mga mata—nakakaakit ngunit nakakakaba.
"Alam ko ang lahat tungkol kay Jarren. Magbibigay ng paliwanag ang pamilya Sanchez sa'yo, at sinisiguro kong hindi mo na makikita ang babaeng iyon sa tabi niya."Halos hindi makaikot ang utak ni Lizzy sa sobrang gulat. Bigla niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Lysander. Hindi hangal ang pamilya Sanchez, at kahit papaano, siya pa rin ang pinakamataas na anak ng pamilya Del Fierro.
Kahit pa hindi siya paborito, mas mainam pa rin siya kaysa kay Amanda, na walang kahit anong koneksyon o reputasyon.
Si Amanda? Walang pamilya, mababa ang edukasyon, at hindi man lang pumapasa sa kwalipikasyon para maging kasambahay ng pamilya Sanchez.
Kung papakasalan talaga siya ni Jarren, malaking kahihiyan iyon para sa pamilya Sanchez.
Kung sa rason lang, dapat niyang tanggapin na manatili sa ilalim ng proteksyon ng pamilya Sanchez para sa ikabubuti ng Del Fierro.
Pero nagulat siya sa inoffer ni Lysander, hindi niya iyon inasahan.
"Mr. Sanchez." Tumingala si Lizzy at tumingin sa kanya, at ang tono niya’y matatag, "Ang gusto ko lang, gusto ko nang makipaghiwalay kay Jarren. Mula ngayon, kanya-kanya na kami ng landas."Nabakas sa madilim na mga mata ni Lysander ang bahagyang sorpresa."Sigurado ka na ba?"Hinigpitan ni Lizzy ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay na nakapatong sa tuhod."Pinag-isipan ko na ito. Sana maintindihan mo ang mga nagawa ko ngayong araw. Kahit sino naman, kung niloko, hindi matutuwa. Hindi ko sinasadya na mapahiya ang pamilya Sanchez."Hindi sumagot si Lysander, ngunit mahinahong sinabi, "Pag-isipan mo pa nang mabuti. Huwag kang magdesisyon ng pabigla-bigla at baka pagsisihan mo ito sa huli."Hindi naintindihan ni Lizzy ang malalim na kahulugan ng mga sinabi nito. Akala niya’y binabalaan lang siya, kaya lalo pang namutla ang mukha niya."Mr. Sanchez, ako...""Pinagpiyansa kita ngayon, pero may kondisyon ako," dagdag ng lalaki habang nagpapalit ng posisyon. Nagbigay ito ng malamig na aura,
Bahagyang kumurap ang mga mata ni Jarren, at mahina siyang umubo."Totoo namang nag-effort si Amanda. Lizzy, tulungan mo siya sa pagkakataong ito. Isipin mo na lang na tinutulungan mo ang isang baguhan."Si Amanda naman ay naiyak na may kasamang ngiti at nagpakasweet kay Lizzy. "Pasensya na, Miss Del Fierro."Ngunit sa kanyang mga mata, may bakas ng hamon.Nang walang kontrol, sumiklab ang galit sa dibdib ni Lizzy. Naluha ang kanyang mga mata sa sama ng loob."Efforts ni Amanda? Talaga? Kung gano’n, ano ang halaga ng pagpupuyat ko? Kung gusto niyang magplano buong gabi, sana ay tinawagan niya ako para samahan akong gumawa ng proyekto ko, hindi ba?”Bumagsak ang mga balikat ni Jarren, tila naramdaman niyang hindi niya makukumbinsi si Lizzy na iligtas si Amanda. Kapag narinig ito ng Tito niyang si Lysander na naging palpak siya, panigurado ay papabilikin siya sa mismong company ng Sanchez at mananatiling walang kwentang tagapag-mana. “Don’t be so stubborn, Liz. Help her, this is your p
Tiningnan ni Lysander si Lizzy gamit ang malamlam na mga mata at walang paliguy-ligoy na nagsabi, "Miss Del Fierro, ano sa tingin mo? Ilang beses nang inirekomenda ng headquarters ang iyong promosyon. Plano mo bang mag-resign na lang at magpakasal ng payapa, o gusto mong lumaban? Nasa iyo ang desisyon."Nagulat si Lizzy. Hindi niya inasahan na sinusubaybayan din pala ni Lysander ang mga nangyayari. Tumayo siya habang nakatitig ang lahat at tumingin kay Jarren, na kalmado at parang walang pakialam."Oo, nagkaroon kami ng relasyon ni Jarren noon, pero matagal na iyong tapos. Kung tungkol sa posisyon ng deputy manager, hindi karapat-dapat si Amanda. Bakit hindi ako lalaban?"Pagkasabi nito, biglang pumangit ang mukha ni Jarren. Si Amanda naman, na nasa labas ng pintuan, ay biglang nagsimulang umubo nang malakas. Parang isang bulaklak na wala nang lakas, tila mahuhulog na kahit mahina lang ang pagtulak.Lumapit agad si Jarren para alalayan si Amanda sa harap ng lahat. Hindi pa siya nakunt
