Share

Chapter 54

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-08-18 06:00:00

BINUHAT NA MULI ni Evie ang bata na mas kalmado na ngayon dahil pagod na, karga-karga nitong nagmamadaling maglakad patungo sa kotse niya at nilagay sa passenger's seat.

"Ay bawal pala ang bata rito sa harap. Eh wala naman akong baby seat?" napamewang pa si Evie rito na tila nagiisip.

Sa huli ay kinabitan na lamang niya ng seat belt ang bata at maingat na nagmaneho patungo sa police station.

Nagawan na ng report ang patungkol sa nawawalang bata, pero kagaya ng sinabi sa kanya ng admin officer, hindi niya maaaring iwan ang bata roon.

"Di ba dapat -- sa pangangalaga ng women and children's desk na toh? Makikomunikasyon kayo sa DSWD."

"Ginagawa naman na po namin Ma’am." napalinga pa ang police officer sa paligid. "Pero nakikita niyo naman po, wala pong babaeng naka-duty ngayon. Since, nasa amin naman na po ang contact information niyo, kapag mayroong nag-report sa amin ng nawawalang bata, tatawagan na lang po namin kayo para maidala niyo na po yung bata rito."

Hindi pa rin makapaniwala si Evie sa sinabi ng officer kaya mas nais niya itong linawin.

"So, are you saying Sir na -- iuwi ko muna yung bata?" pagturo pa nito sa batang nakahiga na sa waiting area. Mukhang napagod na talaga ito.

"Wala naman pong kaso dun Ma’am, gaya nga ng sinabi ko po, kokontakin po namin kayo sa oras na may mag-report na nawawalan ng anak."

"Ugh?" nakapataas na lamang ang dalawang kilay niya at napapanganga because of her disbelief. "Eh Sir -- ni hindi ako marunong magalaga ng bata!" tila pagmamaktol na nito.

"Eh Ma’am, tingan niyo naman po kami ulit?" napalibot naman din si Evie ng tingin sa kabuuan ng police station. Puro mga lalaki nga ang naka-duty roon ngayon. "Mas wala po may kayang magalaga ng bata sa amin dito. Saka, marami pa po kaming inaasikasong trabaho, mas hindi po namin maalagaan ang bata."

"Eh di gawan niyo po ng paraan! Ako na nga ang tumulong sa bata para matagpuan, ako pa ang magaalaga?!" tila naiinis pang reklamo nito pero hindi na siya naimikan ng mga pulis na naroon, nagbaba pa ito ng tingin sa kanya na tila nahihiya. Napalingon muli siya sa batang nakatulog na, tila nahahabag naman siya rito kaya napahilot na lang siya ng sintido.

Isang malakas na buntong hininga na lamang ang naiganti niya sa mga ito.

"Fine! But please, hurry up! May trabaho na ako sa lunes kaya dapat bukas, makuha na sa akin ang batang ito. I'm a busy woman! Kaya nga hanggang ngayon wala pa kong anak tapos --pagaalagain niyo pa ko?!"

Sobrang bugnot at inis na lamang ang nararamdaman niya. Maingat naman niyang kinarga ang natutulog na bata paalis ng police station.

Maingat niya iyon inilapag sa passenger's seat at ipinahiga ang upuan.

Nagmaneho siya sa pinakamalapit na bukas pang grocery store, nagbilin siya sa guard sa pinagparadahan niya na hindi nakababa ang bintana ng kotse niya dahil may bata sa loob.

Mabilis siyang pumasok sa loob upang makabili ng gatas ng bata, nakabili rin siya ng feeding bottles at iba pang gamit ng bata, mabuti na lang at mayroong mini sari-sari store yun na nagbebenta rin ng damit kahit mumurahin lang. May maipangpalit lang siya sa bata.

Pagkabalik niya sa kotse, namasdan pa niya ang bata na mahimbing na natutulog, hinawi niya ang kaunting buhok na napupunta sa noo nito. Tila ngayon lang niya napansin ang pagkamestiso ng bata, parang anak sa banyaga kaya gwapo tingnan.

Nagmaneho na siya pauwi ng apartment niya, at nang makapasok ay tila galit na galit si Steve dahil karga niya ang bata.

