Share

5

Author: Aurora Solace
last update Last Updated: 2024-12-01 00:02:34

Nang makapasok ang apat na lalaki, ang isa na may kulay blue ang buhok ay biglang lumuhod sa harap ni Lizzy, agad namang sumunod ang tatlo. Nagtaka ang mga taong naroon.

"Miss Lizzy, tulungan mo kami. Hindi na namin kaya ang ginawa nila sa amin. Sobra na kaming nasaktan.”

”Tama, Miss Lizzy. Ikaw ang nag-utos sa amin na gawin iyon, binayaran mo kami. Hindi mo kami pwedeng hayaan.”

Kumunot ang noo ni Lizzy at umatras mula sa kanila. “What are you talking about? I don’t know you all!”

Kinakabahan siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin niya. Pinilit niyang ayusin ang mga iniisip niya at tumingin ng deritso sa mga lalaki. “What the hell are you talking about?!” inis niyang sigaw.

“Is this true, Liz?”tanong ni Madel.

Bumaling si Lizzy sa mga tao na naroon din sa loob, naguguluhan sa nangyayari. Pero tumigil ang tingin ni Lizzy kay Jarren na tila ba kinamuhian siya. Umiling lamang si Lizzy.

“N-no..of course not! Hindi ko sila kilala, at sobrang baliw ko ba para gawin ang bagay na iyon? I am also a victim here, you saw it too!” Pinlit ni Lizzy na paniwalaan siya ng mga tao.

Ang lalaki sa gitna naman ay hindi nagustuhan ang pag-deny ni Lizzy kaya mabilis niyang inilabas ang cell phone niya mula sa kanyang kupas na pantalon. “Miss Lizzy, nandito ang call and chat records natin. Klaro pa sa tubig, hindi mo kami pwedeng iwan na ganito. Ikaw ang nag-utos sa amin!” sigaw ng lalaki.

“Totoo ang sinabi niya! Noong isang araw, hindi ba ginamit mo ang account ng pamilya mo para mag-transfer ng 200,000 sa amin. Pwede tayong pumunta sa banko para kompirmahin!” sabi naman ng isa.

Nang marinig ang lahat nang iyon, nandilim ang paningin ni Jarren, at napansin iyon ni Lianna kaya naman mabilis siyang nagsalita para pigilan si Jarren kung ano man ang gawin nito sa kanyang ate.

“Kung nagawa man ito ni ate marahil kasalanan mo, Jarren. She loves you too much. Kahit sino naman siguro ay gagawin rin ang mga bagay kahit gaano ito kasama para sa taong minamahal nila.”Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin kay Amanda na ngayon ay patuloy ang pag-iyak. “I’m sorry, Miss Amanda. Ako na ang humihingi ng kapatawaran sa ginawa ng ate ko. Sana ay hindi na ito umabot sa labas, this matter should end here, right?”

Agad namang sumang-ayon si Madel. “Please Jarren. Magkakilala na tayo since then, your family and ours are partners. I am really sorry for what my daughter did. Ako na ang kakausap sa kanya.”

“Yes, kung ano man ang gusto ni Miss Amanda, we can compensate,” dagdag ni Lianna.

Nang marinig iyon ni Jarren, mas lalo siyang nagalit. Tumingin siya nang masama kay Lizzy at dinuro siya na para bang hindi sila nagsama ng walong taon.

“Ang kapal ng mukha mo para gawin ang lahat ng ito, you fucking use your money and connection. Kung hindi ito agad nalaman at hindi natanggap ni Amanda ang hustisya, papatayin mo siya sa paraan na gusto mo!”

Bigla namang natawa si Lizzy, at tila may napagtanto sa nangyayari.

Tumingin siya sa kanyang kapatid habang nanunuya ang mga mata.

“Hindi pa tapos ang kaso, yet you decided to help me? And you have a guts to compensate her for what I did? Really? Takot ka ba na malamang hindi ako ang gumawa?”

Nanlaki ang mga mata ni Lianna sa narinig mula sa kanyang ate, at segundo lang ay may lumabas na luha mula sa kanyang mga mata.