Mapait na ngumiti si Lizzy at sinabing, "Sige, binili ng mga magulang natin ang isang bahay malapit sa dagat sa north city para sa iyo, doon na ako titira. Salamat sa’yo, mala-anghel kong kapatid sa regalong bahay mo.”Nanlabo ang mga mata ni Lianna, tila iiyak na naman siya anumang sandali. Si Madel naman ay napalingon at sinita si Lizzy nang iritado. "Lagi mong iniisip na inaagawan ka ng kapatid mo. Regalo ko iyon sa kaarawan niya! Matagal ka nang nagtatrabaho sa Fanlor, kulang ka pa ba sa perang pambili ng bahay?"Sanay na si Lizzy sa ganitong hindi pantay na trato, ngunit tila tinusok pa rin ang puso niya sa mga narinig. Tumayo siya nang walang emosyon sa mukha. "Sige, aalis na ako. Iyon naman kasi ang nais ninyo, hindi ba?”Lumapit si Madel at hinawakan ang kamay niya. "May oras pa para lumipat, 'wag mo nang madaliin ngayon. Kung hindi lang dahil may dugo kitang anak, hindi ko talaga papatulan ang isang makasariling tulad mo. Sumama ka sa akin sa bahay ng mga Sanchez."Napatigil
Isang nakakasilaw na liwanag ang tumagos, agad na inilantad ang mga mukha ng kalalakihang lumapit kay Lizzyl na nagtatago sa dilim. Wala na silang lugar para takpan ang mga mukha nila.Mahigpit na niyakap ni Lizzy ang kanyang dibdib at sumiksik sa isang sulok. Nangangatog siyang nakatingin sa pigurang papalapit nang papalapit, puno ng takot sa kanyang mga mata.Ang lalaki ay nakatayo sa liwanag. Ang tangkad niya ay kitang-kita, at ang kanyang presensya ay hindi maitatanggi—makikita na may laban ito.Isang galaw lang ng kanyang kamay, at mabilis na tumakbo ang ilang bodyguard papunta sa mga lalaking nasa dilim. Walang pag-aatubili nilang binugbog ang mga ito at itinulak sa sulok.Lumapit ang lalaki kay Lizzy, tumingin pababa sa kanya, at iniabot ang kanyang kamay.Parang nakahanap ng lugar na mapagbubuntunan ng emosyon, hindi na napigilan ni Lizzy ang kanyang mga luha. Sunod-sunod na bumagsak ang mga ito mula sa kanyang mga mata."Lysander!"Napahagulgol siya nang sobra, hindi napansin
Napagod na si Lizzy na makipagtalo pa sa kanya. Itinuro niya ang pintuan. "Umalis ka na muna dito, wala akong panahon sa’yo."Parang wala nang magawa si Jarren, at ginawang banayad ang kanyang tono."Lizzy, mag-usap naman tayo nang maayos. Nagpa-reserve ako sa paborito mong restaurant mamayang gabi. Pwede ba?"Tinitigan siya ni Lizzy nang seryoso, at sa di malamang dahilan, bigla siyang nagtanong,"Sige, hindi na ako magpapataasan ng boses. Sabihin mo na lang, ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan? Ipaliwanag mo sa akin ang tungkol sa nangyari sa inyo ni Amanda."Napansin ni Jarren ang pagkakasunod ng tanong at dali-daling sumagot. "Natural lang naman na paghiwalayin ang trabaho at personal na buhay. Kung sakaling magpakasal tayo balang araw, hindi na bagay na nagtatrabaho ka pa. Mas mabuti kung mag-resign ka na lang at maging maayos na Mrs. Sanchez sa bahay."Pagkasabi nito, tiningnan niya si Lizzy nang may halong pagmamahal at determinasyon.Nanlaki ang mata ni Lizzy sa narinig. N