Arf!

"Steve! No! Be quiet. Baka magising --" bahagyang gumalaw ang bata na nakasubsob sa balikat niya. "Steve, shh.."

Inihiga niya muna ang bata sa long sofa niya at kaagad na nilapitan ng aso ito, inaamoy at dinilaan pa ito ni Steve.

"Steve, behave ah? Don't eat him. Hindi atin yan." pagsuway niya pa sa aso niya bago lumabas ulit ng unit niya para ipanik naman ang mga napamili niya.

Nang makabalik na siya, kaagad niyang inasikasong linisin, palitan ng diapers at palitan ng mas komportableng damit ang bata. Naka-shirt at jumper pants ito kaya hindi komportable ipangtulog.

Habang mahimbing pa rin ang bata, dinala na niya ito sa kama niya para mas makatulog na ito at siya naman ang naglinis ng sarili.

Pakiramdam niya, sobrang pagod siya ngayon dahil sa pagkarga sa bata at pagpunta kung saan. Nagmamadali siyang kumilos dahil baka magising ang buti, mabuti na lamang ay tulog pa rin ito at mukhang binabantayan ni Steve.

"Big boy na talaga ang Steve ko ah? Pero ikaw pa rin ang baby ko." paghimas pa nito ng ulo ng aso.

Naupo siya sa kama at minasdan ang batang nakahilatang natutulog. Hinawi niya ang buhok nito na natatakip sa noo.

"Ang cute mo naman, pero bakit ka kaya iniwan ng mama mo dun? Kung anak ko siguro ang nawala, baka mabaliw na ko kakahanap." napabuntong hininga siya habang nakamasid pa rin sa bata.

Naglagay siya ng unan sa kabilang dulo ng kama para hindi mahulog ang bata roon bago niya kinumutan. Umilalim na rin siya sa kumot at mabilis na nakakuha ng tulog dahil na rin sa pagod.

"Waaah! Mama!"

Isang malakas na iyak ang gumulat kay Evie sa pagkakatulog kaya siya nagising. Kaagad niyang nilingon ang batang nakapaupo sa kama na umiiyak na naman.

"Shh baby.. Don't cry.." pilit niyang patahan kahit pa pikit ang isang mata dahil sa antok pero mas lalo lang umiyak ang bata.

"Mama!"

"Wala pa ang mama mo, baby eh. Huwag ka na umiyak please?" pagbangon na rin niya at upo sa kama katabi ng bata. "Shh shh.. Tahan na baby."

"Mama! Dede! Mama!" ngawa pa rin nito habang umiiyak.

Napagtanto ni Evie ang gusto ng bata kaya kaagad siyang bumangon sa kama.

Halos liparin niya ang kusina para kunin ang pinamiling gatas ng bata at feeding bottles. Nagpakulo muna siya ng tubig para ma-sanitize ito. Panay sulyap siya sa batang umiiyak sa kama habang iniintay matapos ang ginagawa.

Kaagad niyang natimplahan ng gatas ito at bumalik ng kwarto.

"Baby oh! Heto na!" kinakalog pa niya ang feeding bottle bago iniabot sa bata.

Kaagad itong kinuha ng bata at dinede na. Bigla rin itong natahimik at doon na nakahinga ng maluwag si Evie. Napaupo na rin siya kama habang minamasdan ang bata na biglang nahiga na. Tinapik-tapik niya ang hita nito bilang paghele habang dumidede pa rin ang bata sa bote nito.

"Tulog na baby.. Hmm hmmm.." hinele niya rin ito ng malambing na himig habang tinatapik pa rin.  "Tulog na baby hmm hmm.." pero mukhang mas siya ang mauunang makatulog dahil panay hikab siya sa ginagawang paghele. Nakapa-Indian seat siya sa kama habang nakapangalumbaba na dahil sa antok, nakapikit na rin ang mga mata niya ngunit patuloy sa ginagawang paghele.

Nang maubos na ng laman ng bote ay nabitawan na iyon ng bata, unti-unti naman itong nahihimbing na.

