NAUNA NG UMALIS ng presinto sina Evie at Silver. Nakasakay na siya ngayon kay Silver at hindi niya alam kung saan ba siya dadalahin nito dahil natutulala na lamang siya dahil sa nangyari.
"Ayos ka lang ba talaga mommy? Walang masakit sayo?" pagsulyap pa ni Silver rito habang nagmamaneho.
"Ayos lang ako. Na -- nawiwindang lang siguro. Ngayon lang din kasi ako naaksidente eh."
"Thank God nothing happens to you seriously. Pero sobra akong kinabahan kanina nung nakita kong bigla kang nabangga. Sabi naman kasi sayo, sa akin ka na sumakay kanina."
"As if namang gusto kong mabangga di ba? Kinabahan rin naman ako." sarcastic pa nitong tugon at napahilot muli ng ulo.
Hindi na lamang sila muling umimik hanggang sa napansin ni Evie na nasa ospital na sila.
"Bakit tayo nandito? Okay lang naman ako eh."
"Gusto ko lang makampanteng ayos ka lang talaga."
Hindi naman na umangal pa si Evie dahil pakiramdam niya ay wala na siyang lakas para makipagtalo pa kay Silver. Inalalayan siya nito hanggang sa observation area at ito na rin ang sumagot sa mga interview patungkol sa information ni Evie.
Nang mapagalaman ng nurse ay tumawag kaagad ang doctor para mas masuri si Evie. Pinahiga naman siya sa kama sa may observation area at nakaupo naman sa tabihan niya si Silver.
"Relax ka na lang dyan mommy. Gusto ko lang makasiguro tayong okay ka lang."
"Hilo lang toh, baka na-shock lang ako."
"Kahit na noh. Mabuti ng sigurado."
Nang dumating ang doktor ay sinuri kaagad si Evie at napagalamang wala naman itong physical injuries aside sa mga pasa sa braso pero hindi naman ganoon kalalaki. Tanging concussion lamang dahil sa lakas ng pagkakakalog ng katawan niya at umpog ng ulo.
Niresetahan na lamang din si Evie ng gamot para makatulong maibsan ito.
Habang nakaupo na lamang sa kama dahil nakainom na siya ng gamot, iniintay na lang niya si Silver na bumalik dahil nag-settle na ito ng bill niya. Hindi niya akalain na aasikasuhin rin pala siya nito kahit napaka-cold ng trato niya. Akala nga niya kanina ay hindi na siya sinundan nito at baka nabwisit na sa kanya.
"Kamusta pakiramdam mo mommy?" bungad ni Silver ng makalapit kay Evie mula sa likuran nito.
Napalingon naman si Evie hanggang sa mahinto si Silver sa harapan niya.
"Mas okay na ko. Wala ng hilo." hinaplos pa muna ni Silver ang pisngi niya bago kinuha ang bag niyang nasa may silya.
"Tara na, iuuwi na kita." saad lang nito at sinukbit ang shoulder bag ni Evie sa kanya. Inaalalayan pa niya itong makatayo.
"Ahm, misis? Ito pa daw po yung reseta ni doc, kung sakaling hindi pa rin daw mawala hilo niyo." pagabot naman ng nurse na lumapit sa kanila.
"Thank you." sagot naman ni Evie ngunit si Silver ang kumuha ng reseta.
Hanggang sa makarating sa kotse ay panay sulyap ni Evie kay Silver, napapasulyap din tuloy sa kanya si Silver habang nagmamaneho.
"Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?" pagbasag na ni Silver ng katahimikan nila.
"Hindi naman. I -- ikaw ba?"
"Nalipasan na ko eh. Wala pa kasi akong lunch."
Mas lalong na-guilty si Evie dahil tinanggihan niya ang pagaaya nitong kumain kanina. Nakaramdam siya ng kaunting awa kay Silver dahil nalipasan na pala ito ng gutom. Kung hindi siguro siya nagmatigas kanina eh di sana hindi siya kinarma ngayon na mabangga pa siya.
Nanahimik muli sila sa byahe hanggang sa makarating ng compound ng apartment ni Evie.
"Ipasok mo na sa loob." saad nito na kaagad ring sinunod ni Silver. Nasita pa sila ng guard dahil hindi kilala ang kotse pero nang makita si Evie ay pinapasok na rin sila.