Sa huli, naging walang pakundangan si Jarren. Patuloy siyang nanisi, sinasabing nagbago ang ugali ni Lizzy dahil sa mga pinagdaanan nito. Hindi na niya raw kaya, kaya nawalan siya ng pasensya. Piliting inilipat ni Jarren ang lahat ng responsibilidad kay Lizzy, tila siya pa ang biktima sa nangyari.Tahimik na nakinig si Lizzy, pero ramdam niyang parang tinahi muli ang sugat sa kanyang puso, bumuka, at muling nadurog.Itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal nang malakas si Jarren. May luha sa kanyang mga mata, hindi dahil sa sama ng loob, kundi dahil sa labis na pagkadismaya."Hindi kita kailanman kinasuklaman gaya ng pagkasuklam ko sa'yo ngayon. Para mo na ring sinabing ang walong taon natin ay isang malaking biro."Dahil sa sobrang tiwala niya noon kay Jarren, naibahagi niya rito ang kanyang mga sikreto at ang mapait niyang nakaraan. Hindi niya inaasahan na ang mga ito ang gagamitin ng lalaki para saktan siya ngayon.Habang natigilan si Jarren, agad na lumayo si Lizzy at inayos ang
Napatingin si Lizzy sa lalaki na may halong gulat.Ipinakilala siya ni Roj, "Ito ang chairman ng SonicM Empire, si Alvin."Kinagat ni Lizzy ang kanyang ibabang labi, "Mr. Mendez, nagkamali kayo. Totoo, ako ang namamahala sa data, pero hindi ako ang nagbenta nito. Problema ito ng maling pamamahala ko, at wala itong kinalaman kay Sir Lysander."Lumambot nang kaunti ang ekspresyon ni Lysander at tumingin siya kay Lizzy."Tinawag kita rito para sabihin ang dalawang bagay. Una, ang mga dokumentong hawak ng headquarters ay classified. Tungkol sa sinasabing kopya na para sa buong kumpanya, ikaw na ang mag-verify niyan. Pangalawa, matapos ang lahat ng ito, pansamantala kitang sususpindihin. Matatanggap mo ba iyon?"Natigilan si Lizzy, at bahagyang nangilid ang kanyang luha. Hindi dahil sa galit o sama ng loob, kundi dahil sa hindi niya inasahan ang mangyayari.Hindi nagalit si Lysander, at hindi rin siya itinulak sa sitwasyong wala nang makakabuhay sa kanya sa Berun."Salamat po, Mr. Sanchez,
Sa rooftop ng ospital, naroon si Jeneeva hawak-hawak ang anak ni Lizzy na ninakaw nito sa nursery room. Nagpanggap siyang nurse para makapasok---madali niya rin nakilala ang bata dahil may pangalan ito. "Ibigay mo na ang bata! Hindi ka namin sasaktan, sumama ka lang nang maayos!" sigaw ni Felix. Tumawa naman si Jeneeva na parang baliw. Umiiyak na rin ang bata sa mga bisig niya. "Ano ako? Tanga? Hindi ko kayo susundin! At nasaan na ba si Lizzy? Siya ang kailangan ko, ibigay niyo siya sa akin at ibibigay ko sainyo ang bata!" Si Lysander na pagod din ay galit ang tingin kay Jeneeva. "Please. give me daughter, Jeneeva..." marahang sabi ni Lysander, nag-iingat siya. Ayaw niyang maging padalos-dalos kahit nagagalit siya. Hawak ni Jeneeva ang anak niya, at sa oras na may gawin siya tiyak gaganti si Jeneeva. Kumunot naman ang noo ni Jeneeva nang marinig ang boses ni Lysander, tumingin siya rito. "Lysander...ang mahal ko. Pero hindi Jeneeva ang pangalan ko, Lianna. Ako si Lianna!" ga
Nine Months Later...Kabuwanan na ni Lizzy at nasa dalawang araw na siyang nanatili sa ospital para sa kanyang labor. Sa loob ng dalawang araw hindi rin umalis si Lysander sa ospital para bantayan lalo si Lizzy. Paminsan-minsan ay bumibisita sina Ericka at Felix sa kanya para alamin ang balita ng kanyang panganganak. Gaya ngayon, pumasok silang dalawa at naroon si Lizzy nakatayo sa gilid ng kama, nahihirapan sa sakit ng tyan. Habang sina Ericka at Felix ay hindi mapakali. "Sigurado ka bang sasabihin mo sa kanila ngayon? Baka hindi kayanin ng bestfriend ko," mahinang bulong ni Ericka sa kanyang nobyo. Seryoso lang si Felix, ang ipit na uniform niya ay mas lang nagpatikas sa kanya. At dahil din na-promote siya, mas lalong ang tingin sa kanya ay napaka seryosong pulis. "Kailan. Dito ka lang, ako ang kakausap kay Mr. Sanchez, samahan mo si Ma'am Lizzy," saad naman ni Felix. Kahit na kinakabahan si Ericka, sinunod niya na lang ang sinabi nito. Lumapit si Felix kay Lysander na nasa ta