Muntik ng masubsob ni Evie ang ulo pero kaagad siyang nakadilat. Nakita niyang tulog na pala ang batang hinihele, and so is she. Inalis niya ang bote at kinumutan muli ang bata bago siya maginhawang nahiga na rin.

"Mama!"

Isang malakas na ngawa na naman ng bata ang biglang gumising kay Evie kaya napadilat at balikwas kaagad siya.

"Ay mama!" sa sobrang gulat niya, biglang bangon siya ng wala sa wisyo.

Nang makita ang batang nakaupo sa kama na nagiiyak na naman, doon lang niya napagtanto ang sitwasyon niya.

"Gutom ka na ba baby? Magtitimpla lang ako ng gatas mo ah. Wait lang.." kahit parang zombie pa siya sa paglalakad patungong kusina, pinagtimpla niya muli ang bata ng gatas.

Kaagad rin naman niya iyon ibinigay rito at dinede rin ng bata kaya nanahimik. Nakapahigang sandal ito sa unan habang tahimik na dumidede. Napaupo na lang si Evie sa kama at tiningnan kung anong oras na.

"9:27 na pala. Akala ko maaga pa." napapakamot na lang siya ng magulong buhok bago nagayos ng sarili at tumungong banyo.

Pagkabalik niya ng kwarto, halos mag-dive siya sa kama para mahawakan ang damit ng bata dahil malapit na itong mahulog sa kama!

"Susmaryosep kang bata ka! Baka mapatay ako ng magulang mo kapag nabukulan ka." sobrang nerbyos at pagaalala ang naramdaman niya dahil sa nasaksihan at ginawa.

Maingat niyang binalik ang bata sa kama at tila walang imik naman ito sa kanya.

"Mama!"

Napabuntong hininga at kamot na lang siya ng ulo habang minamasdan ang batang walang humpay sa paghahanap ng nanay niya.

"Ahm, baby? What's your name?" mahinahon niyang pagusisa na.

Parang ayaw siyang pansinin ng bata kaya hinimas niya ito sa ulo.

"Baby? Anong pangalan mo?"

Pero mukhang hirap pa ito sa pagsasalita.

"Ilang taon ka na kaya? Two? Three? Pero bakit hindi ka pa nagsasalita?" pagkausap pa niya sa bata na hindi naman siya iniintindi.

Biglang napansin ng bata ang stuff toy niyang nasa uluhan ng kama at kinuha yun. Sa unang pagkakataon, ngumiti ang bata kaya natuwa siya dahil sa nagustuhan nito ang stuff toy niyang bigay ni Silver.

"Gusto mo ba ng laruan? Ibibili kita mamaya." nangingiti na lang siya rito dahil mukhang napatahan na niya.

Kinarga niya ang bata patungo sa salas at inilapag sa carpeted floor.

"Steve, bantayan mo siya ah? Huwag mong kakagatin." pagbabanta niya sa aso niyang nakaabang sa bata at inaaamoy-amoy nang ilapag niya ito.

Mabilis kumilos si Evie habang naghahanda ng almusal niya. Panay sulyap at silip siya sa may salas kahit may ginagawa para makita kung anong ginagawa ng bata.

Napansin niyang nakapahiga na si Steve katabi ang batang nanonood na lang ngayon. Hindi niya mapigilang mangiti dahil mukhang hindi takot ang bata sa malaking aso niya, at ang alaga naman ay mukhang okay na sa bata.

Mabilis siyang nakapagluto ng sunny side up egg at nag-toast ng tinapay. Nilabas niya rin ang cheese spread at imbes na sa dining siya naghain, sa may coffee table niya nilagay ang mga hinanda.

"Baby, let's eat!" hayag niya sa bata at minasdan lang siya. Naupo rin siya sa sahig at mabilis na lumapit si Steve sa kanya. "Here's yours baby." pagbigay pa niya ng isang buong tinapay kay Steve at kinain naman din yun ng aso.

"Aaand, come here baby boy, let's eat oh." pagsubo pa niya ng piraso ng itlog sa bata. Sinubo kaagad iyon ng bata na tila nagustuhan kaya napangiti siya rito. "Aba, gusto mo pala nito ah. Ito pa baby oh."