“Ate, I really want to help you, you ...... Why do you think of me like that.?”

Nagalit naman si Madel kaya bumaling siya kay Lizzy para pagalitan.

“Hibang ka na talaga! Gumawa ka ng ganitong pagkakamali sa sariling party ng kapatid mo, at ngayon na siya na ang gumagawa ng paraan para mawala ang kasalanan mo at tulongan ka pero pinag-iisipan mo pa siya ng ganito. Ano pa bang gusto mo?!”sigaw ni Madel, hinawakan na siya ni Lianna sa braso para pigilan na saktan si Lizzy. “Gusto mo bang lumuhod pa ang kapatid mo para umamin ka sa kasalanan mo!” dagdag niya.

Ang nakakatandang kapatid na si Liam at huminga nang malalim, hindi na rin alam ang gagawin. Pagod siyang tumingin kay Lizzy. “Liz, if you did something wrong, you have to apologize in time, we are all helping you."

Tumango naman ang pangalawang panganay na si Liston, bilang pag-sang ayon sa sinabi ni Liam. “Kung gusto mo rin marinig ang opinion ko. Yes, mom is right. Only Lianna is stupid enough to clean your mess for you, she is really good to you.”

Tinignan niya isa-isa ang pamilya niya, at isa lang din ang naisip niya. Wala siyang kakampi. Iniisip nila na siya talaga ang gumawa ng gulong ito at ipamukha na siya ang kailangan ng tulong.

At kahit na sanay na siya sa ganitong pagkakataon, pakiramdam niya pa rin may malaking butas sa kanyang puso.

Binaling niya ang ulo niya, sumeryoso ang boses niya at napakalamig din kung pakinggan. “Hindi na ba mahalaga ngayon na malaman kung sino talaga ang gumawa? Dahil ba ang dami kong nagawang mali kaya nasanay kayo na ako na talaga ang palaging gumagawa ng kasalanan?”

Hindi sumagot si Liam, at ang kanyang malumanay na mata ay tumingin kay Amanda na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot. Ngunit natigil ang tingin niya kay Amanda nang magsalita si Jarren.

“Halata naman na ayaw mo akong pakawalan. But Amanda is innocent, siya ang biktima dito, you should apologize, and this matter is over if that’s what you want.” Tumingin siya sa pamilya ni Lizzy at bumaling muli kay Lizzy. “My relationship with you is still the same, and hahayaan ko na lang yong mga masasamang sinabi mo sakin.”

Nagulat ang mga taong naroon dahil sa sinabi ni Jarren, hindi nila inasahan na handa pa rin itong magpakasal kay Lizzy.

Kahit si Amanda ay nagulat sa sinabi ng kanyang nobyo, gusto niyang magsalita pero hindi niya rin alam ang gagawin niya ngunit ramdam niya sa boses ni Jarren na napipilitan itong sabihin ang mga salitang iyon.

Ngumiti naman si Lizzy nang malapad at nagsalita na may malamig na tono pa rin. “How generous of you, my Jarren. But I won’t admit it if it’s not something I did, as for the engagement ....” Tumingin siya sa paligid “Please take everyone present as a reference or our witness. Ladies and gentlemen, the marriage between Lizzy Del Fierro and Jarren Sanches is officially canceled.”

Nagulat ang mga tao, mas lalong nagalit si Madel at gusto niyang sampalin ngayon ang anak.

Ngumiti lalo si Lizzy sa kanila at tumingin muli kay Jarren na nakaawang ang bibig dahil hindi makapaniwala sa sinabi ni Lizzy. “From now on, he will take his own road with his cheap woman. And me, I will cross my single-plank bridge, and our well water wil the river water.”

Dahan-dahang pinangiti ni Lizzy ang mapulang labi niya, at ang bawat salitang binatawan niya ay nagpagaan sa kanyang dibdib, dahilan din para mas lalong magalit si Jarren.

“Wow, she is indeed good.” sabi ni Roj na nakatingin pa rin sa loob habang nasa labas siya ng pintuan. “You nephew deserves those words, boss.”