Nang makapagparada na sila, kaagad lumabas ng kotse si Silver para mapagbuksan at maalalayan si Evie.
"Kaya ko naman."
"Alam ko, gusto ko lang alalayan ka pa rin." pagngisi pa nito. Siya pa rin ang nagbitbit ng bag ni Evie at nakapahawak sa likod ng beywang nito habang naglalakad sila papanik sa unit ng dalaga.
Nang makapasok sila sa unit ay inupo na muna siya ni Silver sa sofa at inilapag nito ang bag niya.
"Magpahinga ka na ah?" sabay halik sa noo ni Evie at nagtungo na ng pintuan. "Pakabait ka kay mommy mo, Steve." paghimas niya pa sa ulo ng nakasunod na aso at palabas na sana siya sa pintuan.
"Wait? --" napalingon naman si Silver sa kanya saka siya tumayo. "I'll cook, dito ka na mag-dinner." dagdag pa niya bago nagtungo ng kusina.
"Magpahinga ka muna." saad pa ni Silver rito at mabilis na sinara ang pintuan ni Evie. Sinundan naman din niya ito sa kusina.
"Kaya ko na. Tumalab na siguro yung gamot." pagbukas pa ni Evie ng ref niya at tila may tinitingnan.
"Magkikilos ka naman kaagad? Baka mahilo ka bigla?"
"Kaya ko naman na." inilabas nga ni Evie mula sa freezer ang naka-food container na karne ng baboy. Nilagay sa lababo at binabad sa tubig.
Si Silver naman ang nagtungo ng ref at tila may hinahanap. Kumuha siya ng pitsel ng tubig para makainom, napaharap naman si Evie sa kanya na parang nahihiya. Nagkatinginan sila saglit ngunit walang gustong umimik.
"Th -- thank you. A -- akala ko talaga, hindi ka nakasunod." halata rito ang sobrang pagkahiya at pagka-guilty dahil tinarayan niya pa ito kanina.
"Hindi nga! -- doon lang din ang daan ko patungong highway." prenteng sagot pa ni Silver na tila kinapantig ng tainga ni Evie kaya sumimangot ito sa kanya. "Joke! Syempre kasunod mo ko noh."
"Sus? If I know? Kung hindi ako naaksidente, wala kang pakialam!" pag-irap pa nito at nagpaikot ng mga braso sa harapan niya.
"Hindi noh! Nakabuntot nga ako sayo nun kasi -- kasi pipilitin pa kitang makipag-date sa akin." pagngisi nito at inom muli ng tubig mula sa baso niya.
Napairap na naman muli si Evie rito na parang hindi naniniwala. Akala niya mawawala na ang konsensya niya pero hindi niya pa rin maiwasang ma-guilty at maawa rito.
"Bihis lang ako." at dumiretsong pasok na nga ito ng kwarto niya.
Binigyang pansin naman na ni Silver si Steve na kanina pa nakatungo sa kanila.
"Okay ka na ba Stevey? Na-miss ka ni daddy." tila sabik na sabik pa rin ang aso na makita siya habang hinihimas niya ang ulo nito. Napapangiting tagumpay naman siya dahil pinag-stay siya ni Evie sa bahay nito. Kaya tila pagkakataon pa rin niyang makasama ito ng matagal.
Habang hindi pa lumalabas si Evie ng kwarto niya ay pinakialaman na ni Silver ang kusina nito. Naglabas na siya ng ilang gulay sa ref at iba pang rekados sa pagluluto.
Tinanggal na niya ang kurbata at hinubad ang polo niya, hinubad niya rin ang pantalon na tanging itim na sando at boxers niya na lang ang natira. Naging feel at home naman na kaagad ito.
"Oh? Bakit ka naghihiwa? Ako ng magluluto." pagsita pa ni Evie rito nang makalapit sa kusina niya.
Napasulyap pa si Silver sa kanya at minasdan siya mula ulo hanggang paa, naka-spaghetti strap sando at dolphin shorts naman ito. Ramdam niyang nabubuhay ang dugo niya at ang pagkalalaki niya ngunit matindi niya itong pinipigilan. Nagtaka naman si Evie sa ginawa niya.