“Sinungaling ka! Hindi niya magagawa sa akin iyon, mga sinungaling kayo! Umalis kayo rito!” Naupo si Lianna sa sahig, hindi mapigilan ang pag-agos ng kanyang luha. Nabasa ang buong sulat—hindi lang dahil sa pagputol ng ugnayan ni Liston sa kanya, kundi dahil...Si Liston mismo ang umamin ng kanyang kasalanan.Inamin niyang may kinalaman siya sa pagbagsak ng minahan. At bilang kaparusahan, handa siyang akuin ang lahat ng responsibilidad at bayaran ang anumang danyos.Lumapit si Lizzy at malamig na pinagmasdan ang nakakapanlumong kalagayan ni Lianna."Imposible ba?" Mapanuya nitong tanong. "Mukhang nakalimutan mo na ang kasinungalingang ikaw mismo ang gumawa."Ang dahilan kung bakit walang alinlangang pinoprotektahan ni Liston si Lianna noon—at maging ang kakaibang pagkagiliw niya rito—ay dahil sa matagal niyang paniniwala na si Lianna ang nagligtas sa kanya noong araw na nagkaroon siya ng matinding lagnat.Ngunit hindi iyon totoo.Hinagis ni Lizzy ang ebidensiya sa harapan ni Lianna. N
"Talaga?"Pumalakpak si Lysander, at ang taong dinala ni Roj ay walang iba kundi ang pinakamatapat na tauhan ni Gavin. Basang-basa ito sa yelo at halatang dumaan sa matinding pagpapahirap.Bago pa man lumitaw ang taong iyon, tinakpan na ni Lysander ang mga mata ni Lizzy. Ayaw niyang madungisan ang paningin nito sa maduduming bagay."Si Sir Gavin ang nag-utos sa akin na lumapit kay Casandro! Hindi siya natuwa sa nangyari kay Miss, kaya gusto niyang pagbayarin si Miss Lizzy. Kasabay nito, nais din niyang tuluyang burahin si Casandro, na matagal nang naging tinik sa kanyang lalamunan! Wala akong magawa—pinilit lang ako!"Paulit-ulit ang paghagulgol ng lalaki. Hindi mo masisisi ang isang traydor kung wala siyang pagpipilian—si Lysander mismo ang nagpakita kung gaano siya kalupit sa ganitong bagay.Sa harap ng walang katapusang pag-iyak, dahan-dahang nanlumo si Gavin. Unti-unting nawalan ng kulay ang kanyang mukha habang palapit siya kay Lysander."Lysander, hindi ko alam…"Ngunit malamig
Nararamdaman na niyang nagkakaugnay ang lahat.Ang paghahanap ng tugmang bone marrow ay isang napakahirap na proseso, at napakabihira ng matagumpay na pagtutugma lalo na kung hindi malapit na kamag-anak. Kung talagang walang koneksyon sa dugo sina Lizzy at Lianna, imposible halos ang ganitong uri ng pagkakataon.Pinanood ni Lysander ang sakit at pagkalito sa mukha ni Lizzy. Dahan-dahan niyang iniabot ang kamay upang haplusin ang nakakunot niyang noo.“Lizzy, ipapangako ko, aalamin ko ang totoo. Kapag may gumawa ng isang bagay, siguradong may bakas itong iiwan… Hindi sila maaaring magtago nang ganito kahusay.”Naramdaman ni Lizzy ang init ng kanyang mga daliri, at sa bawat haplos ay tila nababawasan ang bigat sa kanyang dibdib.“Lysander, ikaw lang ang maaari kong pagkatiwalaan...”Sa unang pagkakataon, nadama ni Lizzy ang matinding panghihina. Gaano karaming lihim ang itinago ng isang taong kasama niyang lumaki sa iisang bubong? Hindi man lang niya kayang isipin. Ngunit ang kanyang ku