Hindi siya sinagot ni Lysander, bagkus nakatingin lamang ang seryosong mga mata niya kay Lizzy na buong tapang hinarap ang mga tao at ang akusasyon sa kanya.

Pero saglit lang nang magsalita si Amanda, hinawakan niya ang kamay ni Jarren. “Jarren, hindi ko ginalit si Miss Lizzy. I will do everything as long as she is willing to forgive. Aalis ako rito para maging maayos kayong dalawa.”

Lumambot ang mukha ni Jarren dahil kay Amanda pero bumalik din agad sa galit nang tignan niya muli si Lizzy. “Do you want to see if your family can stand my anger? Alam mong mahirap akong kalaban, Lizzy.”

Agad namang hinawakan ni Liam ang braso ni Lizzy at bumulong. “Apologize now. This is your last chance, Liz.”

Sa isip ni Lizzy, pinilit na siya ni Jarren at ngayon pinilit pa siya ng pamilya niya. Paulit-ulit na lang nangyayari, wala na siyang lugar para magdesisyon para sa sarili niya. Mula sa kanyang pamilya at sa pag-ibig, ni minsan ay hindi niya naramdaman na hawak niya ang sarili niyang buhay.

After a second, umiwas siya kay Liam at kinuha ang phone niya. Tumawa siya na pinagtataka nila.

“Well, since Amanda is innocent and like you said, siya ang biktima. We should call the police and let them give you justice. Hmmm.” Tumingin siya sa phone niya at may binuksan. “I accidentally recorded something interesting on my phone actually. This can help, the police can distinguisg the real from the fake, at para hindi pagbintangan ang inosenteng tao.”

‘No way!’sigaw ni Amanda sa kanyang isipan.

‘"If this matter gets out, what will others think of me, my life will be over.’ sa isipan niya.

Kung totoong may video nga si Lizzy, sigurado ay katapusan niya na.

Nagsalita naman si Lianna, hindi sang-ayon kay Lizzy. “Ate, this is not a playground. Isipin mo naman ang pangalan ng pamilya natin, this is not good to spread.”Lumapit siya kay Lizzy at hinawakan ang dalawang kamay, nagmamakaawa. “Please ate…apologize to her and let this pass, at huwag mong hayaan na masira ang bond ng dalawang pamilya, ang pamilya natin at ng Sanchez. Think about us, please…”

Lizzy blinked and mocked mercilessly. Mas lalong nanunuya si Lizzy, tila hindi siya naawa sa pa-awa ng kanyang kapatid. “Hindi ako yong matakot dito, it’s the one behind it. Right, little sis?”

“Lizzy, you should listen to us. This is for you—”

“Oh, really kuya Liam? For me? I don’t think so…”

Huminga na lang nang malalim si Liam at tumingin sa apat na lalaki na nakaluhod pa rin. “Bring them to the police,” sabi niya.

Agad namang sumunod ang mga bodyguards na nakasuot ng black at white na damit.

Tinignan lang ni Lizzy ang apat na lalaki na nakatingin sa kanya, alam niya ang mga tingin na iyon. And yes, they framed her.

It's clear who it is. Kaya hindi nag-aalala si Lizzy. Dahil kahit na wala siyang record sa phone niya, nahulaan niya. Nang marinig niya ang alarm, nakita niyang nag-panick ang apat na lalaki.

“Please, let us bring you to the hospital.” Lumapit si Liston kay Amanda at Jarren, inoffer nila na tulongan si Amanda.

“Hold on….”Nagsalita si Lizzy at pinatigil sila. Tumingin siya kay Amanda. “Amada, they are right, you should go to the hospital. I will visit you in another day. I will apologize to you…with my sincere heart.”

Along with Lizzy's voice, there was also the sound of her dialing 110.