"Problema mo?" tila pagtataray pa ni Evie rito.
"Parang gusto ko ng appetiser." pabulong nitong saad pero narinig ni Evie yun. Tila nagpipigil pa siyang mangiti.
Pinagkunutan naman ni Evie ito ng kilay at labis na nagtaka.
"Gagawa ako ng salad kung gusto mo? O di kaya prutas?" tugon pa ni Evie rito.
"Hindi na, mamaya na lang. Dessert." napapangiti naman ito ng nakakaloko kaya inirapan na lamang siya ni Evie.
"Ano bang balak mong lutuin? Sabi ko, ako na lang eh." pagusisa naman ni Evie.
"Adobo."
"Spicy!"
"Copy, Ma’am!"
Nagsaing naman na muna si Evie habang patuloy si Silver sa paghihiwa ng ingredients. Hinanda rin ni Evie ang mga kasangkapang gagamitin ni Silver sa pagluluto. Ayaw na sana niya pakilusin ito dahil nalipasan na ng gutom at paniguradong pagod sa trabaho, pero matigas ang ulo kaya hindi na siya nakipagtalo.
Gusto niya sanang ipagluto na lamang ito bilang pasasalamat sa pagasikaso at tulong sa kanya nito kanina noong nabangga siya, at bilang pambawi na rin niya sa pagtanggi niya ng dinner date.
Habang nagluluto si Silver, naghahain naman si Evie. Gumawa siya ng fresh mint cucumber-lemon shake para sa kanila.
Nagsangag pa si Silver ng kanin nila kaya paniguradong mapapasarap ang kain nila.
"Let's eat, mommy!"
Nilanghap pa ni Evie ang nakakapanglaway na adobo at fried garlic rice sa mesa. "Mukhang masarap ah?"
"Pero mas masarap ako." tila pangaasar nito kaya napatingin ng masama sa kanya si Evie.
"Ewan ko sayo! Kumain na tayo!" pagtataray pa ni Evie pero tinatawanan lang siya ni Silver.
Pinaghainan ni Evie si Silver habang umiinom ito ng ginawa niyang shake.
"Sarap ah?" pagsuri pa nito sa hawak na baso.
"Syempre! Pero mas masarap ako." walang reaksyon nitong saad habang nagsasandok naman ng kanin sa plato niya. Ni hindi niya tiningnan si Silver.
Bahagyang natawa si Silver at minasdan siya.
"Oo naman. Nakakaadik nga sa sarap eh." malapad na pagngiti pa nito kay Evie kaya napasulyap ito sa kanya na tila nagtataray pa rin.
"Ewan ko sayo, kumain ka na!"
At nagsimula na nga silang kumain na dalawa. Unang subo pa lang ni Evie, masasabi niyang masarap nga ang adobo ni Silver, lalo na may kagat anghang ito pero hindi nakakaumay. Sakto ang ginawa niyang freshment para dito.
Napansin din niyang magana nga kumain si Silver, mukhang gutom talaga ito. Natuwa naman siya at napaparami ito ng kain kaya ginaganahan rin siyang kumain ng marami.
"Sa susunod kasi huwag kang nagpapalipas ng gutom. Hindi maganda yun lalo sa kondisyon mo." seryosong saad pa ni Evie habang kumakain.
"Sobrang -- in demand lang today. Hindi mabakante sa mga meetings."
"Kahit na, hindi maganda ang nagpapalipas, alam mo naman yun."
"Hilong-hilo na nga ako kanina eh, mabuti na lang -- sabi ni Matt, dumating ka. Kaya tinapos ko kaagad yung meeting namin para kako makakain na kaso --."
"Oo na! Mangongonsensya ka pa talaga eh noh?" pagpigil pa ni Evie sa sasabihin ni Silver kaya napatingin lang ito sa kanya. Nabakas na naman sa kanya ang pagka-guilty na naman. "So -- sorry na." tila pagpapakumbaba pa nito.
"Next time kasi, huwag ka ng tatanggi sa asawa mo kapag inaaya kang mag-date." pagpisil pa nito sa pisngi ni Evie. "Cute mo mommy."
Napapanguso naman si Evie at tila nahihiya rito. Mukhang kinarma nga siya kaagad sa pagtanggi at pagtataray niya rito.