Nararamdaman pa rin ni Lizzy ang bigat ng sitwasyon, ngunit nanatili siyang matatag.Napasinghal si Liston, halatang hindi siya kumbinsido. “Mukhang hindi ka talaga titigil hangga’t hindi mo nakikita ang ebidensya sa harapan mo, ano? Sige, paano kung iharap ko mismo sa’yo ang surveillance video?”Diretsong tumingin si Liston kay Lizzy, puno ng paninisi ang kanyang tingin. “Klarong-klaro sa CCTV—ang nurse ay lumabas ng kwarto para kumuha ng mainit na tubig bandang 10:03. Hindi na siya bumalik. Ikaw lang ang huling taong pumasok. At ilang saglit lang matapos kang lumabas, saka nangyari ang trahedya. Sabihin mo, sino pa ang mas may motibo kundi ikaw? Akala ko dati na baliw na ako, pero hindi pala—mas masahol ka pa! Wala kang puso!”Alam ni Liston na kung lalabas ang katotohanan, maaaring hindi matanggap ni Madel ang relasyon nila ni Lianna. Kaya't balak sana niyang ipadala ang ina sa isang pribadong sanatorium sa ibang bansa. Pero hindi niya akalain na mauuna itong mamatay—at si Lizzy pa
Nararamdaman ni Lizzy na siya mismo ang sagot sa tanong na iyon. Siya lang naman ang tangi’t nag-iisang taong nagdala ng lahat ng poot at galit ni Madel sa mundo.Nakita ni Lysander ang mapait na pagtawa sa mga mata ni Lizzy, kaya lalo niyang hinigpitan ang yakap dito."Masyado ng malakas ang technology ngayon. Kahit pa akala nina Liston at ng iba pa niyang kapatid na sikreto nilang ginagawa ang lahat, hindi pa rin sila ligtas sa batas," aniya sa malamig ngunit tiyak na tinig.Mula sa pinakabagong impormasyon ng pulisya, nalaman nilang hindi na kinaya ni Lianna ang bigat ng sitwasyon at tuluyan nang nagsiwalat ng ilang mahahalagang detalye.Ngunit sa ngayon, hindi ito ang iniisip ni Lizzy.Nakatitig siya sa nakasarang pinto ng operating room, ramdam ang dumadagundong na unos sa kanyang kalooban. Isang mapait na ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi."Lagi namang may mga taong iniisip na kaya nilang balewalain ang batas—mga taong akala mo’y makapangyarihan, na parang kayang baligtarin
Sa wakas ay nakarating na sa ospital si Lizzy, at ayon sa sinabi ni Liam, nakita niya si Madel sa kama ng ospital. Pinilit niyang hindi makaramdam ng kahit anong awa ngunit dahil isa pa rin siyang anak ni Madel, hindi niya magawa. Isang nurse lang ang kasama nito. Pagbukas ni Lizzy ng pinto, hirap na hirap si Madel sa pagsasalita. “Ikaw… paano mo nagawa pang pumunta rito?”Ito ang unang sinabi ni Madel kay Lizzy— Punong-puno ng pagdududa at pandidiri, tila isang tinik na tumusok sa puso ni Lizzy.Ngunit tumawa lang siya nang walang emosyon. “Kung hindi ako dumating, baka mamatay ka na lang dito sa ospital nang walang nag-aalala sa ’yo. Maniwala ka man o hindi.”Malungkot ang naging buhay ni Madel. Hindi lang niya napagkamalang hiyas ang isang simpleng bato, kundi ang pinaka-inaruga niyang si Lianna ay hindi naman pala niya tunay na anak...Sa apat na anak niya, ang pinaka-hindi niya pinansin noon ang siya ngayong nag-iisang pumunta upang tingnan siya.Ngunit hindi iyon sapat para ka
“Basta maniwala ka lang sa akin.” Napangiti nang bahagya si Lizzy.Simula nang pumunta siya sa ospital, may bumabagabag na sa kanya, pero sa kabila ng lahat, nanatili siyang kalmado sa anumang kinakaharap niya.Ang tanging nakaapekto sa kanya ay si Iris. Hindi niya inakala na sa ganitong sitwasyon, si Iris pa ang magbibigay sa kanya ng init ng loob.“Lizzy, matagal na tayong nagtutulungan o naglalaban sa negosyo, kaya alam ko ang kakayahan mo.” Mahinang ngumiti si Iris. “Narinig kong iniimbestigahan na ng pulisya ang magkapatid na iyon. Naniniwala akong hindi na magtatagal bago lumabas ang katotohanan. Gusto kong ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa Panyun sa mahabang panahon, kaya sana huwag mong sayangin ang tiwala ko.”Tumango si Lizzy. “Hindi ko sasayangin.”Pagkababa niya ng telepono, napansin niyang mas dumami ang mga tao sa paligid. Halata sa kanilang mga mata ang pag-asa."Ma'am Lizzy, itutuloy ng Hilario ang pakikipag-partner sa atin?" may nagtanong, puno ng tuwa. "Sabi ko na