Related chapters

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   6

    "Sir, may insidente kami rito ng droga at tangkang panggagahasa. Pakiimbestigahan po agad."Pagkababa ng tawag, malinaw na nakita niyang kinakabahan si Lianna, pilit na hinihila ang laylayan ng kanyang palda. Kung gusto nitong sirain ang lahat, wala siyang balak umatras—mas sisirain niya ito nang husto.Natapos ang welcome party ng pamilya Del Fierro sa isang malaking kahihiyan.Dumating ang pulis at nahanap si Lizzy."Alam na po namin ang lahat ng sitwasyon, pero dahil may ilang suspek na nagsasabing may kinalaman ka sa insidenteng ito, hinihiling namin na sumama ka sa amin para sa imbestigasyon."Ayaw ng pamilya Del Fierro na mas lalong masira ang kanilang pangalan, kaya tumahimik silang umalis.Tila gustong may sabihin si Jarren kay Lizzy, ngunit nang muling sumandal si Amanda sa kanyang balikat, walang alinlangan itong binuhat ni Jarren gaya ng isang prinsesa. Iniwan niya si Lizzy at lumakad palayo nang hindi man lang lumingon.Sa malamig na hangin ng gabi, ang likod ni Lizzy ay t

    Last Updated : 2024-12-01
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   7

    "Mr. Sanchez." Tumingala si Lizzy at tumingin sa kanya, at ang tono niya’y matatag, "Ang gusto ko lang, gusto ko nang makipaghiwalay kay Jarren. Mula ngayon, kanya-kanya na kami ng landas."Nabakas sa madilim na mga mata ni Lysander ang bahagyang sorpresa."Sigurado ka na ba?"Hinigpitan ni Lizzy ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay na nakapatong sa tuhod."Pinag-isipan ko na ito. Sana maintindihan mo ang mga nagawa ko ngayong araw. Kahit sino naman, kung niloko, hindi matutuwa. Hindi ko sinasadya na mapahiya ang pamilya Sanchez."Hindi sumagot si Lysander, ngunit mahinahong sinabi, "Pag-isipan mo pa nang mabuti. Huwag kang magdesisyon ng pabigla-bigla at baka pagsisihan mo ito sa huli."Hindi naintindihan ni Lizzy ang malalim na kahulugan ng mga sinabi nito. Akala niya’y binabalaan lang siya, kaya lalo pang namutla ang mukha niya."Mr. Sanchez, ako...""Pinagpiyansa kita ngayon, pero may kondisyon ako," dagdag ng lalaki habang nagpapalit ng posisyon. Nagbigay ito ng malamig na aura,

    Last Updated : 2024-12-01
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   8

    Bahagyang kumurap ang mga mata ni Jarren, at mahina siyang umubo."Totoo namang nag-effort si Amanda. Lizzy, tulungan mo siya sa pagkakataong ito. Isipin mo na lang na tinutulungan mo ang isang baguhan."Si Amanda naman ay naiyak na may kasamang ngiti at nagpakasweet kay Lizzy. "Pasensya na, Miss Del Fierro."Ngunit sa kanyang mga mata, may bakas ng hamon.Nang walang kontrol, sumiklab ang galit sa dibdib ni Lizzy. Naluha ang kanyang mga mata sa sama ng loob."Efforts ni Amanda? Talaga? Kung gano’n, ano ang halaga ng pagpupuyat ko? Kung gusto niyang magplano buong gabi, sana ay tinawagan niya ako para samahan akong gumawa ng proyekto ko, hindi ba?”Bumagsak ang mga balikat ni Jarren, tila naramdaman niyang hindi niya makukumbinsi si Lizzy na iligtas si Amanda. Kapag narinig ito ng Tito niyang si Lysander na naging palpak siya, panigurado ay papabilikin siya sa mismong company ng Sanchez at mananatiling walang kwentang tagapag-mana. “Don’t be so stubborn, Liz. Help her, this is your p

    Last Updated : 2024-12-02
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   9