Matapos kumain ay hindi na pinakilos ni Evie si Silver sa pagliligpit. Nagpahinga na lamang ito sa salas at nanood.
Panay sulyap naman si Silver kay Evie na naghuhugas at naglilinis ng kusina nito. At dahil nainip na siya, pinakain na lamang niya si Steve para may gawin.
"Naggagamot pa ba si Steve?" tanong pa nito habang nakatayo sa tabi ni Steve na kumakain.
"Tapos na. Balik vitamins na lang ulit siya." sagot pa ni Evie habang nagpupunas ng kamay.
Sabay na silang bumalik ng salas, naupo naman si Silver sa mahabang sofa, at si Evie ay sa solo chair.
"Hali ka kaya dito?" pagtawag pa ni Silver rito habang nakapaakbay sa sandalan ng sofa.
"I'm fine here." paglipat pa nito ng channel.
Iimik pa sana si Silver pero biglang umugong ang vibration ng phone niya na nasa center table. Sabay silang napatingin doon bago inabot ito ni Silver.
"Si attorney. -- hello attorney?" pagsagot pa niya. Napatuon naman si Evie ng tingin sa kanya. "Ah mabuti naman. Paano na ang settlement nila?"
Mas na-curious si Evie at minasdan lang si Silver habang kausap pa rin ang attorney nito. Sigurado siyang tungkol ito sa aksidente niya kanina.
"Okay, I'll let her know. Thanks attorney." yun lamang at natapos na rin ang pakikipagusap nito.
"Anong sabi?"
"Na-rely na daw siya kay Atty. Davion yung insidente. Pinagagawa ka ng incident report na ngayon at i-send mo daw sa kanila at kay Benjamin."
"Ah okay. -- sige gagawa na ko." tumayo kaagad ito at pumasok ng kwarto niya. Ilang sandali pa ay lumabas itong dala na ang laptop niya.
Naupo ulit ito sa sofa ngunit sa may mahabang sofa na kung saan nakaupo si Silver dahil malapit doon ang fuse para masaksakan ng charger ng laptop niya.
Kaagad na nag-type si Evie para makagawa ng incident report niya, minasdan lang naman siya ni Silver at pasimpleng tumabi sa kanya.
Dahil masyadong focus si Evie sa ginagawa, mas lalong lumapit si Silver sa kanya at kunwari ay sinisilip ang laptop niya. Nang hindi niya ito pinapansin, pasimple itong umakbay sa may sandalan niya sa sofa at mas nilapit ang mukha sa balikat ni Evie. Idinidikit niya ang dulo ng matangos na ilong sa balikat ni Evie at kaagad namang ginalaw ni Evie ang kanang balikat para iwasan ito.
"May ginagawa ako, Silv." seryosong saad lang nito na focus pa rin sa pagta-type.
Hindi naman natinag si Silver. Pumalapit pa rin ito sa balikat ni Evie, and this time pumayakap ang kanan kamay nito sa tiyan ni Evie.
"Eh di mag-focus ka dyan." paghalik pa niya sa balikat ni Evie at ipinatong ang baba niya rito.
Bahagyang naigalaw ni Evie ang katawan sa pagkabigla sa ginawa ni Silver.
"Ano ba? Nahihirapan ako mag-type."
"Parang hindi naman?"
"Wag kang magulo, please."
Pero hindi pinansin ni Silver ang pagsusungit ni Evie. Nanatiling nakapayakap ang isang kamay niya rito at nakapatong ang baba sa balikat ni Evie. Nakatingin lang din siya sa tina-type nito hanggang sa nakita niyang nagse-send na ito sa email.
Nang matapos si Evie ay sinara na niya ang mga tab at napabalik sa desktop screen. Nakita ito kaagad ni Silver at napaalis siya sa pagkakapatong ng baba sa balikat ni Evie.
"Bakit si Steve lang ang wallpaper mo?" pagduro pa nito sa laptop.
"Oh bakit? Ano naman?" bahagyang paglingon pa ni Evie rito.
Natatameme naman si Silver na hindi maipahayag ang nais sabihin. Tila napasimangot pa ito.
"Wala man lang picture ko.." pagpaparinig pa nito na kahit mahina lang ay narinig pa rin ni Evie. Halatadong nagtatampo ito na kahit alam niyang wala sa hulog, hindi niya naiwasang maramdaman.