At sinubuan niya ang bata ng lahat ng hinain niya. Habang kumakain siya, panay pa rin pagsubo niya ng tinapay na may cheese at itlog sa bata.

Naubo ang bata dahil mukhang nabulunan kaya mabilis niyang pinainom ng tubig.

"Ang takaw naman pala ng baby na toh, nakakatuwa."

Nang hindi na sinusubo ng bata ang pagkain, alam niyang busog na ito kaya tinapos na rin niya ang pagkain. Mabilis niyang niligpit rin ang mga ito.

"Nagalmusal pa lang ako pero bakit parang hinihingal na ko?" saad pa niya habang nakapamewang na nakatingin sa batang nanonood. Ni ayaw bitiwan nito ang stuff toy niya.

Nilapitan na niya ang bata at naupo rin sa sahig.

"Baby, anong pangalan mo?" paghimas niya sa buhok pa nito pero hindi siya pinansin ng bata. "Nasaan si mama?" at doon siya nilingon ng bata.

"Mama!"

"Oo baby, nasaan si mama?"

"Mama!" mukhang iiyak na naman ito kaya nataranta si Evie kung papaano ito pipigilan.

"Nako! Nako! Ahm.. Hahanapin natin si mama mo ah? Teka ano ba? Ahm.."

Naalala niya ang phone niyang hindi man lang niya nailabas sa bag niya mula pa kagabi. Kaya kaagad siyang nanakbo para kunin ito.

Nakita niyang sabog iyon ng mga text at Missed calls mula kay Silver. Mukhang nanggagalaiti na ito sa kanya.

"Nako lagot."

Pero mas inuna pa muna niyang i-check kung may tawag o text man lang ba galing sa police station pero ni isa ay wala.

"Grabe naman, wala ba talagang naghahanap sa batang ito?"

*Kriing! Kriing!

"Ay kiki!" halos mabitawan niya ang hawak na phone ng bigla itong tumunog. Nakita niyang si Silver ang tumatawag kaya nag-sign of the cross muna siya bago sagutin iyon. "Hello?"

(Hello? Mommy! Bakit ngayon ka lang sumagot ha?!)

Halos ilayo niya ang phone sa tainga niya dahil sa singhal ni Silver.

"Sorry, nakalimutan ko lang --"

(Nasaan ka ba kagabi ha? Nag-bar ka? Sinong kasama mo?)

"Hindi noh! Chill ka nga? Paano ko kukwento sayo kung hyper ka dyan? Yung BP mo!"

(Eh bakit kasi hindi ka man lang nagre-reply sa akin?)

"Kasi nga --"

Naikwento ni Evie ang buong pangyayari kagabi, hindi naman makapaniwala si Silver sa kwento niya.

(Bata? Kaninong bata yan? Anak mo?)

"Baliw! Kung anak ko toh eh di sana hindi ko iniwan kung saan di ba? Hindi ako kasing burara ng nanay neto excuse me!" pag-irap pa niya habang hinihimas ang ulo ng bata na nanonood muli.

(Oh eh anong sabi ng mga pulis? Wala pa rin nag-claim sa bata?)

"Wala pa nga eh, puntahan ko na lang kaya ulit dun?"

(Sige mommy puntahan mo pero -- nakakapagtaka namang walang nagre-report kung may nawawalan ng anak di ba?)

"Kaya nga eh. Babalik na rin kami sa MOA para mag-report ulit dun. Baka sakali may naghahanap na rin na magulang neto."

(Sige mommy, ipa-check mo ang cctv ng mall at kung saan mo natagpuan yang bata.)

"Oo nga noh? Sige daddy. Ikaw ba? Kamusta ka dyan?"

(Eto, miss na miss ka na. May inaasikaso pa kasing supplies na darating eh, kaya hindi ko pa maiwan.)

"Okay lang, magiingat ka dyan ah at -- behave ka!"

(Behave ako noh! Para akong sinaing sa rice cooker, hindi kailangan bantayan.)

"Ashushushu... Ipapatong talaga kita sa sinaing kaya umayos ka dyan!"