    Tiningnan ni Lysander si Lizzy gamit ang malamlam na mga mata at walang paliguy-ligoy na nagsabi, "Miss Del Fierro, ano sa tingin mo? Ilang beses nang inirekomenda ng headquarters ang iyong promosyon. Plano mo bang mag-resign na lang at magpakasal ng payapa, o gusto mong lumaban? Nasa iyo ang desisyon."Nagulat si Lizzy. Hindi niya inasahan na sinusubaybayan din pala ni Lysander ang mga nangyayari. Tumayo siya habang nakatitig ang lahat at tumingin kay Jarren, na kalmado at parang walang pakialam."Oo, nagkaroon kami ng relasyon ni Jarren noon, pero matagal na iyong tapos. Kung tungkol sa posisyon ng deputy manager, hindi karapat-dapat si Amanda. Bakit hindi ako lalaban?"Pagkasabi nito, biglang pumangit ang mukha ni Jarren. Si Amanda naman, na nasa labas ng pintuan, ay biglang nagsimulang umubo nang malakas. Parang isang bulaklak na wala nang lakas, tila mahuhulog na kahit mahina lang ang pagtulak.Lumapit agad si Jarren para alalayan si Amanda sa harap ng lahat. Hindi pa siya nakunt

    Last Updated : 2024-12-02
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   10

    Mapait na ngumiti si Lizzy at sinabing, "Sige, binili ng mga magulang natin ang isang bahay malapit sa dagat sa north city para sa iyo, doon na ako titira. Salamat sa’yo, mala-anghel kong kapatid sa regalong bahay mo.”Nanlabo ang mga mata ni Lianna, tila iiyak na naman siya anumang sandali. Si Madel naman ay napalingon at sinita si Lizzy nang iritado. "Lagi mong iniisip na inaagawan ka ng kapatid mo. Regalo ko iyon sa kaarawan niya! Matagal ka nang nagtatrabaho sa Fanlor, kulang ka pa ba sa perang pambili ng bahay?"Sanay na si Lizzy sa ganitong hindi pantay na trato, ngunit tila tinusok pa rin ang puso niya sa mga narinig. Tumayo siya nang walang emosyon sa mukha. "Sige, aalis na ako. Iyon naman kasi ang nais ninyo, hindi ba?”Lumapit si Madel at hinawakan ang kamay niya. "May oras pa para lumipat, 'wag mo nang madaliin ngayon. Kung hindi lang dahil may dugo kitang anak, hindi ko talaga papatulan ang isang makasariling tulad mo. Sumama ka sa akin sa bahay ng mga Sanchez."Napatigil

    Last Updated : 2024-12-02
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   11

    Isang nakakasilaw na liwanag ang tumagos, agad na inilantad ang mga mukha ng kalalakihang lumapit kay Lizzyl na nagtatago sa dilim. Wala na silang lugar para takpan ang mga mukha nila.Mahigpit na niyakap ni Lizzy ang kanyang dibdib at sumiksik sa isang sulok. Nangangatog siyang nakatingin sa pigurang papalapit nang papalapit, puno ng takot sa kanyang mga mata.Ang lalaki ay nakatayo sa liwanag. Ang tangkad niya ay kitang-kita, at ang kanyang presensya ay hindi maitatanggi—makikita na may laban ito.Isang galaw lang ng kanyang kamay, at mabilis na tumakbo ang ilang bodyguard papunta sa mga lalaking nasa dilim. Walang pag-aatubili nilang binugbog ang mga ito at itinulak sa sulok.Lumapit ang lalaki kay Lizzy, tumingin pababa sa kanya, at iniabot ang kanyang kamay.Parang nakahanap ng lugar na mapagbubuntunan ng emosyon, hindi na napigilan ni Lizzy ang kanyang mga luha. Sunod-sunod na bumagsak ang mga ito mula sa kanyang mga mata."Lysander!"Napahagulgol siya nang sobra, hindi napansin

    Last Updated : 2024-12-03
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   12