Napapakunot noo at taas naman si Evie ng isang kilay habang nakatingin kay Silver na masama na ang timpla.
"Hindi bagay sayo. Umayos ka nga?"
Lalong humigpit ang yakap ni Silver sa beywang ni Evie at ngayon ay dalawang kamay na niya ang nakapulupot rito. Bahagya niya itong kinalog na parang batang nagta-tantrums.
Hindi naman malaman ni Evie kung maiinis siya o gustong matawa sa inaarte ni Silver.
"Para kang ewan? Bitawan mo nga ko!" paglapag naman niya sa laptop niya sa coffee table at sinubukang alisin ang mga kamay ni Silver pero nagmatigas lang ito. "Ano ba?!"
Bumuntong hininga na lamang si Silver at ipinatong muli ang baba sa balikat ni Evie, pero mas lumapit ang mukha nito sa leeg ni Evie. Ramdam na ramdam ni Evie ang mainit na paghinga ni Silver sa leeg niya na nakakapagpanginig naman ng kalamnan niya. Mainit ang hininga nito pero tila kinikilabutan siya at natutuod.
"Lu -- lumayo ka nga!" pagsubok niya ulit na ilayo si Silver pero mas lalo itong humigpit ng yakap sa kanya at halos nahahalikan na ang gilid ng leeg niya. Kanina pa siya nakikiliti dahil dun pero pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang magpakita na naapektuhan siya sa ginagawa ni Silver sa kanya.
Alam niyang delikado para sa kanya ang pagiimbita pa rito sa bahay niya ngunit nais naman niyang makabawi man lang rito dahil sa pagtulong sa kanya kanina.
"Hi -- hindi ka pa ba -- uuwi?"
"Pinapaalis mo na ko?"
"Hindi naman sa ganun. Ahm, late na rin oh." tila pagsulyap pa niya sa wallclock para makaiwasang tingin si Silver.
"Ano naman? Linggo naman bukas, pareho tayong walang pasok." katwiran pa nito.
"Oh eh ano naman?"
"Dito ako matutulog."
"Ano?!" halos bumalikwas ng tingin si Evie kay Silver sa gawing kanan niya. "Anong dito ka matutulog? Hindi pwede!"
"Pwede!"
"Silver ah? Huwag kang makulit pwede?! Napagusapan na natin toh."
"Oo nga, pero hindi naman ako pumayag. Hinahayaan lang kita pero hindi ibig sabihin nun, pumapayag ako!"
Napasinghap ng malalim si Evie at napakamot sa kilay niya.
"Silv?!" as she warned.
"May lead na kung nasaan si Tin. Pinuntahan na para kumpirmahin ng investigator ko kung totoong naroon nga siya at yung bata." seryosong saad naman ni Silver.
Tila natahimik naman silang dalawa. Nakakaramdam ng pangingig ng kalamnan si Evie at hindi niya malaman kung maiinis siya o magkakainteresante sa mga pinaalam sa kanya ni Silver. Hindi niya malaman kung magsasalita pa ba siya pero ano naman ang dapat niyang sabihin rito.
"Naiinip na ko. Parang gusto ko ng ipa-wanted list yun para makita kaagad."
"Hmm.." panay na lamang ang buntong hininga ni Evie at alam niyang alam ni Silver na siya naman ang nagbago ang mood na.
"Konting hintay na lang mommy, okay?" bakas sa tono nito ang lungkot at pagsusumamo.
Hindi naman nakaimik pa si Evie na tila nakakaramdam rin ng lungkot.
*Tok! Tok!
Halos sabay silang bahagyang nagulat at mapatingin sa may pintuan.
Napatahol na roon si Steve kaya nakumpirma nilang may tao nga sa labas.
Nagkatingin pa sila at kaagad naman kinalas ni Evie ang pagkakayakap ni Silver sa kanya. Tumayo na siya at lumapit sa pinto para tingnan kung sino ang kumakatok.
"Benj?!" magkahalong gulat at takot ang nadama ni Evie. Hindi niya talaga inaasahang makita si Benjamin ngayon sa pintuan ng bahay niya.