(Maayos ako. Ikaw umayos dyan, baka mamaya -- nakikipag-date ka na.)

"Sira! Oh siya sige na, mag-update na lang din ako sayo mamaya."

(Okay mommy, I love you.)

"I love you more."

Kaagad na nagpainit ng tubig si Evie para may maipampaligo sa bata. Mabilis niya itong pinaliguan at nang matapos ay inilagay niya ito sa portable wooden tab niya bago siya naman ang naligo ng mabilisan.

Grabe! Ganito pala ang feeling na may inaalagaang bata? Ni hindi pwedeng kumurap o mawala ng matagal. Hay!

Ito na siguro ang pinakamabilis na mga pagkilos niya, ni hindi na siya nagabalang magayos ng sarili, liptint lang sapat na. Bara-barang pagtali na lang din ang nagawa niya sa itaas na parte ng buhok para hindi humarang sa mukha niya. At nagsuot lamang siya ng jeans, loose cropped tops at sneakers para mas komportable.

Nabihisan niya muli ang bata, pinulbuhan niya pa ito at sinuklayan ang manipis na buhok.

"Ayan! Pogi ka na! Ang bango-bango pa!" paghalik niya pa sa leeg nito na mukhang ikinakiliti ng bata.

Inayos niya ang mga gamit ng bata kagaya ng feeding bottles, gatas, diapers, bimpo at iba pa. Kinarga na niya ito bago lumabas ng apartment niya at nagtungo sa kotse niya.

Maingat siyang nagmaneho patungong police station, karga niya ang bata nang pumasok siyang abala halos lahat ng kapulisan roon.

May mga nagtatalong sibilyan na inaawat ng mga pulis, may mga pinapagalitan ng pulis, may mga nagkukumahog na kumakausap sa pulis at mayroon pang pumapalag na nakaposas pero hawak ng pulis.

Nawiwindang at naguguluhan si Evie sa kaganapan sa police station, pati ang batang karga niya ay napapatingin sa paligid.

Naupo siya sa waiting area dahil mayroon pang matanda na mukhang nagre-report dahil nanakawan.

Nang matapos iyon ay kaagad siyang lumapit sa pulis na nasa desk na mukhang aburido na.

"Ahm, good morning Sir. May report na po ba o update tungkol dito sa bata? Kung may naghahanap na ba?"

Napatingin sa kanya ang pulis na mukhang na mumukhaan naman siya.

"Ah Miss. Nako! Wala pa! Simula nung dumating ka kagabi, wala pang nagpupunta rito para mag-report kung nawawalan sila ng anak."

Napabagsak balikat naman si Evie dahil sa nalaman.

"Ganun po ba.. Make sure naman pong kontakin niyo kaagad ako kapag mayroon na po ah."

Dahil mukhang wala pang mapapala si Evie sa police station, nagmamadali na lamang siyang makabalik sa kotse. Maingat niyang iniupo at kinabitan ng seat belt ang bata. Nagmaneho kaagad siya patungo sa mall kung saan niya ito natagpuan.

Dumiretso siya ulit sa admin office at nakiusap na kung maaari bang i-review ang cctv footage kung saan niya natagpuan ang bata.

Habang pinapanood niya, ng admin officer at ang nagkokontrol sa cctv footages, sa wakas ay nakita na nila ang bata na naglalakad patungong parking area. Mukhang doon pa lang ay mag-isa ma ito.

"Sino kaya kasama ng bata?" napatanong pa si Evie habang focus sa monitor.

Nag-review pa ng mga ilang kuha ng cctv pabalik mula sa makarating ang bata sa parking at nakita na niya ito.

Ilang minuto ang magtagal at sa wakas ay nakita na nila kung sino ba talaga ang kasama ng bata.

Isang babae na nakasumbrero at naka-sunglasses ang may karga sa bata. Mukhang ito ang ina dahil may dala itong baby bag at mukhang komportable ang bata kasama ito. Kung sa una ay mukhang simple mag-ina silang namamasyal sa mall.