    Napagod na si Lizzy na makipagtalo pa sa kanya. Itinuro niya ang pintuan. "Umalis ka na muna dito, wala akong panahon sa’yo."Parang wala nang magawa si Jarren, at ginawang banayad ang kanyang tono."Lizzy, mag-usap naman tayo nang maayos. Nagpa-reserve ako sa paborito mong restaurant mamayang gabi. Pwede ba?"Tinitigan siya ni Lizzy nang seryoso, at sa di malamang dahilan, bigla siyang nagtanong,"Sige, hindi na ako magpapataasan ng boses. Sabihin mo na lang, ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan? Ipaliwanag mo sa akin ang tungkol sa nangyari sa inyo ni Amanda."Napansin ni Jarren ang pagkakasunod ng tanong at dali-daling sumagot. "Natural lang naman na paghiwalayin ang trabaho at personal na buhay. Kung sakaling magpakasal tayo balang araw, hindi na bagay na nagtatrabaho ka pa. Mas mabuti kung mag-resign ka na lang at maging maayos na Mrs. Sanchez sa bahay."Pagkasabi nito, tiningnan niya si Lizzy nang may halong pagmamahal at determinasyon.Nanlaki ang mata ni Lizzy sa narinig. N

    Last Updated : 2024-12-03
  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   13

    Sa huli, naging walang pakundangan si Jarren. Patuloy siyang nanisi, sinasabing nagbago ang ugali ni Lizzy dahil sa mga pinagdaanan nito. Hindi na niya raw kaya, kaya nawalan siya ng pasensya. Piliting inilipat ni Jarren ang lahat ng responsibilidad kay Lizzy, tila siya pa ang biktima sa nangyari.Tahimik na nakinig si Lizzy, pero ramdam niyang parang tinahi muli ang sugat sa kanyang puso, bumuka, at muling nadurog.Itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal nang malakas si Jarren. May luha sa kanyang mga mata, hindi dahil sa sama ng loob, kundi dahil sa labis na pagkadismaya."Hindi kita kailanman kinasuklaman gaya ng pagkasuklam ko sa'yo ngayon. Para mo na ring sinabing ang walong taon natin ay isang malaking biro."Dahil sa sobrang tiwala niya noon kay Jarren, naibahagi niya rito ang kanyang mga sikreto at ang mapait niyang nakaraan. Hindi niya inaasahan na ang mga ito ang gagamitin ng lalaki para saktan siya ngayon.Habang natigilan si Jarren, agad na lumayo si Lizzy at inayos ang

    Last Updated : 2024-12-03

Latest chapter

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   64

    Nang marinig ito ni Lizzy, tiningnan lang niya ito nang malamig. Pagkatapos, tumalikod siya at umalis, walang pakialam sa iniisip ng iba.Kung tutuusin, kung hindi dahil sa relo na ginawa ni Sir Joey nang may buong pag-aalaga, gusto na sana niyang itapon ito nang diretso sa basurahan.Sumunod si Jarren sa likuran niya at agad na naabutan siya. "Sobra ka naman talaga ngayon. Kapag ikinasal tayo balang araw, huwag kang maging sobrang dominante. Pamilya mo 'yan, dapat iniisip mo rin kahit paano ang reputasyaon nila.” May halong inis ang tono ng boses nito.Hindi man lang siya tiningnan ni Lizzy. "Jarren, malinaw naman dapat sa'yo ang kooperasyon mo kay Sir Joey. Yung iba, duda kung kilala ko talaga si Sir Joey at kung kaya kong bilhin ang relo niya. Pero ikaw, alam mo kung sino talaga ang nakakakuha ng relo, hindi ba?"Napipi si Jarren at hindi nakapagsalita. Gustuhin man niyang magsabi ng kung ano, napabuntong-hininga na lang siya at mainit na hinila ang kanyang damit."Ang ibig kong sa

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   63

    Tahimik na tumingin si Lizzy sa paligid, malamig ang ekspresyon niya, at walang bakas ng pagbabago sa kanyang mukha.Napakunot ang noo ni Jarren nang magtama ang kanilang mga mata. Tulad ng iniisip ng iba, sigurado siyang wala talagang naihandang regalo si Lizzy, o kung meron man, hindi ito maipagmamalaki.Sa sandaling iyon, bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi. Nakakahiya, kung alam lang niya, mas mabuti pang hindi na lang siya pumunta.Ngunit bahagyang ngumiti si Lizzy, puno ng panunuya. “Ayos lang,” sabi niya sa isip, “hindi ko naman inaasahan ang isang walang silbing lalaki na ito.”Tumindig siya, hinawakan ang laylayan ng kanyang palda, at naglakad palapit. Bagamat simpleng istilo lang ang suot niya, nagmistula itong pang-mamahaling damit sa ganda ng kanyang tindig.Ang kanyang mga mata ay kumikislap, at kahit si Lianna, na naka-light makeup, ay tila napag-iwanan sa ganda niya.Naiinis si Lianna dahil alam niyang kahit anong gawin niya, hindi niya magagaya ang aura ni Lizzy bilan

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   62

    Napasimangot si Lizzy at marahas na inalis ang kamay ni Jarren. "Mag-show ka na lang. Kung masyado kang sweet sa akin, hindi mo ba natatakot na baka magwala si Amanda, umiyak, at magbantang magpakamatay?"Sumimangot ang mukha ni Jarren, ngunit nanatili itong tahimik. Naglakad ang dalawa sa gitna ng mga tao, magkasunod.Bagama’t hindi sila mukhang magkasintahan, kilala si Jarren bilang isang tao na hindi basta sumusunod kanino man. Ang makita siya sa likod ni Lizzy ay sapat para mag-isip ang mga tao. Mukhang hindi totoo ang mga tsismis na naghiwalay na sila.Dahil dito, napatingin ang mga tao sa pamilya Del Fierro nang may kaunting respeto at paghanga.Sa wakas, dumating na ang star ng selebrasyon. Si Liam, sa kanyang pormal na bihis, ay nagmukhang gwapo, elegante, at parang isang disenteng binatang may mataas na posisyon.Hawak ang kamay ni Lianna, bumaba sila mula sa hagdan. Si Lianna naman ay nakasuot ng mahabang damit na kulay asul na parang langit, elegante at marangal, ang kanyan

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   61

    Ang lalaking nasa litrato, na nasa kanyang dalawampu’t taong gulang, ay may maliwanag na ngiti, ngunit nananatiling nakapirmi sa sandaling iyon.Limang taon na ang nakalipas nang pumunta siya sa France upang gawin ang ilang bagay at tapusin ang mga ipinagkatiwala sa kanya ng matanda. Ngunit habang ginagawa niya ito, tinugis siya ng mga hindi kilala, at sa pagtakbo niya, muntik na siyang mamatay.Ang taong nasa litrato ay nagbuwis ng kanyang buhay upang bigyan siya ng pagkakataong makatakas. Nang matagpuan ang kanyang katawan, hindi na ito halos makilala dahil sa sobrang tindi ng sinapit.Simula noon, naging sugat ito sa puso ni Lysander. Taon-taon, bumabalik siya sa lugar na ito upang magbigay-pugay sa yumaong kaibigan.Bumukas ang pintuan mula sa labas. Isang babae ang pumasok na nakasuot ng mahabang itim na bestida. Maganda ang kanyang mukha, at ang kanyang mga mata, na kasing lambot ng tubig, ay namumugto mula sa pag-iyak. May nakasabit na maliit na puting bulaklak sa kanyang maha

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   60

    Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig.“Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili.Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.”Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim.“Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo.Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti.“Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loob na makihalu

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   59

    Pagod at hilo na ang utak ni Lizzy, at ang kanyang katawan ay parang napakabigat, wala siyang lakas na maiangat kahit kaunti. Bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niyang papalapit si Lysander kasama ang ilang tao.Ang babaeng nasa kanyang mga bisig ay magaan, ang buong katawan ay mainit, at ang paghinga nito’y mababaw. Parang isang taong nasa bingit ng kamatayan na mahigpit na kumakapit sa huling pag-asa.Hawak-hawak nito ang damit sa dibdib ni Lysander, ayaw bumitaw, habang parang may binubulong.Pinahid ni Roj ang pawis sa kanyang noo. "Mr. Sanchez, magpapadala na ako ng sasakyan papunta sa ospital kaagad."Umiling si Lysander. "Magiging magulo kapag pumunta sa ospital, baka makita pa tayo. Sa Sanchez house na lang tayo pumunta.""Yes, sir."Naramdaman ni Lizzy na parang nasa isang kakaibang panaginip siya.Sa panaginip, yakap siya ni Lysander. Ang mas nakakagulat pa, sa panaginip na iyon, hindi siya nandidiri o naasiwa sa ganitong kalapit sa kanya.Napakalinaw ng pakiramdam

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   58

    Nakasilay sa liwanag si Lysander, taglay ang malamig na postura. Ang madilim niyang mga mata ay walang bahid na emosyon. Nakatingin ito kay Lucas bago bumaling kay Lizzy.Nakangiti si Lucas, na para bang sobrang saya ng mood niya. “Lysander, anong problema? Pumunta ka ba kay Dad para sa yacht? Huwag kang mag-alala, nahanap ko na ang may sala, at dadalhin ko siya kay Dad.”Biglang ngumiti si Lysander, ngunit ang ngiti niya ay puno ng lamig at pangungutya. “Hindi na kailangan. Mas mabuting mag-isip ka na lang kung paano mo ipapaliwanag ito kay Dad mamayang gabi. Para lang takpan ang kalokohan ni Jarren, pinilit mong paaminin ang isang mahina at inosenteng babae para sa kanya. At sa pangalan pa ng pamilya natin, nagbigay ka ng pressure sa Del Fierro family. Napakagaling.”Namutla bigla ang mukha ni Lucas at napatingin siya kay Lysander na parang hindi makapaniwala. Ganoon din ang ekspresyon ni Lizzy, na gulat na gulat. Narinig pala ni Lysander ang lahat ng nangyari.Bagamat hindi ito ang

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   57

    “How about you’re going with me to the headquarters?” Itinataas ni Lysander ang kanyang mga mata upang tumingin kay Lizzy, may emosyon sa kanyang madilim na mga mata na hindi mawari ni Lizzy. "Kung magpapatuloy kang manatili sa Fanlor, karamihan ng oras mo ay mauubos sa pakikitungo kina Jarren at Amanda. Bakit hindi ka sumama sa akin sa headquarters? Maaari kitang bigyan ng mas mataas na posisyon. Marami kang matutunan kung susunod ka sa akin."Napalunok si Lizzy at bahagyang nag-isip, ngunit sa huli ay umiling siya at tumanggi. "Hindi, Mr. Sanchez, hindi ko kayang sumama sa inyo sa headquarters."Simple lang ang dahilan niya. Ang pagtrabaho niya sa Sanchez family ay pansamantala lamang. Bukod dito, pinaghirapan na niya ang kanyang posisyon sa Fanlor. Hindi madali para sa kanya na bitawan ang lahat ng pinaghirapan para lamang lumipat sa headquarters.Plano niyang magkaroon ng sarili niyang kumpanya, kaya bakit kailangan pa niyang manatili sa posisyon sa headquarters? At higit sa lahat

  • Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle   56

    Pinilit ni Amanda ang pagiging kalmado at sinubukang itago ang takot na sumilay sa kanyang mga mata. Nang itinaas niya ang kanyang ulo, parang iiyak na naman siya.Masado lang akong nagmadali, kaya ko nasabi 'yon. Kung naniniwala ka sa kanya at ayaw mo akong paniwalaan, wala na akong masasabi pa. Aalis na lang ako.”Pagkasabi nito, padabog siyang umalis. Pagdating niya sa pintuan, ni hindi man lang kumilos si Jarren para habulin siya. Bigla siyang napasigaw sa sakit at hinawakan ang kanyang tiyan habang nanginginig ang kanyang katawan kaya mabilis na hinabol siya ni Jarren at inalalayan. Napaiyak si Amanda at biglang yumakap kay Jarren.“Jarren, hindi ko talaga inakala na mag-iisip ka ng ganito tungkol sa akin. Kung hindi lang ako masyadong natakot, hindi sana hahantong sa ganito. Wala na akong ibang malalapitan, at ikaw lang ang natatangi kong maaasahan. Pero si Lizzy, iba siya. Hindi lang maganda ang pamilya niya, may posisyon pa siya bilang magiging Mrs. Sanchez sa tabi mo. Samanta

DMCA.com Protection Status