Tila humangos naman siya at labis na kinabahan, daig niya pa ang nahuli sa akto habang gumagawa ng krimen. At itago na lang natin ang krimen na iyon sa pangalang Silver.
"Hey? Are you okay?" labis namang pagaalala ni Benjamin at sinapo pa ang mukha ni Evie. Pormado pa ito dahil naka-polo at tie pa, mukhang katatapos lang makipag-meeting kung saan.
"Ah, I'm fine Benj." hindi naman malaman ni Evie kung papaano iha-handle ang sitwasyon.
Gustong mataranta ni Evie pero sinusubukan niyang kumalma pa rin.
"Attorney Davion informed me about what happened to you. I've been trying to reach you but you're not answering any of my texts or calls." bakas nga ang pagkataranta at pagaalala rito.
Naalala ni Evie na since naaksidente siya, hindi man lang nga niya hinawakan ang phone niyang nasa bag niya hanggang sa makauwi siya.
"I've been so worried kaya nag-cut off na ko sa meeting ko with the Markovskas."
Napapatameme at nakokonsensya naman si Evie dahil sa mga sinabi ni Benjamin. Alam niya kung gaano kaimportante ang mga kliyente nilang ka-meeting nito ngayon. At nahihiya siya dahil pinagalala niya pa ito.
"Ahm, sorry Benj. I -- I didn't check upon it. I've been occupied since the incident."
"I just wanted to make sure you're okay."
"She's fine. Mild concussion lang daw."
Halos mapalundag si Evie sa gulat ng biglang magsalita si Silver at lumapit sa kanya sa likuran niya. Napakagat siya ng ibabang labi na tila labis na nahihiya at napapahiya ngayon.
Marahang binuksan ni Silver ang pintuan.
"Come on in, Benj." at ito pa talaga ang nagpatuloy kay Benjamin.
"I'm so sorry. Come in." yun na lamang at nagmamadali pang nagtungo si Evie sa kusina para maigawa ito ng kape. She knows Benjamin seems exhausted.
Labis na nabibigla si Benjamin ng makita si Silver sa bahay ni Evie. Hindi na lamang siya nag-react kaagad pero nababakas rito ang pagkabigla at kaunting pagseselos lalo ng mapansing naka-sando at boxer shorts lang si Silver na parang dito rin ito nakatira sa apartment ni Evie.
Naupo si Benjamin sa solo sofa chair habang naupo sa long sofa si Silver, medyo magkatapatan sila na ni Benjamin na nasa kanan niya.
"Why would I be surprised? Si attorney Jason nga pala ang kumontak kay attorney Davion at nagpaalam sa akin ang nangyari kay Evie. Of course, you were there." tila pasaring ni Silver.
"She was about to leave the office and I was following her. Hindi ko rin akalaing mabubunggo siya. Mabuti na lang talaga -- hindi pa siya nakakalayo."
Alam naman din ni Benjamin ang tungkol sa pagpunta ni Evie sa opisina ni Silver. Kaya alam niya ring doon ito banda naaksidente. He was just a little surprised na narito ito mismo sa bahay ni Evie even he knows they're not in good terms.
"Thank goodness you were there."
Saglit may awkwardness sa pagitan ng dalawa pero alam nilang hindi naman sila nagpaplastikan. After all, it's both clear to them na it was a friendly little competition. Evie's sake is more important though.
"Ahm, kape ka muna Benj. Kumain ka na ba?" paglapag pa ni Evie ng tasa ng kape sa coffee table katapat ni Benjamin.
"I'm good, Evs. Thanks." pagngiti pa nito.
Naupo naman si Evie sa ottoman at tila kinakasimangot ni Silver dahil gusto niya sanang maupo ito sa tabi niya.
"Sorry if I got you worried. And -- sorry about the car." tila nahihiya naman ito dahil sa kompanya ang kotseng ginagamit niya. Wala pa siyang five years kaya hindi pa ito tuluyang mapupunta sa kanya. Mabuti na lamang at may insurance naman iyon na siya ang nagbabayad.
"Don't mind the car. Mabuti na lang walang nangyari sayong masama. Kinabahan talaga ako nung sinabi ni attorney na nabangga ka raw." sincere namang saad ni Benjamin habang nakatitig sa mga mata ni Evie.