Pero ilang sandali pa habang nasa isang food stall sila ay may lumapit na babae sa ina ng bata. Mukhang nagulat ang ina ng bata dahil parang galit ang babaeng lumapit sa kanya. Lalo nilang pinakatutukan ang panonood dahil hinigit ng babae ang braso ng ina ng bata na tila hinihila ito.

Nagpupumiglas ang ina na hawak naman ang anak niya na parang nakakaladkad na. Halatang kinausap ng ina ang tindera ng stall kaya lumabas ito sa stall niya at hinawakan ang bata. Mukhang nakipagsagutan na ang ina sa babaeng lumapit sa kanya. Nasampal ang ina at kinakaladkad ito kung saan.

Sinundan nila ang sumunod na cctv cam kung saan patungo ang mga ito na para bang nanonood ng telenovela. Nakaladkad hanggang sa labas ng mall ang ina ngunit bago pa man sila makalayo ay nakatakas ito at nanakbo kung saan. Hindi naman na siya naabutan ng babaeng nanggagalaiti.

Mabilis na bumalik sila sa stall kung saan naiwan ang bata. Nakatayo lang ito sa loob, pero nang may bumili na customers sa stall ay nalingat na ang tindera. Naging abala ito at hindi na napansin ang pagalis ng bata sa stall. Naglalakad-lakad ang bata sa hall ng mall na mukhang hinahanap na ang nanay niya. Hanggang sa nakarating na nga ito sa parking kung saan nakita ni Evie.

Halos magiisang oras ang lumipas ay nakita muli sa cctv footage ang nagmamadaling ina ng bata na bumalik sa food stall na pinagiwanan rito. At doon lang din tila napansin ng tindera na wala na pala ang bata na iniwan roon. Hindi rin naman ito masisi dahil abala pa rin ito sa pagbebenta ng produkto niya kaya hindi napansin ang bata na umalis.

Mukhang naging aligaga ang ina at pinaghahanap ang bata. Lumapit pa ito sa isa sa mga gwardya.

"Nawawala na nga ang anak niya, bakit hindi siya nag-report dito sa inyo?" taka pang komento ni Evie.

Nagkibit balikat naman din ang admin officer.

"Kaya nga Ma’am eh. Baka natakot kasi may pinagtataguan?"

"Kaya siguro hindi rin siya nag-report sa mga pulis? That's lame! Anak niya itong naiwala niya! Anong klaseng ina siya?" bwisit na saad pa ni Evie dahil ni walang lead kung saan o kung papaano matatagpuan ang ina ng bata.

Mainit man ang ulo, wala na ring nagawa si Evie kung isama muli ang bata sa kanya. Naka-antabay naman na ang pamahalaan ng mall kung sakaling mamataan ang ina ng bata.

Buhat-buhat niya ang bata at patungo sana silang loob ng department store ng makaamoy siya ng hindi kanais-nais.

"*Sniff! Umutot ka ba? Grabe ah?" takang saad pa niya sa bata at narinig niyang umutot nga ito ng mas malakas na at may umalingasaw ang amoy rito. "Ugk! Nako! Mukhang nagpasabog ka dyan baby ah?" pagtakip pa niya ng ilong at dali-dali niyang tinungo ang women's restroom.

Mabilis niyang inilatag ang changing board at inihiga ang bata roon.

"My goodness! Paano ba toh."

Naiilang siyang hinubaran ang pangibaba ng bata hanggang sa diaper na lang nito ang natira. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakakabit ng diaper at tumambad nga sa kanya ang puno nitong dumi sa loob.

Gustong masuka ni Evie sa nakita pero pinipigilan niya. Panay rin iwas at takip niya ang ilong at bibig dahil rito.

Napagtitingin na siya ng mga babaeng naglalabas pasok sa banyo dahil siguro nababahuan na rin sa dumi ng bata.

Mabilis na lamang niyang inalis at binalot ang diaper bago naitapon sa basurahan. Nilinisan niya ng wet wipes ang bata at unti-unti na rin nawawala ang nakakasulasok na amoy na bumalot sa buong restroom.

"Grabe naman ang pasabog mo baby, mamamatay ako."