Tila nailang naman si Evie rito lalo't nakatingin sa kanila si Silver na hindi niya mabasa ang emosyon.
"Ahm, I'm fine. Thank you."
Habang sumisimsim ng kape si Benjamin, napalingon naman si Evie kay Silver na nakatitig lang din sa kanya. Bahagya niya itong napandilatan ng mata dahil naalala niya ang pustura ni Silver na tila feel at home sa bahay niya. Paniguradong iba ang iisipin ni Benjamin sa nakita. Pero hindi niya mawari kung dapat ba siyang magpaliwanag rito.
NANG MAKAPAGKWENTUHAN sila patungkol sa insidente at kung papaano na ang settlement, nagpasya na rin si Benjamin na magpaalam. Ngunit tila ayaw niyang umalis dahil naroon pa rin si Silver, kaya nakaisip siya ng paraan upang maisama ito sa pagalis nila sa bahay ni Evie."Com'on! Just a few drinks! I know you've been so tired, and so am I!" pilit nitong pagaaya kay Silver.Tumanggi na si Silver, pero pinipilit pa rin siya ni Benjamin. At gusto sanang umawat ni Evie dahil alam niyang bawal uminom si Silver ng marami, perp hindi na lamang siya umimik. Dahil naisip niya rin na ito lang ang paraan para mapaalis ito ng apartment niya.Kaya kinuha na ni Evie ang mga damit ni Silver at inabot ito sa binata."Go on! Have some drinks, you boys! I need to rest too." payak niyang pagngiti na tila pinalalayas na niya ang mga ito. Masyadong awkward para sa kanya ang magkakasama sila lalo sa bahay niya.Masama man ang loob, bagsak balikat na lamang kinuha rin ni S
KUNG KANINA AY halos walang buhay at gana si Evie, ngayon puno siya ng sigla at tuwa dahil sa mga supresang ginawa ni Silver para sa kanya.Nagkwentuhan lang din sila ng tungkol sa ginawa nila sa trabaho sa mga nagdaang araw. Nakwento at ipinakita rin ni Evie kay Silver ang binigay at ginawang surpresa rin ni Benjamin sa kanya."Tss.. Mas maganda yung akin noh!" halata mang na-intimidate ito pero dinadaan na lamang sa biro."Woo! Siguro may nakapagchismis lang sayo ng ginawa sa akin ni Benjamin kaya gumaya ka!""Oy hindi ah? Nag-half day nga ako sa trabaho para lang mahanda lahat ng toh. Nag-extra pay pa ko kay Matt para lang tulungan ako.""Buti pumayag? Wala siyang date?""Mayroon. Ayaw ba niya ng additional pang date?"Natatawa na lamang si Evie rito at napapailing. Aminado siyang hindi niya maalis ang mga ngiti.Mas lalo niyang naa-appreciate ang kagwapuhan ni Silver sa suot nitong suit and tie, brushed up hair at clean tri
PAGKALABAS NG KWARTO niya si Evie, sinalubong naman kaagad siya ni Steve na sabik sa kanya. "Good morning, baby." paghimas niya pa sa leeg at katawan ng aso. Arf! Biglang tumahol si Steve at nanakbo patungo sa may pintuan. Arf! Laking taka ni Evie kung bakit tumatahol roon si Steve kaya sinundan niya ito roon. *Tok! Tok! Mas lalo niya kinabigla nang makarinig ng katok sa pintuan. "Aba? Sino naman kaya --" napatingin siya sa malaking wall clock. "Alas nuwebe pa lang eh." Kaagad na rin binuksan ni Evie ang pintuan niya at biglang nabuhay ang mga dugo niya dahil sa hindi inaasahan na bisita. Nanlalaki at napaawang na lang siya ng mga labi habang nakatitig kung sino ang nasa harapan niya. "Good morning!" magiliw na bati nito. Halos hindi na naman makita ang mga chinitong mata nito dahil sa lapad ng ngiti kay Evie. "Be -- Benj.." sabay na gulat at kaba ang nadarama n