Nilinis niya pang mabuti ang bata at nilagyan ng pulbos bago kinabitan ng panibagong diaper. Doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Mabuti na lamang at walang angal naman ang bata sa ginagawa niya pero bahagya siyang napasandal sa pader dahil  napagod siya sa nagawa.

Muli niyang kinarga ang bata at dumiretso na nga silang department store. Kaagad niyang hinanap ang baby section at nagtingin ng damit.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 55

    "HI MA’AM, try niyo ito para kay baby?." paglapit kaagad ng sales lady at haya ng isang ternong shirt at pang ibaba."Ah, sige. Yung size para sa kanya.""Sige po Ma’am."Hindi madalas sa baby section si Evie kung hindi lang niya kailangan mamili ng ipangreregalo sa inaanak at pamangkin. Pero ngayon nag-e enjoy na rin siyang mamili ng damit at sapatos. Hindi niya alam pero munting tulong na rin niya siguro sa bata."Ang gwapo-gwapo naman po ng anak niyo Ma’am, mana sayo." puri pa ng sale's lady ng isuot niya sa bata ang sapatos na binili para rito."Ah eh. Hehe thank you." hindi na lang niya sinabi ang totoo dahil tinatamad siyang mag-explain.Sinungaling naman neto? Hindi ko naman anak toh eh, paano magmamana sa akin?Sunod ay sa grocery na naman muli sila nagpunta. Sinakay ni Evie ang bata sa cart at tinulak niya iyon. Nag-unat unat pa siya ng mga braso niya dahil sa wakas, hindi na niya buhat ito.

    Last Updated : 2021-08-19
  • As You Needed   Chapter 56

    NATATAMEME AT NAPAPAISIP pa rin si Evie sa mga sinabi ni Silver."You don't have to think about it, mommy. As I said, whatever happens, I'm gonna make all our dreams come true, together."Pero hindi pa rin maiwasan pagisipan ito ni Evie. Nabibigla lang siguro siya pero ang mas nakakapagpabigat ng isipin niya ay ang desisyon sa buhay niya na hindi pa rin siya sigurado kung matatanggap ba niya, dapat niya bang tanggapin o hindi.Bakas sa mukha ni Silver ang saya ng sabihin ito sa kanya kaya tila nagaalangan siyang alamin pa rin ang patungkol sa bagay na pareho nilang kinaiilangan pagusapan. Ayaw naman din niya masira ang gabi nilang dalawa dahil ngayon na lamang muli sila nagkasama at aminado siyang nami-miss niya rin ang binata.Pinaglatag na lamang ni Evie ng makapal na comforter sa baba ng kama si Silver dahil ayaw nitong matulog sa sofa na. Halata sa mukha ni Silver ang pagkadismayado pero wala naman din siyang magagawa.Palihim na natatawa si Ev

    Last Updated : 2021-08-20
  • As You Needed   Chapter 57

    NAHIHIYA MAN, wala na ring nagawa si Evie kung hindi sumunod kay Silver."Good morning Sir Silver -- Miss Evie?" tila nabibigla namang bati ng gwardya nila sa gusali."Good morning po." magiliw na bati ni Silver rito at nauna ng pumasok habang tulak ang stroller."Good morning, kuya Jorge." tila nahihiya at pagpapalusot na lamang ni Evie na nagmamadaling makapasok at sunod kay Silver.Halatang puno ng pagtataka ang reaksyon ng gwardya nila patungkol sa nasaksihan pero hindi na ito nakapagtanong pa."Good morning Sir -- good morning Miss Evie.""Good morning po."Panay bati naman sa kanila ang mga empleyadong nakakasalubong, magiliw naman binabati rin ito ni Silver ngunit si Evie ay nakakadama ng kaunting hiya.Nang makarating sila bandang elevator ay inaasahan na ni Evie na all eyes sa kanya ang lahat ng empleyadong naroon at mas lalo ngayon dahil halatang kasama niya pa si Silver na nagtutulak ng stroller. May iilang nakakaala

    Last Updated : 2021-08-21
  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

    Last Updated : 2021-08-22
  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

    Last Updated : 2021-08-23
  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

    Last Updated : 2021-08-24
  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

    Last Updated : 2021-08-25
  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

    Last Updated : 2021-08-26

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status