BINUHAT NA MULI ni Evie ang bata na mas kalmado na ngayon dahil pagod na, karga-karga nitong nagmamadaling maglakad patungo sa kotse niya at nilagay sa passenger's seat."Ay bawal pala ang bata rito sa harap. Eh wala naman akong baby seat?" napamewang pa si Evie rito na tila nagiisip.Sa huli ay kinabitan na lamang niya ng seat belt ang bata at maingat na nagmaneho patungo sa police station.Nagawan na ng report ang patungkol sa nawawalang bata, pero kagaya ng sinabi sa kanya ng admin officer, hindi niya maaaring iwan ang bata roon."Di ba dapat -- sa pangangalaga ng women and children's desk na toh? Makikomunikasyon kayo sa DSWD.""Ginagawa naman na po namin Ma’am." napalinga pa ang police officer sa paligid. "Pero nakikita niyo naman po, wala pong babaeng naka-duty ngayon. Since, nasa amin naman na po ang contact information niyo, kapag mayroong nag-report sa amin ng nawawalang bata, tatawagan na lang po namin kayo para maidala niyo na po y
"HI MA’AM, try niyo ito para kay baby?." paglapit kaagad ng sales lady at haya ng isang ternong shirt at pang ibaba."Ah, sige. Yung size para sa kanya.""Sige po Ma’am."Hindi madalas sa baby section si Evie kung hindi lang niya kailangan mamili ng ipangreregalo sa inaanak at pamangkin. Pero ngayon nag-e enjoy na rin siyang mamili ng damit at sapatos. Hindi niya alam pero munting tulong na rin niya siguro sa bata."Ang gwapo-gwapo naman po ng anak niyo Ma’am, mana sayo." puri pa ng sale's lady ng isuot niya sa bata ang sapatos na binili para rito."Ah eh. Hehe thank you." hindi na lang niya sinabi ang totoo dahil tinatamad siyang mag-explain.Sinungaling naman neto? Hindi ko naman anak toh eh, paano magmamana sa akin?Sunod ay sa grocery na naman muli sila nagpunta. Sinakay ni Evie ang bata sa cart at tinulak niya iyon. Nag-unat unat pa siya ng mga braso niya dahil sa wakas, hindi na niya buhat ito.
NATATAMEME AT NAPAPAISIP pa rin si Evie sa mga sinabi ni Silver."You don't have to think about it, mommy. As I said, whatever happens, I'm gonna make all our dreams come true, together."Pero hindi pa rin maiwasan pagisipan ito ni Evie. Nabibigla lang siguro siya pero ang mas nakakapagpabigat ng isipin niya ay ang desisyon sa buhay niya na hindi pa rin siya sigurado kung matatanggap ba niya, dapat niya bang tanggapin o hindi.Bakas sa mukha ni Silver ang saya ng sabihin ito sa kanya kaya tila nagaalangan siyang alamin pa rin ang patungkol sa bagay na pareho nilang kinaiilangan pagusapan. Ayaw naman din niya masira ang gabi nilang dalawa dahil ngayon na lamang muli sila nagkasama at aminado siyang nami-miss niya rin ang binata.Pinaglatag na lamang ni Evie ng makapal na comforter sa baba ng kama si Silver dahil ayaw nitong matulog sa sofa na. Halata sa mukha ni Silver ang pagkadismayado pero wala naman din siyang magagawa.Palihim na natatawa si Ev
NAHIHIYA MAN, wala na ring nagawa si Evie kung hindi sumunod kay Silver."Good morning Sir Silver -- Miss Evie?" tila nabibigla namang bati ng gwardya nila sa gusali."Good morning po." magiliw na bati ni Silver rito at nauna ng pumasok habang tulak ang stroller."Good morning, kuya Jorge." tila nahihiya at pagpapalusot na lamang ni Evie na nagmamadaling makapasok at sunod kay Silver.Halatang puno ng pagtataka ang reaksyon ng gwardya nila patungkol sa nasaksihan pero hindi na ito nakapagtanong pa."Good morning Sir -- good morning Miss Evie.""Good morning po."Panay bati naman sa kanila ang mga empleyadong nakakasalubong, magiliw naman binabati rin ito ni Silver ngunit si Evie ay nakakadama ng kaunting hiya.Nang makarating sila bandang elevator ay inaasahan na ni Evie na all eyes sa kanya ang lahat ng empleyadong naroon at mas lalo ngayon dahil halatang kasama niya pa si Silver na nagtutulak ng stroller. May iilang nakakaala
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata